Sunday, May 24, 2009

Episode XXVI: Prowess of Padre Damaso

(Sa Germania Towers)
Eugenio: Pre, ito na ang unit ni Faith Ortega.
(kumatok sila at binuksan ang pinto ng isang babae na nasa edad 30)
Babae: Ano yun?
Leon: Kayo po ba si Faith Ortega?
Babae: Oo, ano yun?
Leon: Kayo po ba may-ari ng Billy Jean Drinks? Yung nagtitinda ng mga iced tea?
Faith: Ako nga. Pero hindi ako ang may-ari nun. Hindi ko rin ako ang namamahala dun. Ang asawa ko.
Leon: Sino po bang asawa nyo?
Faith: Sino ba kayo?
Eugenio: Kami ang pinadala ng Somalia dito. Tungkol sa business nyo.
Faith: Eh bakit hindi naman kayo negro?
Eugenio: Galing kasi kami ng Philippine Embassy.
Faith: Tapos hindi nyo alam yung nangyari sa aming kumpanya?
Eugenio: Nasunog.
Faith: O eh bakit hinahanap nyo pa ang asawa ko.
Leon: (pabulong) patay.
Eugenio: Kasi po, nawawala siya.
Faith: Tanga ka ba? Nagsulat pa nga ang Philippine Embassy nung pinadala dito ang corpse nya eh.
Eugenio: Corpse? Patay? Nakita nyo ba?
Faith: Oo, nakita namin yung coffin. Pero di na pinabuksan kasi sunog ang bangkay.
Leon: Pina-cremate nyo ba?
Faith: Oo naman!
Eugenio: So, patay na si Billy Jean?
Faith: 3 years ago pa.
Eugenio: Salamat
(lumabas sila ng bahay)
Eugenio: Shit pre. Kala ko si Billy Jean na si Padre Damaso.
Leon: Ako nga akala ko si Faith eh.
Eugenio: Gago ka ba? Lalaki yun!
Leon: Hindi nga tayo sigurado.
Eugenio: Di bale. Naikabit ko yung surveillance camera.
Leon: Ha? Pano?
Eugenio: Simple, habang naguusap tayo, nilagay ko sa may lamp shade yung maliit na camera. Tapos naglagay din ako ng wire tapping device sa telephone line nila.
Leon: Paano?
Eugenio: Dun sa telephone lines na nasa labas ng Germania Towers, nakita ko yung sa 301. Dun ko nilagay. Malalaman natin kung siya talaga si Padre Damaso.
Leon: You’re a genious!

(Makalipas ang ilang araw sa Campo Reporma)
Eugenio: Wala. Negative. 7 days na tayo nagbabantay sa bahay ni Faith. Pero normal na gawain ng biyuda ang ginagawa nya. Telephone naman, friends lang ang nakakausap nya.
David: Nakasama nga raw sa nasunog na building si Billy Jean eh. At patay na siya.
Leon: So ikakansela na natin ito?
David: Wag muna. Kasama pa rin sila sa suspects. Hindi pa tayo nakakahanap ng ibang suspects.
(nag ring ang telepono)
David: Hello?
Gen (on phone): Hello?
David: Hello sir, bakit po?
Gen: puntahan nyo yung train yard sa Maynila. Merong nakapagtip na nandun si Padre Damaso at gumagawa ng deal.
David: Right away general.
Leon: Ano, tara na?
David: Oo. Siyempre.

