Tuesday, May 5, 2009

Episode XVII: Mystery of the Prank Caller

(Sa Campo Reporma, Batangas)
Gen: Nice job, Colonel, dahil dyan, aawardan ka ng Philippine Army ng Medal of Valor dahil sa ipinakita mong kahusayan. At sa inyong 2, inaawardan kayo ng Medal of Honor, Lt. Col. Galvez and Maj. San Miguel. At sa iyo Domingo Lee ay plaque of appreciation para sa pinakita mong kooperasyon sa di pagpapasabog ng 7th bomb ni Padre Damaso.
(palakpakan)

(Sa KONVIC Office)
Vic: Alam nyo, dapat makuha natin si Col. Cortez para maging isa sa grupo natin. Magiging makapangyarihan an gating samahan.
Jerome: Eh pano natin yun gagawin sir?
Vic: Tanga ka talagang abogado ka. KING!
(Pumasok si King a.k.a. Ron Iglesia)
King: Sir?
Vic: Kailangan palabasin mo na idol na idol mo si Col. Cortez, makipag autograph ka, ipakita mo na malapit kayo at pag naramdaman mong di na siya naiilang, yayain mong sumama sa KonVic.
King: Sige sir.
(nag ring ang telepono)
Vic: Hello?
Man on phone: Hello? Ito ba si Akon?
Vic: Oo, ako nga si Akon, at ikaw, sino ka?
Man on phone: KonVic Office?
Vic: Oo nga! Sino ka ba?

(Sa Batangas City Jail)
Police 1: Di na talaga to aamin tong mga kumag na to eh.
Police 2: Tawagin na nga lang si hepe, siya na bahala dito.
Julio: Di kayo aamin?
Man 1: AAMIN NA PO HEPE!
Julio: Go.
Man 1: wala po talaga akong idea kung sino. Kinontak po ang aming mga cellphone. Di po namin kilala kung sino.
Julio: Inuulol nyo ako eh!
Man 2: Hepe, totoo yun!
Julio: Bakit ka maniniwala sa isang prank caller? Hmmm?
Man 1: Di siya basta prank caller. That time, baon ako sa utang. Pinangakuan ako ng malaking halaga para lang bantayan ang bag na nasa likod ng amplifier.
Julio: Tapos?
Man 1: Siyempre tinanong ko kung anong laman at san nya nakuha numero ko. Pero sabi nya galing siya sa BJ Manpower Agency. Naghahanap sila ng pwedeng security para sa concert ng journey at sinabi nila na bantayan ang bag dahil naglalaman ito ng mamahaling sound system.
Julio: Tapos naniwala ka?
Man 1: Hepe, tingin mo ba kung ako matinong tao at alam kong bomba ang laman ng bag, tingin mo magbabantay pa ako???
Julio: Pwede, eh kung gusto mo na magpakamatay?? Eh marami kang utang eh. O kayong 2?
Man 2: Ako po hepe, isa ako sa inutusan na dalhin yung bag sa likod ng amplifier. Tapos sinabi rin na hintayin ko ang iba pang utos sa headset radio na nakakabit sa akin.
Julio: Eh ikaw?
Man 3: Sinabi lang po na maghintay ng instructions.

(Sa KONVIC Office)
Vic: HOY! Di ka ba sasagot?
Man on phone: Kailangan natin magkaisa ngayon, Victor “Akon” Uganda Gonzaga.
Vic: What the-? Sino ka ba? Ha? NSO?
Man on phone: Di na mahalaga malaman kung sino ako. Ang mahalaga, alam ko ang lahat tungkol sayo.
Vic: Di ako naniniwala sayo.
Man on phone: Kahit sabihin ko sayong dati kang may karelasyon na lalaki?
Vic: WHAT THE-?
Jerome: bos bakit?
Vic: Wala. Hoy, sino ka man, mamatay ka na. (binagsakan ng telepono)

(Sa Campo Reporma, after ilang days)
Gen: Dahil kayo rin naman ang nagsolve ng mga kasong binigay ni Padre Damaso, kayo na rin ang magsosolve ng pagkatao ni Padre Damaso. Use all the people you can, hingin nyo lang sa akin yung budget na kakailanganin nyo para sa missions. Malaman lang natin ang Padre Damaso na yan. Col. Cortez, I put you in case. Isama rin natin sa paglelead si Lt. Col. Galvez at Maj. San Miguel.
David: Sir yes sir!

(Sa NBA)
Esther: Galing talaga nito ni Lee.
Domingo: Tsamba lang.
Marie: Tsamba daw pero naku, nabigyan pa ng military award.
Amy: Close ba kayo nila Col.?
Domingo: Close? Hindi. Magkakilala lang kami.
Esther: E bakit siya tumatawag dito tapos ikaw yung hinanap?
Domingo: Eh siguro meron siyang itatanong tungkol sa account nya.
(May pumaradang kotse sa labas ng NBA)
Marie: Amy, boyfriend mo.
(pumasok si Antonio)
Antonio: Amy, tara na.
(umalis na si Amy at naiwan ang iba sa bangko)
Esther: Uuwi ka na ba Marie?
Marie: Di pa, wala rin naman akong gagawin na sa bahay eh.
Esther:Eh ikaw Domingo?
Domingo: Oo, maglalaro pa ako ng NBA Live Vista eh.

