Friday, June 19, 2009

Episode XLI: New President

Reporter: Dead on the spot po si Pres. Vic Gonzaga. Base po sa binagong saligang batas, ang susunod po sa kanya ang bagong president. At ang susunod pong president ay si Mayor Andrew Bistro.

(Sa City Hall)
Andrew: Hello?
On phone: Hello, tapos na.
Andrew: Good. Deposited na yung pera.
On Phone: nice doing business with you.

(Sa Konvic Office)
King: Shit!!!
(nag ring ang telepono)
Jerome: Hello?
Padre Damaso: Sino ang magpapatuloy ng inyong opisina?
King: Ako na lang!
Jerome: Si Ron sir.
Padre Damaso:Sige. PAtay na si Vic. Ano pang silbi nyo? Natawagan nyo na ba yung Paris?
Jerome: Di pa po kasi nakapanumpa si Vic.
Padre Damaso: Hay naku. Mga walang silbi
(binaba ang telepono)

(Sa NBA)
Marie: Oh my gosh.
Francisco: Tama ang prediction mo Eileen.
Eileen: Sabi sa inyo eh. Hindi sa lahat ng bagay nagaapply ang kasabihan ni J. Diendo. I CAN SEE THE FUTURE.
Esther: Anong nakikita mo ngayon?
Eileen: Wala pa.

(Sa Cincinnati Air)
David: Brutal ng pagkamatay.
Stewardess: Sir and ma’am, please fasten your seatbelts. Malapit na po tayo dumating sa PIA.

(Sa XES Faculty)
Anito: Buti naman, ayoko ring presidente si Vic eh.
JR: Ako rin, mas gusto ko si Mayor.
Danilo: Pero sino kayang may gawa nito?
JR: Ano pang silbi para malaman mo?
Danilo: MAsama ba magtanong?
JR: T*** *** yabang mo magtanong ah!!
Danilo: E mas mayabang ka! (sabay dukot ng wire sa bulsa)
JR: Ano?
Anito: Tama na yan! Ano yang nilabas mo Danilo?
Danilo: HA? Ah-eh.. Wala. (binulsa uli ang wire)

(Makalipas ang ilang araw)

(Sa Malacanang)
Secretary: Mr. President? Pinapatawag nyo raw ako?
Andrew: Oo. Tara, doon tayo sa kwarto.

(Sa Paris)
Leon: Para tayong lovers in Paris.
Angelique: Shut up.
Lawyer: Andito na tayo.
(tumigil ang puting limousine sa tapat ng isang malaking building na may initials na GC)
Lawyer: Hinihintay kayo ni Mr. Cincinnati sa 15th Floor para magsimula ang inyong schooling.

(On TV)
Jessica: Laganap na po talaga ang adiksyon ng mga tao sa Fox na gawa ng Fox Games. Sinasabi pong nakakasama ito sa mga gumagamit na pinasinungalingan naman ng Fox International.
Anito: Hay naku, kahit anong gawin nyo, gawa na yung laro.

(Sa Paris)
Giovanni: Magandang araw sa inyo.
Eugenio: Teka, hindi naman ikaw yung nakausap namin sa limousine ah!
Giovanni: Hindi ako yun. Yung nakausap nyo ay si Giovanni Cincinnati VI. Ako ang tunay na may ari ng Cincinnati group of companies. Ako si Giovanni Cincinnati XV.
Angelique: Buti di kayo nagkakalituhan.
Giovanni: Siyempre hindi.
Lee: teka, bakit di ka French man?
Giovanni: Nice question. Well, ang tatay ko si Giovanni Cincinnati XIV ang nagpamana sa aking lahat ng ito. Ang pamilyang Cincinnati nuong unang panahon ay nagtatanim lamang ng Cinnamon Tree sa France. Hindi kami mayamang pamilya. Nakikipagtrade at kung ano ano. Merchant at Farmer ang mga ninuno namin. Ang pinakaninuno si Giovanni Cincinnati ay nagkaroon ng 3 anak. Ang panganay, si Giovanni Cincinnati II, ang pangalawa, si Giovanni Cincinnati III at ang huli si Imelda Cincinnati. Well nanatiling farmer at naging tagapagmana ng farm si Cincinnati II. Si Imelda nakapagasawa ng taga Mexico. Lumipat na siya doon. Si Cincinnati III di siya kuntento sa pagiging farmer kaya pumunta siya ng Paris para maging newspaper boy. Siyempre di ka makakapagaral ng ganun. Pero nakapagipon siya. Ang maganda lang, napangasawa ni Cincinnati III ang isa sa mga dinedeliveran nya ng dyaryo. Si Elizabeth Savage. Mayaman sila Savage pero tanggap ng pamilya si Cincinnati III. Una kasi wala namang nanliligaw sa kanilang nagiisang anak. Siyempre si Cincinnati naman gusto lang umunlad ang buhay. Pinagtiisan nya yung kapangitan.Well alam naman nating lahat na si Elizabeth Savage na buhay pa hanggang ngayon ang pinakasikat na beauty specialist at pinakasikat na beauty products, ang Savage Cosmetics. Lola namin siya. Nagkaanak sila ng 11. Lahat lalaki. Lahat pinangalanan ng Giovanni Cincinnati. Nagkaroon ng IV,V,VI,VII and so on hanggang XIV, ang aking ama. So ngayon, itong aking ama ay nakapangasawa ng mayaman sa Nigeria. Isa sa mga prinsesa ng Nigeria at pinanganak ako. Nagiisang anak. Pero as you all know, namatay ang buong Cincinnati. Ang natira ay si Elizabeth, si VI, VII at yung ama ko, si XIV. Si VII, nakulong, si VI, nagumon sa droga. Yung ama ko na lang yung natirang matino kaya pinamana sa kanya lahat ng kayamanan. At ngayong patay na ang aking ama, nasa akin lahat.

