Sunday, June 21, 2009

Episode XLVII: Flying Electrical Current

(Sa National Bank of Anonas)
(dumating ang mga lalaking naka-red at black na jacket)
Man: asan na?
Marie: Ito na po.
Captain Nguso: Hep hep…
Amy: Captain Nguso?
Man: Merong naliligaw galing costume party
(nagtawanan ang mga kasama nya)
CN: Costume party pala ah.
(kinuryente nya isa isa na may lakas na 110V, nangisay sila sa sahig at nilabas sila ni Captain Nguso sa kalye)
CN: I’m back! (lumipad uli)

(Sa Malacanang)
Sekretarya: Mr. President, gusto po makipagkita ni Captain Nguso.
Andrew: Ayoko!
Sekretarya: Sir, ayaw po magpapasok sa kwarto ni Mr. President eh.
CN: Life can’t wait. (tinulak ni Captain Nguso ang pinto ng opisina ng presidente. Tumakbo papalayo ang sekretarya at nagtawag ng security.)
(nawala ang presidente sa kwarto. Maya maya pinaputukan ng baril si Captain)
*bang* Andrew: Makikipaglaro ka pa ah.
CN: Hindi ako nakikipaglaro! (namatay lahat ng ilaw sa buong Malacanang. Nawalan ng kuryente)
Andrew: Shit! DI ko pa nasasave yung laro ko!
CN: Aha! Sinasabi ko na nga ba! Ang Fox na yan ang may dahilan!
(tinira ni CN ng laser ang kwarto ng Fox at sumabog ito. Nagalarm ang buong Malacanang. Lumabas din ang mga sprinkler.)
Soldier: Security! Put your hands above your head where I can see them!
CN: Ulol! Gusto mo ba magumon ang bansa natin sa Fox?!
Security: Hindi lang ako nagiisa.
(dumating lahat ng mga tao na adik na sa Fox. Mga 100,000 na tao ang sumugod kay Captain)
CN: I can’t hurt innocent people!
(lumipad si Captain papuntang factory ng Fox)

(Sa SF, USA)
David: Hindi doon eh.
Lee: What if mali lahat ng impormasyon natin?
Leon: Pwedeng hindi.
Lee: Pano mo naman nasabi?
Leon: What if may underground yung Dragon Noodle Center?
David: Pwede.
Lee: Balikan natin mamayang gabi.

(Sa Fox Factory)
Worker: Wala kaming alam. Inutusan lang kami.
CN: Sinong mayari nito?
Worker: Hindi rin namin alam. Nawawala na rin yung boss namin.
CN: Shit. Nasaan yung control nito?
Worker: Wala dito, factory lang to. BAka nasa bahay ng may-ari.
CN: Lumabas kayong lahat!
(walang lumabas, lahat nakatingin kay Captain. Winasak ni Captain ang isa sa mga makina. Nagtakbuhan yung mga tao papalabas. Pinasabog nya ang buong factory at lumipad siya papalayo)

(habang nasa ere si Captain Nguso isang jet fighter ang humarap sa kanya at tinira siya ng guided missile. Hinabol siya ng missile ngunit nakatakas siya at nalaglag ang missile sa factory ng Fox na nasusunog)

CN: Ano yun?
Jet Fighter: Ako si Pilot Manual. This is Jet Fighter PDU-123, inuutusan kitang bumaba!
CN: Ulol!
(nag short circuit ang electrical ng eroplano. Nasira ang eroplano at bumagsak ito. Sumabog ang eroplano)
CN: Hahahaha!!!
Padre Damaso: SHIT!

(Sa NBA)
Marie: Wag muna tayo lumabas lahat dito. Delikado sa mga kalye ngayon. Sumusugod lahat ng tagasunod ng Fox.
Esther: Ano nang nangyayari sa Pilipinas?!?!
Amy : Grabe, sinira na ng Fox pati utak ng presidente ng Pilipinas.
Marie: State of Emergency na!