(Sa Campo Reporma)
David: Kausapin kaya natin si Captain Nguso para sumama sa Operation Padre Damaso natin?
Leon: Pero nasan na nga ba si Captain Nguso? Mula nung nakuha nya yung witnesses nawala na siya eh.

(Sa Bahay ni Danilo)
Danilo: Oh ama ko, kung nasaan ka mang galaxy ngayon, sinusuko ko na ang kapangyarihang ito. Sana di na lang nagkaroon ng civil war sa lugar natin. Sana andyan pa rin ako, buhay kasama ng 149 kong kapatid. Sana wala akong problemang katulad ng ganito. Hindi ko na kayang pangalagaan ang mundo ama ko. Ama kong Nebuchadnessaq! Di ko na kaya ang pahirap ng mundo sa akin. Sinusuko ko na ang kapangyarihan ni Captain Nguso. Wala na si Captain Nguso, nais ko nang mamuhay ng isang normal na tao, isang simpleng Danilo Montano.

(Sa KONVIC Office)
(nag ring ang telepono)
Vic: Hello
Man on phone: Hello
Vic: Ikaw nanaman?
Man on Phone: Wag mo muna ibaba Akon. Magpapakilala na ako.
Vic: Sige, sino ka?
Man on Phone: Ako si Padre Damaso.
Vic: Inuulol mo ako, prank caller.
Man on phone: Hindi kita pinapaniwala Akon. Tatawag uli ako sayo sa susunod na araw. (binaba ang phone)
Vic: Akala mong prank caller ka, police blotter aabutin mo ngayon. JEROME!
Jerome: Sir, bakit?
Vic: Pupunta tayo ng police station, tawagin mo ang driver.
Jerome: Sino pong driver?
Vic: Sino lang bang tauhan natin? E di si Bert Fighter!

No comments:

Cast of Characters

Danilo Montano/ Captain Nguso - ang orihinal na Danilo Montano. Siya pa rin si Captain Nguso. Guro sa isang industrial school.
Maj. Leon San Miguel - commandant ng paaralang pinagsisilbihan ni Danilo Montano. Isa rin siyang sundalo ng Philippine Navy. Miyembro ng samahang Ilustrado.
Col. David Cortez - Taga Philippine Army na kasama ni Leon sa PMA. Isa siya sa mga pinakabatang sundalo ng Army. Miyembro rin ng Ilustrado.
Lt. Col. Eugenio Galvez - kasamahan nila David at Leon sa PMA. Nagsisilbi rin siya sa Navy. Miyembro ng Ilustrado.
Domingo Lee - si Lee Kong King na nagbago ng pagkatao. Di siya nagpakilala bilang Lee Kong King at nagbago ng pangalan bilang Domingo. IT Specialist ng National Bank of Anonas (NBA). Sumama sa samahang Ilustrado.
Lloyd Lopez - NBI Agent. Isa siya sa mga di pinapansin na agent ng NBI dahil hindi magaling.
Jessica Guryon - TV Broadcaster na nais maging presidente ng Pilipinas.
Francisco Cosme - simpleng magsasaka na depositor ng NBA.
Marie Diana Estevez - teller ng NBA.
Amy Marquez - teller rin ng NBA pero sa new accounts.
Esther delos Santos - bank manager ng NBA.
King Ronaldo Canonizado - miyembro ng criminal syndicate na KONVIC. Siya ang laging ginagamit na pang front. Artista siya. Mas kilala bilang Ron Iglesia.
Jerome Manalastas - abogado ng KONVIC. Pangarap maging presidente ng Pilipinas.
Bertucio Pinaglabanan - dating miyembro ng EHS. Pero dahil naghihirap na sila ni Betina, kinakailangan nyang sumideline. Front nya ang pagjajanitor. Siya ang delivery man ng KONVIC.
Vic "AKON" Gonzaga - lider ng KONVIC. Pinagsamang aKON at VIC. Pinapalabas nila na ang kanilang samahang KONVIC ay NGO na tumutulong sa mga mahihirap na nasa probinsya.
Padre Damaso - isang voice over na nilalang na naguutos sa kanyang mga tauhan ng kasamaan. Lider ng samahang "Unity"
The Fox - lider ng samahang Dragons na gumugulo sa katahimikan ng bansa.
Ma. Angelique Holcim - mayamang haciendera sa Batangas. Matalino rin at may koneksyon sa military dahil sa kanyang dating asawa na militar.
Toni Espina - asawa ni Eugenio. Frequent depositor ng NBA.
Lawrence Espinosa - nagtatrabaho sa SSS. May malaking koneksyon sa pamahalaan.
Gen. Justo Gustavo - pinakamataas sa buong Philippine Army.
Cedric Manual - scientist na ang tanging nais ay magkaroon ng di mapapantayang kapangyarihan.
Mayor Andrew Bistro - mayor ng Nasugbu, Batangas.
Eileen Dumayo - mananahi na sinasabing may kapangyarihan makita ang mangyayari at magpabangon ng patay.

AND THE OTHER CHARACTERS ARE TO FOLLOW...