Friday, May 8, 2009

Episode XVIX: Death Threat

Vic: ANG HIRAP NAMAN NUN! We can’t kill people.
Padre Damaso: Hindi ako naniniwala sayo, Akon. Pagkatapos ng pagtatangka mong patayin si Mayor Andrew Bistro?
Vic: Hindi ako ang may gawa nun!
Padre Damaso: Walang nakakapagsinungaling sa akin Akon.
Vic: Walang hiya talaga. O sige, kailan?
Padre Damaso: As soon as possible. Sana ngayon. Gusto ko makita ko sa tv na patay na si Col. Cortez at hindi yung naospital pa.
Vic: Wala ka bang ipapadalang tauhan?
Padre Damaso: As a business associate, do your part. Kikita ka na lang ng isang milyon ng walang pinagtatrabahuhan?
Vic: Oo na, oo na, sige na.
Padre Damaso: Wag mong patagaling Akon, madali akong mainip, pwede kitang pulbusin at mawala pa ang pera mo. (binaba ang telepono)
Vic: Shit.. shit… shit… kailangan ko pa si Col. Cortez. Bert!
Bert: Sir?
Vic: Puntahan natin si King, ngayon din.
Bert: Okay sir.

(Sa NBA)
(pumasok si Eugenio sa loob ng bangko at nagkita sila ni Toni, lumabas na sila ng bangko, pumasok si David)
Esther: Yes sir?
David: Kakausapin lang kita.
Esther: Ano po yun sir?
David: May tour kasi ako sa ibang bansa, tapos kung pwede sana, paki-international yung account ko para ma-withdraw ko sa ibang bansa.
Esther: Ah, okay sir. San po ba kayo pupuntang bansa?
David: Di na mahalaga yun. Kahit saang bansa naman yan di ba?
Esther: Opo sir.
David: Good. Sige.

(Sa Studio)
Security: Sir, bawal po pumasok, may taping pa po.
Vic: Hindi mo ba ako nakikilala? Papasok ako.
Security: Sir, mapipilitan po kaming palabasin kayo ng building kung itutuloy nyo ang pagpipilit nyo.
Vic: F*ck. Di mo ba ako nakikilala? Ako si Akon!
Security: Kahit ang presidente pa po ng America ang pumunta hindi pwedeng pumasok.
Vic: Well, F*ck you man. (umupo na lang sila ni Bert sa labas at naghintay)
Vic: Kaysa naman sa nakatanga lang tayo dito, kwento ka naman sa nakaraan mo.
Bert: Isa po akong EHS dati.
Vic: Alam mo nagtataka ako kung ikaw ba talaga si Bertucio Pinaglabanan. Una, matagal nang nagexist ang EHS, pangalawa, kung ikaw nga yun, dapat sobrang tanda mo na ngayon.
Bert: Yun din po ang pinagtataka ko. Bakit di ako tumatanda.
Vic: Di ba may asawa ka?
Bert: Matagal na po siyang patay. Ako na lang po ang nagiisa sa buhay ngayon.
Vic: Kwento mo naman yung nangyari kung bakit mo kinailangan pumasok sa akin bilang empleyado.
Bert: Nung nagkawatak watak po ang EHS, well, hindi naman po nahati ang assets ni Juan Salvador at ni Pedro Santiago. Ang nahati lang po ay yung pera na nasa bangko ng EHS. Malaki laki rin ang nakuha ko doon. Equally itong nahati.
Vic: Anong nangyari sa ari-arian nila Juan at Pedro?
Bert: Meron pa naman silang mga kamag-anak sa espanya eh. Nasa pagmamay ari na ito ng mga kamaganak nila. Kay Juan naman, hindi ginalaw. Kasi hindi pa alam kung buhay si Juan at ayaw magsalita ng pamilya ukol dito. Sinasabi nila na buhay pa si Juan dahil walang bangkay na nakita, pero hindi pa rin siya nakikita hanggang ngayon. Nung nakuha ko nga po ang pera, naisip ko ilagay sa negosyo. Pero nalugi. Di naman ako makapagtrabaho. Pareho kaming di nakatapos ng pagaaral ng asawa ko. Naubos rin yung pera hanggang sa wala na talaga kaming pera. Sinubukan kong mag construction pero siyempre, nagpapalit palit ng tao duon, wala akong naging permanenteng trabaho. Hanggang sa namatay ang asawa ko dala ng sakit na hindi ko maipagamot. Ako naman, wala nang makuhang trabaho kaya pumunta ako dito kaysa maging pulubi ako.
(sa malayo)
Police 1: teka, di ba yun yung nasa artist sketch natin? Yung driver ng mga holdapers ng NBA?
Police 2: Yung kasama ni Vic? Oo nga no, sige, tawagan ang station, magpadala pa ng tao dito.

