Saturday, June 6, 2009

Episode XXXIII: The Colonel’s Fate

(Sa Mt. Maculot)
(lumabas ang may-ari ng bahay at nakita si David na nakahandusay, duguan.)
Lawrence: Jane! Annie! Tulungan nyo ako dito.
(dumating ang dalawang katulong at tinulungan si Lawrence buhatin si David papuntang guest room. Naiwan si Annie sa loob)
Lawrence: Ikaw na bahala dyan, pero wag na wag mong “gagalawin” ah.
Annie: Opo sir.
(sinara na ni Lawrence ang pinto)
Annie: Ang gwapo naman nito. Kaso madugo.
(nilinis lang ni Annie ang dugo pero di na nya pinalitan ng damit si David. Lumabas na siya ng kwarto)

(Sa NBA)
Marie: Ako na lang rin nagiisa dito. Si Amy, nag break na sila ni Antonio.
(on phone) Esther: E nasaan si Amy ngayon?
Marie: Pumunta munang Maynila.
Esther: hirap nga ng trabaho ko dito eh, may quota.
(dumating sa NBA sila Eugenio, Leon at Lee at ang bodyguard ni Eugenio)
Marie: Teka lang ah, andito sila Major at Lt. Col. At si Lee.
Leon: Hi.
Eugenio: Naghahanap kami ng assistant sa aming business.
Lee: Alam naming mas malaki ang sinusweldo mo dito, pero mas makakaramdam ka ng belongingness sa aming computer store.
Marie: Sige po sir. Magfile na ako ng resignation effective today.
Leon: Good, iwiwithdraw ko na rin pala yung lahat ng aking pera.
Eugenio: At yung akin na din.
Lee: Pati yung akin.
(lumabas na sila kasama si Marie at sumakay sa kotse)
(pumasok ng NBA si Antonio)
Antonio: Si Marie? Mag reresign? WALA NA AKONG TAUHAN DITO!!!

(Sa KonVic Office)
Vic: Good work, Bert.
(tumawag si Padre Damaso)
Vic: Hello, Padre Damaso.
Padre Damaso: Good job Akon, makukuha mo ang suporta ko sa eleksyon.
Vic: Inaasahan ko yan Padre Damaso. Malinis ang trabaho namin.
Padre Damaso: Oo naman, Akon. Siya nga pala. Ipapaalala ko lang sayo yung general meeting ng Unity next month.
Vic: Sige Padre Damaso.
Padre Damaso: Sino nang consiglierie mo ngayon?
Vic: Si Atty. Manalastas na.
Padre Damaso: Hindi na si Ron?
Vic: Hindi pwede, undercover agent ko siya eh.

(Sa Mt. Maculot)
Lawrence: Nagising ka na pala.
David: Lawrence?
Lawrence: Naalala mo pa pala ako. Pinaayos ko na yung “S” deficiency ko. P1 million ang teraphy pero tingnan mo naman, effective di ba?
David: Sayo tong bahay na to?
Lawrence: Nakakapagtaka ba? Ikaw ang mas nakakapagtaka, nasa labas ka ng bahay ko, duguan, walang malay pero walang sugat.
David: Ah… Haha. Kasi mahabang kwento yun. Tapos akala nila patay na ako.
Lawrence: Di ba salesman ka ng Cambio Cars?
David: Ako nga.
Lawrence: Kailangan ko ng explanation kung bakit ka duguan.
David: Hindi yan dugo. Nag paintball kasi kami. Then ayun pala, niligaw na ako nung friend ko, nagkalasingan kasi eh.
Lawrence: Ah. Kaya pala. Gusto mo ng babae?
David: Ha?
Lawrence: Babae. For a night.
David: Ah, hindi, salamat na lang. Wala rin akong pera eh.
Lawrence: Libre.
David: O?

