Tuesday, May 5, 2009

Episode XVIII: Conspiracy

(Sa Police Station)
Police: Ano yun Mr. Gonzaga?
Vic: Magpapablotter ako ng isang prank caller.
Police: Pupunta po kami ng bahay nyo bukas para ma trace kung saan po galing sir.
Vic: Meron akong recording ng paguusap namin, baka ma trace ang boses nya dito.
Police: Try po natin sir.
(sinalang ng pulis ang memory card na galing sa voice recorder at nilagay sa Voice Identifying System nila)
Police: Sir may nag match po.
Vic: Sino? (haha, huli ka nang ulol ka!)
Police: Sir, he’s a top wanted criminal po.
Vic: Ha? Caller sa akin criminal?
Police: Yes sir. He is unknown, he goes by the name of “Padre Damaso”
Vic: (Holy shit!)

(Sa Campo Reporma)
Eugenio: Nakatanggap ako ng report mula sa Station 10 ng Batangas. Nagpablotter si Vic Gonzaga ng prank caller at ang prank caller turns out to be Padre Damaso.
David: Puntahan natin si Vic ngayon. Nasa police station pa ba siya?
Eugenio: Wala na, pero bukas pupunta sa office ni Vic.
David: Ikaw Leon, maiwan ka sa ating observatory van.
Leon: Yeah.
David: Eugenio, papasukin natin ang opisina ni Vic.

(Sa KonVic Office)
Police: Sir, lumalabas po na ang call ni Padre Damaso ay galing Somalia.
Julio: Lagi namang ganyan yan eh. Try nga nating kontakin ang Somalian government.
David: Nakontak na namin ng maraming beses ang Somalia pero sinasabi nila na hindi nageexist ang telephone number na ganyan sa kanila.
Eugenio: What if nageexist pero ayaw lang sabihin ng Somalia? Pano kung bayad ang gobyerno?
David: Well, pwede, tama. You got the point.

(Sa Campo Reporma)
David: Sa June 12, lilipad ako papuntang Somalia. 4 am ang flight. Commercial plane ang sasakyan ko to avoid suspicion. Magbabago rin muna ako ng identity.
Leon: Nakahanda na ang ID mo at passport.
Eugenio: Mr. Alex Garcia. Haha, salesman, Cambio Cars. Nice naman ang bagong pakilala mo David.
David: Siyempre.

(Sa KonVic Office)
(nag-ring uli ang telepono)
Vic: Hello?
Padre Damaso: Naniwala ka na?
Vic: Padre Damaso, ano bang gusto mo?
Padre Damaso: Nagpablotter ka pa talaga ah at pinatrace ako. Wag kang magalala Akon, hindi nila ako mahuhuli.
Vic: Ano bang kailangan mo sa akin?
Padre Damaso: Kailangan ko ng sabihin na nating, business associate.
Vic: Bakit? Para sa kabulastugang gagawin mo? Idadamay mo pangalan ko?
Padre Damaso: Akon, kilala kita, you are a syndicate pero mahinang klase, nagtatago sa likod ng NGO at mga programa mo.
Vic: Ano ba kasi? Kung kailangan mo ng tulong ko, di kita matutulungan.
Padre Damaso: Kahit alukin kita ng isang milyon buwan buwan?
Vic: (Isang milyon?? San ko pupulutin yun? Pakipot muna ako, baka taasan pa) Ayoko.
Padre Damaso: Ayaw mo ata ng isang milyon eh, sige wag na lang, sa iba na lang, marami pa naman eh.
Vic: Joke lang. Hehe. O sige, ano bang gusto mong gawin ko?
Padre Damaso: Hindi ka mahihirapan Akon. You will be like my partner, you will just help me with some of my operations.
Vic: katulad ng?
Padre Damaso: Tatawagan na lang kita kapag kailangan na kita Akon. Makikipagdeal ka ba?
Vic: OO Naman. Sige.
Padre Damaso: Akon, wag mo akong i-double cross kung ayaw mong mabura ng parang abo sa mundo. Tandaan mo, I am everywhere.
Vic: Hindi ko yun gagawin Padre Damaso.
Padre Damaso: May una ka nang misyon Akon, kailangan mong paslangin si Col. David Cortez.

No comments:

Cast of Characters

Danilo Montano/ Captain Nguso - ang orihinal na Danilo Montano. Siya pa rin si Captain Nguso. Guro sa isang industrial school.
Maj. Leon San Miguel - commandant ng paaralang pinagsisilbihan ni Danilo Montano. Isa rin siyang sundalo ng Philippine Navy. Miyembro ng samahang Ilustrado.
Col. David Cortez - Taga Philippine Army na kasama ni Leon sa PMA. Isa siya sa mga pinakabatang sundalo ng Army. Miyembro rin ng Ilustrado.
Lt. Col. Eugenio Galvez - kasamahan nila David at Leon sa PMA. Nagsisilbi rin siya sa Navy. Miyembro ng Ilustrado.
Domingo Lee - si Lee Kong King na nagbago ng pagkatao. Di siya nagpakilala bilang Lee Kong King at nagbago ng pangalan bilang Domingo. IT Specialist ng National Bank of Anonas (NBA). Sumama sa samahang Ilustrado.
Lloyd Lopez - NBI Agent. Isa siya sa mga di pinapansin na agent ng NBI dahil hindi magaling.
Jessica Guryon - TV Broadcaster na nais maging presidente ng Pilipinas.
Francisco Cosme - simpleng magsasaka na depositor ng NBA.
Marie Diana Estevez - teller ng NBA.
Amy Marquez - teller rin ng NBA pero sa new accounts.
Esther delos Santos - bank manager ng NBA.
King Ronaldo Canonizado - miyembro ng criminal syndicate na KONVIC. Siya ang laging ginagamit na pang front. Artista siya. Mas kilala bilang Ron Iglesia.
Jerome Manalastas - abogado ng KONVIC. Pangarap maging presidente ng Pilipinas.
Bertucio Pinaglabanan - dating miyembro ng EHS. Pero dahil naghihirap na sila ni Betina, kinakailangan nyang sumideline. Front nya ang pagjajanitor. Siya ang delivery man ng KONVIC.
Vic "AKON" Gonzaga - lider ng KONVIC. Pinagsamang aKON at VIC. Pinapalabas nila na ang kanilang samahang KONVIC ay NGO na tumutulong sa mga mahihirap na nasa probinsya.
Padre Damaso - isang voice over na nilalang na naguutos sa kanyang mga tauhan ng kasamaan. Lider ng samahang "Unity"
The Fox - lider ng samahang Dragons na gumugulo sa katahimikan ng bansa.
Ma. Angelique Holcim - mayamang haciendera sa Batangas. Matalino rin at may koneksyon sa military dahil sa kanyang dating asawa na militar.
Toni Espina - asawa ni Eugenio. Frequent depositor ng NBA.
Lawrence Espinosa - nagtatrabaho sa SSS. May malaking koneksyon sa pamahalaan.
Gen. Justo Gustavo - pinakamataas sa buong Philippine Army.
Cedric Manual - scientist na ang tanging nais ay magkaroon ng di mapapantayang kapangyarihan.
Mayor Andrew Bistro - mayor ng Nasugbu, Batangas.
Eileen Dumayo - mananahi na sinasabing may kapangyarihan makita ang mangyayari at magpabangon ng patay.

AND THE OTHER CHARACTERS ARE TO FOLLOW...