Thursday, May 21, 2009

Episode XXII: The Meet

(Sa kotseng itim)
(nagising na si Vic, may katabi siyang lalaking nakaitim. Sa passenger seat sa harap ay si King at ang driver ay naka itim din)
Vic: King? May conspiracy kayo ni Padre Damaso?
King: Nagiba lang mukha ko, di mo na ako nakilala.
Vic: Oo nga, ikaw nga si King. Teka- Padre Damaso?
King: Hahahaha… Joke lang. Ako talaga si King. Kinontak ako ni Padre Damaso. Tapos di mo ba nakikilala yung mga tauhan natin? Pinag coat ko lang sila ng itim para malupit tingnan.
Vic: Eh bakit kailangan nyo pa akong patulugin?
King: Siyempre naman. Eh kung di ka sumama sa amin.
Vic: San mo ba talaga ako dadalhin?
King: Board meeting ngayon.
Vic: Ng ano?
King: Ng mga allies ni Padre Damaso.
Vic: Ally ka rin ni Padre Damaso?
King: Nauulol ka na ba? Di ba nasa iisang organisasyon lang tayo?
Vic: Oo nga. Eh bakit ikaw pa ang sumundo sa akin at hindi na lang sinabi sa akin ni Padre Damaso?
King: Kasi ako ang bagong consigliere ni Padre Damaso.
Vic: Ikaw? Bakit hindi ako? Eh mas marami akong nalalaman pagdating sa krimen?
King: E kasi, yung unang test sayo ni Padre Damaso na patayin si Ibarra, di mo nagawa.
Vic: bakit may inutos din ba siya sayo?
King: Oo.
Vic: Ano naman?
King: Hindi ko pwede sabihin sayo.
Vic: Pero ano, tumitiwalag ka na sa KonVic?
King: Hindi. Sino naman nagsabi sayo.
Vic: Eh mas mataas na ang rank mo sa akin eh.
King: Siguro sa mga tauhan ni Padre Damaso. Pero boss pa rin kita. Saka temporary lang naman to eh.
Vic: Anong temporary?
King: Hindi ako ang magiging consigliere ni Padre Damaso forever. Siguro hanggang ngayong araw lang. Kasi, ibang crime syndicate ang kinabibilangan ko. Yung KonVic.

(Sa City Hall)
Andrew: Hanapin nyo si Eileen Dumayo. Papuntahin nyo dito sa opisina ko ngayon din!
Tauhan: Opo sir.
(lumabas ng opisina ang tauhan)
Vice mayor: Ano inutos?
Tauhan: Pinapahanap nya yung soulmate nya.

(Sa Eroplano)
Pilot: Please fasten your seatbelts. We are about to land in Somalia International Airport in a minute.
Lawrence: Ayan! Malapit na tayo!

(Sa NBA)
Lee: Shit! Shit! Shit!
Marie: Oh, Lee? Kamusta na?
Lee: Hindi ko na alam ang tanging paraan. Teka nga.
(tinawagan si Leon)
(On Phone) Leon: Hello?
Lee: Pre, may problema ang NBA.
Leon: Ano yun?
Lee: May nang-hack ng system namin at nanganganib ang bilyong bilyong salapi. Pwede ka ba pumunta dito?
Leon: Ha? Di pwede, on mission ako ngayon eh.
Lee: Pre, mabilis lang to.
Leon: Di talaga pwede. Teka ano ba lumalabas?
Lee: Error.
Leon: Shit, dapat talaga makita ko yan. DI ako pwede umalis ng kampo ngayon.
Lee: Kahit sabihin ko na may libreng babae?
Leon: Sige. Teka. Papunta na ako.
Lee: Joke lang. Wala akong ibibigay na babae sayo.
Leon: Joke lang din pala. Di pala ako pupunta.
Lee: F*ck.
(binaba ni Leon ang telepono)

(Sa Campo Reporma)
Eugenio: Pre, nakarating na ng Somalia si Alex.
Leon: Sinong Alex?
Eugenio: Di mo maalala?
Leon: Ah… Oo nga pala. O ano, pwede ba natin siya ma-konek?
Eugenio: Pwede.
Leon: Pre, pwede daan muna ako saglit ng NBA?
Eugenio: Bakit?
Leon: Merong computer crime na nagaganap eh.
Eugenio: Di natin trabaho yun.
Leon: Pero pre. Kailangan kasi bilyon din ang mawawala dun. Saka di ba depositor ka rin ng NBA?
(naalala ni Eugenio ang joint account nila ni Toni)
Eugenio: Sige. Kaya ko na to.
Leon: Salamat pre.

