(binigay ng attendant ang isang folder kay David)
Attendant: Can I get your name sir?
David: For what?
Attendant: Because we list down the names of those who enter our shop for filing.
David: Okay. I’m Alex Garcia.
(lumabas na si David sa shop at binuksan ang folder. Tumawag agad siya sa Pilipinas)
(Sa Campo Reporma)
Eugenio: Oh, David?
(on phone) David: Pre, kilala ko na ang nagmamayari ng telepono ni Padre Damaso.
Eugenio: Sino?
David: Naka-pangalan siya sa isang kumpanya. Actually ang sabi dito ang kumpanya ay nakikipagdeal sa pagawaan ng Iced Tea at mga drinks.
Eugenio: Oh?
David: Oo. Ang pangalan ng company is Billy Jean Drinks.
Eugenio: Sino may-ari? Ano nationality ng may-ari?
David: Pilipino ang may-ari.
Eugenio: That’s our man! Ano pangalan?
David: Pre, it’s not a man. It’s a woman. Pangalan nya Faith Ortega. Well merong local residence si Faith sa Pilipinas.
Leon: Teka, what if babae talaga si Padre Damaso at binago lang ang boses nya?
David: Hindi imposible. Puntahan nyo yung residence ni Faith. Sabi kasi dito 3 years nang pinaputol ng Billy Jean Drinks ang telepono nila.
Eugenio: Balik ka na ng Pilipinas! Delikado dyan may civil war pa naman ngayon!
David: Hindi pwede. Pupuntahan ko muna yung site. Ilang blocks lang naman mula dito yang Billy Jean na yan eh.
Leon: Ingat ka, delikado ngayon sa Mogadishu.
David: Oo. Sige. Basta, puntahan nyo sa 3rd Floor ng Germania Towers, Unit 304.
Leon: Faith Ortega?
David: Oo.
Eugenio: Sige. Salamat.
(binaba ni David ang telepono)
(Sa Batangas City Jail)
Pulis: Oy, Bert, may dalaw ka.
(lumabas si Bert)
Bert: O, Jerome.
Jerome: Bert, malakas ang ebidensya na ikaw ang driver ng truck.
Bert: So hindi nyo ako mapapalabas dito?
Jerome: Duda ako Bert.
Bert: Ah, ganun. E kung mag squeal kaya ako na kayo ang nagutos sa akin na imaneho ko yun?
Jerome: Wag naman Bert. Maganda ang reputasyon ni Boss Vic sa bayang ito.
Bert: Eh yun nga eh. Tapos iiwanan nyo lang ako?
Jerome: Sige Bert, pagbalik ko, ilalaban natin ang kasong ito.
(Sa Kalye Tinio)
(natapos na ang hostage crisis, nahuli ang tao at napakawalan ang mga bihag)
Jessica: Ah, sir, excuse me po, ano pong statement nyo ukol sa pagkakahuli sa salarin?
Julio: Hinintay pa kasi namin ang pagdating ni Captain Nguso para iligtas ang tao. Pero siguro kung ginawa na nila yung inutos ko, natapos sana ito ng mas maaga.
Jessica: Sir, ano po ang iba nyo pang masasabi?
Julio: Ah, I conclude na hindi na talaga kailangan ng mundo si Captain Nguso. Captain Nguso, kung nasaan ka man ngayon, wag ka na umalis dyan, matulog ka na lang. Hindi ka na namin kailangan.
(Sa bahay ni Danilo)
Danilo: BAKIT DI AKO MAMATAY!!!!
(on TV) Julio: The world doesn’t need a superhero!
Danilo: Hindi ata talaga ako mamamatay na…
(Sa XES Faculty)
Anito: Wala naman talagang kwenta si Captain Nguso mula noon pa eh… Kahit naman nung medieval times pa, nung libre pa yung tubig.
Danilo: Hindi naman siguro.
Anito: Hindi, eh bakit, nagpapakita lang naman siya for publicity eh!
Danilo: Hindi rin!
JR: Wag nyo na pagtalunan yan! Wala namang kwenta kung paguusapan pa natin yung tungkol kay Captain Nguso. Di nyo pa naipapasa yung grades ng estudyante sa principal.
Danilo: Ako tapos na.
Anito: JR, uwi na muna ako, bukas ko na siguro ipapasa kasi may kailangan pa akong gawin sa opisina ng anak ko eh.
JR: May magagawa ba ako. Sige na nga.
(lumabas na si Anito ng faculty)
Danilo: Epal yang Anito na yan ah.
JR: Totoo naman yung sinasabi nya talaga eh. Wala namang silbi si Captain Nguso.
Danilo: JR, itigil mo na.
JR: Teka nga Danilo. Alam mo, sa 85 million na tao sa mundo, ikaw lang yung nagrereklamo at nagtatanggol kay Captain Nguso. SA survey, negative pa ang nakuhang points ni Captain Nguso!
Danilo: EH kasi, tingin ko may mga dahilan lang bakit di na siya nagpapakita.
(Sa Baidoa, Mogadishu, Somalia)
(speaking in Somalian)
David: Wala na yung Billy Jean Drinks?
Tao: Wala na eh. 3 years na yun. Mula nung sumabog at nasunog yung building nila, nagsara na ito.
David: May idea ka ba sinong may ari nito?
Tao: Oo naman, diyan ako nagtatrabaho eh.
David: Faith Ortega?
Tao: Ha? Hindi. Baka asawa lang yun nung may-ari. Kasi yung may-ari nyan Ortega din pero hindi Faith.
David: O? Anong pangalan?
Tao: Billy Jean Ortega.
ang paboritong libro ni Hudas - bob ong
-
kagabi..bumili ako ng libro ni Bob Ong ang paboritong libro ni Hudas.
Nabasa ko na ren naman tong libro na to siguro mga ilang siglo na ang
nakakaraan. Di ...
13 years ago
No comments:
Post a Comment