(Sa XES Faculty)
JR: Absent pa rin si Anito?
Danilo: Oo.
JR: Hay naku. Napakatamad talaga.
Danilo: Buhay pa kaya si Col. Cortez?
JR: Duda ako.
Danilo: Bakit naman?
JR: Sa pangyayaring yun? Mabubuhay pa si Col. Cortez?
(pumasok si Anito sa loob ng faculty, tila puyat.)
Danilo: (pabulong) yung hinahanap mo.
JR: O, Anito, tagal mong absent ah.
Anito: May tinapos pa kasi ako.
JR: Tinapos?
(tulog na si Anito sa mesa nya)

(after many weeks)

David: Lawrence, salamat talaga.
Lawrence: Sige, walang anuman. Alam ko namang bago ka sa lugar na to at nasa Maynila pa yung bahay mo, nagkataon namang di na ako pumupunta ng Maynila.
David: Sige, babalik na ako sa bahay ko.
Lawrence: Teka, hindi mo ba hihintayin ang bisita ko?
David: Sino ba?
Lawrence: Si Mayor Andrew Bistro, dadalaw dito ngayon.
David: O talaga? May malaki ka talagang koneksyon sa pamahalaan ah.
Lawrence: Siyempre naman, ako pa. Konting bribe lang yan sa simula, sa huli, ikaw rin magtatamasa nung mga pinang bribe mo. Parang investment.
David: Di na talaga pre. Babalik na ako ng Maynila.
Lawrence: Ah, sige. Darating din dito si Gen. Justo Gustavo, baka gusto mo alukin ng kotse?

No comments:

Cast of Characters

Danilo Montano/ Captain Nguso - ang orihinal na Danilo Montano. Siya pa rin si Captain Nguso. Guro sa isang industrial school.
Maj. Leon San Miguel - commandant ng paaralang pinagsisilbihan ni Danilo Montano. Isa rin siyang sundalo ng Philippine Navy. Miyembro ng samahang Ilustrado.
Col. David Cortez - Taga Philippine Army na kasama ni Leon sa PMA. Isa siya sa mga pinakabatang sundalo ng Army. Miyembro rin ng Ilustrado.
Lt. Col. Eugenio Galvez - kasamahan nila David at Leon sa PMA. Nagsisilbi rin siya sa Navy. Miyembro ng Ilustrado.
Domingo Lee - si Lee Kong King na nagbago ng pagkatao. Di siya nagpakilala bilang Lee Kong King at nagbago ng pangalan bilang Domingo. IT Specialist ng National Bank of Anonas (NBA). Sumama sa samahang Ilustrado.
Lloyd Lopez - NBI Agent. Isa siya sa mga di pinapansin na agent ng NBI dahil hindi magaling.
Jessica Guryon - TV Broadcaster na nais maging presidente ng Pilipinas.
Francisco Cosme - simpleng magsasaka na depositor ng NBA.
Marie Diana Estevez - teller ng NBA.
Amy Marquez - teller rin ng NBA pero sa new accounts.
Esther delos Santos - bank manager ng NBA.
King Ronaldo Canonizado - miyembro ng criminal syndicate na KONVIC. Siya ang laging ginagamit na pang front. Artista siya. Mas kilala bilang Ron Iglesia.
Jerome Manalastas - abogado ng KONVIC. Pangarap maging presidente ng Pilipinas.
Bertucio Pinaglabanan - dating miyembro ng EHS. Pero dahil naghihirap na sila ni Betina, kinakailangan nyang sumideline. Front nya ang pagjajanitor. Siya ang delivery man ng KONVIC.
Vic "AKON" Gonzaga - lider ng KONVIC. Pinagsamang aKON at VIC. Pinapalabas nila na ang kanilang samahang KONVIC ay NGO na tumutulong sa mga mahihirap na nasa probinsya.
Padre Damaso - isang voice over na nilalang na naguutos sa kanyang mga tauhan ng kasamaan. Lider ng samahang "Unity"
The Fox - lider ng samahang Dragons na gumugulo sa katahimikan ng bansa.
Ma. Angelique Holcim - mayamang haciendera sa Batangas. Matalino rin at may koneksyon sa military dahil sa kanyang dating asawa na militar.
Toni Espina - asawa ni Eugenio. Frequent depositor ng NBA.
Lawrence Espinosa - nagtatrabaho sa SSS. May malaking koneksyon sa pamahalaan.
Gen. Justo Gustavo - pinakamataas sa buong Philippine Army.
Cedric Manual - scientist na ang tanging nais ay magkaroon ng di mapapantayang kapangyarihan.
Mayor Andrew Bistro - mayor ng Nasugbu, Batangas.
Eileen Dumayo - mananahi na sinasabing may kapangyarihan makita ang mangyayari at magpabangon ng patay.

AND THE OTHER CHARACTERS ARE TO FOLLOW...