(Sa bahay ni Danilo)
Danilo: Damn… SAan ko mahahanap itong headquarters ng Fox Games?! Hindi ko naman pwedeng patayin yung mga tao?! O diyos ko…

(Sa Hacienda Holcim)
Angelique: Anong nangyari?
Eileen: Isang jet fighter po ang bumagsak sa sakahan.
Angelique: Damn! San nanaman galing yan jet na yan?!
Eileen: Hindi ko po alam. Wala akong makita sa future!!!

(Sa NBA)
(nag ring ang telepono)
Amy: Hello?
David: Hello? Ano nang nangyayari?
Amy: Sa NBA?
David: Yep.
Amy: State of Emergency na sa Pilipinas.
David: BAkit?
Amy: KAsi yung mga adik sa Fox, sinusugod nila si Captain Nguso, pati pala presidente ng Pilipinas adik na rin.
David: Sabi na masama talaga yung Fox na yan eh. Sige sige salamat. Amerika na kami.
Amy: Teka, sino ba to?
David: SI David.

No comments:

Cast of Characters

Danilo Montano/ Captain Nguso - ang orihinal na Danilo Montano. Siya pa rin si Captain Nguso. Guro sa isang industrial school.
Maj. Leon San Miguel - commandant ng paaralang pinagsisilbihan ni Danilo Montano. Isa rin siyang sundalo ng Philippine Navy. Miyembro ng samahang Ilustrado.
Col. David Cortez - Taga Philippine Army na kasama ni Leon sa PMA. Isa siya sa mga pinakabatang sundalo ng Army. Miyembro rin ng Ilustrado.
Lt. Col. Eugenio Galvez - kasamahan nila David at Leon sa PMA. Nagsisilbi rin siya sa Navy. Miyembro ng Ilustrado.
Domingo Lee - si Lee Kong King na nagbago ng pagkatao. Di siya nagpakilala bilang Lee Kong King at nagbago ng pangalan bilang Domingo. IT Specialist ng National Bank of Anonas (NBA). Sumama sa samahang Ilustrado.
Lloyd Lopez - NBI Agent. Isa siya sa mga di pinapansin na agent ng NBI dahil hindi magaling.
Jessica Guryon - TV Broadcaster na nais maging presidente ng Pilipinas.
Francisco Cosme - simpleng magsasaka na depositor ng NBA.
Marie Diana Estevez - teller ng NBA.
Amy Marquez - teller rin ng NBA pero sa new accounts.
Esther delos Santos - bank manager ng NBA.
King Ronaldo Canonizado - miyembro ng criminal syndicate na KONVIC. Siya ang laging ginagamit na pang front. Artista siya. Mas kilala bilang Ron Iglesia.
Jerome Manalastas - abogado ng KONVIC. Pangarap maging presidente ng Pilipinas.
Bertucio Pinaglabanan - dating miyembro ng EHS. Pero dahil naghihirap na sila ni Betina, kinakailangan nyang sumideline. Front nya ang pagjajanitor. Siya ang delivery man ng KONVIC.
Vic "AKON" Gonzaga - lider ng KONVIC. Pinagsamang aKON at VIC. Pinapalabas nila na ang kanilang samahang KONVIC ay NGO na tumutulong sa mga mahihirap na nasa probinsya.
Padre Damaso - isang voice over na nilalang na naguutos sa kanyang mga tauhan ng kasamaan. Lider ng samahang "Unity"
The Fox - lider ng samahang Dragons na gumugulo sa katahimikan ng bansa.
Ma. Angelique Holcim - mayamang haciendera sa Batangas. Matalino rin at may koneksyon sa military dahil sa kanyang dating asawa na militar.
Toni Espina - asawa ni Eugenio. Frequent depositor ng NBA.
Lawrence Espinosa - nagtatrabaho sa SSS. May malaking koneksyon sa pamahalaan.
Gen. Justo Gustavo - pinakamataas sa buong Philippine Army.
Cedric Manual - scientist na ang tanging nais ay magkaroon ng di mapapantayang kapangyarihan.
Mayor Andrew Bistro - mayor ng Nasugbu, Batangas.
Eileen Dumayo - mananahi na sinasabing may kapangyarihan makita ang mangyayari at magpabangon ng patay.

AND THE OTHER CHARACTERS ARE TO FOLLOW...