Monday, June 8, 2009

Episode XXXVII: Eleksyon

Andrew: Sige. Isulat mo dito yung mga associates ni Domingo Lee.
(sinulat ni Lee sa papel)
Andrew: Ayan. Pirmahan mo to na nagsasabi na binibigay mo ang NBA sa kanila.
Lee: Teka, pano kung ibigay mo kahit manalo ka?
Andrew: Haha. Wala kang tiwala ah. Sige ito, pirmado ko na ito ng posisyon mo sa gobyerno.
Lee: Ambassador, wow. Sige. (sabay pirma)
(lumabas na si Lee at sinalubong siya ni Leon sa labas ng City Hall. Inalis ni Lee ang maskara nya.)
Leon: Bakit ganun deal mo? Pano kung manalo si Andrew? E di naging amabassador naman si Antonio?
Lee: Bakit mo pinoproblema yan? E hawak ko yung promotion paper nya saka sakali?
Leon: Madali lang naman gumawa nyan eh, e di gagawa uli siya.
Lee: Hindi nya gagawin yun. Makakalimutan na nya lahat ng tumulong sa kanya. Besides, pag tawag nya ng NBA, walang may alam ng deal namin, so maisip ni Andrew na wag na lang ilagay sa pwesto si Antonio.
Leon: You’re a genious!
Lee: Kala ko pa naman magaling si Mayor, may masama din pala siyang tangka.

(Sa bahay ni Jessica)
Jessica: Lord, sana naman manalo ako. Tingin ko kasi walang boboto sa akin eh.

(Sa The Colonel’s Shop)
(may dumating na puting kotse at bumaba ang abogado ni Giovanni at nilapitan si Marie)
Lawyer: Miss, sila Mr. Cortez?
Marie: (Cortez? Teka, di ba sabi niya, ang pakilala nya dapat eh Alex Garcia?)
(lumabas si David)
David: Yes?
Marie: Sir?
David: Marie, ako na bahala dito.
Lawyer: Ito na po yung inyong ID. Walang plane ticket dahil private plane ang sasakyan nyo. Air Cincinnati yung pangalan nung eroplano.
David: Teka, pwedeng bumoto muna kami? Kasi eleksyon ngayon sa amin eh.
Lawyer: Basta sir this day kayo lilipad.
David: Sure.
Lawyer: Sige sir.
(umalis ang abugado at sumakay ng kotse, umandar ang kotse.)
Marie: Kala ko ba Alex Garcia?
David: Yes. Sa ibang tao. Business associate tong kausap namin.
Marie: Eh pano kung ma-track kayo nyan?
David: Hindi na Marie. 3 tao ang nakakita na patay na ako.
Marie: Sana nga.
David: Saka pupunta kami ng France, matagal tagal yun. Makaklimutan nila na nagexist pa si Col. David Cortez.

(Sa Manila Voting Precint 123)
Leon: Tapos na ako bumoto.
Lee: Tara uwi na tayo.
David: Marie, tara na.
Eugenio: Binoto ko talaga si Guryon.
Leon; Ayie…..
Marie: Teka, si Amy yun di ba?
David: oo nga no.

(Sa Batangas Voting Precint 234)
(lumapit si Eileen kay Ark)
Eileen: Hi.
Ark: Hi.
Eileen: May hinihintay ka ba?
Ark: Oo, hinihintay ko yung kaibigan ko eh.
Eileen: Ako rin meron eh.
Ark: Ah.
Eileen: di mo ba tatanungin kung sino?
Ark: Sino?
Eileen: Pag-ibig ang hinihintay ko.
(natahimik si Ark at halos matawa tawa)
Eileen: Alam mo gwapo ka.
Ark: (Sh*T! for the first time may pumuri sa akin!! Aasawahin ko na to! Tatanda akong walang nagkakagusto sa akin.)
Man: Pre!
(napalingon si Eileen at si Ark sa lalaki.)
Ark: O, sige, miss, mauna na kami.
Eileen: Teka, ito nga pala number ko. (sabay abot ng papel na may sulat)
Ark: Sige,
Lalaki: Pre, may nakilala ka, pakilala mo naman ako.
Ark: Ah, sige, miss, si Nicolo. Kaibigan ko, ako si Ark. Ikaw si?
Eileen: Eileen. (sabay kindat kay Nicolo at lumakad papalayo)

No comments:

Cast of Characters

Danilo Montano/ Captain Nguso - ang orihinal na Danilo Montano. Siya pa rin si Captain Nguso. Guro sa isang industrial school.
Maj. Leon San Miguel - commandant ng paaralang pinagsisilbihan ni Danilo Montano. Isa rin siyang sundalo ng Philippine Navy. Miyembro ng samahang Ilustrado.
Col. David Cortez - Taga Philippine Army na kasama ni Leon sa PMA. Isa siya sa mga pinakabatang sundalo ng Army. Miyembro rin ng Ilustrado.
Lt. Col. Eugenio Galvez - kasamahan nila David at Leon sa PMA. Nagsisilbi rin siya sa Navy. Miyembro ng Ilustrado.
Domingo Lee - si Lee Kong King na nagbago ng pagkatao. Di siya nagpakilala bilang Lee Kong King at nagbago ng pangalan bilang Domingo. IT Specialist ng National Bank of Anonas (NBA). Sumama sa samahang Ilustrado.
Lloyd Lopez - NBI Agent. Isa siya sa mga di pinapansin na agent ng NBI dahil hindi magaling.
Jessica Guryon - TV Broadcaster na nais maging presidente ng Pilipinas.
Francisco Cosme - simpleng magsasaka na depositor ng NBA.
Marie Diana Estevez - teller ng NBA.
Amy Marquez - teller rin ng NBA pero sa new accounts.
Esther delos Santos - bank manager ng NBA.
King Ronaldo Canonizado - miyembro ng criminal syndicate na KONVIC. Siya ang laging ginagamit na pang front. Artista siya. Mas kilala bilang Ron Iglesia.
Jerome Manalastas - abogado ng KONVIC. Pangarap maging presidente ng Pilipinas.
Bertucio Pinaglabanan - dating miyembro ng EHS. Pero dahil naghihirap na sila ni Betina, kinakailangan nyang sumideline. Front nya ang pagjajanitor. Siya ang delivery man ng KONVIC.
Vic "AKON" Gonzaga - lider ng KONVIC. Pinagsamang aKON at VIC. Pinapalabas nila na ang kanilang samahang KONVIC ay NGO na tumutulong sa mga mahihirap na nasa probinsya.
Padre Damaso - isang voice over na nilalang na naguutos sa kanyang mga tauhan ng kasamaan. Lider ng samahang "Unity"
The Fox - lider ng samahang Dragons na gumugulo sa katahimikan ng bansa.
Ma. Angelique Holcim - mayamang haciendera sa Batangas. Matalino rin at may koneksyon sa military dahil sa kanyang dating asawa na militar.
Toni Espina - asawa ni Eugenio. Frequent depositor ng NBA.
Lawrence Espinosa - nagtatrabaho sa SSS. May malaking koneksyon sa pamahalaan.
Gen. Justo Gustavo - pinakamataas sa buong Philippine Army.
Cedric Manual - scientist na ang tanging nais ay magkaroon ng di mapapantayang kapangyarihan.
Mayor Andrew Bistro - mayor ng Nasugbu, Batangas.
Eileen Dumayo - mananahi na sinasabing may kapangyarihan makita ang mangyayari at magpabangon ng patay.

AND THE OTHER CHARACTERS ARE TO FOLLOW...