Tuesday, June 2, 2009

Episode XXXI: Fired

(Sa Van)
Bert: Hoy, wag nyong gagalawin yan ah. Panatilihin nyo lang hilo pero wag nyong gagalawin.
Man 1: yes boss.

(Sa NBA)
Marie: Shocks. Nasaan na kaya si Col.
(dumating si Angelique kasama si Eileen at si Francisco)
Angelique: magwiwithdraw ako.
Eileen: Nakikita ko sayo binibini, inaalala mo kung ano ang kalagayan ngayon ni Col. Cortez.
(yumuko si Francisco)
Marie: Po?
Angelique: Ah, nevermind about her.
Eileen: At ang may-ari ng bangkong ito ay nagsasaya.
Marie: Ito na po yung winithdraw nyo.
Angelique: salamat.
(umalis na sila)
Amy: Ano ba nangyari kay David?
Marie: Yung sasakyan nya, sumabog.
Amy: Ano???

(Sa Crime Scene)
Julio: Well, accident ang nangyari pero di pa namin nakikita ang bangkay ni Col. Cortez. Hindi rin namin masasabing buhay siya sa lakas ng pagsabog.
Leon: Baka naman nakaalis pa siya bago sumabog.
Julio: Sana nga ganun. Pero bakit wala naman siya dito ng dumating kami.
Leon: Baka may tumulong sa kanya.
Julio: sakali mang meron, bakit wala siya sa ospital.
Leon: Baka, baka, kinidnap siya.
Julio: Ha?
Leon: Nakaka-receive ng death threats si Dav- este Col. Cortez. Nung pinadala kami dati sa isang train yard, kung hindi kami naisave ni Agent Lloyd, patay na kami ngayon.
Julio: Hmmm… Baka foul play ang naganap dito.

(Sa Manila City Jail)
Eugenio: Shocks. Sana buhay pa si David.
Pulis: Eugenio, laya ka na!
Eugenio: Hoy! Magbigay galang ka!
(lumabas si Eugenio at sinalubong siya ni Gen. Gustavo)
Gen: Lt. Col. Galvez, sad to say, wala kaming magagawa, pero tatanggalin ka na sa military service from now on. Pinyansahan ka muna namin, para saka-sakali ay mapuntahan mo si Col. Cortez. Pero hindi ka makakalabas ng bansa at may itatalaga kaming guard sayo para magbantay sa mga kinikilos mo.
Eugenio: Sir, di ko po talaga pinatakas yung nahuling preso!
Gen: Hindi ako makakapagbigay ng statement, Galvez. Naka-deposito na sa BPP ang iyong retirement pay. Buti binigyan ka pa. Kasi, icocourt martial ka na sa darating na Miyerkules.
(naglakad papalayo si Eugenio nang salubungin siya ni Lee)
Lee: Oi! Eugenio!
Eugenio: Lee.
Lee: Pumunta tayo Batangas.
Eugenio: Pre, tanggal na ako sa military.
Lee: Ha? Bakit?
Eugenio: Mahabang kwento. San ka na ngayon?
Lee: Ako na ang IT specialist ngayon sa isang tindahan sa Gilmore. Di pa ako natatanggap sa Dell at IBM eh.

(Sa Van)
Bert: Ayan, andito na tayo sa Mt. Maculot.
Man 1: So ano?
Bert: Ako papatay dito.
Man 2: Sige.
Bert: Maiwan kayo sa kotse. Bantayan nyo maigi ah, baka may dumating na mga pulis.
Man 1: Kailangan kong tingnan kung pinatay mong talaga.
Bert: Sige. (sabay kuha kay David at binaril.) Ayan, binaril ko pa sa harap mo.
Man 1: Isa pa.
Bert: Sige. (nagputok uli ng isa)
Man 1: Okay na.
(kinaladkad ni Bert si David papunta sa isang bakanteng lote)

