Wednesday, June 10, 2009

Episode XXXVIII: Election Results

David: Marie, sige na. Naka roaming naman yung sim ko, pwede mo ako balitaan.
Marie: Sige. Ingat kayo ah.
Leon: Sige Marie, love you.
Eugenio: Tara na, walang signal si Toni sa Quezon.
(sumakay na sila ng taxi at pumunta ng airport)

(Sa Airport)
Leon: Ma. Angelique Holcim?
Angelique: Ow, Mr. San Miguel, what a coincidence.
Leon: San ba byahe mo?
David: Pre, alam mo naman ang pupuntahan no?
Leon: Oo.
Lee: una na tayo.
Angelique: sa Paris, France.
Leon: Dun din kami eh!
Angelique: Ah.
Leon: Ano bang eroplanong sasakyan mo?
Angelique: Private plane eh.
Leon: O? Mayaman ka talaga.
Angelique: Hindi sa akin. Ano naman gagawin nyo sa France?
Leon: Schooling.
Angelique: O? Teka, sino nagpapunta sa inyo.
Leon: SI Giovanni Cincinnati.
Angelique: What the-? Yun din- teka ano sasakyan nyo?
Leon: Air Cincinnati.
Angelique: What the-? Sabay tayo?
Leon: O? YES!

Lee: Basta nakasulat lang mayaman si Giovanni Cincinnati
David: Tapos bakit pa siya magpapaschooling?
Lee: Clueless.

(Sa bahay ni Jessica)
Jessica: Makapagbukas nga ng TV
(on TV): Narito na po ang election results. Dahil nga po sa computerized ang results eh, mabilis po itong na-compute. So ito po, lalabas po sa screen nyo.

Name Votes
Vic “Akon” Gonzaga 69,843,234
Andrew Bistro 14,999,999
Jessica Guryon 2

Jessica: Wow naman! Ako lang bumoto sa sarili ko at isang mabait na tao.

(Sa Konvic Office)
Vic: YEHEY!!
Bert: Congrats Boss Vic!!!
Jerome: Yes! Presidente na siya ng Pilipinas!!
King: Mabuhay!
(nag ring ang telepono)
Vic: Hello?
Padre Damaso: Congratulations, Akon.

(Sa City Hall)
Andrew: Dinouble cross ako ng siraulong Antonio na yan.
(tumawag sa NBA)
(on phone) Arvin: Hello, National Bank of Anonas
Andrew: Nasaan si Antonio Linsangan, ako si Mayor Bistro.
Arvin: teka lang.
Antonio: Hello?
Andrew: T*** *** mong traydor ka. (sabay bagsak ng telepono)

(sa NBA)
Antonio: Di ata si Mayor yun eh. Sira ulo.
(may dumating na mga tauhan ng mayor sa NBA)
Tauhan: Pinadala kami dito ng mayor ng Nasugbu, Batangas. Hawak namin ang ejectment letter na galing mismo kay Mr. Antonio Linsangan na binibigay nya ang kanyang mga ari-arian sa 4 na taong nagngangalang Domingo Lee, Leon Jean San Miguel, David Cortez at Eugenio Galvez. Sa mismong araw na ito ay kailangan nilang umalis dahil sa araw na ito ay pagmamay-ari na ito ng 4 na nabanggit. Kung ayaw nya umalis kasama ng kanyang mga tauhan ay mapipilitan kaming hulihin at ipakulong si Mr. Linsangan kasama ang mga tauhan nya. Sa ngayon, nasa France ang mga may-ari at ang sinabing mamamahala muna sa ngayon ay ang kanilang katiwala na si Marie Diana Estevez.
Antonio: This Is shit.
Tauhan: Hulihin yan!
Antonio: Oo na, aalis na kami.

