Friday, June 26, 2009

Episode LIII: Agent Lloyd

(Sa NBA)
Esther: Marie, may sulat ka mula sa New Zealand.
(binuksan ni Marie ang sulat)
Dear Marie,

Nasa New Zealand na ako nakatira ngayon. May trabaho. Pero walang pamilya. Magsasaka ako dito, farmer, ika nga. Baka di na tayo magkita. Dito na siguro ako tatanda. Love you.

Francisco Cosme./ Frank

(Sa Konvic Office)
Agent: Tandaan nyo, nakasunod sa inyo ang NBI. Huhulihin natin isa-isa ang mga associates ni Padre Damaso. As for the exact location ni Padre Damaso, yun ang aalamin natin sa associates nya.
Bert: Okay.
Jerome: Tumawag na si Padre Damaso. Let’s go.

(sa Warehouse na abandonado)
Padre Damaso: mineet ko kayo lahat dahil isa sa mga associates natin ang nakidnap. Si Antonio Linsangan. Malaking kawalan siya kaya kailangan natin siya i-save. Do all you can.
(natapos ang meeting at isa-isa pinagdadakip ng NBI ang mga associates)

(Sa bahay ni Antonio)
(may dumating na isang lalaki na may dalang pera. Nag ring ang telepono)
Padre Damaso: Andito na ako sa labas.
Man 1: pumasok ka.
(binaba ang telepono at pumasok ang lalaking may dalang bag. Nanginginig pa)
Man: A-ako si Pa-Padre Damaso.
Man 1: Padre Damaso, dinouble cross mo kami.
(binaril ng lalaking naka-itim si Antonio sa ulo.)
Padre Damaso: F****************************CCCCCCCCCCCCKKKKKKKKK!
Man 2: We don’t accept traitors. (binaba ang telepono)

(sa bahay ni Danilo)
(on TV): Isang lalaki po ang nakitang duguan sa kanyang sariling bahay na kinilalang si Antonio Linsangan.
Danilo: Damn. May koneksyon kaya to kay Padre Damaso?

(Sa opisina ni David)
Lady: Sir?
David: Miss bakit?
Lady: Ako po yung bago nyong secretary.
David: wow. Ano nga palang pangalan mo?
Lady: Queenie Santos po.
David: Oh, okay. Sige..
(lumabas ang babae at pumasok si Lee)
Lee: Pre, sinabi ni Antonio na si Billy Jean at Padre Damaso ay iisa. Na-confirm natin na buhay si Billy Jean. Pero saan natin siya sisimulang hanapin?
David: Si Gen. Gustavo, may idea yun for sure.
Lee: So si Gen. Gustavo ang next?\
David: Ngayon na…

(Sa NBI)
Agent: Tinatamad na ako na tanungin yung mga associates ni Padre Damaso. Lahat sila walang nalalaman. Ikaw na nga lang Lloyd.
Lloyd: Sure..

(Sa inquest room)
Lloyd: So associate din kayo ni Padre Damaso?
Bert: Actually hindi kami. Kami nga nagsuplong di ba?
Lloyd: Oo, alam ko yun. Eh sino?
Jerome: Si Vic.
Lloyd: Yung na-assassinate?
Jerome: Yeah.
Lloyd: Shit. Member pala siya ng Unity.
Bert: Pati yung namumuno ngayon ng Pilipinas.
Lloyd: Si Pres. Resto?
Jerome: Oo.
Lloyd: Damn!
Jerome: SO wala kang magagawa?
Lloyd: E hindi nyo naman alam lahat kung nasaan si Padre Damaso eh.

