Wednesday, June 24, 2009

Episode L: Giovanni Cincinnati’s Demise

(Sa Konvic Office)
Padre Damaso: Parang nagtrabaho lang sa atin si Captain Nguso, inalis nya yung Fox, nabawasan ng problema ang bansa, napalitan ang pangulo ng Vice President na tauhan din natin, tapos ngayon, wala nang mangeextort sa ating mga business na Dragons.
Jerome: Sa bagay…

(Sa NBA)
Esther: Bilib na talaga ako kay Captain Nguso.
Marie: Ako rin.
Amy: Pero nasaan na kaya uli sila David Cortez?

(Sa bahay ni Danilo)
(on TV) Jessica: Nakakulong na po si Mayor Andrew Bistro. Sa ngayon po, naging normal uli ang lahat at nawala ang adiksyon ng mga tao sa Fox na sinasabing pagmamayari ng grupong Dragons na ngayo’y nawawala ang leader.
Danilo: Nawawala? Sino kaya ang leader? Niligtas kaya nila Juan at Lee yun?

(Sa Paris)
Giovanni: Ito ang 250 million pesos.
David: Oh, ito na ang lider ng Dragons. Si Anito Chi. Isang intsik.
Giovanni: Makakaalis na kayo.
David: Last request?
Giovanni: Ano?
David: Gusto namin makauwi ng Pilipinas gamit ang Air Cincinnati.
Giovanni: Sige pero ayoko na makarinig muli mula sa inyo.
David: Sure.
(lumabas sila ng office at naglakad)
Lee: anong ginagawa mo? Bakit ka pumayag?
David: Di nyo ba naisip? Hindi naman si The Fox yung binigay natin eh. INtsik yun na di marunong managalog. Mangingisdang intsik. Iniwan ko yung tunay na Anito sa The Colonel’s Shop at pinabantayan. Naisahan natin siya. Gagamitin natin si Anito para makuha lahat ng business ni Giovanni. Kumita pa tayo ng 250 million na parang wawaldasin lang natin.
Lee: So fake yun?
David: Fake yun. Well, kaya nga pinakuha ko sayo ang info ng mga Dragons. Pagkatapos natin sila gamitin, liligpitin din natin.
Leon: F*cking genious!!!

(makalipas ang ilang araw)

Leon: So pano ba yan Anito? Na-save ka namin. Hindi ka napatay ni Cincinnati? Alyas Lawrence?
Anito: O e di salamat. Winasak nyo naman yung pinaghirapan kong gawin.
Leon: Kailangan yun para maipakita na nahuli ka namin. So ngayon, gaganti tayo kay Giovanni. Kukuhanin natin lahat ng business nya.
Anito: no problem…

(Sa Paris)
Man: Mr. Giovanni Cincinnati?
Giovanni: Yes.
(niratrat ng lalaki si Giovanni. Patay agad si Giovanni. Iniwan ng lalaki ang isang folder sa drawer ni Giovanni)

(Sa NBA)
Esther: Good morning sir.
DAnilo: Good morning.
(nakita ni Danilo si Lee sa NBA)
Danilo: Siguro nga masama lang isip ko, siguro talagang sinave naman nila.
Esther: Sir?
Danilo: Wala…

(Sa Hacienda Holcim)
Leon: Ayaw mo ba pa sagutin ang aking pagibig na kumakatok sa pinto ng iyong puso?
Angelique: Korny. O ano Eileen?
Eileen: Shit. Wala akong makita sa future!!
Angelique: Wala ka nang kwenta. Katulad ka ni Francisco Cosme!
Eileen: Ahm… medyo Malabo. Pero parang, di talaga kayo magkakatuluyan…

