Thursday, May 14, 2009

Episode XXI: Mission Failed

(Sa Police Station)
(nag ring ang cellphone ni Vic)
Vic: Excuse me lang po chief. Hello?
Padre Damaso: Stupido ka, Akon.
Vic: Pati ba naman cellphone ko nakuha mo???
Padre Damaso: Sinabi ko naman sayo na wala akong pinapalampas. Ano, ready to die nigga?
Vic: Wag.. Please.. Pero may tip ako sayo.
Padre Damaso: Tungkol saan?
Vic: Tungkol sa kinaroroonan ngayon ni Col. Cortez.
Padre Damaso: Tawagin natin siyang Ibarra. Baka kasi may makarinig sayo at isipin na may masama kang tangka kay Colonel. Oh, anong tungkol dun?
Vic: Umalis si Colonel-este, Ibarra ng bansa.
Padre Damaso: Anong klaseng impormasyon yan? Eh mas marami pa akong nalalaman eh. Pupunta siyang Somalia lulan ng Flight 019, Florendo Airways.
Vic: O, yun nga.
Padre Damaso: Ungas ka talagang negro ka. Wala kang alam. Hintayin mo ang itim na sasakyan na magpapark sa police station na kinaroroonan mo ngayon. Kailangan natin magusap.
Vic: E naguusap na nga tayo eh.
Padre Damaso: Gusto mo kumalat ang utak mo sa paligid ng police station sa harap ng maraming tao?
Vic: Mas maganda na yun kaysa sasakay ako at di ko na makikita uli ang mundo.
Padre Damaso: Masyado kang kabado Akon. Di pa kita papatayin. Marami pa akong kailangan sayo. (binaba ang telepono)
Vic: What the-???
(lumapit uli si Vic sa front desk)
Vic: Ah, Attorney, ikaw muna bahala dito. May emergency lang akong pupuntahan.
Jerome: Walang problema sir.

(Sa NBA)
Lee: Ma’am, hindi tayo makakapagbukas ng bangko ngayon. May problema sa system natin. Ayaw magbukas. Delikado to. Baka na-hack ang system natin.
Esther: Shit. Eh ano na lang sasabihin ng depositor? Naubusan tayo ng pera?
Lee: Hindi natin mailalabas ang mga pera nila kapag di natin nabuksan itong system.
Esther: Damn. Pano to… Hindi pwede basta basta na lang tayo magsasara..
Lee: Sabihin na lang natin Bank Holiday.
Esther: Hindi, hindi pwedeng rason yun.
Amy: Maglagay na lang po tayo ng notice.
Esther: Sige, bilis, gawin nyo na.
Lee: Sige po. Babalik na ako.
(umupo si Lee sa kanyang mesa at natagpuan ang isang sulat na nasa cubicle nya sa tapat ng computer.)
Domingo Lee,

Hindi ako magpapakilala sa tunay kong pangalan. Call me, Nod. Sinusubukan ko ang iyong galing at gusto kong i-challenge ka. Bilyon bilyon ang maaring mapasakamay ko, oras na makuha ko ang systems nyo. Sa ngayon, kasalukuyan ko nang kinukuha ang sytem ng National Bank of Anonas. I challenge you.

NOD

Lee: Shit. Sino to? Paano ko bubuksan ang sytem? Saan ako magsisimula…

(Sa City Hall)
Tauhan: Mayor, may gusto po makipagusap sa inyo.
Andrew: Sige, papasukin nyo.
Eileen Dumayo: Magandang araw sa inyo mayor.
Andrew: Magandang araw din naman.
Eileen: Ako nga po pala si Eileen Dumayo.
Andrew: Ano naman ang sadya mo at kinailangan mo akong makausap?
Eileen: Meron po akong nakikitang di magandang mangyayari.
Andrew: Ano naman yun?
Eileen: Magkakaroon po ng ikalawang pagtatangka sa buhay nyo in 1 minute.
Andrew: Nasisiraan ka na ba ng bait? Ano sinasabi mo? Ano ba talagang kailangan mo?
Eileen: Binibigyan ko lang kayo ng babala mayor.
Andrew: What the- palabasin na nga ang babaeng to!
Eileen: 10 seconds mayor.
Andrew: Sira- *BANG*
(nabasag ang salamin sa likod ng alkalde. Isang lalaking nakaitim ang nalaglag mula sa building katapat ng city hall.)
Tauhan: Mayor, safe na kayo. Nawarningan na kami ng babaeng ito kanina.
(Lumabas ang babae at naiwan si Andrew sa kwarto na tulala.)

