Tuesday, June 23, 2009

Episode XLIX: Fall of the Dragons

CN: So bakit di natin sugudin ngayon?
David: Captain, kailangan natin ng planning.
CN: Nakalimutan nyo bang immortal ako?
Leon: Captain, please, natulungan ka namin ngayon. Nalocate namin yung hinahanap mong control ng Fox.
CN: Okay, so gusto nyo wasakin ko yung mainframe tapos aalis na ako?
Lee: Tama. Tahimik.
CN: Pero yung taong nakatira dun? For sure kasabwat yun?
Eugenio: Hindi natin alam.
CN: Bakit di natin dalhin sa pulisya?
David: No. Kami na kakausap.
CN: Sige, mamayang gabi.

(kinagabihan)

(Sa bahay ni Anito)
Lee: May code pa pala.
CN: Ako nang bahala.
Lee: Basta wag maingay ah?
CN: Sure.
(tiningnan ni Captain ang combination. Nagbukas agad ang pinto)
Lee: Wow.
(pumasok na sila at bumaba)
CN: Finally, masisira ko na ang sumira sa buong mundo.
David: Captain, aakyat lang kami, sisiguruhing walang maingay.
CN: Sure.
(umakyat si David, Eugenio at Leon. Naiwan si Lee at Captain Nguso. Bago umakyat si David bumulong siya kay Lee)
David: Nakuha mo yung files ng Dragons?
Lee: Oo.
David: Good work (umakyat na si David)

CN: Alam mo, parang kilala kita eh.
Lee: O?
CN: Oo, saka yung David ba yun.
Lee: Bakit?
CN: Kung di ako nagkakamali, ikaw si… Lee Kong King?
Lee: Pano mo nasabi?
CN: KAsi that time, nagkalaban pa tayo and in the end, naging magkakampi rin .
Lee: Hay naku..
(pinasabog ni Captain Nguso ang mga super computers. Nasira ang wiring at nagkasira sira..)
Lee: Wasak na…
CN: Pero baka sumabog yung bahay.. Dapat i-safety natin yung tao sa taas.
Lee: Nasafety na nila David yun.
CN: Good.
Lee: Salamat Captain Nguso.
CN: For the good. Umalis ka na, baka sumabog ang buong bahay..

(meanwhile, ito ang mga kaganapan habang sinisira ni Captain Nguso ang mga computers)

David: Got the spray?
Leon: Yeah.
Eugenio: Masks oh!
(sinuot nila ang gas mask at binombahan ang bahay ng sleeping aerosol)
David: Tulog na tulog na.
Eugenio: Ito na yung body bag.
David: May butas yan ah.
Eugenio: Meron!
(nilagay na nila si Anito sa loob ng body bag.)
Leon: So saan na tayo?
David: Malamang lalabas ng bahay, bago pa makita ni Captain Nguso.
Leon: Tapos?
David: tapos magpapasundo sa Air Cincinnati kasama si Lee tapos lilipad na tayo papuntang Paris dala itong leader ng Dragons na alyas The Fox.

(lumabas na sila Captain Nguso at Lee)
Captain Nguso: Till we meet again, Lee Kong King!
(lumipad na papalayo si Captain Nguso)
Lee: Got the bag?
Leon: Yeah. Got the information?
Lee: Yeah.
Leon: Good.
(sumakay na sila ng puting kotse papuntang Paranaque)

(Sa airstrip)
(naroon na ang Air Cincinnati. Pumasok sila sa loob ng eroplano dala si Anito na nakatali na. Nagulat sila ng nakita nila si Giovanni Cincinnati)

Giovanni: Nakuha nyo si The Fox?
David: Parang nanghuli lang kami ng isda.
Giovanni: So magkano ang hihingin nyo sa akin?
Leon; Anong magkano?
Giovanni: Nahuli nyo si Anito.
Lee: Kaya nga, ang business na usapan? Yung magiging partner mo kami?
Giovanni: Ah, forget about it. So, name your price.
Eugenio: Teka, di naman pwede yun!
Giovanni: Wala o aalis kayong may pera?
David: SIge, isang bilyon.
Giovanni: Nagpapatawa ka ba? Haha
David: O sige, kahit 500 million.
Giovanni: 250 million?
David: Sige.
Lee: Pero-
David: Sige, go kami. 250 million. Pero gusto namin kami maghahatid kay Anito.
Giovanni: Sure, sa Paris ko na ibibigay ang pera.
David: Deal.

No comments:

Cast of Characters

Danilo Montano/ Captain Nguso - ang orihinal na Danilo Montano. Siya pa rin si Captain Nguso. Guro sa isang industrial school.
Maj. Leon San Miguel - commandant ng paaralang pinagsisilbihan ni Danilo Montano. Isa rin siyang sundalo ng Philippine Navy. Miyembro ng samahang Ilustrado.
Col. David Cortez - Taga Philippine Army na kasama ni Leon sa PMA. Isa siya sa mga pinakabatang sundalo ng Army. Miyembro rin ng Ilustrado.
Lt. Col. Eugenio Galvez - kasamahan nila David at Leon sa PMA. Nagsisilbi rin siya sa Navy. Miyembro ng Ilustrado.
Domingo Lee - si Lee Kong King na nagbago ng pagkatao. Di siya nagpakilala bilang Lee Kong King at nagbago ng pangalan bilang Domingo. IT Specialist ng National Bank of Anonas (NBA). Sumama sa samahang Ilustrado.
Lloyd Lopez - NBI Agent. Isa siya sa mga di pinapansin na agent ng NBI dahil hindi magaling.
Jessica Guryon - TV Broadcaster na nais maging presidente ng Pilipinas.
Francisco Cosme - simpleng magsasaka na depositor ng NBA.
Marie Diana Estevez - teller ng NBA.
Amy Marquez - teller rin ng NBA pero sa new accounts.
Esther delos Santos - bank manager ng NBA.
King Ronaldo Canonizado - miyembro ng criminal syndicate na KONVIC. Siya ang laging ginagamit na pang front. Artista siya. Mas kilala bilang Ron Iglesia.
Jerome Manalastas - abogado ng KONVIC. Pangarap maging presidente ng Pilipinas.
Bertucio Pinaglabanan - dating miyembro ng EHS. Pero dahil naghihirap na sila ni Betina, kinakailangan nyang sumideline. Front nya ang pagjajanitor. Siya ang delivery man ng KONVIC.
Vic "AKON" Gonzaga - lider ng KONVIC. Pinagsamang aKON at VIC. Pinapalabas nila na ang kanilang samahang KONVIC ay NGO na tumutulong sa mga mahihirap na nasa probinsya.
Padre Damaso - isang voice over na nilalang na naguutos sa kanyang mga tauhan ng kasamaan. Lider ng samahang "Unity"
The Fox - lider ng samahang Dragons na gumugulo sa katahimikan ng bansa.
Ma. Angelique Holcim - mayamang haciendera sa Batangas. Matalino rin at may koneksyon sa military dahil sa kanyang dating asawa na militar.
Toni Espina - asawa ni Eugenio. Frequent depositor ng NBA.
Lawrence Espinosa - nagtatrabaho sa SSS. May malaking koneksyon sa pamahalaan.
Gen. Justo Gustavo - pinakamataas sa buong Philippine Army.
Cedric Manual - scientist na ang tanging nais ay magkaroon ng di mapapantayang kapangyarihan.
Mayor Andrew Bistro - mayor ng Nasugbu, Batangas.
Eileen Dumayo - mananahi na sinasabing may kapangyarihan makita ang mangyayari at magpabangon ng patay.

AND THE OTHER CHARACTERS ARE TO FOLLOW...