Thursday, May 21, 2009

Episode XXIV: Losing the Only Hope

(Sa Mogadishu City Hall, Somalia)
(naguusap sila dito ng Somalian language pero itatranslate nalang natin)
David: Meron ba kayong alam na telephone number na nageexist dito na 69-696-696969-696969?
Official: None.
(nilabas ni David ang $5)
David: Sure?
Official: Wait. Titingnan ko muna.
(pumasok sa loob ng opisina ang official at naghalukay ng files. Maya maya ay lumabas dala ang isang folder.)
Officer: Di namin sigurado kung may nageexist. Pero sabi sa file namin, ang town ng Baidoa ang tanging may telephone line na may area code na 69. Try nyo puntahan. Pero dahil ikaw ay isang turista, delikado para sa iyo ang pumunta ng Baidoa. Ngayon pang mayroong civil war na nagaganap sa lugar.
David: Meron ba kayong telephone number nung telephone company na yun?
Officer: Meron. (inabot ang calling card)
Somalian Mail, And Rural Telecomunications (SMART) - 69-123-9348346
David: Salamat ah. (sabay lapag ng $5)
(lumabas na si David at sumakay ng bus papuntang Baidoa)

(Sa Batangas City Jail)
Police: Sige, mabubulok ka dyan sa kulungan. (ipinasok sa selda)
Bert: Ikaw pala ang ka-kosa ko dito.
Eileen: Pinagsasama na ba ngayon ang mga babae at lalaki?
Bert: Wala nang mapaglalagyan ang mga preso. Kung hindi pagsasamahin, bibitayin na lang.
Eileen: Teka, ano bang sala mo?
Bert: Ako kasi yung driver ng mga magnanakaw sa NBA.
Eileen: Bakit mo naman kasi ginawa yun?
Bert: Wala akong idea na mga magnanakaw ang laman ng truck. Basta inutos sa akin na imaneho ko yun.
Eileen:So nabigyan ka na ng sintensya?
Bert: Wala pa. Di rin ako pinapyansahan nila Boss Vic.
Eileen: Tauhan ka ni Akon Gonzaga?
Bert: Oo.
Eileen: Ano ba pangalan mo?
Bert: Ako si Bert Fighter.
Eileen: Wow. Ganda ng apelyido mo ah.
Bert: Eh ikaw, sino ka?
Eileen: Ako, si Eileen Dumayo.
Bert: E bakit ka nakulong?
Eileen: Dahil sa pagsasabi ng katotohanan.

(Sa Kalye Tinio)
(mayroong tumatakbong lalaki na nagnakaw mula sa pawnshop. Napaligiran na siya ng pulis at kinuha ang isang babae at ginawang hostage. Pumasok siya sa loob ng isang bahay at hinostage ang buong pamilya.)
Pulis: Lumabas ka dyan!
Man: Hindi! IBigay nyo muna ang demands ko!
Pulis: O sige, anong demands mo?
Man: Pauwiin nyo ako ng bahay at wag ikulong! Bigyan nyo rin ako ng 3 milyong piso.
Pulis: Hindi pwede! Ulol ka!
Man: Pwes, pasasabugin ko ang utak ng babaeng to!
Pulis: Teka, wag muna!
Julio: O, pano na?
Pulis: Hindi ko alam pano natin masasawata tong taong to.
Julio: Nagiisa lang yan!
Pulis: Oo nga! Pero bomba ang tinanim nya sa bahay. Isang pamilya ang mamatay at madadamay sa pagsabog ang mga kapitbahay.
Julio: E di pasukin natin patago!
Pulis: Hindi natin magagawa yun.
(dumating ang media)
Jessica: Live po ngayon, nasa Kalye Tinio po tayo at nagaganap ang isang hostage crisis ng isang magnanakaw. Sir, ano po ba ang demands ng hostage taker.
Julio: No comment, tumabi nga muna kayo dyan.
Jessica: 3 oras na po ang nakakalipas sa hostage crisis na ito ngunit wala pa pong nangyayari. Wala rin pong magawang aksyon ang mga pulis.
Julio: Pwede manawagan?
Jessica: Sige po.
Julio: Captain Nguso, nasaan ka man ngayon, kailangan ka namin dito.

