(sa Bahay ni Antonio)
Arvin: Sir, magreresign na ako.
Antonio: Bakit?
Arvin: Sasakay na ako ng barko.
Antonio: Sasakay ka ng barko wala ka namang natapos.
Arvin: Meron na po akong trabaho.
Antonio: Ano naman?
Arvin: Seaman po.
Antonio: Pinagloloko mo ako eh. Hindi ka naman tapos eh!
Arvin: Taga-tiktik po ako ng kalawang ng barko.
Antonio: Tapos ipagpapalit mo ang pagseserbisyo sa akin na napakadali lang?
Arvin: Ayoko na dito sir. Malay nyo maging kapitan ako ng barko?
Antonio: Bahala ka sa buhay mo.
(lumabas si Arvin ng bahay at nakarinig si Antonio ng putok ng baril)
Antonio: Arvin? Arvin? Ano nangyayari?
(may 4 lalaking naka-itim ang pumasok ng bahay at tinutukan ng baril si Antonio)
Man 1: Sasama ka sa amin.
(Sa NBI)
(may 2 naka-bonnet ang dumating sa NBI)
Bert: Sir, magrereport po kami sa kinaroroonan ni Padre Damaso.
Agent: Sige, dadalhin ko kayo sa director.
NBI Director: Ano yun?
Agent: Meron silang nalalaman tungkol sa Padre Damaso Case.
Director: Anong nalalaman nyo?
Jerome: Dati po kaming mga tauhan ni Padre Damaso at nais na namin siyang isuplong.
\Director: Alam nyo kung nasaan si Padre Damaso?
Jerome: Hindi po. KAsi sa telepono din po siya nakikipagusap. Pero lagi po siyang nagpapatawag ng meeting kasama ang mga associates nya.
Director: Sige, pagisipan natin ang atakeng gagawin natin.
(Sa isang warehouse)
Man 1: Nasaan si Padre Damaso?
Antonio: Hindi ko kilala yun!
(ni-razor ng isang lalaki ang buhok ni Antonio sa gitna)
Antonio: My HAIR!!!
Man 1: Nasaan?
Antonio: Hindi ko nga kilala yun!!
(kinalbo siya at binugbog. Kinuryente pa)
Antonio: HINDI KO KILALA SI PADRE DAMASO!!!
Man 2: Ulol (kinuryente uli)
Antonio: HINDI TALAGA!!!!
Man 2: Eh bakit meron kang mga phone calls with Padre Damaso?
Antonio: He’s my uncle! He’s not Padre Damaso!!
Man 3: So sino yung tinatawagan mo?
Antonio: SI Billy Jean! Billy Jean Ortega!!
Man 1: Nagsisinungaling tong g**ong to eh! Patay na si Billy Jean eh!!
(kinuryente uli)
Antonio: AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHh!!!!
Man 2: Hindi ka aamin?
Antonio: OO!!! SIYA SI PADRE DAMASO!!!! WAAAAAAAAAAAAA
(tinigil ang pagkuryente)
Man 1: Nasaan siya?
Antonio: Hindi nya sinasabi! Tumatawag lang ako sa kanya.
Man 2: Tawagan mo siya (sabay abot ng cellphone)
Antonio: Hindi ko siya matatawagan dito. Kailangan sa bahay. Specialized yung telepono nya.
Man 1: Dalhin natin to sa bahay. (kinuryente uli)
Antonio: AHHHHH!!!!!
(Sa Hacienda Holcim)
Angelique: Bilyonaryo na si Leon.
Eileen: Pakasal na kayo.
Angelique: Teka, akala ko ba hindi maganda ang kalalabasan?
Eileen: Oo nga.
Angelique: Eh bakit mo ako pinapakasal?
Eileen: Wala lang.
(Sa bahay ni Antonio)
(nag dial ng telepono si Antonio at nag ring ang telepono. Inagaw ng isang lalaki ang telepono)
Padre Damaso: Hello Antonio?
Man 4: Hello Padre Damaso?
Padre DAmaso: Antonio? Anong nangyayari?
Man 4: Ang Antonio nyo ay kidnapped at mamamatay in a short while.
Padre Damaso: Tang- teka. Magkano ba kailangan nyo?
Man 4: 500 Bilyong piso.
Padre Damaso: Imposible naman yan!! Amerika nga walang ganyan eh!
Man 4: O e di mamatay na to!
Padre Damaso: WAG!!! BABAAN NYO MAN LANG!!!
Man 4: Sige. 200,000 pero ikaw mismo maghahatid.
Padre Damaso: Sige. Saan ba?
Man 4: Sa bahay ni Antonio. WAlang kasama o papatayin namin to. Bukas, 4 pm.
Padre Damaso: Sure..
(Sa Konvic Office)
(nag ring ang telepono)
Jerome: Hello?
Padre Damaso: Merong meeting ngayon. Same place.
Jerome: Okay. (binaba ang telepono)
Bert: Let’s get it on!
ang paboritong libro ni Hudas - bob ong
-
kagabi..bumili ako ng libro ni Bob Ong ang paboritong libro ni Hudas.
Nabasa ko na ren naman tong libro na to siguro mga ilang siglo na ang
nakakaraan. Di ...
13 years ago
No comments:
Post a Comment