Tuesday, June 30, 2009

Episode LV: Resigned

(Sa Ilustrado Café)
Lee: Iniwan na tayo ni Eugenio.
David: Di bale, sana mapaunlad na lang nya yung parlor business nya.
Leon: oo nga. Tutal sikat rin naman siya dun eh.
David: So saan ang next na biyahe natin?
Leon: Sa Manchester?
David: yeah. Okay..

(Sa XES Faculty)
JR: Hay naku… Tapos na yung klase… Wala na akong gagawin..
JM: Bakit di ka na lang gumawa ng bagong theorem?
JR: Ayoko. Di rin naman ako nakakagawa eh.
Danilo: Mga friends, alam nyo na ba yung tungkol sa libro ni Bobby Ong?
JR: Ano yun?
Danilo: Basta, may pagkakapareho siya sa istorya ni Captain Nguso.
JR: Baka isinalibro ni Bobby Ong yung buhay ni Captain Nguso.
Danilo: Pwede…
Tin: Mr. Montano, pwedeng paayos naman ng water dispenser? Nag jammed kasi eh.
Danilo: Okay…
(pinasok ni Danilo ang kanyang kamay sa water dispenser. Nagkataon na hawak nya ang wire. Sumabog ang water dispenser at bumulagta si Danilo)
JM: Ano nangyayari?
JM: Dalhin nyo sa clinic si DanilO!

(Makalipas ang ilang araw)

(Sa Ospital)
DAnilo: Anong findings?
JM: Okay naman.
Danilo: Mas gagaaan ang loob ko kung sasabihin mo.
JM: Meron kang Scheroloidis Cerebral Paragenome Syndrome.
Danilo: Ha?
JM: Traydor na sakit siya. Hindi alam kung saan galing. Sabi hereditary. Sobrang konti lang ng tao sa mundo ang nagkakaganyan. Mga .5% at isa ka doon.
Danilo: Paano ako mamamatay?
JM: Bigla na lang. Hindi mo alam. Danilo? DAnilo?? DANILO!!! NURSE!!!
(inalarma ni JM ang mga nurse. Patay na si Danilo, nalaglag nya ang hawak nyang wire. DUmating ang mga doctor at nurses, kinuryente siya pero sumabog ang pang shock nila. Patay na talaga si Danilo Montano)
Doctor: Sir, he’s dead.
JM: DANILO!!!!!

(Sa XES Faculty)
JR: Kahit papaano pala nakakalungkot ng wala si DAnilo..
Tin: Patay na raw si Danilo.
Lyn: Nakaka-miss din si Danilo…

(sa Room ni Danilo)
Doctor: Sir, dadalhin na po siya sa morgue, may ililipat po kasing pasyente dito, NBI Agent na may tama ng baril ang paa.
JM: Sige, sasama ako sa pagdala kay Danilo.
Doctor: Sige sir.
(nilabas na ang bangkay ni Danilo at sumama si JM pati ang doctor. Meron namang isang lalaki na naka higa ang nilipat sa kwartong iyon.)
(pagpasok ng kama ni Lloyd sa kwarto, nalaglag ang mga wires nya sa bulsa)
Lloyd: Ay, teka, pakipulot naman ng mga wire, mga ebidensya kasi yan eh.
Agent: Ebidensya eh suicide yung kinamatay.
Lloyd: Basta, akin na.
(pinulot ng agent ang mga wires kasama ang wire na nalaglag ni Danilo pagkamatay nya.)
Agent: Oh!
Lloyd: Lagay mo sa bedside table.
Agent: O sige na, aalis lang ako, kuha lang ako ng kape natin.
Lloyd: Sige.
(binilang ni Lloyd ang mga wires)
Lloyd: Sobra ah… Kanina 14 lang to bakit ngayon 15 na.
(binilang nya uli)
Lloyd: Sobra talaga. Teka, naiiba to ah…
(tiningnan ni Lloyd ang wire. Parang nakita na nya ang wire na hawak nya. Nakaramdam siya na may dumaloy sa katawan nya)
Lloyd: Parang nakita ko na talaga to eh..
(nakita nya ang kuminang na mga katagang “Pull wire to release power”)