(Sa bahay ni Danilo)
Danilo: Sorry hepe. Wala na si Captain Nguso. You’re on your own now.
(on TV) Jessica: Captain Nguso, kung nasaan ka man, kinakailangan ka ng bayan.
Danilo: Wala na. Hindi ba mabubuhay ang mundo ng wala ako.
(on TV): Please.
Danilo: No more!!! AHHHH!! Di ko na kaya. (kinuha ang patalim at nagpatiwakal)

(Sa Baidoa)
David: Finally.
(pumasok si David sa loob ng opisina)
Attendant: What can I do for you sir?
David: I just like to ask.
Attendant: About what sir?
David: About some telephone number.
Attendant: Sorry sir, but our customers are assured of their privacy.
(inilabas ni David ang $5)
David: Ow. How sad.
Attendant: Sorry sir.
(nilabas na ni David ang $20)
David: You sure?
Attendant: (nakatingin sa pera) Yes sir.
(nilabas ni David ang $100)
David: Ow, okay. Thanks anyways.
Attendant: But wait sir! We can try. (sabay kuha ng pera)

No comments:

Cast of Characters

Danilo Montano/ Captain Nguso - ang orihinal na Danilo Montano. Siya pa rin si Captain Nguso. Guro sa isang industrial school.
Maj. Leon San Miguel - commandant ng paaralang pinagsisilbihan ni Danilo Montano. Isa rin siyang sundalo ng Philippine Navy. Miyembro ng samahang Ilustrado.
Col. David Cortez - Taga Philippine Army na kasama ni Leon sa PMA. Isa siya sa mga pinakabatang sundalo ng Army. Miyembro rin ng Ilustrado.
Lt. Col. Eugenio Galvez - kasamahan nila David at Leon sa PMA. Nagsisilbi rin siya sa Navy. Miyembro ng Ilustrado.
Domingo Lee - si Lee Kong King na nagbago ng pagkatao. Di siya nagpakilala bilang Lee Kong King at nagbago ng pangalan bilang Domingo. IT Specialist ng National Bank of Anonas (NBA). Sumama sa samahang Ilustrado.
Lloyd Lopez - NBI Agent. Isa siya sa mga di pinapansin na agent ng NBI dahil hindi magaling.
Jessica Guryon - TV Broadcaster na nais maging presidente ng Pilipinas.
Francisco Cosme - simpleng magsasaka na depositor ng NBA.
Marie Diana Estevez - teller ng NBA.
Amy Marquez - teller rin ng NBA pero sa new accounts.
Esther delos Santos - bank manager ng NBA.
King Ronaldo Canonizado - miyembro ng criminal syndicate na KONVIC. Siya ang laging ginagamit na pang front. Artista siya. Mas kilala bilang Ron Iglesia.
Jerome Manalastas - abogado ng KONVIC. Pangarap maging presidente ng Pilipinas.
Bertucio Pinaglabanan - dating miyembro ng EHS. Pero dahil naghihirap na sila ni Betina, kinakailangan nyang sumideline. Front nya ang pagjajanitor. Siya ang delivery man ng KONVIC.
Vic "AKON" Gonzaga - lider ng KONVIC. Pinagsamang aKON at VIC. Pinapalabas nila na ang kanilang samahang KONVIC ay NGO na tumutulong sa mga mahihirap na nasa probinsya.
Padre Damaso - isang voice over na nilalang na naguutos sa kanyang mga tauhan ng kasamaan. Lider ng samahang "Unity"
The Fox - lider ng samahang Dragons na gumugulo sa katahimikan ng bansa.
Ma. Angelique Holcim - mayamang haciendera sa Batangas. Matalino rin at may koneksyon sa military dahil sa kanyang dating asawa na militar.
Toni Espina - asawa ni Eugenio. Frequent depositor ng NBA.
Lawrence Espinosa - nagtatrabaho sa SSS. May malaking koneksyon sa pamahalaan.
Gen. Justo Gustavo - pinakamataas sa buong Philippine Army.
Cedric Manual - scientist na ang tanging nais ay magkaroon ng di mapapantayang kapangyarihan.
Mayor Andrew Bistro - mayor ng Nasugbu, Batangas.
Eileen Dumayo - mananahi na sinasabing may kapangyarihan makita ang mangyayari at magpabangon ng patay.

AND THE OTHER CHARACTERS ARE TO FOLLOW...