Thursday, May 21, 2009

Episode XXIII: Unity

(Sa City Hall)
Andrew: Sino ka ba talaga? Siguro isa ka sa mga tauhan ng hitman no?
Tauhan: Sir, identified na po ang hitman. Pero isa lang siyang taga-skwater.
Andrew: SIge, labas na. Sino boss nyo?
Eileen: Wala akong boss.
Andrew: Eh pano mo nalaman na mababaril ako?
Eileen: Nakikita ko ang future, mayor.
Andrew: Di ako naniniwala. Sabi nga ng isang philosopher, si J. DIendo, “No one can see the future.” Eh pano mo nakita?
Eileen: Hindi ko alam. Dumadaan siya sa panaginip at nagkakatotoo.
Andrew: Paano mo napatunayan na nangyayari talaga?
Eileen: Kasi, bata pa ako, nakikita ko na yung mga ganito. Until yung mga nakita ko, nagkatotoo. Katulad ng pagbagsak ng EHS, yung pagkawala ni Juan Salvador, tapos ngayon, nakita ko rin na mawawala si Captain Nguso. Yung threat sa buhay mo.
Andrew: Nakikita mo ba kung anong mangyayari sayo?
Eileen: I cannot see my future.
Andrew: Yun nga! Tama si Diendo! Nobody can see the future. Sinungaling ka. Dapat sayo kinukulong.
Eileen: Kung yun ang magpapaligaya sayo mayor.
Andrew: Ipatawag ang Batangas Police, pinapakulong ko itong babaeng ito sa salang, Accesory to the crime.
Tauhan: Yes sir.

(Sa NBA)
Leon: Bobo naman ng hacker na to.
Lee: Bakit?
Leon: Eh simpleng wallpaper lang ang nilagay nya eh.
Marie: Ano ibig mong sabihin major?
Leon: Sabi ko, itong si Nod, estupido at low class na hacker. Simple lang ang ginawa nya. Nagpadala lang siya dito ng isang mail siguro or whatsoever tapos tinanggap ninyo. Ang laman nung mail na yun is yung application na “Wallpaper”. Well itong wallpaper kasi ay ginagamit para di takpan yung mismong monitor nyo. Ang positive use nito is parang screen saver lang. Hehe. Simple lang to. Right click tapos properties tapos screen saver tapos palitan mo screen saver mo. Tapos okay na. Punta ka na lang sa program files, delete mo yung Wallpaper.exe tapos wala nang problema!
Marie: Ang galing mo naman major!
Leon: Siyempre inspired eh. (sabay ngiti kay Marie)
Lee: Salamat pre.
Esther: Pre?
Lee: Major pala, sorry major, nasanay ako sa pre sa mga tao eh.
Leon: Walang problema. (sabay ngiti uli kay Marie)

(Sa isang sirang building tumigil ang bus.)
(Sa Bus)
*RING!!!!*
(nagising lahat ng tao sa bus)
Vic: Shocks, nakatulog ako.
King: Oo, ganda nga panaginip ko eh.
Tourist guide: Sumabay lang po lahat sa akin.
(nagbabaan na lahat ng tao at naglakad kasabay ng tourist guide. May mga lalaking nakaitim na nakapaligid sa mga tao, may hawak na AK-47. Dumating sila sa isang pinto na magandang klase, binuksan ang pinto at tumambad ang isang magandang conference room na may 51” flat tv sa harap. Walang table pero may mga silya na gawa sa Narra.)
Vic: Astigin din to eh no. Kung titingnan mo sa labas mukhang abandonadong building. Tapos yun pala, may ganito ka-garang conference room.
Tourist Guide: Pasok na lang po kayo.
(nang makapasok na lahat ng tao, sinara ng tourist guide ang pinto.)
(maya-maya nag-on ang malaking TV at mayroong swivel chair na nakatalikod sa camera. Makikita na may derby hat na nakaupo sa swivel chair. Madilim ang setting kaya di masyado nakikita ang lugar. Namatay na rin ang ilaw sa conference room)
Padre Damaso: Good evening, associates. To formally open this session, magpapakilala muna ako. Ako si Padre Damaso. Well, siguro kilala nyo na ako from the time na nag-agree kayo sa deal natin. Nagpapasalamat ako na nakipagdeal kayo sa akin. At siguro, ito ang magsisilbing pinakamalaking organized crime sa buong mundo. Dahil na rin siguro sa lahat ng nandito ay nanggaling sa iba’t ibang crime organization. At pinagsama-sama. From this time on, ang ating samahan ay tatawaging “Unity”.