(Sa Campo Reporma)
Eugenio: Pre, bukas na yung byahe mo papuntang Somalia.
Leon: Dala ka ng babae pagbalik mo ah.
David: Gusto mo ng babaeng Somalian? Eh kamukha ni Vic yung mga yun eh!
Leon: Wala naman atang tourist spot dun eh.
David: Eh kasi, di naman tayo after ng tourist spot. After tayo sa Padre Damaso na yan.
(nag ring ang telepono)
David: Hello?
Padre Damaso: Remember me?
David: Oo naman. Ikaw yung loser na nagbanta banta pa na pasabugin ang mga C4.1 mo pero wala namang nangyari.
Padre Damaso: Mayabang ka, David Cortez. Matitikman mo ngayon paano pinaringgan ni Padre Damaso si Crisostomo Ibarra.
David: Nagkakamali ka, Padre Damaso. Hindi ako si Crisostomo Ibarra.
Padre Damaso: Ikaw, wala nang iba, David Cortez. (binaba ang telepono)
David: Sira ulong bakla yun ah…

No comments:

Cast of Characters

Danilo Montano/ Captain Nguso - ang orihinal na Danilo Montano. Siya pa rin si Captain Nguso. Guro sa isang industrial school.
Maj. Leon San Miguel - commandant ng paaralang pinagsisilbihan ni Danilo Montano. Isa rin siyang sundalo ng Philippine Navy. Miyembro ng samahang Ilustrado.
Col. David Cortez - Taga Philippine Army na kasama ni Leon sa PMA. Isa siya sa mga pinakabatang sundalo ng Army. Miyembro rin ng Ilustrado.
Lt. Col. Eugenio Galvez - kasamahan nila David at Leon sa PMA. Nagsisilbi rin siya sa Navy. Miyembro ng Ilustrado.
Domingo Lee - si Lee Kong King na nagbago ng pagkatao. Di siya nagpakilala bilang Lee Kong King at nagbago ng pangalan bilang Domingo. IT Specialist ng National Bank of Anonas (NBA). Sumama sa samahang Ilustrado.
Lloyd Lopez - NBI Agent. Isa siya sa mga di pinapansin na agent ng NBI dahil hindi magaling.
Jessica Guryon - TV Broadcaster na nais maging presidente ng Pilipinas.
Francisco Cosme - simpleng magsasaka na depositor ng NBA.
Marie Diana Estevez - teller ng NBA.
Amy Marquez - teller rin ng NBA pero sa new accounts.
Esther delos Santos - bank manager ng NBA.
King Ronaldo Canonizado - miyembro ng criminal syndicate na KONVIC. Siya ang laging ginagamit na pang front. Artista siya. Mas kilala bilang Ron Iglesia.
Jerome Manalastas - abogado ng KONVIC. Pangarap maging presidente ng Pilipinas.
Bertucio Pinaglabanan - dating miyembro ng EHS. Pero dahil naghihirap na sila ni Betina, kinakailangan nyang sumideline. Front nya ang pagjajanitor. Siya ang delivery man ng KONVIC.
Vic "AKON" Gonzaga - lider ng KONVIC. Pinagsamang aKON at VIC. Pinapalabas nila na ang kanilang samahang KONVIC ay NGO na tumutulong sa mga mahihirap na nasa probinsya.
Padre Damaso - isang voice over na nilalang na naguutos sa kanyang mga tauhan ng kasamaan. Lider ng samahang "Unity"
The Fox - lider ng samahang Dragons na gumugulo sa katahimikan ng bansa.
Ma. Angelique Holcim - mayamang haciendera sa Batangas. Matalino rin at may koneksyon sa military dahil sa kanyang dating asawa na militar.
Toni Espina - asawa ni Eugenio. Frequent depositor ng NBA.
Lawrence Espinosa - nagtatrabaho sa SSS. May malaking koneksyon sa pamahalaan.
Gen. Justo Gustavo - pinakamataas sa buong Philippine Army.
Cedric Manual - scientist na ang tanging nais ay magkaroon ng di mapapantayang kapangyarihan.
Mayor Andrew Bistro - mayor ng Nasugbu, Batangas.
Eileen Dumayo - mananahi na sinasabing may kapangyarihan makita ang mangyayari at magpabangon ng patay.

AND THE OTHER CHARACTERS ARE TO FOLLOW...