(Sa Mt. Maculot)
Bert: Hoy, gising.
David: Buhay ako?
Bert: Wag kang tatayo. Mag patay-patayan ka. Kilala na kita. Namukhaan kita at di kita pwedeng patayin.
David: Anong ibig mong sabihin.
Bert: Basta. Mag patay patayan ka lang dyan.
David: Pano kung maubusan ako ng dugo?
Bert: Hindi ka mauubusan ng dugo. Binaril kita ng Bloody Bullets. Yung mga bala na hindi pulbura ang laman, kundi fake blood. So wala ka talagang tama. PEro manghihina ka sa bugbog. Wag ka muna magpakita sa mga tao. Magtago ka muna, tulad ng ginawa mo dati.
David: Anong sinasabi mong ginawa ko dati? Sino ka ba?
Bert: Ako si Bertucio Pinaglabanan, nakalimutan mo na ako. Basta, tulungan mo ako. Wag kang magpapakita. Wag ka munang lalabas, kung gusto mo lumabas, magbago ka ng mukha, pangalan. Basta, dapat wala na. Dapat patay na si Col. David Cortez.
David: Sige, bert, salamat.
Bert: Walang anuman, Juan Salvador.
(umalis na si Bert at pumunta sa van)
Man 1: Tagal mo namang kinausap yung bangkay.
Bert: Nilagyan ko ng muriatic acid para madaling matunaw. E di walang bakas.
Man 2: Galing mo. Tara na, baba na tayo bago pa tayo mahuli.
(Sa Salvatore Café)
Leon: Ako nga eh, nagpasa daw ako ng retirement letter, hindi naman.
Eugenio: Corrupt pala si General.
Lee: Napaano na kaya si David?
Leon: Pre, we have to accept, he’s dead.
Eugenio: Pwedeng hindi.
Leon: Imposible.
Lee: Saan na tayo ngayon?
Leon: Magtayo na lang kaya tayo ng sarili nating computer store?
Eugenio: Ako may mga parlor na, pero bakit hindi di ba.
Lee: Ipangalan nalang natin kay David.
Eugenio: Kahit hindi na. Kahit memorabilia na lang sa kanya.
Lee: The Colonel’s Shop.
Leon: Oo nga no. Tapos katabi nun nagtitinda ng military uniform at mga gamit.
Eugenio: Tama.
Lee: Pero di talaga ako titigil sa paghahanap kay David.
Eugenio: Baka matulad ka nyan sa paghahanap kay Juan. Wala ring napala.
(Sa Quirino Grandstand)
Host: Ang una po nating kandidato para sa pagkapangulo, si Mayor Andrew Bistro! Ang mayor ng pinakamaunlad at sinasabing best City sa buong Asia, ang Nasugbu, Batangas.
Andrew: Ah, salamat. Sa mga kababayan ko sa Batangas, magandang araw sa inyo. Simple lang naman ang pangarap ko sa buhay eh. Yung nagawa ko sa Nasugbu, e sana magawa ko rin dito sa buong Pilipinas.
Host: Salamat, mayor, mamaya pong hapon, ang meeting de avance nila so ngayon, parang pagpapakilala pa lang po. Ang ikalawang kalahok, ang pinaka pinagkakatiwalaang broadcaster, si Jessica Guryon!
Jessica: Salamat. Alam nyo, noon pa, lider na ako. Ako ang corps staff 1 ng batch namin. Kaya pag binoto nyo ako, tiyakin ninyong tama ang ispeling para walang technicality!
Host: Salamat, Ms. Guryon. Ang isa pa pong kalahok, ang philanthropist at lider ng grupong Konvic, si Mr. Vic Gonzaga!
Vic: Boto nyo ako, walang diskriminasyong magaganap!!
Host: Well, sila lang pong 3 ang maglalaban laban. Si Mayor Bistro po mula sa Partido Himig. Si Ms. Guryon mula sa Partido Food for All at si G. Gonzaga naman ay mula sa Partido Makatao. Mamaya po natin itutuloy ang meeting de avance.
(Sa NBA)
Antonio: O bakit parang problemado ka?
Amy: Wala.
Antonio: baka naman dahil sa patay na si David Cortez?
(di na sumagot si Amy)
Antonio: Hay naku Amy, ayaw mo nun? Walang makakagulo sa atin.
Amy: Alam mo Antonio, di ko alam bakit grabe na lang yung galit mo sa tao. Wala naman siyang ginagawa sayo.
Antonio: Anong wala?
Amy: Antonio, ayoko na sayo. Buti pa mag cool off muna tayo.
Antonio: Ano?
Amy: Ayoko na.
(Sa Hacienda Holcim)
Angelique: Anong nakikita mo ngayon?
Eileen: wala naman.
Angelique: Sige, meron pa akong pupuntahan sa Maynila eh.
(umalis na si Angelique)
Francisco: May nakikita ka bang mangyayari sa aming dalawa ni Marie?
Eileen: May gusto ka sa bank teller na yun?
Francisco: Matagal na, kaya nga ako nag open ng account sa NBA eh. Para lagi ko siyang nakikita.
Eileen: Maganda ang nakikita ko.
Francisco: Ano yun?
Eileen: Magkakatuluyan kayo.
(sa Mt. Maculot)
(sa gitna ng bundok ay may isang malaking bahay ang nakatayo, nahiga si David sa gate nito at nakatulog)
ang paboritong libro ni Hudas - bob ong
-
kagabi..bumili ako ng libro ni Bob Ong ang paboritong libro ni Hudas.
Nabasa ko na ren naman tong libro na to siguro mga ilang siglo na ang
nakakaraan. Di ...
13 years ago
No comments:
Post a Comment