Tuesday, June 23, 2009

Episode XLVIII: Underground Canal

(Sa labas ng Dragon Noodle Center)
David: Ready?
Lee: Ready.
Eugenio at Leon: Ready!
David: Fire!
(nagbukas ang pintuan ng Dragon Noodle Center at hindi nagalarm)
Eugenio: Okay, maghiwa-hiwalay tayo. Communicate na lang kung may nakita kayong kakaiba.
David, Leon at Lee: Copy!

(Sa bahay ni Danilo)
DAnilo: Meron pa pala akong kalaban, ang Unity. Teka, hindi kaya sa Fox yung jet na pinadala?

(Sa kitchen ng Dragon Noodle Center)
Leon: Ano to, oven? (binuksan ni Leon ang isang malaking oven. Kasya ang tao sa oven. Pumasok siya sa loob ng oven at nakita na hindi ito oven. Pinunasan nya ang surfaces ng “oven” at nakita ang isang combination code at knob)
Leon: Ilustrados, nakita ko na yung way.

(after ilang minutes dumating ang Ilustrados)
Lee: San?
Leon: Lee, kailangan mo muna i-crack ang code nito.
Lee: Madali lang to.
(nilabas ang laptop at nagtype)
Lee: 17532059305038508905832.
Leon: Pucha, ang haba ng combination paano nila nakabisado yan?
Lee: Joke. 3 numbers lang ang code, 369. Kapag titingnan mo, FOX.
David: Oo nga noh. (tinype ang code at nagbukas ang knob. Lumantad sa kanila ang isang canal na may mga maliliit na ilaw)
Eugenio: Ito na siguro yung way.
(pumasok na sila sa loob ng tunnel)

(ang tunnel ay parang underground tunnel na may railroad. Naglakad sila ng konti at nakita ang parking ng mga carts. Sumakay sila sa isang cart at pinaandar ito. Sobrang mabilis ang cart. Nagdire-diretso ito hanggang umabot sila sa isang tila nakasaradong gate. Automatic na tumigil ang cart. Bumaba na sila ng cart.)
Leon: Ito na ata.
(binuksan nila ang gate at pagpasok nila ay napakaraming super computers ang tumambad sa kanila.)
Leon: Bakit di natin tawagin si Captain Nguso para sumira nito?
David: Good idea. Tawagan natin sila Marie.
Lee: Walang signal. Akyat muna tayo.
(umakyat sila ng hagdanan at isang pinto ang tumambad sa kanila. Binuksan nila ang pinto at nakapasok sila sa isang closet. Binuksan nila ang closet o ang wardrobe at nakalabas sila sa isang kwarto na may natutulog na matanda.
Leon: Teka, co-faculty ko dati to ah! Si Anito to eh!!!
Lee: Labas tayo magusap…
(lumabas sila ng kwarto at napunta sa sala. Nakita nila ang isang kwarto ng Fox. Lumabas pa sila hanggang nakalabas na sila ng bahay)
Leon: Teka, nasa Pilipinas na tayo eh!! Ito yung bahay ni Anito!
David: EH bakit andaming tambak na libro ng Statistics, World Economy at Communication Skills?
Leon: Eh kasi ititinda ata yun.. Teka. NAsa pinas na tayo! Ibig sabihin…
Lee: Mali tayo?
Leon: Pwedeng tama tayo.
Eugenio: BAkit?
Leon: Nakita nyo ba yung isang kwarto dun sa underground ni Anito? What if siya yung pinaka-leader? Tapos yung mga associates nya from other countries saka iba’t ibang lugar pumupunta ng Dragon Noodle Center para makapunta sa conference area nila?
David: Teka di ba meron na sila sa iba’t ibang parts ng Asia?
Leon: Pwedeng mga branches lang nila yun. Pero yung pinakameeting place ng Dragons ay dito sa underground ni Anito.
David: Pano natin makokontak si Captain Nguso?
Leon:Yun lang…
Lee: Palipas muna tayo ng gabi sa NBA.
David: Di ka makakapasok, gabi. Dun na lang sa bahay ni Eugenio.
Eugenio: Malayo pa yun dito. Dun na lang sa Colonel’s Shop.
David: Oo nga no.