(Sa XES Faculty)
(bumalik na si Leon sa faculty, nakita nya na may pinapakilala ang principal sa buong XES)
Principal: Siya ang magiging bagong commandant ng CAT natin. Siya ay si Johannes Marco Troy. Isa siyang captain dati.
(natapos ang pagpapakilala)
Leon: Sir, ano ibig sabihin nito?
Principal: Kailangan ka na naming palitan Maj. San Miguel, hindi mo na nagagamapanan ang iyong trabaho.
Leon: Nagagampanan ko naman po ah.
Principal: Sorry major.
(tumawag siya kay Gen. Gustavo)
Leon: Hello general?
(on phone) Gen: Hello, Maj. San Miguel, or shall I say, R/Maj. Leon San Miguel.
Leon: Anong ibig mong sabihin general?
Gen: Nakarating na sa mesa ko ang retirement paper mo na pinadala mo dito kahapon.
Leon; Ano? General, hindi pwedeng mangyari yun.
Gen: Pirmado mo ito major, paano mangyayari yun?
Leon: Sir.
Gen: Naka-deposito na sa account mo sa NBA ang retirement pay mo.
(binaba ang telepono)

No comments:

Cast of Characters

Danilo Montano/ Captain Nguso - ang orihinal na Danilo Montano. Siya pa rin si Captain Nguso. Guro sa isang industrial school.
Maj. Leon San Miguel - commandant ng paaralang pinagsisilbihan ni Danilo Montano. Isa rin siyang sundalo ng Philippine Navy. Miyembro ng samahang Ilustrado.
Col. David Cortez - Taga Philippine Army na kasama ni Leon sa PMA. Isa siya sa mga pinakabatang sundalo ng Army. Miyembro rin ng Ilustrado.
Lt. Col. Eugenio Galvez - kasamahan nila David at Leon sa PMA. Nagsisilbi rin siya sa Navy. Miyembro ng Ilustrado.
Domingo Lee - si Lee Kong King na nagbago ng pagkatao. Di siya nagpakilala bilang Lee Kong King at nagbago ng pangalan bilang Domingo. IT Specialist ng National Bank of Anonas (NBA). Sumama sa samahang Ilustrado.
Lloyd Lopez - NBI Agent. Isa siya sa mga di pinapansin na agent ng NBI dahil hindi magaling.
Jessica Guryon - TV Broadcaster na nais maging presidente ng Pilipinas.
Francisco Cosme - simpleng magsasaka na depositor ng NBA.
Marie Diana Estevez - teller ng NBA.
Amy Marquez - teller rin ng NBA pero sa new accounts.
Esther delos Santos - bank manager ng NBA.
King Ronaldo Canonizado - miyembro ng criminal syndicate na KONVIC. Siya ang laging ginagamit na pang front. Artista siya. Mas kilala bilang Ron Iglesia.
Jerome Manalastas - abogado ng KONVIC. Pangarap maging presidente ng Pilipinas.
Bertucio Pinaglabanan - dating miyembro ng EHS. Pero dahil naghihirap na sila ni Betina, kinakailangan nyang sumideline. Front nya ang pagjajanitor. Siya ang delivery man ng KONVIC.
Vic "AKON" Gonzaga - lider ng KONVIC. Pinagsamang aKON at VIC. Pinapalabas nila na ang kanilang samahang KONVIC ay NGO na tumutulong sa mga mahihirap na nasa probinsya.
Padre Damaso - isang voice over na nilalang na naguutos sa kanyang mga tauhan ng kasamaan. Lider ng samahang "Unity"
The Fox - lider ng samahang Dragons na gumugulo sa katahimikan ng bansa.
Ma. Angelique Holcim - mayamang haciendera sa Batangas. Matalino rin at may koneksyon sa military dahil sa kanyang dating asawa na militar.
Toni Espina - asawa ni Eugenio. Frequent depositor ng NBA.
Lawrence Espinosa - nagtatrabaho sa SSS. May malaking koneksyon sa pamahalaan.
Gen. Justo Gustavo - pinakamataas sa buong Philippine Army.
Cedric Manual - scientist na ang tanging nais ay magkaroon ng di mapapantayang kapangyarihan.
Mayor Andrew Bistro - mayor ng Nasugbu, Batangas.
Eileen Dumayo - mananahi na sinasabing may kapangyarihan makita ang mangyayari at magpabangon ng patay.

AND THE OTHER CHARACTERS ARE TO FOLLOW...