Thursday, May 28, 2009

Episode XXVIX: Padre Damaso Case

(Sa NBA)
Marie: Dati ang ginawa dyan ni Maj. San Miguel, nag right click lang siya eh.
Ark: Waaa!!! Hindi nga pwede eh!! Hindi ko magawa!
Amy: Putulin nalang kaya natin yung wires ng ating system?
Ark: E di mawawala naman tayo sa operation?
Amy: Eh kaysa naman ma, hack yan nila Heiji at Norton?
Marie: Oo nga.
Ark: Sige, sige, puputulin ko na.

(Sa Campo Reporma)
Leon: Pre, nakatanggap ka ng letter?
David: Anong letter?
Leon: Letter mula kay Gen. Gustavo.
David: Hindi pa, bakit?
Leon: Meron ako eh, pinapabalik ako sa pagtuturo sa XES.
David: O? Bakit? E sabi ni Gen. Gustavo, kung sino man ang kakailanganin kong tao para sa Padre Damaso case pwede ko kuhanin.
(dumating si Gen. Gustavo)
Gen: Col. Cortez?
David: Sir?
Gen: I-dump mo na yung investigation kay Padre Damaso.
David: Sir, may mga leads na kami kay Padre Damaso.
Gen: I-dump mo na. Nung time na may tumawag sa aking tipper na nasa train yard daw si Padre Damaso, nung time na pinapunta ko kayo, nagpapunta din ako ng 3rd Infantry Batallion doon. Nung nagkaputukan, at nakubkob kayo, nahuling tumatakbo si Padre Damaso ng isa sa mga sundalo.
Leon: Sir, sino si Padre Damaso?
Gen: Oh, he’s just a little scum bag in this community. Maliit na terrorist lang. Actually, he’s just a nobody.
David: Sir, meron siyang 7 C4.1, napakamahal nito kung wala siyang pakay na masama.
Gen: Drop the case.
David: Sir, yes sir.
Leon: Sir, teka, nasaan ngayon yung “alleged Padre Damaso”?
Gen: Nasa Manila City Jail. He’s harmless.
(umalis na si Gen. Gustavo)
Leon: Shit naman, kung saan malapit na tayo sa leads natin kung nasaan si Padre Damaso, saka natin malalaman na hindi naman pala tama yung sinusundan natin.
David: Pre, duda ako na ang nahuli nila ay si Padre Damaso.
Leon: Bakit naman?
David: Di mo ba naalala? Nung nakatali tayo at binubugbog, may pumasok na isang lalaki na may dalang di ko alam kung ano, madilim kasi, tapos biglang may nagsalita dun sa dala nya. SI Padre Damaso. Ibig sabihin, hindi nahuli si Padre Damaso. Kasi paano siya makakapagsalita sa harap natin o kahit boses lang nya yun, kung nasa kustodiya siya ng mga pulis?
Leon: You’re a genious!! Pero teka. Ano, kakalabanin natin si Gen. Gustavo?
David: Siyempre di natin magagawa yun.
Leon: Oo nga eh. Mas mataas siya. Pero noon pang pinapunta tayo sa train yard ni Gen, may masama na akong nararamdaman eh.
David: Teka, asan nga pala si Eugenio?

(Sa NBA)
Ark: Wala namang nangyari!!!
Amy: Naputol mo na ba?
Ark: Oo! Pero bukas pa rin yung PC! WTF!
(dumating si Antonio)
Antonio: Ano bang nangyayari dito Ark? Bakit nawala yung system? Nag wiwithdraw ako eh!
Ark: Sir, may virus po na pumasok sa ating system.
Antonio: Virus?
Ark: Opo sir. At makapangyarihan ang virus. Naka off na ang system natin pero andyan pa rin ang virus.
Antonio: Oo nga no. Ipatawag ang pinaka magaling na technician dito.

