(Sa Manila)
Man 1: Grabe na talaga ang pagkagumon ng anak ko sa Fox na yan.
JR: Eh kasi nakakaenjoy naman talaga eh.
Man 1: Sabagay. Pero kahit mahal halos lahat ng tao nakakapaglaro na ng Fox.
JR: E may mga fox centers na rin kasi eh. Parang kompyteran. Tapos P10 lang per hour enjoy ka pa sa laro.
Man 1: Discounted na ngayon no?
JR: Oo. Abot kaya na nga eh. P17,000 na lang. Yung nagbayad ng P70,000 may refund pa kaya yung iba bumili pa ng maraming units at nagbusiness na lang.
(Sa Paris)
Leon:Nakakatamad naman yung schooling. Kung wala lang si Angelique, pucha umuwi na ako ng Maynila eh.
Eugenio: Eh bakit di ka pa umuwi?
Leon: E andito nga si Angelique eh!
Eugenio: Andun naman sila Marie sa Maynila.
Leon: Oo nga noh.
(dumating bigla si Giovanni)
David: Mr. Cincinnati, tingin ko kilala kita.
Giovanni: Halika dito.
(lumapit si David)
Giovanni: (pabulong) wag ka na lang maingay.
David: Ikaw si Lawrence Espinosa di ba?
Giovanni: Haha. Nakuha mo rin. Walang nakakakilala ng tunay kong pagkatao.
David: Teka, nakakalito, sino ka ba talaga? Lawrence na nagtatrabaho sa SSS o Giovanni?
Giovanni: Ako talaga si Giovanni. Yung Lawrence, ginamit ko lang yun para magkaroon ako ng contacts sa Pilipinas. And nun ngang nakasabay kita sa eroplano, naipacheck ko gamit ang tissue na nalaglag mo na hindi ikaw si Alex Garcia. Ikaw si David Cortez. Yung colonel na tinanggal sa Army.
David: So nung kinupkop mo ako sa bahay at binigyan ng mga babae, alam mo na hindi ako si Alex Garcia?
Giovanni: Tama. Kilala na kita nun. Kaya hindi na kita pinilit ng dumating si Gen. Gustavo.
(Sa Malacanang)
Andrew: Secretary!
Sec: Yes Mr. President?
Andrew: Ikuha mo ako ng Fox. Ikaw nang bahala sa laro, basta may tungkol sa spy at maaksyon.
Sec: Sige po sir.
(paglabas ng sekretarya dumating si Gen. Gustavo)
Andrew: O, General Gustavo? Bakit?
Gen: Ah, wala naman. Meron lang sana akong gustong itanong sa iyo.
Andrew: Tungkol saan ba yun?
(nag-ring ang telepono ni Andrew)
Gen: Sagutin nyo po muna Mr. President.
Andrew: Hello?
Padre Damaso: Hello, Mr. Andrew Bistro?
Andrew: Yes? Sino to? Paano to nakadirekta sa linya mo?
Padre Damaso: Well simple lang Mr. Bistro, napapalibutan ako ng mga hackers sa aking paligid. Magagaling na hackers. A, siyanga pala, ako nga pala si Padre Damaso.
Andrew: You stupid terrorist.
Padre Damaso: Meron akong business proposition para sa inyo Mr. President.
(Sa XES Faculty)
JR: Nasaan si JM?
Danilo: Wala di pumasok.
JR: Bakit daw?
Danilo: May sakit.
JR: Parang araw-araw may sakit si JM ah.
Danilo: Baka nagdodota.
JR: Ilang taon nang laos ang dota. Baka naglalaro ng Fox.
Danilo: Sobra namang kaadikan yan para mag absent ang isang tao.
JR: Ewan, eh si Anito?
Danilo: Absent din.
JR; Wag mong sabihing nag Fox din?
Danilo: Tulog lang yun.
JR: Pwede.. Grabe naadik na ang mga tao sa Fox.
Danilo: Kaso paano kung mahack ang fox at makontrol ang utak ng mga tao?
JR: Mga iniisip mo kaimposiblehan eh.
Danilo: What if lang naman eh.
JR: Hay naku. Sige, may klase na ako.
(Sa Paris)
Lee: Mga pre, alam nyo ang bagong kinalolokohan sa MAynila ngayon?
David: Ano?
Lee: Fox! Laro yun na parang simulation.
Eugenio: Astig!
Lee: Di lang yan, ieexport pa sa buong mundo. Sisikat nanaman ang pangalan ng Pilipinas!
ang paboritong libro ni Hudas - bob ong
-
kagabi..bumili ako ng libro ni Bob Ong ang paboritong libro ni Hudas.
Nabasa ko na ren naman tong libro na to siguro mga ilang siglo na ang
nakakaraan. Di ...
13 years ago
No comments:
Post a Comment