Wednesday, June 24, 2009

Episode LI: Kura Paroko

(Sa NBA)
Esther: nasaan si Lee?
Amy; nasa Paris silang 4 ngayon.
Esther: Bakit?
Marie: Mayayaman na yung mga yan. Merong iniwan na property sa kanila sa Paris. Lahat ng kayamanan nung Cincinnati ba yun. Tapos may shares sila sa Savage Cosmetics.
Esther: Grabe…

(Sa Konvic Office)
(tumawag si Padre Damaso)
Padre Damaso: Ano yung nababalitaan ko na yung 4 na tinatawag na Ilustrados ay buhay pa at may assets sa Paris?
Jerome: Wala kaming idea dun.
Padre Damaso: ipapa-freeze ko lahat ng kayamanan nila. Damn.
Jerome: Huli na Padre Damaso..
Padre Damaso: Dumbshit! Isa pa… Bakit kasama sa pangalan yung David Cortez? Di ba patay na yan?
Jerome: As I know.
Padre Damaso: Bakit buhay pa? Imposibleng kapangalan lang to?! Magkakaibigan sila!
Jerome: Di ko alam.
Padre Damaso: Sinong gunman?
(kinakabahan sa isang tabi si Bert)
Jerome: SI King ata.
(binagsak ni Padre Damaso ang telepono)

(Sa Studio)
Director: Cut! Mali!
(may dumating na lalaking naka-itim, niratrat nya si King. Patay agad.)
Crew: Sir, patay po si Ron Iglesia!!!

(Sa bahay ni Danilo)
Danilo: Si Padre Damaso ang pinakamalaking threat.
(on TV) Jessica: Sinasabi po ni Anito na kasabwat po sa Dragons ang grupong Ilustrado na pinabulaanan ng Ilustrado. Sabi ng kanilang abogado “Ginagamit lang nya ang Ilustrados para makapanira.”
Danilo: Oo nga naman.
On TV: On other news, Padre Damaso, lumalakas.
Danilo: Puchang Padre Damaso yan.

(SA Konvic Office)
Jerome: Damn! Damn! Damn!
Bert: Bakit sir?
Jerome: PAtay na raw si Ron IGlesia, niratrat sa studio habang nagtaping.
Bert: Si Padre Damaso kaya may gawa nito?
Jerome: Hindi imposible. Paano na ang Konvic ngayon? Babagsak tayo nito ng wala sa oras!
Bert: Baka talagang bagsak na ang Konvic. Wag na natin pilitin makabangon pa. Kung pinatay ni Padre Damaso ang lider ng ating samahan, ibig sabihin, hindi na tayo miyembro ng Unity.
Jerome: So idodouble cross na natin si Padre Damaso?
Bert: Bakit hindi? Hinahanap siya ng batas at wala na tayong pera ngayon. Habang tumatagal, lumalaki ang patong sa ulo ni Padre Damaso.
Jerome: Pero ang mahirap maraming sikat na associates si Padre Damaso.
Bert: Yun nga. Pero bakit pa natin poproblemahin yun? Ang kailangan natin ngayon ay pera. Wala na akong pakialam kung ano yung mangyari pagtapos natin siya isuplong..
Jerome: Teka, paano natin isusuplong si Padre Damaso? Laging telepono lang ang komunikasyon natin?
Bert: Kapag nagpameeting uli siya. Makipagugnayan na tayo sa pulisya.
Jerome: Pag-isipan muna natin. Maraming koneksyon si Padre Damaso.

(Sa Paris)
Frenchman: As the lawyer of Cincinnati Group of Companies, I am giving you the full power on the Cincinnati Group of Companies.
David: Pre, mga bilyonaryo na tayo.
(nag-ring ang telepono ni Lee)
Lee: Hello?
Padre Damaso: Hello Domingo Lee, I have a proposition for you.
Lee: Sino to?
Padre Damaso: You can call me “a friend”
Lee: Di ako nakikipagdeal sa mga baklang katulad mo ah.
Padre Damaso: Sakit mo naman magsalita.. It’s about money.
Lee: Pre, ikaw nga kumausap dito.
David: Hello?
Padre Damaso: Hello… Nakikilala ko boses mo ah..
David: Nakikilala nga kita eh..
Padre Damaso: Crisostomo Ibarra!
David: Padre Damaso…
Padre Damaso: Buhay ka pa pala David Cortez. May sa pusa ka talaga.. Hintayin mo lang.
David: Ikaw, Padre Damaso, wag ka na maghintay, malapit ka na…

