Tuesday, June 2, 2009

Episode XXX: Normal na Buhay

(Sa NBA)
Pinakamagaling na IT technician: Sir, mahirap to.
Antonio: Waaa!!! Pano natin gagawin to?
Marie: Sir, baka po si Maj. San Miguel.
Antonio: Si Maj. San Miguel? Yung kasamahan ni Col. Cortez? I don’t think so.
Marie: Pero sir, yun na lang po ang only chance natin.
Antonio: Sige, pero siya lang. Wala nang kasama.
Marie: (pabulong) parang insecure to kay Col. ah.

(Sa Campo Reporma)
Eugenio: Balik na siguro tayo sa dating buhay.
David: Oo nga eh. Ako na lang maiiwan dito sa Campo Reporma.
(nag ring ang cellphone ni Leon)
Leon: Hello?
(on phone) Marie: Maj. San Miguel? Si Marie po ito.
Leon: Hi, binibini.
(on phone) Antonio: Hello. Ako si Mr. Linsangan, may-ari ng NBA. Pwede ka ba pumunta dito para tulungan kami na ayusin itong system namin?
Leon: Ay hindi eh.
(binaba ang phone)

(Sa NBA)
Amy: Sir, hindi na natin kailangan ng IT specialist.
Antonio: Don’t call me sir.
(tinanggal ni Amy ang bond paper na nakadikit sa monitor ng computer.)
Antonio: Tinakpan lang ng papel? WTF! Ang tanga mo ARK!

(After many weeks and months.)

(Sa XES Faculty)
JR: Nasaan ba si Anito?
Danilo: Napapansin ko nga lagi nang absent yun eh.
Leon: Baka tulog.
JR: Gutom na ako. Tawag nga muna ako ng CO.
Leon: Hay naku, lagi na lang CO.
Danilo: Buksan mo nga yung TV.
(binuksan ang TV)
(on TV): JESSICA GURYON, FOR PRESIDENT!
Danilo: Malapit na nga palang eleksyon no?
Leon: Oo nga eh.
Danilo: Ay pre, nabalitaan mo na ba?
Leon: Ano yun?
Danilo: Ano bang nilalaro mong computer game?
Leon: Nung medyo bata pa ako, GTA V. Tapos GTA VI, pero ngayon hindi na. Wala nang GTA eh.
Danilo: Merong bagong laro, para rin daw GTA pero, multi player.
Leon: Ah, pwede ka naman mag download ng modification eh.
Danilo: Hindi pre, astig to. Hindi ka lang maglalaro. Ikaw mismo yung player. Ikaw mismo yung tatakbo.
Leon: O?
Danilo: Dinedevelop pa nga raw eh.
Leon: Sino gumawa?
Danilo: Fox Games.
Leon: E di meron din siyang bansa?
Danilo: Di ko nga alam eh. Di bale pag lumabas.

(Sa Camp John Hey)
Eugenio: Pupunta lang ako sa barber shop ko ah.
(lumabas si Eugenio ng Camp John Hey at may dumating na mga pulis at hinuli siya)
Pulis: You are under arrest.
Eugenio: Teka, ano ibig sabihin nito?
Pulis: Ikaw yung nagpakawala kay Padre Damaso.
Eugenio: Hindi pa nahuhuli si Padre Damaso! Saka, pano mangyayari yun!!
Pulis: Nakita sa CCTV ang naka chain na dogtag duon sa suspect, na zoom namin at ikaw ang naka pangalan. Kasing katawan mo rin, naka bonnet lang.
Eugenio: Hindi ako yun!

(Sa Campo Reporma)
David: Ano? Nahuli ka? Teka, dadalaw ako dyan, tatawagan ko lang si Leon.
(binaba ang telepono)

(Sa Konvic Office)
Vic: You ready?
Bert: Yeah.
Vic: Leave no trace behind ah.
Bert: Sure. (sinuot na ang bonnet at umalis nang naka-van na puti)

(sa Kalye Escano, nakasakay ng kotse si David at nagmamaneho)
David: Hello?
(on phone) Leon: Oh, pare, napatawag ka?
David: Oo, si Eugenio daw nakulong.
Leon: Ha? Anak ng- bakit?
David: Pupuntahan kita dyan sa XES.
Leon: Sige.
David: Basta mag-abang-
(natigil ang paguusap nila David at Leon ng pumutok ang gulong ni David. Bumangga ang sasakyan sa isang puno. Lumabas ang airbag ngunit hilo si David)
Leon: David? David? Ano nangyayari?
(pumarada ang puting van sa tabi ng kotse at lumabas ang 2 naka bonnet na lalaki. Sinuntok si David at isinakay ng van. Humarurot papaalis ang van. Makalipas ang ilang minuto, sumabog ang sasakyan ni David.)

