Friday, June 19, 2009

Episode XLIII: The Dragons

(Sa Malacanang)
Andrew: Sorry Padre Damaso, hindi ako pwede umayon sa gusto mo.
Padre Damaso: Kung yan ang iniisip mo, bahala ka.
(binaba na ni Andrew ang telepono)
Andrew: So General, ano yung gusto mong itanong sa akin?
Gen: Itatanong ko lamang sana kung sino ang bagong may-ari ng National Bank of Anonas. As you know, isa ako sa mga depositor dun. At alam ko na kayo rin naman.
Andrew: Ah, well, 4 na yung mayari nun eh. Yung may-ari ng computer shop at military supplies na The Colonel’s Shop.
Gen: Mr. President, maari ko bang malaman bakit nyo nilipat sa kanila ang pagmamay-ari?
Andrew: Ah, haha… Nakipagdeal kasi sa akin si Antonio Linsangan. Parang nagkatuwaan lang. Sinabi nya na kapag nanalo ako bigyan ko raw siya ng posisyon sa gobyerno. Kung hindi naman daw, eh ibigay ko sa 4 na ito ang business.
Gen: Ah, so yun yung pinakita mong letter kaya Antonio?
Andrew: Yep.
Gen: Salamat Mr. President.
Andrew: Surely General.

(Sa bahay ni Antonio)
Arvin: Sir, may tawag po kayo.
(kinuha ni Antonio ang telepono)
Antonio: Oh anong tinitingin tingin mong negro ka? Alis na!
Arvin: Sensya na sir.
Antonio: Hello?
On phone: Estupido ka pala eh! Nakipagdeal ka kay Pres. Bistro!
Antonio: Uncle! Ako? Makikipagdeal? Di ko nga kilala yang Andrew na yan eh!
On phone: Gago ka, nakipagdeal ka na lang, kumpanya pa yung pinangdeal mo. O ngayon, pwede mo na siguro bawiin. Panalo na siya eh.
Antonio: Kung totoo yun, baka hindi na rin. Kung gusto nyo kayo na bumawi.
ON phone: Ungas mo talaga!

(Sa Paris)
Eugenio: Oh?
David: Yun yung balita sa akin ni Esther eh.
Eugenio: Sakit sa iyo nun Leon.
Leon: Bakit?
Eugenio: Si Marie na raw saka yung magsasakang si Francisco!
Leon: What the- yun magsasakang yun? Ipagpapalit nya sa aking retired Major?!
Lee: Pre, correction, relieved major. Di ka pa retired.
Leon: Oh, whatever. Shit.
Lee: Noon ko pa naman napapansin na may something doon sa magsasakang si Cosme at kay Marie eh.
(dumating si Angelique)
Leon: Sige mga pre.
(umalis si Leon at sumama kay Angelique)
Eugenio: Pucha, babaero talaga.

(Sa Konvic Office)
King: Kuha mo nga ako tubig.
Bert: Bakit ako susunod sayo?
King: Ako ang bagong lider ninyo.
Bert: Ulol ka pala eh. Pantay pantay lang tayo ngayon.
King: Mayabang ka ah! Anong gusto mong palabasin ah?!
Bert: Si Boss Vic lang ang boss dito wala nang iba!
Jerome: tama na nga yan. Mga pari, di tayo pwede mag-away away. Siyanga pala, mamayang hapon tatawag si Padre Damaso.
(nag ring ang telepono)
Jerome: Hello?
Padre Damaso: Atty. Jerome Manalastas?
Jerome: Speaking.
Padre Damaso: Good. Gusto ko makausap si Ron Iglesia.
(iniabot ni Jerome ang telepono kay King)
King: Hello?
Padre Damaso: Hello. Ron, meron akong commercial na ipapagawa sayo.

