(Sa Train Yard)
David: Fuck, wala namang tao dito eh..
Eugenio: Tara, balik na tayo ng Campo Reporma.
Leon: Sayang oras pare.
(may dumating na mga taong armado at niratrat sila. Nakapagtago sila sa isang abandonadong tren.)
David: Calling back-up, calling back up. SH*T!
Leon: Bakit?
David: Nawala yung back up natin!
Eugenio: Tayo tayo lang magtatakbo ngayon!
(binuksan ng isang armadong lalaki ang tren na pinagtataguan nila at tinutukan sila ng mga M-16)
Lalaki 1: Sumuko na kayo.
(naglapitan ang ibang lalaki at tinali sila. Sinapak sila at nahilo sila)
(Sa isang kalye)
Lee: Ano na ba nangyayari sa mundo? Bakit hindi bukas ang telepono nila David!
(Sa NBA)
Marie: Nakaka-miss naman si Esther. Ano ba nangyari sa boyfriend mo?
Amy: Hindi ko rin alam. Naiinis ako sa kanya.
Marie: So ano?
Amy: Wala. Di ko alam.
Marie: Alam mo, tingin ko may gusto talaga sayo si Col. Cortez eh.
Amy: Bakit ba lagi mo na lang akong nirereto kay Col. Cortez?
Marie: Eh kasi parang lahat ng hinahanap ko, nasa kanya na.
Amy: Sus, baka nandun sa magsasaka.
(Sa Batangas City Jail)
Eileen: Alam mo, Bert, ikaw ang pinakamabait na tao na nakita ko sa kulungan na to.
Bert: O? Salamat.
Eileen: Mahal na kita Bert. Mahal mo ba ako?
Bert: Mahal na mahal.
Eileen: Ipakita mo naman ang pagmamahal mo sa akin..
(nagtanggal ng damit si Bert at nakatayo sa harap nya hubo’t hubad)
Eileen: Iparamdam mo sa akin…
Pulis 1: Hoy! Gising na! May bisita ka! HOY!
Eileen: Ay, sorry.
(tumayo siya at nakita na wala nang tao sa kulungan. Nananaginip lang pala siya.)
Francisco: Gusto kang makausap ni Ma’am.
Eileen: Ako?
Francisco: Oo. Sino bang kausap ko?
Angelique: Ikaw ba si Eileen Dumayo?
Eileen: Ako nga.
Angelique: Makakalabas ka na bukas.
Eileen: Pano mo nasabi?
Angelique: Teka, bago kita palabasin, gusto ko malaman ano ang mangyayari sa akin?
Eileen: Sayo? Nakikita ko na merong manliligaw sa iyong military man. Pero hindi ko nakikita ang sagot mo.
Angelique: Miss, nakapagasawa na ako ng military, baka past ko ang nakita mo.
Eileen: Hindi. Kilala ko ang asawa nyo Ms. Holcim. Iba tong nakikita ko. Medyo Malabo, matipuno ang katawan nya eh.
(kinuha ni Angelique ang cellphone at tumawag)
Angelique: Hello?
Man on phone: Hello? Ms. Holcim? Anong maitutulong ko sa yo?
Angelique: Mayor, gusto ko piyansahan si Eileen Dumayo
Andrew: Sigurado ka? Eh baliw yan eh
Angelique: sigurado ako.
Andrew: Sige. Bukas. Makakalaya na siya.
(Sa isang kwarto)
(nagising na sila David, Eugenio at Leon. Nakatali sila Eugenio at Leon sa likod. Si David at nakatali sa upuan.)
Man 1: Gising na siya.
Man 2: Papahirapan pa ba natin?
Man 1: Sabi ni boss, ating atin na to eh.
Man 2: Wala namang ginawa tong masama eh.
Man 1: Tatry ko yung bagong muscles ko. Pasuntok.
Man 2: Patayin muna natin yung 2 dun sa likod.
Man 1: Sige, susuntukin ko muna to (sabay suntok kay David)
Man 2: Susuntukin ko na rin tong 2
(binugbog sila lahat pero ang binugbog ng todo ay si David)
(may pumasok na isa pang lalaki)
Man 3: Buti di nyo pa pinapatay, gusto pa sila kausapin ni Boss eh.
(pinasok nya ang isang radyo)
Padre Damaso (on radio): David. Nadamay tuloy ang mga kasamahan mo sa iyo. Di naman sila kasama dito eh. Pero dahil nandito na sila, mamamatay na rin sila. Goodbye.
(biglang may nagbato ng teargas sa loob ng kwarto)
Lloyd: Hoy, mga gago, hindi na ako makikipag negotiate sa inyo. Andito na ang buong 6th Infantry Batallion!
Man 1: Barilin mo na!
Man 2: Wala akong makita!
(nagbato pa uli ng teargas si Lloyd)
Man 1: Sino ka ba???
Lloyd: Wala ka nang pakialam. Call me, Bond.
Man 2: Ulol!
(nagpaputok kung saan saan ang mga lalaki)
Man 1: Lumabas ka Bond!
(nawala na ang mga usok, nawala rin sila David, Eugenio at Leon)
(Sa Ambulansya)
Lloyd: Safe na kayo.
David: Agent Lloyd?
ang paboritong libro ni Hudas - bob ong
-
kagabi..bumili ako ng libro ni Bob Ong ang paboritong libro ni Hudas.
Nabasa ko na ren naman tong libro na to siguro mga ilang siglo na ang
nakakaraan. Di ...
13 years ago
No comments:
Post a Comment