(Sa Batangas City Jail)
Pulis: Fighter, laya ka na!
Bert: O? Talaga? Salamat.
(nakatayo sa labas ng city jail si Jerome at si Vic.)
Jerome: Pinalaya ka ni Boss Vic, pasalamat ka.
Bert: Salamat po, boss.
Vic: Ayos lang yun. Meron ka pang idedeliver ngayon.
(naglakad na sila)
Vic: Bibigyan ka na namin ng update, tutal, member ka rin naman ng KonVic. Next Monday kasi, magkakaroon ng Concert for a Cause ang Konvic. Pinapalabas natin doon na ito ay para sa mga cancer victims na bata. Pero siyempre di naman yun para doon. Habang nagkakaroon ng concert, at siyempre, tight ang security, may kukuhanin tayong drugs sa JKO Warehouse.
Bert: E pano kung hanapin ka ng mga tao sa concert?
Vic: Andun ako sa concert! Kayo ang kukuha ng drugs.

(sa labas ng Kasipagan Hall, Campo Reporma)
Eugenio: Babalik na ako ng Maynila, Toni.
Toni: Ako naman, kailangan ko nang pumunta ng Quezon. Kailangan ko magaral ng aking MBA duon.
Eugenio: Di bale, dadalawin na lang kita sa Quezon.
Toni: Sige.
(umalis na si Toni at may dumating na bus na papuntang Quezon at sumakay na.)

No comments:

Cast of Characters

Danilo Montano/ Captain Nguso - ang orihinal na Danilo Montano. Siya pa rin si Captain Nguso. Guro sa isang industrial school.
Maj. Leon San Miguel - commandant ng paaralang pinagsisilbihan ni Danilo Montano. Isa rin siyang sundalo ng Philippine Navy. Miyembro ng samahang Ilustrado.
Col. David Cortez - Taga Philippine Army na kasama ni Leon sa PMA. Isa siya sa mga pinakabatang sundalo ng Army. Miyembro rin ng Ilustrado.
Lt. Col. Eugenio Galvez - kasamahan nila David at Leon sa PMA. Nagsisilbi rin siya sa Navy. Miyembro ng Ilustrado.
Domingo Lee - si Lee Kong King na nagbago ng pagkatao. Di siya nagpakilala bilang Lee Kong King at nagbago ng pangalan bilang Domingo. IT Specialist ng National Bank of Anonas (NBA). Sumama sa samahang Ilustrado.
Lloyd Lopez - NBI Agent. Isa siya sa mga di pinapansin na agent ng NBI dahil hindi magaling.
Jessica Guryon - TV Broadcaster na nais maging presidente ng Pilipinas.
Francisco Cosme - simpleng magsasaka na depositor ng NBA.
Marie Diana Estevez - teller ng NBA.
Amy Marquez - teller rin ng NBA pero sa new accounts.
Esther delos Santos - bank manager ng NBA.
King Ronaldo Canonizado - miyembro ng criminal syndicate na KONVIC. Siya ang laging ginagamit na pang front. Artista siya. Mas kilala bilang Ron Iglesia.
Jerome Manalastas - abogado ng KONVIC. Pangarap maging presidente ng Pilipinas.
Bertucio Pinaglabanan - dating miyembro ng EHS. Pero dahil naghihirap na sila ni Betina, kinakailangan nyang sumideline. Front nya ang pagjajanitor. Siya ang delivery man ng KONVIC.
Vic "AKON" Gonzaga - lider ng KONVIC. Pinagsamang aKON at VIC. Pinapalabas nila na ang kanilang samahang KONVIC ay NGO na tumutulong sa mga mahihirap na nasa probinsya.
Padre Damaso - isang voice over na nilalang na naguutos sa kanyang mga tauhan ng kasamaan. Lider ng samahang "Unity"
The Fox - lider ng samahang Dragons na gumugulo sa katahimikan ng bansa.
Ma. Angelique Holcim - mayamang haciendera sa Batangas. Matalino rin at may koneksyon sa military dahil sa kanyang dating asawa na militar.
Toni Espina - asawa ni Eugenio. Frequent depositor ng NBA.
Lawrence Espinosa - nagtatrabaho sa SSS. May malaking koneksyon sa pamahalaan.
Gen. Justo Gustavo - pinakamataas sa buong Philippine Army.
Cedric Manual - scientist na ang tanging nais ay magkaroon ng di mapapantayang kapangyarihan.
Mayor Andrew Bistro - mayor ng Nasugbu, Batangas.
Eileen Dumayo - mananahi na sinasabing may kapangyarihan makita ang mangyayari at magpabangon ng patay.

AND THE OTHER CHARACTERS ARE TO FOLLOW...