(Sa Ilustrado Café)
Lee: Iniwan na tayo ni Eugenio.
David: Di bale, sana mapaunlad na lang nya yung parlor business nya.
Leon: oo nga. Tutal sikat rin naman siya dun eh.
David: So saan ang next na biyahe natin?
Leon: Sa Manchester?
David: yeah. Okay..
(Sa XES Faculty)
JR: Hay naku… Tapos na yung klase… Wala na akong gagawin..
JM: Bakit di ka na lang gumawa ng bagong theorem?
JR: Ayoko. Di rin naman ako nakakagawa eh.
Danilo: Mga friends, alam nyo na ba yung tungkol sa libro ni Bobby Ong?
JR: Ano yun?
Danilo: Basta, may pagkakapareho siya sa istorya ni Captain Nguso.
JR: Baka isinalibro ni Bobby Ong yung buhay ni Captain Nguso.
Danilo: Pwede…
Tin: Mr. Montano, pwedeng paayos naman ng water dispenser? Nag jammed kasi eh.
Danilo: Okay…
(pinasok ni Danilo ang kanyang kamay sa water dispenser. Nagkataon na hawak nya ang wire. Sumabog ang water dispenser at bumulagta si Danilo)
JM: Ano nangyayari?
JM: Dalhin nyo sa clinic si DanilO!
(Makalipas ang ilang araw)
(Sa Ospital)
DAnilo: Anong findings?
JM: Okay naman.
Danilo: Mas gagaaan ang loob ko kung sasabihin mo.
JM: Meron kang Scheroloidis Cerebral Paragenome Syndrome.
Danilo: Ha?
JM: Traydor na sakit siya. Hindi alam kung saan galing. Sabi hereditary. Sobrang konti lang ng tao sa mundo ang nagkakaganyan. Mga .5% at isa ka doon.
Danilo: Paano ako mamamatay?
JM: Bigla na lang. Hindi mo alam. Danilo? DAnilo?? DANILO!!! NURSE!!!
(inalarma ni JM ang mga nurse. Patay na si Danilo, nalaglag nya ang hawak nyang wire. DUmating ang mga doctor at nurses, kinuryente siya pero sumabog ang pang shock nila. Patay na talaga si Danilo Montano)
Doctor: Sir, he’s dead.
JM: DANILO!!!!!
(Sa XES Faculty)
JR: Kahit papaano pala nakakalungkot ng wala si DAnilo..
Tin: Patay na raw si Danilo.
Lyn: Nakaka-miss din si Danilo…
(sa Room ni Danilo)
Doctor: Sir, dadalhin na po siya sa morgue, may ililipat po kasing pasyente dito, NBI Agent na may tama ng baril ang paa.
JM: Sige, sasama ako sa pagdala kay Danilo.
Doctor: Sige sir.
(nilabas na ang bangkay ni Danilo at sumama si JM pati ang doctor. Meron namang isang lalaki na naka higa ang nilipat sa kwartong iyon.)
(pagpasok ng kama ni Lloyd sa kwarto, nalaglag ang mga wires nya sa bulsa)
Lloyd: Ay, teka, pakipulot naman ng mga wire, mga ebidensya kasi yan eh.
Agent: Ebidensya eh suicide yung kinamatay.
Lloyd: Basta, akin na.
(pinulot ng agent ang mga wires kasama ang wire na nalaglag ni Danilo pagkamatay nya.)
Agent: Oh!
Lloyd: Lagay mo sa bedside table.
Agent: O sige na, aalis lang ako, kuha lang ako ng kape natin.
Lloyd: Sige.
(binilang ni Lloyd ang mga wires)
Lloyd: Sobra ah… Kanina 14 lang to bakit ngayon 15 na.
(binilang nya uli)
Lloyd: Sobra talaga. Teka, naiiba to ah…
(tiningnan ni Lloyd ang wire. Parang nakita na nya ang wire na hawak nya. Nakaramdam siya na may dumaloy sa katawan nya)
Lloyd: Parang nakita ko na talaga to eh..
(nakita nya ang kuminang na mga katagang “Pull wire to release power”)
THE END
ang paboritong libro ni Hudas - bob ong
-
kagabi..bumili ako ng libro ni Bob Ong ang paboritong libro ni Hudas.
Nabasa ko na ren naman tong libro na to siguro mga ilang siglo na ang
nakakaraan. Di ...
13 years ago
No comments:
Post a Comment