No comments:

Cast of Characters

Danilo Montano/ Captain Nguso - ang orihinal na Danilo Montano. Siya pa rin si Captain Nguso. Guro sa isang industrial school.
Maj. Leon San Miguel - commandant ng paaralang pinagsisilbihan ni Danilo Montano. Isa rin siyang sundalo ng Philippine Navy. Miyembro ng samahang Ilustrado.
Col. David Cortez - Taga Philippine Army na kasama ni Leon sa PMA. Isa siya sa mga pinakabatang sundalo ng Army. Miyembro rin ng Ilustrado.
Lt. Col. Eugenio Galvez - kasamahan nila David at Leon sa PMA. Nagsisilbi rin siya sa Navy. Miyembro ng Ilustrado.
Domingo Lee - si Lee Kong King na nagbago ng pagkatao. Di siya nagpakilala bilang Lee Kong King at nagbago ng pangalan bilang Domingo. IT Specialist ng National Bank of Anonas (NBA). Sumama sa samahang Ilustrado.
Lloyd Lopez - NBI Agent. Isa siya sa mga di pinapansin na agent ng NBI dahil hindi magaling.
Jessica Guryon - TV Broadcaster na nais maging presidente ng Pilipinas.
Francisco Cosme - simpleng magsasaka na depositor ng NBA.
Marie Diana Estevez - teller ng NBA.
Amy Marquez - teller rin ng NBA pero sa new accounts.
Esther delos Santos - bank manager ng NBA.
King Ronaldo Canonizado - miyembro ng criminal syndicate na KONVIC. Siya ang laging ginagamit na pang front. Artista siya. Mas kilala bilang Ron Iglesia.
Jerome Manalastas - abogado ng KONVIC. Pangarap maging presidente ng Pilipinas.
Bertucio Pinaglabanan - dating miyembro ng EHS. Pero dahil naghihirap na sila ni Betina, kinakailangan nyang sumideline. Front nya ang pagjajanitor. Siya ang delivery man ng KONVIC.
Vic "AKON" Gonzaga - lider ng KONVIC. Pinagsamang aKON at VIC. Pinapalabas nila na ang kanilang samahang KONVIC ay NGO na tumutulong sa mga mahihirap na nasa probinsya.
Padre Damaso - isang voice over na nilalang na naguutos sa kanyang mga tauhan ng kasamaan. Lider ng samahang "Unity"
The Fox - lider ng samahang Dragons na gumugulo sa katahimikan ng bansa.
Ma. Angelique Holcim - mayamang haciendera sa Batangas. Matalino rin at may koneksyon sa military dahil sa kanyang dating asawa na militar.
Toni Espina - asawa ni Eugenio. Frequent depositor ng NBA.
Lawrence Espinosa - nagtatrabaho sa SSS. May malaking koneksyon sa pamahalaan.
Gen. Justo Gustavo - pinakamataas sa buong Philippine Army.
Cedric Manual - scientist na ang tanging nais ay magkaroon ng di mapapantayang kapangyarihan.
Mayor Andrew Bistro - mayor ng Nasugbu, Batangas.
Eileen Dumayo - mananahi na sinasabing may kapangyarihan makita ang mangyayari at magpabangon ng patay.

AND THE OTHER CHARACTERS ARE TO FOLLOW...