(Sa NBA)
Esther: Yes. Closing na…
Amy: Marie, kumusta naman kayo nung boyfriend mo?
Marie: Hayaan mo na siya.
Amy: Asus.. Hayaan..
Marie: Pumunta na siya ng New Zealand eh.
Amy: Oh? Pano siya nakapunta dun?
Marie: Ewan… Basta isang araw nagpaalam siya pupunta na raw siyang New Zealand. Thru phone pa yun.

No comments:

Cast of Characters

Danilo Montano/ Captain Nguso - ang orihinal na Danilo Montano. Siya pa rin si Captain Nguso. Guro sa isang industrial school.
Maj. Leon San Miguel - commandant ng paaralang pinagsisilbihan ni Danilo Montano. Isa rin siyang sundalo ng Philippine Navy. Miyembro ng samahang Ilustrado.
Col. David Cortez - Taga Philippine Army na kasama ni Leon sa PMA. Isa siya sa mga pinakabatang sundalo ng Army. Miyembro rin ng Ilustrado.
Lt. Col. Eugenio Galvez - kasamahan nila David at Leon sa PMA. Nagsisilbi rin siya sa Navy. Miyembro ng Ilustrado.
Domingo Lee - si Lee Kong King na nagbago ng pagkatao. Di siya nagpakilala bilang Lee Kong King at nagbago ng pangalan bilang Domingo. IT Specialist ng National Bank of Anonas (NBA). Sumama sa samahang Ilustrado.
Lloyd Lopez - NBI Agent. Isa siya sa mga di pinapansin na agent ng NBI dahil hindi magaling.
Jessica Guryon - TV Broadcaster na nais maging presidente ng Pilipinas.
Francisco Cosme - simpleng magsasaka na depositor ng NBA.
Marie Diana Estevez - teller ng NBA.
Amy Marquez - teller rin ng NBA pero sa new accounts.
Esther delos Santos - bank manager ng NBA.
King Ronaldo Canonizado - miyembro ng criminal syndicate na KONVIC. Siya ang laging ginagamit na pang front. Artista siya. Mas kilala bilang Ron Iglesia.
Jerome Manalastas - abogado ng KONVIC. Pangarap maging presidente ng Pilipinas.
Bertucio Pinaglabanan - dating miyembro ng EHS. Pero dahil naghihirap na sila ni Betina, kinakailangan nyang sumideline. Front nya ang pagjajanitor. Siya ang delivery man ng KONVIC.
Vic "AKON" Gonzaga - lider ng KONVIC. Pinagsamang aKON at VIC. Pinapalabas nila na ang kanilang samahang KONVIC ay NGO na tumutulong sa mga mahihirap na nasa probinsya.
Padre Damaso - isang voice over na nilalang na naguutos sa kanyang mga tauhan ng kasamaan. Lider ng samahang "Unity"
The Fox - lider ng samahang Dragons na gumugulo sa katahimikan ng bansa.
Ma. Angelique Holcim - mayamang haciendera sa Batangas. Matalino rin at may koneksyon sa military dahil sa kanyang dating asawa na militar.
Toni Espina - asawa ni Eugenio. Frequent depositor ng NBA.
Lawrence Espinosa - nagtatrabaho sa SSS. May malaking koneksyon sa pamahalaan.
Gen. Justo Gustavo - pinakamataas sa buong Philippine Army.
Cedric Manual - scientist na ang tanging nais ay magkaroon ng di mapapantayang kapangyarihan.
Mayor Andrew Bistro - mayor ng Nasugbu, Batangas.
Eileen Dumayo - mananahi na sinasabing may kapangyarihan makita ang mangyayari at magpabangon ng patay.

AND THE OTHER CHARACTERS ARE TO FOLLOW...