(Sa The Colonel’s Shop)
David: Wala tayong kapera pera pagdating natin sa France.
Lee: All expenses paid naman di ba?
Leon: Oo nga.
David: Pero mas maganda pa rin na may pera tayong sarili.
Eugenio: Ano kayang naisip ng Giovanni na yun at biglang pinili tayo para maging business associate?
David: Baka mamamatay na siya at kailangan ng tagapagmana.
Lee: Hindi. Baka marami tayo, pagpipilian pa nya.
Leon: Tara, nakawan na lang natin ang NBA.
David: Para namang napaka-dali mag set up ng heist.
Eugenio: I cancel muna natin yung pagnanakaw natin sa NBA.
Lee: Teka, di ba bukas eleksyon?
David: Oo nga pala no. Eh pano yan? Aalis tayo bukas?
Eugenio: Baka pwede naman makiusap tayo.
Leon: Sus. Sino naman sa tingin nyo ang karapat dapat na iboto pa.
David: Tingin ko si Mayor Bistro.
Lee: Ako rin, napaunlad nya ang Nasugbu eh.
Eugenio: Ako baka si Jessica.
Leon: Ayiee…
(Sa NBA)
Antonio: Ah, employees, bago magbukas ang bangko natin, nais kong ipakilala sa inyo ang isa sa mga magiging co-employees nyo, si Arvin Tatsulok.
Arvin: Hi.
Antonio: Isa siyang former military man, former marine engineer, former Apo Hiking Society member, former bank teller, former macho dancer, former gay entertainer, former impersonator-
(natigil sa pagsasalita si Antonio ng binulungan siya ni Arvin)
Antonio: Ayun. Sige, get back to work!
(umalis na si Antonio at hinabol siya ni Arvin)
Antonio: Si Amy Marquez, ipahanap mo, kailangan makita mo siya.
Arvin: Yun lang sir?
Antonio: Kung may lalaking umaligid, paslangin mo.
(Sa Konvic Office)
Vic: Dumating na ba yung kulay black na armored van?
Bert: Sir hindi pa po.
Vic: Yung may nakasulat na Kura Paroko Security Agency?
Bert: Wala pa po- Teka, ayan, may itim na truck na paparating. Hindi armored van.
(pumasok ang isang lalaki na naka-itim na coat at itim na pantaloon)
Man: Kayo po si Mr. Vic Gonzaga?
Vic: Ako nga.
Man: Paki-pirmahan na lang po sir.
Vic: teka, pwede i-check?
Man: Pwedeng pwede sir.
(lumabas si Bert at si Vic at ang lalaki at binuksan ng lalaki ang likod ng van. Tumambad sa kanila ang napakaraming ballot boxes.)
Vic: Pano kung hindi pangalan ko ang nakasulat dyan?
Man: Di ko po alam sir, pinadeliver lang sa akin yan.
Vic: Padre Damaso?
Man: Yes sir.
Vic: Sige. (pinirmahan ang papel)
(maya maya pa dumating ang isang itim na motorsiklo at umangkas ang lalaki, humarurot ang motor at umalis na)
(lumabas si Jerome dala ang telepono)
Jerome: Boss, si Padre Damaso.
Vic: Hello?
Padre Damaso: Ayan. Trabaho nyo na na ihatid ang truck na yan sa Main Voting Precint.
Vic: Kami na bahala nun.
(ibaba na sana ni Padre Damaso ng inagaw ni Jerome ang telepono)
Jerome: Teka Padre.
Padre Damaso: Ano yun?
Jerome: Bukas, computerized na ang eleksyon. Wala nang silbi tong mga balotang to.
Padre Damaso: Ay naku… San mo nalaman?
Jerome: Sa TV, kanina lang. Sa news.
Padre Damaso: Ah sige, kami na bahala dyan.
Vic: Padre Damaso, inaasahan ko yan ah.
(Sa City Hall)
Utusan: Mayor, andito na po ang pinapatawag nyo.
(pumasok ang isang lalaki sa loob ng opisina)
Andrew: Ikaw ang pinaka-magaling na hacker sa buong mundo?
Lee: Hindi ako. Pero hawak ko ito
Andrew: Sino ka? At sino yun?
Lee: Ako si Antonio Linsangan, may-ari ng National Bank of Anonas, at ang tauhang tinutukoy ko? Si Arkansas Akoy. MAs kilala bilang NOD.
Andrew: Si NOD 32? Yung antivirus?
Lee: Hindi siya anti-virus mayor. Pero dahil hacker siya, hinack nya ang Norton at gumawa ng branch nito at pinangalan sa sarili nya.
Andrew: Magaling nga. So magkano naman ang hihingin mong kabayaran kung manalo ako?
Lee: Posisyon sa gobyerno, mayor.
Andrew: Eh kung dinouble cross mo ako at natalo ako?
Lee: Ibigay mo ang National Bank of Anonas kay Domingo Lee at sa kanyang mga kasamahan sa business ng Colonel’s Shop.
Andrew: Teka, bakit naman yun ang naisip mo?
Lee: Kasi mortal ko siyang kaaway. Ibig sabihin lang nun, ginagarantiya ko sayo na di kita bibiguin.
ang paboritong libro ni Hudas - bob ong
-
kagabi..bumili ako ng libro ni Bob Ong ang paboritong libro ni Hudas.
Nabasa ko na ren naman tong libro na to siguro mga ilang siglo na ang
nakakaraan. Di ...
13 years ago
No comments:
Post a Comment