(Sa Paris)
Giovanni: Andito kayo ngayon sa aking opisina dahil meron akong ipaparesearch sa inyo. Ito ay ang mahigpit na kalaban ng Cincinnati sa negosyo. Ang The Dragons Triad. So sinong nakakaalam tungkol sa Triad na ito?
(walang nagtaas ng kamay)
Giovanni: Good. So ipapaliwanag natin mula sa simula. Ang The Dragons Triad ay actually hindi negosyo. Hindi rin sila investors. Isa silang sindikato, isang grupo ng mga criminal. Itong Dragons Triad ay sinasabing nagsimula sa Chinatown ng San Francisco, USA. Arms dealer, loan sharking, drug dealers, illegal gambling at assassination ang pangunahing mga ginagawa ng Dragons. Dati dun lang sila sa San Francisco. Then nagexpand sila sa New York at iba pang states ng Amerika. Well, hinaharass nila ang mga business owners para magbigay ng protection money sa kanila. Ang di magbigay, pinapatay, sinusunog ang business o nagsasara ang business.
Lee: Wait. Meron ba silang koneksyon sa gobyerno?
Giovanni: Hindi natin alam. Hindi nga natin alam ang leader ng Dragons. Well, to continue, umabot ang Dragons sa Asia at sa Europe. Umabot sa Paris. Isa ang Cincinnati Group of Companies sa mga nagbibigay sa kanila ng milyong milyong salapi bilang protection money. Nakuha nyo ba?
All: Yes.
Giovanni: Good. Now, gamit ang mga pinagaralan nyo sa schooling. Kahit mahirap, you need to fight these scumbags.
Leon: Fight as in bugbugan?
Giovanni: Hindi. Kailangan hindi na nila singilin ang Cincinnati Group of Companies ng protection money. Hayaan nyo na ang business. Ang mahalaga, walang sinisingil sa atin.
David: Tuwing kalian at paano ba ang koleksyon nila?
Giovanni: Merong naka-motor na lalaki, iba-iba ang kulay ng damit. Random ang pagsingil. Walang exact date. Tatawag nalang siya na kailangan nang ibaba ang pera.
Angelique: Excuse me, Pwede na ba ako bumalik ng Pilipinas?
Giovanni at Leon: Ha?! Bakit?!?!
Angelique: Ayoko madamay sa ganitong mga gulo.
Leon: E di ako na rin!

No comments:

Cast of Characters

Danilo Montano/ Captain Nguso - ang orihinal na Danilo Montano. Siya pa rin si Captain Nguso. Guro sa isang industrial school.
Maj. Leon San Miguel - commandant ng paaralang pinagsisilbihan ni Danilo Montano. Isa rin siyang sundalo ng Philippine Navy. Miyembro ng samahang Ilustrado.
Col. David Cortez - Taga Philippine Army na kasama ni Leon sa PMA. Isa siya sa mga pinakabatang sundalo ng Army. Miyembro rin ng Ilustrado.
Lt. Col. Eugenio Galvez - kasamahan nila David at Leon sa PMA. Nagsisilbi rin siya sa Navy. Miyembro ng Ilustrado.
Domingo Lee - si Lee Kong King na nagbago ng pagkatao. Di siya nagpakilala bilang Lee Kong King at nagbago ng pangalan bilang Domingo. IT Specialist ng National Bank of Anonas (NBA). Sumama sa samahang Ilustrado.
Lloyd Lopez - NBI Agent. Isa siya sa mga di pinapansin na agent ng NBI dahil hindi magaling.
Jessica Guryon - TV Broadcaster na nais maging presidente ng Pilipinas.
Francisco Cosme - simpleng magsasaka na depositor ng NBA.
Marie Diana Estevez - teller ng NBA.
Amy Marquez - teller rin ng NBA pero sa new accounts.
Esther delos Santos - bank manager ng NBA.
King Ronaldo Canonizado - miyembro ng criminal syndicate na KONVIC. Siya ang laging ginagamit na pang front. Artista siya. Mas kilala bilang Ron Iglesia.
Jerome Manalastas - abogado ng KONVIC. Pangarap maging presidente ng Pilipinas.
Bertucio Pinaglabanan - dating miyembro ng EHS. Pero dahil naghihirap na sila ni Betina, kinakailangan nyang sumideline. Front nya ang pagjajanitor. Siya ang delivery man ng KONVIC.
Vic "AKON" Gonzaga - lider ng KONVIC. Pinagsamang aKON at VIC. Pinapalabas nila na ang kanilang samahang KONVIC ay NGO na tumutulong sa mga mahihirap na nasa probinsya.
Padre Damaso - isang voice over na nilalang na naguutos sa kanyang mga tauhan ng kasamaan. Lider ng samahang "Unity"
The Fox - lider ng samahang Dragons na gumugulo sa katahimikan ng bansa.
Ma. Angelique Holcim - mayamang haciendera sa Batangas. Matalino rin at may koneksyon sa military dahil sa kanyang dating asawa na militar.
Toni Espina - asawa ni Eugenio. Frequent depositor ng NBA.
Lawrence Espinosa - nagtatrabaho sa SSS. May malaking koneksyon sa pamahalaan.
Gen. Justo Gustavo - pinakamataas sa buong Philippine Army.
Cedric Manual - scientist na ang tanging nais ay magkaroon ng di mapapantayang kapangyarihan.
Mayor Andrew Bistro - mayor ng Nasugbu, Batangas.
Eileen Dumayo - mananahi na sinasabing may kapangyarihan makita ang mangyayari at magpabangon ng patay.

AND THE OTHER CHARACTERS ARE TO FOLLOW...