(Sa Police Station)
(Nakita na ni Vic ang kotse sa labas na itim ngunit di siya lumabas. Nagabang siya sa loob ng police station. Maya maya pa lumapit ang isang pulis sa kanya)
Pulis: Sir, may hinahanap po kayo ni Ron Iglesia. Nasa kotse po siya.
Vic: Ah, sige, salamat ah.
(Lumabas si Vic at lumapit sa kotse)
King: Get in.
Vic: King? May conspiracy kayo ni Padre Damaso?
King: Pasok na, Akon.
(na-unconsious si Vic. Binuhat siya ng naka itim na lalaki sa loob ng kotse)

(Sa Eroplano)
Lawrence: Tinawag mo pa yung thiwardeth (stewardess) kanina, wala ka naman palang thathabihin (sasabihin).
David: Meron sana. Pero naisip kong wag na lang.
Lawrence: May girlfriend ka na ba?
David: (Nauulol na ba tong taong to? O bakla ba to?) Bakit mo naman tinatanong.
Lawrence: Wala lang. Kathi (kasi), meron akong kaibigan. Lagi ring parang wala tha (sa) tharili (sarili). Yun pala nagaway ng girlfriend nya.
David: Ah. Wala naman.
Lawrence: May nililigawan?
David: (ano ba to? Si Boy Abunda ba to?) Wala.
Lawrence: Feeling ko meron eh.

No comments:

Cast of Characters

Danilo Montano/ Captain Nguso - ang orihinal na Danilo Montano. Siya pa rin si Captain Nguso. Guro sa isang industrial school.
Maj. Leon San Miguel - commandant ng paaralang pinagsisilbihan ni Danilo Montano. Isa rin siyang sundalo ng Philippine Navy. Miyembro ng samahang Ilustrado.
Col. David Cortez - Taga Philippine Army na kasama ni Leon sa PMA. Isa siya sa mga pinakabatang sundalo ng Army. Miyembro rin ng Ilustrado.
Lt. Col. Eugenio Galvez - kasamahan nila David at Leon sa PMA. Nagsisilbi rin siya sa Navy. Miyembro ng Ilustrado.
Domingo Lee - si Lee Kong King na nagbago ng pagkatao. Di siya nagpakilala bilang Lee Kong King at nagbago ng pangalan bilang Domingo. IT Specialist ng National Bank of Anonas (NBA). Sumama sa samahang Ilustrado.
Lloyd Lopez - NBI Agent. Isa siya sa mga di pinapansin na agent ng NBI dahil hindi magaling.
Jessica Guryon - TV Broadcaster na nais maging presidente ng Pilipinas.
Francisco Cosme - simpleng magsasaka na depositor ng NBA.
Marie Diana Estevez - teller ng NBA.
Amy Marquez - teller rin ng NBA pero sa new accounts.
Esther delos Santos - bank manager ng NBA.
King Ronaldo Canonizado - miyembro ng criminal syndicate na KONVIC. Siya ang laging ginagamit na pang front. Artista siya. Mas kilala bilang Ron Iglesia.
Jerome Manalastas - abogado ng KONVIC. Pangarap maging presidente ng Pilipinas.
Bertucio Pinaglabanan - dating miyembro ng EHS. Pero dahil naghihirap na sila ni Betina, kinakailangan nyang sumideline. Front nya ang pagjajanitor. Siya ang delivery man ng KONVIC.
Vic "AKON" Gonzaga - lider ng KONVIC. Pinagsamang aKON at VIC. Pinapalabas nila na ang kanilang samahang KONVIC ay NGO na tumutulong sa mga mahihirap na nasa probinsya.
Padre Damaso - isang voice over na nilalang na naguutos sa kanyang mga tauhan ng kasamaan. Lider ng samahang "Unity"
The Fox - lider ng samahang Dragons na gumugulo sa katahimikan ng bansa.
Ma. Angelique Holcim - mayamang haciendera sa Batangas. Matalino rin at may koneksyon sa military dahil sa kanyang dating asawa na militar.
Toni Espina - asawa ni Eugenio. Frequent depositor ng NBA.
Lawrence Espinosa - nagtatrabaho sa SSS. May malaking koneksyon sa pamahalaan.
Gen. Justo Gustavo - pinakamataas sa buong Philippine Army.
Cedric Manual - scientist na ang tanging nais ay magkaroon ng di mapapantayang kapangyarihan.
Mayor Andrew Bistro - mayor ng Nasugbu, Batangas.
Eileen Dumayo - mananahi na sinasabing may kapangyarihan makita ang mangyayari at magpabangon ng patay.

AND THE OTHER CHARACTERS ARE TO FOLLOW...