Wednesday, May 27, 2009

Episode XXVIII: Family Tree

(sa Ospital)
Lloyd: Ano ba nangyari?
Eugenio: Pinapunta kami ni Gen. Gustavo sa train yard, kasi andun daw si Padre Damaso tapos nagulat na lang kami ng may dumating na mga armadong tao. Mga tauhan sila ni Padre Damaso.
Leon: Teka, pano mo nalaman na nandun kami?
Lloyd: Kasi, nagtaka ako bakit may 2 military trucks ang pumunta sa train yard. Naisip ko sundan. Tapos after ilang minutes, nagalisan yung military trucks. Susundan ko na sana kaso nagkakaputukan sa train yard kaya pinuntahan ko. Pagdating ko naman, paalis na yung 3 jeep. Tumawag ako ng reinforcement. Tapos sinundan ko yung jeep. Hanggang sa nakita ko kayo.
Eugenio: Salamat talaga, Lloyd, Agent Lloyd.
Lloyd: NBI ako at trabaho ko magimbestiga.

(Sa Batangas City Jail)
Pulis: Laya ka na, Eileen Dumayo.
Eileen: Paalam Bert.
(di nagsasalita si Bert)
Eileen: (nalulungkot siguro si Bert)
Bert: (nauna pa tong baliw na to makalabas kaysa sa akin)
Eileen: (mahal talaga ako ni Bert, aamin na rin ako ng nararamdaman ko sa kanya)
Bert: (epal to sila Boss Vic ah.)
Eileen: (aaminin ko na at hahalikan ko na)
Bert: (HAY NAKU!!! VIC!!!)
Eileen: Bert, mahal na mahal din kita. (sabay halik kay Bert)
Bert: P****** ***! Ano ba!

(Sa KonVic Office)
Vic: Sir, sorry talaga.
Padre Damaso: Hindi ko na iaassign sayo ang pagpatay kay Ibarra. Mahirap talaga.
Vic: Salamat boss.
Padre Damaso: May sa pusa talaga yang si Ibarra eh.

(Makalipas ang ilang araw…)

(Sa Campo Reporma)
Leon: Pre, tingin ko naset-up tayo.
David: Wag natin isipin yan. Baka mali lang yung tipster ni General.
Eugenio: Tumawag si Lee.
David: Bakit daw?
Eugenio: Ayaw nya sabihin. Magkita daw tayo sa Starbuko Café.

(Sa Starbuko Café)
Leon: Meeting uli ng ilustrado ah.
David: Oo nga eh.
Eugenio: Ano ba gusto mo sabihin Lee?
Lee: Inalis na ako sa NBA.
David: Ha? Bakit?
Lee: Saka si Esther.
Leon: teka, bakit?
Lee: Iba na ang may ari eh.
David: Di bale, kawalan naman nila yun.
Lee: Ang bagong may ari yung boyfriend ni Amy.
David: What the-?
Leon: Si Antonio Linsangan?
Lee: Oo.
David: Eh anong nangyari kay Esther?
Lee: Nasa Linsangan Eggs na siya nagtatrabaho. Ako, sinibak talaga.
Eugenio: Hindi ko akalain mayaman pala yung Antonio na yun.
Leon: Tara, resbakan natin.
David: Wag, alamin muna natin ang background nya.
Lee: Alam ko na.
David: O? E military files lang ang may background ng lahat ng tao sa Pilipinas eh!
Lee: Di ko ba nasabi sa yo? Na hack ko yung system ng military. Ininput ko kasi yung identity ko na “Domingo Lee”
Leon; O sige, anong meron si Antonio?
Lee: Actually simpleng tao lang siya. Hindi sila mayaman. Walang koneksyon sa gobyerno o kung ano man. Isa lang sa mga relatives nya ang mayaman. Ang pamilyang Ortega.
David: Ortega? Meaning sila Billy Jean?
Lee: Tama. Ang magasawang Billy Jean at Faith. Namatay si Billy Jean. Nasunog ang business na nagpayaman sa magasawa. So hindi na rin sila mayaman.
Leon: Paano na-acquire ni Antonio ang National Bank of Anonas? Sino ba may ari nyan?
Lee: Hindi ko alam kung saan galing ang pera ni Antonio. Basta ang alam ko, wala siyang ganung pera. May-ari ng NBA? Si Phil Jalandoni. Muslim. Pero ayun, di ko alam. Walang koneksyon si Jalandoni kay Antonio. Di ko rin alam na naka-acquire na rin si Antonio ng itlugan, na ang dating pangalan ay Montero Farms. Ngayon, Linsangan Eggs na. Walang koneksyon lahat sa kanya. Di ko alam bakit biglang yaman siya.
David: Kanya ba nakapangalan ang businesses?
Lee: Kanya.