(Sa Campo Reporma)
Soldier: General, may gusto makipagkita sa inyo.
Gen: Papasukin nyo.
David: General!
(pumasok na ang lahat)
Gen: O, David? Asensado ah.
David: Oo nga eh. Kayo rin eh. Halatang tauhan ni Padre Damaso eh..
Gen: Anong tinutukoy mo?
David: Wag ka na magmaang-maangan General. Lahat, kayo ang may pakana.
Gen: Pinaparatangan mo ba ako?
Leon: Hindi naman general, pinapakita lang namin ang kabuktutan mo.
Gen: Haha. Ganun ah. Soldiers! Hulihin ang mga talipandas na to.
Lee: Hindi rin General (nagsuot sila lahat ng mask at nagbato si Lee ng sleeping gas.
(nakatulog lahat sa sleeping gas. Kumalat ito sa aircon duct at nakatulog lahat ng tao sa Campo Reporma)
Lee: Let’s roll!
(kinuha nila si Gen. Gustavo at sinakay sa van. Umalis na ang van)

No comments:

Cast of Characters

Danilo Montano/ Captain Nguso - ang orihinal na Danilo Montano. Siya pa rin si Captain Nguso. Guro sa isang industrial school.
Maj. Leon San Miguel - commandant ng paaralang pinagsisilbihan ni Danilo Montano. Isa rin siyang sundalo ng Philippine Navy. Miyembro ng samahang Ilustrado.
Col. David Cortez - Taga Philippine Army na kasama ni Leon sa PMA. Isa siya sa mga pinakabatang sundalo ng Army. Miyembro rin ng Ilustrado.
Lt. Col. Eugenio Galvez - kasamahan nila David at Leon sa PMA. Nagsisilbi rin siya sa Navy. Miyembro ng Ilustrado.
Domingo Lee - si Lee Kong King na nagbago ng pagkatao. Di siya nagpakilala bilang Lee Kong King at nagbago ng pangalan bilang Domingo. IT Specialist ng National Bank of Anonas (NBA). Sumama sa samahang Ilustrado.
Lloyd Lopez - NBI Agent. Isa siya sa mga di pinapansin na agent ng NBI dahil hindi magaling.
Jessica Guryon - TV Broadcaster na nais maging presidente ng Pilipinas.
Francisco Cosme - simpleng magsasaka na depositor ng NBA.
Marie Diana Estevez - teller ng NBA.
Amy Marquez - teller rin ng NBA pero sa new accounts.
Esther delos Santos - bank manager ng NBA.
King Ronaldo Canonizado - miyembro ng criminal syndicate na KONVIC. Siya ang laging ginagamit na pang front. Artista siya. Mas kilala bilang Ron Iglesia.
Jerome Manalastas - abogado ng KONVIC. Pangarap maging presidente ng Pilipinas.
Bertucio Pinaglabanan - dating miyembro ng EHS. Pero dahil naghihirap na sila ni Betina, kinakailangan nyang sumideline. Front nya ang pagjajanitor. Siya ang delivery man ng KONVIC.
Vic "AKON" Gonzaga - lider ng KONVIC. Pinagsamang aKON at VIC. Pinapalabas nila na ang kanilang samahang KONVIC ay NGO na tumutulong sa mga mahihirap na nasa probinsya.
Padre Damaso - isang voice over na nilalang na naguutos sa kanyang mga tauhan ng kasamaan. Lider ng samahang "Unity"
The Fox - lider ng samahang Dragons na gumugulo sa katahimikan ng bansa.
Ma. Angelique Holcim - mayamang haciendera sa Batangas. Matalino rin at may koneksyon sa military dahil sa kanyang dating asawa na militar.
Toni Espina - asawa ni Eugenio. Frequent depositor ng NBA.
Lawrence Espinosa - nagtatrabaho sa SSS. May malaking koneksyon sa pamahalaan.
Gen. Justo Gustavo - pinakamataas sa buong Philippine Army.
Cedric Manual - scientist na ang tanging nais ay magkaroon ng di mapapantayang kapangyarihan.
Mayor Andrew Bistro - mayor ng Nasugbu, Batangas.
Eileen Dumayo - mananahi na sinasabing may kapangyarihan makita ang mangyayari at magpabangon ng patay.

AND THE OTHER CHARACTERS ARE TO FOLLOW...