(Sa NBA)
(dumating ang isang itim na sasakyan at lumabas si Antonio)
Esther: Boyfriend mo yun di ba? Mayaman yan ah, papalit palit ng kotse. Ngayon, itim pa.
(lumabas din sa kotse ang 3 bodyguards. Pumasok na sila ng bangko.)
Antonio: Esther delos Santos?
Esther: Yes sir?
Antonio: Ikaw yung bank manager dito?
Esther: Yes sir.
Antonio: Meron akong business proposition for you. Hindi ka na magtatrabaho sa National Bank of Anonas. Magtatrabaho ka na bilang Sales Manager ng Linsangan Eggs.
Esther: Teka sir, ayoko na po mag resign dito.
Antonio: Dalawa lang ang option mo, Ms. Delos Santos. Magreresign ka dito at magtatrabaho sa aking Egg farm, o magreresign ka dito, walang matatrabahuhan.
Esther: Teka sir, what do you mean?
Antonio: Ako na ang bagong may ari ng National Bank of Anonas. At naisip ko na si Amy na ang ilalagay kong bank manager.
Esther: Sir?
Antonio: Ako na ang bagong may-ari. Ano? Magtatrabaho ka ba sa akin o wala? Hindi ako pwedeng maghintay.
Amy: Pwede naman sigurong-
Antonio: Wag ka muna sumingit my dear.
Esther: Ano pa bang magagawa ko? Sige. Magtatrabaho ako sa Linsangan Eggs.
Antonio: Okay. Now, sino dito si Domingo Lee?
Lee: Ako. Bakit?
Antonio: You’re fired!
Lee: What the-? Ano namang dahilan mo?
Antonio: Eh ayoko sayo eh.
Lee: P***** ***!
Antonio: Ark, pumuwesto ka na sa IT. Hoy Domingo Lee, umalis ka na! Ito na sweldo mo.
Lee: G*** ka Antonio. (sabay kuha sa pera at lumabas ng bangko)

No comments:

Cast of Characters

Danilo Montano/ Captain Nguso - ang orihinal na Danilo Montano. Siya pa rin si Captain Nguso. Guro sa isang industrial school.
Maj. Leon San Miguel - commandant ng paaralang pinagsisilbihan ni Danilo Montano. Isa rin siyang sundalo ng Philippine Navy. Miyembro ng samahang Ilustrado.
Col. David Cortez - Taga Philippine Army na kasama ni Leon sa PMA. Isa siya sa mga pinakabatang sundalo ng Army. Miyembro rin ng Ilustrado.
Lt. Col. Eugenio Galvez - kasamahan nila David at Leon sa PMA. Nagsisilbi rin siya sa Navy. Miyembro ng Ilustrado.
Domingo Lee - si Lee Kong King na nagbago ng pagkatao. Di siya nagpakilala bilang Lee Kong King at nagbago ng pangalan bilang Domingo. IT Specialist ng National Bank of Anonas (NBA). Sumama sa samahang Ilustrado.
Lloyd Lopez - NBI Agent. Isa siya sa mga di pinapansin na agent ng NBI dahil hindi magaling.
Jessica Guryon - TV Broadcaster na nais maging presidente ng Pilipinas.
Francisco Cosme - simpleng magsasaka na depositor ng NBA.
Marie Diana Estevez - teller ng NBA.
Amy Marquez - teller rin ng NBA pero sa new accounts.
Esther delos Santos - bank manager ng NBA.
King Ronaldo Canonizado - miyembro ng criminal syndicate na KONVIC. Siya ang laging ginagamit na pang front. Artista siya. Mas kilala bilang Ron Iglesia.
Jerome Manalastas - abogado ng KONVIC. Pangarap maging presidente ng Pilipinas.
Bertucio Pinaglabanan - dating miyembro ng EHS. Pero dahil naghihirap na sila ni Betina, kinakailangan nyang sumideline. Front nya ang pagjajanitor. Siya ang delivery man ng KONVIC.
Vic "AKON" Gonzaga - lider ng KONVIC. Pinagsamang aKON at VIC. Pinapalabas nila na ang kanilang samahang KONVIC ay NGO na tumutulong sa mga mahihirap na nasa probinsya.
Padre Damaso - isang voice over na nilalang na naguutos sa kanyang mga tauhan ng kasamaan. Lider ng samahang "Unity"
The Fox - lider ng samahang Dragons na gumugulo sa katahimikan ng bansa.
Ma. Angelique Holcim - mayamang haciendera sa Batangas. Matalino rin at may koneksyon sa military dahil sa kanyang dating asawa na militar.
Toni Espina - asawa ni Eugenio. Frequent depositor ng NBA.
Lawrence Espinosa - nagtatrabaho sa SSS. May malaking koneksyon sa pamahalaan.
Gen. Justo Gustavo - pinakamataas sa buong Philippine Army.
Cedric Manual - scientist na ang tanging nais ay magkaroon ng di mapapantayang kapangyarihan.
Mayor Andrew Bistro - mayor ng Nasugbu, Batangas.
Eileen Dumayo - mananahi na sinasabing may kapangyarihan makita ang mangyayari at magpabangon ng patay.

AND THE OTHER CHARACTERS ARE TO FOLLOW...