No comments:

Cast of Characters

Danilo Montano/ Captain Nguso - ang orihinal na Danilo Montano. Siya pa rin si Captain Nguso. Guro sa isang industrial school.
Maj. Leon San Miguel - commandant ng paaralang pinagsisilbihan ni Danilo Montano. Isa rin siyang sundalo ng Philippine Navy. Miyembro ng samahang Ilustrado.
Col. David Cortez - Taga Philippine Army na kasama ni Leon sa PMA. Isa siya sa mga pinakabatang sundalo ng Army. Miyembro rin ng Ilustrado.
Lt. Col. Eugenio Galvez - kasamahan nila David at Leon sa PMA. Nagsisilbi rin siya sa Navy. Miyembro ng Ilustrado.
Domingo Lee - si Lee Kong King na nagbago ng pagkatao. Di siya nagpakilala bilang Lee Kong King at nagbago ng pangalan bilang Domingo. IT Specialist ng National Bank of Anonas (NBA). Sumama sa samahang Ilustrado.
Lloyd Lopez - NBI Agent. Isa siya sa mga di pinapansin na agent ng NBI dahil hindi magaling.
Jessica Guryon - TV Broadcaster na nais maging presidente ng Pilipinas.
Francisco Cosme - simpleng magsasaka na depositor ng NBA.
Marie Diana Estevez - teller ng NBA.
Amy Marquez - teller rin ng NBA pero sa new accounts.
Esther delos Santos - bank manager ng NBA.
King Ronaldo Canonizado - miyembro ng criminal syndicate na KONVIC. Siya ang laging ginagamit na pang front. Artista siya. Mas kilala bilang Ron Iglesia.
Jerome Manalastas - abogado ng KONVIC. Pangarap maging presidente ng Pilipinas.
Bertucio Pinaglabanan - dating miyembro ng EHS. Pero dahil naghihirap na sila ni Betina, kinakailangan nyang sumideline. Front nya ang pagjajanitor. Siya ang delivery man ng KONVIC.
Vic "AKON" Gonzaga - lider ng KONVIC. Pinagsamang aKON at VIC. Pinapalabas nila na ang kanilang samahang KONVIC ay NGO na tumutulong sa mga mahihirap na nasa probinsya.
Padre Damaso - isang voice over na nilalang na naguutos sa kanyang mga tauhan ng kasamaan. Lider ng samahang "Unity"
The Fox - lider ng samahang Dragons na gumugulo sa katahimikan ng bansa.
Ma. Angelique Holcim - mayamang haciendera sa Batangas. Matalino rin at may koneksyon sa military dahil sa kanyang dating asawa na militar.
Toni Espina - asawa ni Eugenio. Frequent depositor ng NBA.
Lawrence Espinosa - nagtatrabaho sa SSS. May malaking koneksyon sa pamahalaan.
Gen. Justo Gustavo - pinakamataas sa buong Philippine Army.
Cedric Manual - scientist na ang tanging nais ay magkaroon ng di mapapantayang kapangyarihan.
Mayor Andrew Bistro - mayor ng Nasugbu, Batangas.
Eileen Dumayo - mananahi na sinasabing may kapangyarihan makita ang mangyayari at magpabangon ng patay.

AND THE OTHER CHARACTERS ARE TO FOLLOW...