(Sa The Colonel’s Shop)
(may tumigil na kotse sa tapat nila at isang Frenchman ang lumabas)
Frenchman: Mr. David Cortez?
David: Yeah?
Frenchman: IS Mr. Leon San Miguel, Domingo Lee, and Mr. Eugenio Galvez here?
All: Why?
Frenchman: I am from the French Embassy. Mr. Giovanni Cincinnati passed was murdered. A will was found at his desk saying that you are the people who will inherit all his wealth since all his family members are dead or unreliable.
David: How can we claim it.
Frenchman: Oh, you can always go to our Embassy to claim your identity.
Eugenio: All right thanks.
Anito: Teka, bakit wala pangalan ko? May mali!!
Leon: Walang mali Anito.
(dumating ang mga pulis)
Anito: Anong-
Pulis: Anito Spaniard, you are under arrest for-
Anito: **** *** nyo!! Doinouble cross nyo ako!! Gaganti ako!
David: Paano pa kung ang buong organisasyon ay nasa kulungan na?
Anito: Mamamatay kayong lahat!
(hinuli si Anito at umalis ang police cars)
David: Pano nga ba nawala ang pangalan nya?
Lee: Simple, di ba nanakaw ko ang system nila? Nakita ko ang inencode nung gunman na last will. Nung sinave nya, binura ko yung pangalan ni Anito at yun ang prinint.
David: You’re a genious!!!

No comments:

Cast of Characters

Danilo Montano/ Captain Nguso - ang orihinal na Danilo Montano. Siya pa rin si Captain Nguso. Guro sa isang industrial school.
Maj. Leon San Miguel - commandant ng paaralang pinagsisilbihan ni Danilo Montano. Isa rin siyang sundalo ng Philippine Navy. Miyembro ng samahang Ilustrado.
Col. David Cortez - Taga Philippine Army na kasama ni Leon sa PMA. Isa siya sa mga pinakabatang sundalo ng Army. Miyembro rin ng Ilustrado.
Lt. Col. Eugenio Galvez - kasamahan nila David at Leon sa PMA. Nagsisilbi rin siya sa Navy. Miyembro ng Ilustrado.
Domingo Lee - si Lee Kong King na nagbago ng pagkatao. Di siya nagpakilala bilang Lee Kong King at nagbago ng pangalan bilang Domingo. IT Specialist ng National Bank of Anonas (NBA). Sumama sa samahang Ilustrado.
Lloyd Lopez - NBI Agent. Isa siya sa mga di pinapansin na agent ng NBI dahil hindi magaling.
Jessica Guryon - TV Broadcaster na nais maging presidente ng Pilipinas.
Francisco Cosme - simpleng magsasaka na depositor ng NBA.
Marie Diana Estevez - teller ng NBA.
Amy Marquez - teller rin ng NBA pero sa new accounts.
Esther delos Santos - bank manager ng NBA.
King Ronaldo Canonizado - miyembro ng criminal syndicate na KONVIC. Siya ang laging ginagamit na pang front. Artista siya. Mas kilala bilang Ron Iglesia.
Jerome Manalastas - abogado ng KONVIC. Pangarap maging presidente ng Pilipinas.
Bertucio Pinaglabanan - dating miyembro ng EHS. Pero dahil naghihirap na sila ni Betina, kinakailangan nyang sumideline. Front nya ang pagjajanitor. Siya ang delivery man ng KONVIC.
Vic "AKON" Gonzaga - lider ng KONVIC. Pinagsamang aKON at VIC. Pinapalabas nila na ang kanilang samahang KONVIC ay NGO na tumutulong sa mga mahihirap na nasa probinsya.
Padre Damaso - isang voice over na nilalang na naguutos sa kanyang mga tauhan ng kasamaan. Lider ng samahang "Unity"
The Fox - lider ng samahang Dragons na gumugulo sa katahimikan ng bansa.
Ma. Angelique Holcim - mayamang haciendera sa Batangas. Matalino rin at may koneksyon sa military dahil sa kanyang dating asawa na militar.
Toni Espina - asawa ni Eugenio. Frequent depositor ng NBA.
Lawrence Espinosa - nagtatrabaho sa SSS. May malaking koneksyon sa pamahalaan.
Gen. Justo Gustavo - pinakamataas sa buong Philippine Army.
Cedric Manual - scientist na ang tanging nais ay magkaroon ng di mapapantayang kapangyarihan.
Mayor Andrew Bistro - mayor ng Nasugbu, Batangas.
Eileen Dumayo - mananahi na sinasabing may kapangyarihan makita ang mangyayari at magpabangon ng patay.

AND THE OTHER CHARACTERS ARE TO FOLLOW...