(Sa XES Faculty)
(on TV): Kakapasok lang pong balita, isang kotse po ang bumangga sa isang puno sa Kalye Escano. Sumabog po ang sasakyan at sinasabi na ang nagmamay-ari ng kotseng ito ay si Col. David Cortez. Maghihintay-
Leon: What the-? Kaya pala. Tsk.
(umalis agad si Leon)
Danilo: Si Col. Cortez…

No comments:

Cast of Characters

Danilo Montano/ Captain Nguso - ang orihinal na Danilo Montano. Siya pa rin si Captain Nguso. Guro sa isang industrial school.
Maj. Leon San Miguel - commandant ng paaralang pinagsisilbihan ni Danilo Montano. Isa rin siyang sundalo ng Philippine Navy. Miyembro ng samahang Ilustrado.
Col. David Cortez - Taga Philippine Army na kasama ni Leon sa PMA. Isa siya sa mga pinakabatang sundalo ng Army. Miyembro rin ng Ilustrado.
Lt. Col. Eugenio Galvez - kasamahan nila David at Leon sa PMA. Nagsisilbi rin siya sa Navy. Miyembro ng Ilustrado.
Domingo Lee - si Lee Kong King na nagbago ng pagkatao. Di siya nagpakilala bilang Lee Kong King at nagbago ng pangalan bilang Domingo. IT Specialist ng National Bank of Anonas (NBA). Sumama sa samahang Ilustrado.
Lloyd Lopez - NBI Agent. Isa siya sa mga di pinapansin na agent ng NBI dahil hindi magaling.
Jessica Guryon - TV Broadcaster na nais maging presidente ng Pilipinas.
Francisco Cosme - simpleng magsasaka na depositor ng NBA.
Marie Diana Estevez - teller ng NBA.
Amy Marquez - teller rin ng NBA pero sa new accounts.
Esther delos Santos - bank manager ng NBA.
King Ronaldo Canonizado - miyembro ng criminal syndicate na KONVIC. Siya ang laging ginagamit na pang front. Artista siya. Mas kilala bilang Ron Iglesia.
Jerome Manalastas - abogado ng KONVIC. Pangarap maging presidente ng Pilipinas.
Bertucio Pinaglabanan - dating miyembro ng EHS. Pero dahil naghihirap na sila ni Betina, kinakailangan nyang sumideline. Front nya ang pagjajanitor. Siya ang delivery man ng KONVIC.
Vic "AKON" Gonzaga - lider ng KONVIC. Pinagsamang aKON at VIC. Pinapalabas nila na ang kanilang samahang KONVIC ay NGO na tumutulong sa mga mahihirap na nasa probinsya.
Padre Damaso - isang voice over na nilalang na naguutos sa kanyang mga tauhan ng kasamaan. Lider ng samahang "Unity"
The Fox - lider ng samahang Dragons na gumugulo sa katahimikan ng bansa.
Ma. Angelique Holcim - mayamang haciendera sa Batangas. Matalino rin at may koneksyon sa military dahil sa kanyang dating asawa na militar.
Toni Espina - asawa ni Eugenio. Frequent depositor ng NBA.
Lawrence Espinosa - nagtatrabaho sa SSS. May malaking koneksyon sa pamahalaan.
Gen. Justo Gustavo - pinakamataas sa buong Philippine Army.
Cedric Manual - scientist na ang tanging nais ay magkaroon ng di mapapantayang kapangyarihan.
Mayor Andrew Bistro - mayor ng Nasugbu, Batangas.
Eileen Dumayo - mananahi na sinasabing may kapangyarihan makita ang mangyayari at magpabangon ng patay.

AND THE OTHER CHARACTERS ARE TO FOLLOW...