Sunday, June 28, 2009

Episode LIV: The Real Padre Damaso

(Sa abandonadong warehouse)
David: Gising na pala si Gen. Gustavo. Anong gusto mong sabihin?
Gen: Mga ulol kayo, pagbabayaran nyo to.
David: Hindi rin.
Leon: So sino si Padre Damaso?
Gen: Di ba nga nakatakas?! Pinatakas nyo!!
(kinuryente si Gen. Gustavo)
Gen: WaAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA
Eugenio: Ano sino???
Gen: HINDI KO ALAM!!!!!!! AHHHHHHHHHH
Leon: ANO???
Gen: HINdi!!!!!!!!!!!!!!
Leon: SINO??????????????
GEN: AKO!!!!!!!!!!!!!!!
(tinigil ang pagkuryente)
David: Anong sabi mo?
Gen: Sige na, aamin na ako… Ako si Padre Damaso.
Leon: General-
Gen: Ako talaga.. Ang tunay na Gen. Julio Gustavo ay patay na. Pinapatay ko siya sa mga tauhan ko. Ako si Billy Jean Ortega. BUhay ako. Nung mga panahong nasa Somalia ang aming business at nasunog ito, hindi ko na-take ang pangyayari. Gusto kong sisihin ang lahat. Naisip ko na wala kaming kakainin ng asawa ko kung uuwi ako ng Pilipinas. Kaya pinalabas kong patay na ako para makuha nya ang pension ko. Naisip kong tumira sa kalye. Palakad lakad.. Hanggang nakita ko si Antonio Linsangan. Ang pamangkin ko. Alam ng buong Pilipinas na patay na ako. Pero sinabi ko sa kanya na siya lang ang makakaalam na buhay pa ako. Sinunod naman nya ako. Pinatira nya ako sa bahay. Nakapagtrabaho ako at kinuha ng Dragons sa Amerika. Si Antonio, miyembro rin ng Dragons. So nakasama ako sa Dragons. Doon nagbukas ang utak ko sa underground. Dinouble cross ko ang Dragons. Pero bago pa nila nalaman, nakatakas na ako. Nabura ko ang records ko at ni Antonio sa Dragons. Nakapagtayo ako ng sarili kong maliit na sindikato. Pero kulang sa akin. Nakita ko ang kapangyarihan ng Dragons. Ang pagkakaroon ng associates.. Kaya kinuha ko si Antonio bilang IT Specialist. Pero wala siyang alam. Kaya kinuha nya yung ka-schoolmate nya na si Arkansas. Si Arkansas ang nag-hack ng mga telephone lines, CCTV at iba pa. Matalino si Ark. Dahil sa galing nya, natatawagan ko ang matataas na tao at nabibigyan ng mga alok. Nagenjoy ako sa ginagawa kong pagtago sa likod ng boses. Halos hawak ko na ang buong mundo sa aking control center. Nakokontrol ko ang business, nakakapanakot gamit lamang ang telepono. Walang nakakaalam ng tunay kong pagkatao. Until naisip ko magpakilala sa buong mundo bilang Padre Damaso.
Leon: kung talagang hindi ikaw si Gen, bakit mo pinatay si General?
Padre Damaso: Simple. Nung panahong nagbanta ako ng terorismo at nasolve nyong tatlo, nung naging active si Gen. Gustavo sa paghanap sa akin. Actually, hindi nyo pa alam na ako si Billy Jean, alam na ni Gen. Gustavo. Nakakuha siya ng sources pati ng aking kinaroroonan. Una, pinaghinalaan ko si Antonio at si Ark. Pero sabi ni Ark, posibleng nag leak ang ilang hinack nya at lumabas ang pinagmumulan kaya nalaman ni Gen. Naisip ko patayin si Gen. Gustavo. At nagawa ko nga. Pero ayokong lumabas na patay na si Gen. Gustavo. Kahit alam ko na maraming death threats si Gen. Gustavo, kung sakaling nasabi nya ang tungkol sa kinaroroonan ko, gusto ko itong bawiin. At isang paraan lamang ay magkunwari bilang Gen. Gustavo. Pinagaya ko ang mukha ni Gen. Gustavo at total medyo pareho lang naman kami ng boses, wala nang binago. Pinagaralan ko ang ugali ni Gen. Gustavo at agad kong natutunan. Nung alam kong maniniwala na ang lahat na ako si Gen. Gustavo, lumabas ako at isa isa kayong tinanggal.
David: Anong koneksyon ng pagpapapatay mo sa akin?
Gen: Simple. Nagtatanaw ako ng utang na loob sa pamangkin ko na si Antonio. Tapos ayokong mahulog yung girlfriend ni Antonio na si Amy sayo kaya pinapatay kita.
Lee: You’re trapped.
Padre Damaso: Hindi rin, tayo-tayo lang ang nandito eh.
Eugenio: Kala mo lang yun. Nakikita ka ngayon sa buong Pilipinas. Live na live.
Leon: Teka, so magkasabwat kayo ng Dragons?
Padre Damaso: Hindi.
(pumasok na ang NBI at hinuli si Billy Jean. Nilabas na siya at nagpasalamat sila sa mga Ilustrado.)
NBI Director: Salamat ah..
David: Para sa ikabubuti ng Pilipinas.

