David: Ay, hindi na talaga pre, pasensya na ah. Sige na, uuwi na talaga ako.
Lawrence: Papahatid na kita kay- kanino mo gusto?
David: Kay Annie na lang.
(sa The Colonel’s Shop)
Eugenio: Pre, ang laki ng kita natin.
Leon: Oo nga eh. Pwede na tayong magtayo ng restaurant.
Lee: Ano namang pangalan nung restaurant?
Leon: The Military Man Restaurant.
Eugenio: Sige yun na lang.
Lee: Tara, punta muna tayo sa bahay ko, kain muna tayo.
Eugenio: Marie, aalis lang kami ah. Kaw muna bahala dito.
(nag ring ang telepono)
Marie: Hello?
(on phone) Amy: Hello Marie.
Marie: Ui, Amy! Kamusta na? Ngayon ka lang napatawag ah.
Amy: Oo nga eh. Meron akong bagong trabaho ngayon, sa BPP. Bangko din pero universal bank siya.
Marie: Aba asensado ah.
Amy: Ikaw kamusta ka?
Marie: Tindera.
Amy: Tindera?
Marie: Pero yung sweldo ko naman doble sa kinikita ko noon!
Amy: O? San ka ba nagtitinda? At ng madalaw naman kita.
Marie: Sa shop nila Lee. Marami na silang naipundar. Meron na silang 3 branches ng The Colonel’s Shop, yung computer shop, tapos meron silang The Colonel’s Choice na tindahan ng military goods, tapos ngayon, balak nanaman nila magtayo ng restaurant.
Amy: Ang galing naman. Sino sino ba?
Marie: Si Major, si Galvez saka si lee.
Amy: Ah, o sige na, kasi tapos na breaktime namin.
Marie: Sige, sige, bye bye.
(binaba na ni Amy ang phone at binaba na rin ni Marie ng biglang nag ring ito.)
Marie: Hello?
David: Marie? Ikaw ba to?
Marie: Yes sir. Sir- Col. Cortez?
David: Marie??? Ikaw talaga yan?
Marie: Colonel Cortez?
David: Shhh… Wag ka maingay. Magkita naman tayo. Nasa Manila ako ngayon. Jolly Ant, Sta. Mesa.
Marie: Pero kasi- meron akong binabantayan eh..
David: Sige pupuntahan kita dyan. San ba yan?
(Sa Damaso Conference Room)
Padre Damaso (on TV): Andito uli kayo ngayon dahil ipapakilala ko ang pinakabagong weapon na hawak ng organisasyong Unity. Meron tayong Liquid Nuclear na tinatawag. Itong liquid nuclear ay kulay Cola. Black. Parehong-pareho sa kulay ng cola. Ang pinagkaiba lang ay hindi siya naiinom. It’s a bomb. Pero dahil nga sa kulay nya, ay di siya mahahalata. Kayang sumira ng 3 soccerfields ang isang 200ml ng Liquid Nuclear. Meron tayo ngayong 2 barrels ng Liquid Nuclear. Darating ang 3 pang barrels next month. Sa Pilipinas lang ito ginawa. Kung sino ang gumawa nito, hindi ko sasabihin. Siya nga pala, nawala na ang isang tinik sa ating samahan, si David Cortez. Ang kanyang team ay wala na rin sa military. Wala na silang kapangyarihan. Ngayon, wala na tayong problema. At siyempre naman, eleksyon na ngayon. Sino ang dapat nating iboto?
Unity: Si Vic “Akon” Gonzaga.
Padre Damaso: Right. Sige, dismissed.
(naiwan ang isang lalaki sa loob ng kwarto at nagbukas na ang ilaw)
Padre Damaso: Good job, Gen. Gustavo.
Gen: Ako naman ang consiglierie nyo ngayon di ba?
Padre Damaso: Oo naman.
(Sa The Colonel’s Shop)
Marie: Colonel, buhay ka pa pala..
David: O, bakit naman maluha luha ka na. Buhay pa ako, pero hindi pwedeng malaman nila na buhay pa ako. Saka wag mo na akong tawaging Colonel.
Marie: Eh ano na po?
David: Hmmm… Alex. Call me Alex, ako si Alex Garcia, salesman ng Cambio Cars.
Marie: Okay, Alex, ano ba nangyari?
David: Mahabang kwento eh. Maunlad na pala sila ngayon, o kamusta? Nakakabalik ka pa ng Batangas?
Marie: Hindi na nga eh.
David: E di namiss mo na yung si Cosme ba yun?
(di sumagot si Marie)
David: sabi na eh.
(dumating sila Lee)
Eugenio: David?
David: Shhh! Tara, dun tayo sa loob ng opisina. Marie, maiwan ka muna namin.
(sa loob ng opisina)
David: Buhay ako. Ako si Alex, okay? Alex Garcia.
Eugenio: Okay. Maraming nangyari ngayon.
David: So we have to take our revenge.
Lee: Oo nga.
Leon: Kailangan natin ng pera ngayon di ba?
Eugenio: Oo.
David: So, first target natin is yung National Bank of Anonas. Pero hindi pa rin tayo titigil sa pag-alam kung sino si Padre Damaso.
Leon: Teka, bakit natin titirahin ang NBA?
David: Simple. Kasi epal yung may-ari dun.
Leon: Teka pare, baka naman pansariling interes mo lang yan?
Lee: Sang-ayon ako.
David: Hindi natin nanakawin ang National Bank of Anonas, kokontrolin natin ayon sa gusto natin at papatunayan nating mas magaling tayo.
ang paboritong libro ni Hudas - bob ong
-
kagabi..bumili ako ng libro ni Bob Ong ang paboritong libro ni Hudas.
Nabasa ko na ren naman tong libro na to siguro mga ilang siglo na ang
nakakaraan. Di ...
13 years ago
No comments:
Post a Comment