Friday, June 19, 2009

Episode XLV: Ang Pagpapakila ng Unity

(Sa Konvic Office)
King: May taping ako ngayon eh.
Jerome: Wait ka lang. Meron tayong hinihintay na tawag.
(nag ring ang telepono)
Jerome: Hello?
Padre Damaso: You ready?
Jerome: Yes.
Padre Damaso. Meron tayong change of place. Chevron Batangas Highway.
Jerome: Sige Padre Damaso.
(binaba na ang telepono)
Jerome: Tara na.

(Sa NBA)
(dumating ang isang kotse at lumabas si Jerome at si Ron)
Esther: Ui, di ba si Ron Iglesia yun?
Marie: Yung bida sa Kiroro?
Amy: Ano ba istorya nun?
Marie: Tungkol yun sa lalaking negro na naligaw sa Maynila dahil sa paniniwala na ang isa sa mga diyos nila ay nasa Maynila.
Amy: Uhm-
Jerome: Miss, ako si Atty. Jerome Manalastas. Andito kami para withdrawhin lahat ng pera ni Vic Gonzaga.
Esther: Sir, P50 na lang po ang natitira sa account ni Mr. Gonzaga.
Jerome: Sh*t! Pano nangyari yun?
King: Di ko alam.
Jerome: Anyways, bigyan nyo na lang ako ng bank statement regarding sa account ni Vic Gonzaga.
Marie: Sure sir.

(Sa Paris)
David: Dineliver na ba yung baril?
Leon: Oo. Isang kahon. Andyan na rin yung ating sasakyan.
David: Good. Lee, wala bang update sa Dragons?
Lee: Wala. Tahimik sila ngayon. Hindi natin alam kung business as usual. Pero may unusual na nangyayari sa Pilipinas. Hindi pa raw pumapasok yung IT specialist natin, kakalaro ng Fox.
Eugenio: Nakakaadik ata ang Fox na yan eh.
David: Wag na natin imbestigahan yan. Anyways, babyahe na tayo ngayon papuntang USA. Babalikan natin yung area na sinilangan ng Dragons.
Leon: Good idea. Pero pano ang sasakyan at ang mga baril?
David: Well yung sasakyan, for sure di natin madadala. Yung mga baril, madadala yan. Eroplano ni Giovanni ang sasakyan natin. Maipupuslit yan. Hindi rin tayo lalanding sa LAX. Sa isang private air strip tayo susunduin. Doon tayo magbabyahe papuntang safe house natin sa San Francisco, sa Kings.
Eugenio: Let’s get it on!

(Sa NBI)
NBI Director: Agents, ngayon ngayon lang, nakita ang bangkay ng sekretarya ni Pres. Bistro sa Paliparan. Meron itong isang tama sa ulo na agad nyang ikinamatay. Hindi natin alam kung paano ito nangyari samantalang wala naman sa Cavite ang tirahan ng sekretarya. Besides, kapag pumapasok ito, meron itong escort palagi.
Lloyd: So sa Malacanang binaril?
Director: Estupido ka ba? Sinong magdadala ng baril sa Malacanang eh bahay ng presidente yun?
Lloyd: Pano kung si Pres. Bistro yung pumatay? Matagal na siyang di lumalabas ng room, mga meetings na hindi sinisipot. Yung mga batas, di pa naaprubahan. Bumabagsak na ang GDP natin wala pang ginagawa si Pres. Bistro!
Director: Gumagana nanaman ang pagkamonggoloid mo eh. Lloyd, YOU ARE OUT OF THE CASE!

(Sa Chevron)
Jerome: Bert, nakita mo na yung kotse?
Bert: Di pa sir eh.
Jerome: Shit naman, CR nga muna ako.
(bago pa man lumabas si Jerome ng kotse, sumabog ang Chevron)
Jerome: Shit!!
Bert: What the-?
(nag ring cellphone ni Jerome)
Jerome: Hello? Sumabog yung Chevron.
Padre Damaso: Hindi lang yan ang sumabog. Marami pa. Lahat kayong associates ko ay pinapunta ko sa mga lugar na pasasabugin ko. Chinecheck ko lang kung buhay ka pa. Wala pa namang patay so far.
Jerome: Teka, ano ba gusto mong mangyari?
Padre Damaso: Sumikat tayo.
Jerome: Sa ganito? Nanira ka lang eh, gumastos ka pa.
Padre Damaso: Hindi ako gumastos. Maliit na spark lang, sasabog ang mga gasoline station.
Jerome: Teka, bakit gasoline station?
Padre Damaso: Meron tayong sariling gas station. Ang Kura Paroko Gas.
Jerome: Kahit naman pasabugin mo ang mga ito, di na malulugi ang mga yan eh.
Padre Damaso: Wala akong pakialam. (binaba ang telepono)
Bert: Sir, narinig ko po sa radio ang boses ni Padre Damaso. Nagpainterview po siya at nagbanta.
Jerome: Unity?
Bert: Opo sir. Nabanggit nya ang Unity.
Jerome: Shit.