(Sa KonVic Office)
BErt: Finally, nakilala rin natin ang man behind the voice.
Jerome: Yeah right. Tara na, malate pa tayo sa flight natin sa Macau.

(Makalipas ang ilang araw)

(Sa NBA)
Esther: Nasaan si Amy?
Marie: Kasama nung boyfriend nya.
Esther: Antonio? Di ba matagal nang patay yun?
Marie: Hindi. SI David.

(Sa Hacienda Holcim)
Leon: Ah, excuse me, si Ma. Angelique Holcim?
Eileen: Wala na siya eh.
Leon: Ha?
Eileen: Nasa LA siya ngayon eh.
Leon: Bobo mo sumagot. WAla lang siya hindi wala na!

(sa Laboratory ni Lee)
Eugenio: Pre, iiwan ko na kayo.
Lee: Ha? Bakit?
Eugenio: Eh kasi, hindi ko naman hangad lahat ng kayamanan sa mundo. Magsasama na uli kami ni Toni.
Lee: Pwede mo naman dalhin ang pera mo.
Eugenio: Hindi na pre. Mas gusto ko manatili bilang isang maliit na entrepreneur.

(Sa bahay ni Danilo)
Danilo: Hay naku, natapos nanaman ang isang season na wala akong ginagawa… Lagi na lang. Samantalang sa akin naka-title to…

No comments:

Cast of Characters

Danilo Montano/ Captain Nguso - ang orihinal na Danilo Montano. Siya pa rin si Captain Nguso. Guro sa isang industrial school.
Maj. Leon San Miguel - commandant ng paaralang pinagsisilbihan ni Danilo Montano. Isa rin siyang sundalo ng Philippine Navy. Miyembro ng samahang Ilustrado.
Col. David Cortez - Taga Philippine Army na kasama ni Leon sa PMA. Isa siya sa mga pinakabatang sundalo ng Army. Miyembro rin ng Ilustrado.
Lt. Col. Eugenio Galvez - kasamahan nila David at Leon sa PMA. Nagsisilbi rin siya sa Navy. Miyembro ng Ilustrado.
Domingo Lee - si Lee Kong King na nagbago ng pagkatao. Di siya nagpakilala bilang Lee Kong King at nagbago ng pangalan bilang Domingo. IT Specialist ng National Bank of Anonas (NBA). Sumama sa samahang Ilustrado.
Lloyd Lopez - NBI Agent. Isa siya sa mga di pinapansin na agent ng NBI dahil hindi magaling.
Jessica Guryon - TV Broadcaster na nais maging presidente ng Pilipinas.
Francisco Cosme - simpleng magsasaka na depositor ng NBA.
Marie Diana Estevez - teller ng NBA.
Amy Marquez - teller rin ng NBA pero sa new accounts.
Esther delos Santos - bank manager ng NBA.
King Ronaldo Canonizado - miyembro ng criminal syndicate na KONVIC. Siya ang laging ginagamit na pang front. Artista siya. Mas kilala bilang Ron Iglesia.
Jerome Manalastas - abogado ng KONVIC. Pangarap maging presidente ng Pilipinas.
Bertucio Pinaglabanan - dating miyembro ng EHS. Pero dahil naghihirap na sila ni Betina, kinakailangan nyang sumideline. Front nya ang pagjajanitor. Siya ang delivery man ng KONVIC.
Vic "AKON" Gonzaga - lider ng KONVIC. Pinagsamang aKON at VIC. Pinapalabas nila na ang kanilang samahang KONVIC ay NGO na tumutulong sa mga mahihirap na nasa probinsya.
Padre Damaso - isang voice over na nilalang na naguutos sa kanyang mga tauhan ng kasamaan. Lider ng samahang "Unity"
The Fox - lider ng samahang Dragons na gumugulo sa katahimikan ng bansa.
Ma. Angelique Holcim - mayamang haciendera sa Batangas. Matalino rin at may koneksyon sa military dahil sa kanyang dating asawa na militar.
Toni Espina - asawa ni Eugenio. Frequent depositor ng NBA.
Lawrence Espinosa - nagtatrabaho sa SSS. May malaking koneksyon sa pamahalaan.
Gen. Justo Gustavo - pinakamataas sa buong Philippine Army.
Cedric Manual - scientist na ang tanging nais ay magkaroon ng di mapapantayang kapangyarihan.
Mayor Andrew Bistro - mayor ng Nasugbu, Batangas.
Eileen Dumayo - mananahi na sinasabing may kapangyarihan makita ang mangyayari at magpabangon ng patay.

AND THE OTHER CHARACTERS ARE TO FOLLOW...