(Sa NBA)
Marie: sabi nya kung may problema, kontakin lang siya.
David: Paano?
Marie: Wala siyang sinabi.
Leon: Marie, kayo pa ni Cosme?
David: Mamaya na nga yan. SO kailangan pa natin gumawa ng masama para malaman nya.
Captain Nguso: Hindi na. Naibalik na ang aking future-telling powers.
Marie: Parang yung kay Eileen…
CN: Eileen?
David: Wala yun Captain. Pwede ka ba namin makausap?
CN: No problem.

No comments:

Cast of Characters

Danilo Montano/ Captain Nguso - ang orihinal na Danilo Montano. Siya pa rin si Captain Nguso. Guro sa isang industrial school.
Maj. Leon San Miguel - commandant ng paaralang pinagsisilbihan ni Danilo Montano. Isa rin siyang sundalo ng Philippine Navy. Miyembro ng samahang Ilustrado.
Col. David Cortez - Taga Philippine Army na kasama ni Leon sa PMA. Isa siya sa mga pinakabatang sundalo ng Army. Miyembro rin ng Ilustrado.
Lt. Col. Eugenio Galvez - kasamahan nila David at Leon sa PMA. Nagsisilbi rin siya sa Navy. Miyembro ng Ilustrado.
Domingo Lee - si Lee Kong King na nagbago ng pagkatao. Di siya nagpakilala bilang Lee Kong King at nagbago ng pangalan bilang Domingo. IT Specialist ng National Bank of Anonas (NBA). Sumama sa samahang Ilustrado.
Lloyd Lopez - NBI Agent. Isa siya sa mga di pinapansin na agent ng NBI dahil hindi magaling.
Jessica Guryon - TV Broadcaster na nais maging presidente ng Pilipinas.
Francisco Cosme - simpleng magsasaka na depositor ng NBA.
Marie Diana Estevez - teller ng NBA.
Amy Marquez - teller rin ng NBA pero sa new accounts.
Esther delos Santos - bank manager ng NBA.
King Ronaldo Canonizado - miyembro ng criminal syndicate na KONVIC. Siya ang laging ginagamit na pang front. Artista siya. Mas kilala bilang Ron Iglesia.
Jerome Manalastas - abogado ng KONVIC. Pangarap maging presidente ng Pilipinas.
Bertucio Pinaglabanan - dating miyembro ng EHS. Pero dahil naghihirap na sila ni Betina, kinakailangan nyang sumideline. Front nya ang pagjajanitor. Siya ang delivery man ng KONVIC.
Vic "AKON" Gonzaga - lider ng KONVIC. Pinagsamang aKON at VIC. Pinapalabas nila na ang kanilang samahang KONVIC ay NGO na tumutulong sa mga mahihirap na nasa probinsya.
Padre Damaso - isang voice over na nilalang na naguutos sa kanyang mga tauhan ng kasamaan. Lider ng samahang "Unity"
The Fox - lider ng samahang Dragons na gumugulo sa katahimikan ng bansa.
Ma. Angelique Holcim - mayamang haciendera sa Batangas. Matalino rin at may koneksyon sa military dahil sa kanyang dating asawa na militar.
Toni Espina - asawa ni Eugenio. Frequent depositor ng NBA.
Lawrence Espinosa - nagtatrabaho sa SSS. May malaking koneksyon sa pamahalaan.
Gen. Justo Gustavo - pinakamataas sa buong Philippine Army.
Cedric Manual - scientist na ang tanging nais ay magkaroon ng di mapapantayang kapangyarihan.
Mayor Andrew Bistro - mayor ng Nasugbu, Batangas.
Eileen Dumayo - mananahi na sinasabing may kapangyarihan makita ang mangyayari at magpabangon ng patay.

AND THE OTHER CHARACTERS ARE TO FOLLOW...