(nag park ang sasakyan nila sa gasoline station)
Vic: O, bakit? Wala nang gas?
(nag ring ang telepono ni King)
King: Hello?
Padre Damaso: King. Makikita nyo malapit sa shop ng gas station ang itim na bus.
King: Oo, nakikita ko.
Padre Damaso: Good. Ngayon, pumunta kayo sa malapit sa bus. Wala na kayong isasamang tao. Kayo lang dalawa ni Akon. Walang magdadala ng weapon.
King: Copy.
Padre Damaso: Good. Sige na. Baka ma-late pa kayo.
(binaba na ni King ang phone)
King: Tara na. wala kang dalang baril?
Vic: Wala.
King: Good. Tara.
(lumabas na sila King at Vic sa kotse at pumunta sa itim na bus. Lumabas ang isang lalaking naka itim mula sa bus.)
Man: Mr. Canonzado?
King: Ako yun.
Man: Paki-lagay lang po ang R thumbprint sa scanner.
*bleep*
Man: Good, pasok na sa bus.
(maya-maya may dumating din na dalawang lalaki)
Vic: Teka mga pre, nauna ako.
Man: Nauna siya. Mr. Gonzaga?
(inilagay ni Vic ang kamay sa scanner)
Man: Pasok na rin po kayo.
(pumasok si Vic sa bus. Nakita nya na maraming mukhang mayaman na tao sa loob pero lahat tulog. Nakita nya si King. Pero tulog din.)
Vic: Bakit kaya tulog lahat ng to.
(pagupo ni Vic parang may tumusok sa kanyang pwet. Inantok siya bigla at napapikit.)

No comments:

Cast of Characters

Danilo Montano/ Captain Nguso - ang orihinal na Danilo Montano. Siya pa rin si Captain Nguso. Guro sa isang industrial school.
Maj. Leon San Miguel - commandant ng paaralang pinagsisilbihan ni Danilo Montano. Isa rin siyang sundalo ng Philippine Navy. Miyembro ng samahang Ilustrado.
Col. David Cortez - Taga Philippine Army na kasama ni Leon sa PMA. Isa siya sa mga pinakabatang sundalo ng Army. Miyembro rin ng Ilustrado.
Lt. Col. Eugenio Galvez - kasamahan nila David at Leon sa PMA. Nagsisilbi rin siya sa Navy. Miyembro ng Ilustrado.
Domingo Lee - si Lee Kong King na nagbago ng pagkatao. Di siya nagpakilala bilang Lee Kong King at nagbago ng pangalan bilang Domingo. IT Specialist ng National Bank of Anonas (NBA). Sumama sa samahang Ilustrado.
Lloyd Lopez - NBI Agent. Isa siya sa mga di pinapansin na agent ng NBI dahil hindi magaling.
Jessica Guryon - TV Broadcaster na nais maging presidente ng Pilipinas.
Francisco Cosme - simpleng magsasaka na depositor ng NBA.
Marie Diana Estevez - teller ng NBA.
Amy Marquez - teller rin ng NBA pero sa new accounts.
Esther delos Santos - bank manager ng NBA.
King Ronaldo Canonizado - miyembro ng criminal syndicate na KONVIC. Siya ang laging ginagamit na pang front. Artista siya. Mas kilala bilang Ron Iglesia.
Jerome Manalastas - abogado ng KONVIC. Pangarap maging presidente ng Pilipinas.
Bertucio Pinaglabanan - dating miyembro ng EHS. Pero dahil naghihirap na sila ni Betina, kinakailangan nyang sumideline. Front nya ang pagjajanitor. Siya ang delivery man ng KONVIC.
Vic "AKON" Gonzaga - lider ng KONVIC. Pinagsamang aKON at VIC. Pinapalabas nila na ang kanilang samahang KONVIC ay NGO na tumutulong sa mga mahihirap na nasa probinsya.
Padre Damaso - isang voice over na nilalang na naguutos sa kanyang mga tauhan ng kasamaan. Lider ng samahang "Unity"
The Fox - lider ng samahang Dragons na gumugulo sa katahimikan ng bansa.
Ma. Angelique Holcim - mayamang haciendera sa Batangas. Matalino rin at may koneksyon sa military dahil sa kanyang dating asawa na militar.
Toni Espina - asawa ni Eugenio. Frequent depositor ng NBA.
Lawrence Espinosa - nagtatrabaho sa SSS. May malaking koneksyon sa pamahalaan.
Gen. Justo Gustavo - pinakamataas sa buong Philippine Army.
Cedric Manual - scientist na ang tanging nais ay magkaroon ng di mapapantayang kapangyarihan.
Mayor Andrew Bistro - mayor ng Nasugbu, Batangas.
Eileen Dumayo - mananahi na sinasabing may kapangyarihan makita ang mangyayari at magpabangon ng patay.

AND THE OTHER CHARACTERS ARE TO FOLLOW...