(Sa NBA)
Ark: Pano ba to? Bakit di mabuksan yung system ng NBA???
Marie: Ano ba nangyari?
Ark: Di ako makaclick kahit saan! Teka may letter.

Dear NOD,

Kilala na kita, akala mo ha… Hindi yan kasing weak ng wallpaper.exe mo. Wala kang kwenta NOD a.ka. Arkansas Akoy. Wala kang kwentang programmer, I.T. Specialist at isa kang negrong baklang mahilig manghiram ng calculator.

From: Naka-solve ng pagkatao mo, Heiji, at magaling na IT man, Norton.

Ark: F*CK!

No comments:

Cast of Characters

Danilo Montano/ Captain Nguso - ang orihinal na Danilo Montano. Siya pa rin si Captain Nguso. Guro sa isang industrial school.
Maj. Leon San Miguel - commandant ng paaralang pinagsisilbihan ni Danilo Montano. Isa rin siyang sundalo ng Philippine Navy. Miyembro ng samahang Ilustrado.
Col. David Cortez - Taga Philippine Army na kasama ni Leon sa PMA. Isa siya sa mga pinakabatang sundalo ng Army. Miyembro rin ng Ilustrado.
Lt. Col. Eugenio Galvez - kasamahan nila David at Leon sa PMA. Nagsisilbi rin siya sa Navy. Miyembro ng Ilustrado.
Domingo Lee - si Lee Kong King na nagbago ng pagkatao. Di siya nagpakilala bilang Lee Kong King at nagbago ng pangalan bilang Domingo. IT Specialist ng National Bank of Anonas (NBA). Sumama sa samahang Ilustrado.
Lloyd Lopez - NBI Agent. Isa siya sa mga di pinapansin na agent ng NBI dahil hindi magaling.
Jessica Guryon - TV Broadcaster na nais maging presidente ng Pilipinas.
Francisco Cosme - simpleng magsasaka na depositor ng NBA.
Marie Diana Estevez - teller ng NBA.
Amy Marquez - teller rin ng NBA pero sa new accounts.
Esther delos Santos - bank manager ng NBA.
King Ronaldo Canonizado - miyembro ng criminal syndicate na KONVIC. Siya ang laging ginagamit na pang front. Artista siya. Mas kilala bilang Ron Iglesia.
Jerome Manalastas - abogado ng KONVIC. Pangarap maging presidente ng Pilipinas.
Bertucio Pinaglabanan - dating miyembro ng EHS. Pero dahil naghihirap na sila ni Betina, kinakailangan nyang sumideline. Front nya ang pagjajanitor. Siya ang delivery man ng KONVIC.
Vic "AKON" Gonzaga - lider ng KONVIC. Pinagsamang aKON at VIC. Pinapalabas nila na ang kanilang samahang KONVIC ay NGO na tumutulong sa mga mahihirap na nasa probinsya.
Padre Damaso - isang voice over na nilalang na naguutos sa kanyang mga tauhan ng kasamaan. Lider ng samahang "Unity"
The Fox - lider ng samahang Dragons na gumugulo sa katahimikan ng bansa.
Ma. Angelique Holcim - mayamang haciendera sa Batangas. Matalino rin at may koneksyon sa military dahil sa kanyang dating asawa na militar.
Toni Espina - asawa ni Eugenio. Frequent depositor ng NBA.
Lawrence Espinosa - nagtatrabaho sa SSS. May malaking koneksyon sa pamahalaan.
Gen. Justo Gustavo - pinakamataas sa buong Philippine Army.
Cedric Manual - scientist na ang tanging nais ay magkaroon ng di mapapantayang kapangyarihan.
Mayor Andrew Bistro - mayor ng Nasugbu, Batangas.
Eileen Dumayo - mananahi na sinasabing may kapangyarihan makita ang mangyayari at magpabangon ng patay.

AND THE OTHER CHARACTERS ARE TO FOLLOW...