(Sa Air Cincinnati)
David: Kaya mo yan Marie. Tawagan mo si Esther at si Amy, patrabahuhin mo agad kinabukasan. Meron na rin kaming tinawagan na temporary IT specialist.
(binaba na ni David ang telepono)
David: Pre, gumana yung hoax ni Lee!
Eugenio: Oh yeah!! You’re the man!
Lee: Ayos, nakaganti na tayo.
David: Isa pang balita.
Eugenio: Ano?
David: Si Vic Gonzaga na ang bagong pangulo ng Pilipinas.
Eugenio: What the-? Yung negrong yun?
Angelique: Nakita na yun ng tauhan ko.
Leon: Tauhan mo? Sino?
Angelique: Eileen, yung nakakakita ng future.
Lee: Eileen?
David: Bakit, kilala mo siya?

No comments:

Cast of Characters

Danilo Montano/ Captain Nguso - ang orihinal na Danilo Montano. Siya pa rin si Captain Nguso. Guro sa isang industrial school.
Maj. Leon San Miguel - commandant ng paaralang pinagsisilbihan ni Danilo Montano. Isa rin siyang sundalo ng Philippine Navy. Miyembro ng samahang Ilustrado.
Col. David Cortez - Taga Philippine Army na kasama ni Leon sa PMA. Isa siya sa mga pinakabatang sundalo ng Army. Miyembro rin ng Ilustrado.
Lt. Col. Eugenio Galvez - kasamahan nila David at Leon sa PMA. Nagsisilbi rin siya sa Navy. Miyembro ng Ilustrado.
Domingo Lee - si Lee Kong King na nagbago ng pagkatao. Di siya nagpakilala bilang Lee Kong King at nagbago ng pangalan bilang Domingo. IT Specialist ng National Bank of Anonas (NBA). Sumama sa samahang Ilustrado.
Lloyd Lopez - NBI Agent. Isa siya sa mga di pinapansin na agent ng NBI dahil hindi magaling.
Jessica Guryon - TV Broadcaster na nais maging presidente ng Pilipinas.
Francisco Cosme - simpleng magsasaka na depositor ng NBA.
Marie Diana Estevez - teller ng NBA.
Amy Marquez - teller rin ng NBA pero sa new accounts.
Esther delos Santos - bank manager ng NBA.
King Ronaldo Canonizado - miyembro ng criminal syndicate na KONVIC. Siya ang laging ginagamit na pang front. Artista siya. Mas kilala bilang Ron Iglesia.
Jerome Manalastas - abogado ng KONVIC. Pangarap maging presidente ng Pilipinas.
Bertucio Pinaglabanan - dating miyembro ng EHS. Pero dahil naghihirap na sila ni Betina, kinakailangan nyang sumideline. Front nya ang pagjajanitor. Siya ang delivery man ng KONVIC.
Vic "AKON" Gonzaga - lider ng KONVIC. Pinagsamang aKON at VIC. Pinapalabas nila na ang kanilang samahang KONVIC ay NGO na tumutulong sa mga mahihirap na nasa probinsya.
Padre Damaso - isang voice over na nilalang na naguutos sa kanyang mga tauhan ng kasamaan. Lider ng samahang "Unity"
The Fox - lider ng samahang Dragons na gumugulo sa katahimikan ng bansa.
Ma. Angelique Holcim - mayamang haciendera sa Batangas. Matalino rin at may koneksyon sa military dahil sa kanyang dating asawa na militar.
Toni Espina - asawa ni Eugenio. Frequent depositor ng NBA.
Lawrence Espinosa - nagtatrabaho sa SSS. May malaking koneksyon sa pamahalaan.
Gen. Justo Gustavo - pinakamataas sa buong Philippine Army.
Cedric Manual - scientist na ang tanging nais ay magkaroon ng di mapapantayang kapangyarihan.
Mayor Andrew Bistro - mayor ng Nasugbu, Batangas.
Eileen Dumayo - mananahi na sinasabing may kapangyarihan makita ang mangyayari at magpabangon ng patay.

AND THE OTHER CHARACTERS ARE TO FOLLOW...