(Sa eroplano)
Eugenio: Sinong tumawag?
David: SI Marie.
Leon: Bakit daw?
David: Umabot na sa Pilipinas ang Dragons.
Lee: O? Pano mo nalaman?
David: Kasi pati ang business natin na The Colonel’s Shop at NBA, hinihingian ng protection money.
Leon: Kailangan talaga natin masugpo ang mga yan.
David: Meron pa.
Leon: Ano?
David: Meron daw bagong nagpapakilalang grupo ngayon. Sila ang may pakana ng 15 na pagsabog ng gas stations sa Manila. Pinangungunahan ni Padre Damaso.
Lee: O?
David: Oo. Unity ang pangalan ng grupo.
Eugenio: Unity?!?!

No comments:

Cast of Characters

Danilo Montano/ Captain Nguso - ang orihinal na Danilo Montano. Siya pa rin si Captain Nguso. Guro sa isang industrial school.
Maj. Leon San Miguel - commandant ng paaralang pinagsisilbihan ni Danilo Montano. Isa rin siyang sundalo ng Philippine Navy. Miyembro ng samahang Ilustrado.
Col. David Cortez - Taga Philippine Army na kasama ni Leon sa PMA. Isa siya sa mga pinakabatang sundalo ng Army. Miyembro rin ng Ilustrado.
Lt. Col. Eugenio Galvez - kasamahan nila David at Leon sa PMA. Nagsisilbi rin siya sa Navy. Miyembro ng Ilustrado.
Domingo Lee - si Lee Kong King na nagbago ng pagkatao. Di siya nagpakilala bilang Lee Kong King at nagbago ng pangalan bilang Domingo. IT Specialist ng National Bank of Anonas (NBA). Sumama sa samahang Ilustrado.
Lloyd Lopez - NBI Agent. Isa siya sa mga di pinapansin na agent ng NBI dahil hindi magaling.
Jessica Guryon - TV Broadcaster na nais maging presidente ng Pilipinas.
Francisco Cosme - simpleng magsasaka na depositor ng NBA.
Marie Diana Estevez - teller ng NBA.
Amy Marquez - teller rin ng NBA pero sa new accounts.
Esther delos Santos - bank manager ng NBA.
King Ronaldo Canonizado - miyembro ng criminal syndicate na KONVIC. Siya ang laging ginagamit na pang front. Artista siya. Mas kilala bilang Ron Iglesia.
Jerome Manalastas - abogado ng KONVIC. Pangarap maging presidente ng Pilipinas.
Bertucio Pinaglabanan - dating miyembro ng EHS. Pero dahil naghihirap na sila ni Betina, kinakailangan nyang sumideline. Front nya ang pagjajanitor. Siya ang delivery man ng KONVIC.
Vic "AKON" Gonzaga - lider ng KONVIC. Pinagsamang aKON at VIC. Pinapalabas nila na ang kanilang samahang KONVIC ay NGO na tumutulong sa mga mahihirap na nasa probinsya.
Padre Damaso - isang voice over na nilalang na naguutos sa kanyang mga tauhan ng kasamaan. Lider ng samahang "Unity"
The Fox - lider ng samahang Dragons na gumugulo sa katahimikan ng bansa.
Ma. Angelique Holcim - mayamang haciendera sa Batangas. Matalino rin at may koneksyon sa military dahil sa kanyang dating asawa na militar.
Toni Espina - asawa ni Eugenio. Frequent depositor ng NBA.
Lawrence Espinosa - nagtatrabaho sa SSS. May malaking koneksyon sa pamahalaan.
Gen. Justo Gustavo - pinakamataas sa buong Philippine Army.
Cedric Manual - scientist na ang tanging nais ay magkaroon ng di mapapantayang kapangyarihan.
Mayor Andrew Bistro - mayor ng Nasugbu, Batangas.
Eileen Dumayo - mananahi na sinasabing may kapangyarihan makita ang mangyayari at magpabangon ng patay.

AND THE OTHER CHARACTERS ARE TO FOLLOW...