THE END

Sunday, June 28, 2009

Episode LIV: The Real Padre Damaso

(Sa abandonadong warehouse)
David: Gising na pala si Gen. Gustavo. Anong gusto mong sabihin?
Gen: Mga ulol kayo, pagbabayaran nyo to.
David: Hindi rin.
Leon: So sino si Padre Damaso?
Gen: Di ba nga nakatakas?! Pinatakas nyo!!
(kinuryente si Gen. Gustavo)
Gen: WaAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA
Eugenio: Ano sino???
Gen: HINDI KO ALAM!!!!!!! AHHHHHHHHHH
Leon: ANO???
Gen: HINdi!!!!!!!!!!!!!!
Leon: SINO??????????????
GEN: AKO!!!!!!!!!!!!!!!
(tinigil ang pagkuryente)
David: Anong sabi mo?
Gen: Sige na, aamin na ako… Ako si Padre Damaso.
Leon: General-
Gen: Ako talaga.. Ang tunay na Gen. Julio Gustavo ay patay na. Pinapatay ko siya sa mga tauhan ko. Ako si Billy Jean Ortega. BUhay ako. Nung mga panahong nasa Somalia ang aming business at nasunog ito, hindi ko na-take ang pangyayari. Gusto kong sisihin ang lahat. Naisip ko na wala kaming kakainin ng asawa ko kung uuwi ako ng Pilipinas. Kaya pinalabas kong patay na ako para makuha nya ang pension ko. Naisip kong tumira sa kalye. Palakad lakad.. Hanggang nakita ko si Antonio Linsangan. Ang pamangkin ko. Alam ng buong Pilipinas na patay na ako. Pero sinabi ko sa kanya na siya lang ang makakaalam na buhay pa ako. Sinunod naman nya ako. Pinatira nya ako sa bahay. Nakapagtrabaho ako at kinuha ng Dragons sa Amerika. Si Antonio, miyembro rin ng Dragons. So nakasama ako sa Dragons. Doon nagbukas ang utak ko sa underground. Dinouble cross ko ang Dragons. Pero bago pa nila nalaman, nakatakas na ako. Nabura ko ang records ko at ni Antonio sa Dragons. Nakapagtayo ako ng sarili kong maliit na sindikato. Pero kulang sa akin. Nakita ko ang kapangyarihan ng Dragons. Ang pagkakaroon ng associates.. Kaya kinuha ko si Antonio bilang IT Specialist. Pero wala siyang alam. Kaya kinuha nya yung ka-schoolmate nya na si Arkansas. Si Arkansas ang nag-hack ng mga telephone lines, CCTV at iba pa. Matalino si Ark. Dahil sa galing nya, natatawagan ko ang matataas na tao at nabibigyan ng mga alok. Nagenjoy ako sa ginagawa kong pagtago sa likod ng boses. Halos hawak ko na ang buong mundo sa aking control center. Nakokontrol ko ang business, nakakapanakot gamit lamang ang telepono. Walang nakakaalam ng tunay kong pagkatao. Until naisip ko magpakilala sa buong mundo bilang Padre Damaso.
Leon: kung talagang hindi ikaw si Gen, bakit mo pinatay si General?
Padre Damaso: Simple. Nung panahong nagbanta ako ng terorismo at nasolve nyong tatlo, nung naging active si Gen. Gustavo sa paghanap sa akin. Actually, hindi nyo pa alam na ako si Billy Jean, alam na ni Gen. Gustavo. Nakakuha siya ng sources pati ng aking kinaroroonan. Una, pinaghinalaan ko si Antonio at si Ark. Pero sabi ni Ark, posibleng nag leak ang ilang hinack nya at lumabas ang pinagmumulan kaya nalaman ni Gen. Naisip ko patayin si Gen. Gustavo. At nagawa ko nga. Pero ayokong lumabas na patay na si Gen. Gustavo. Kahit alam ko na maraming death threats si Gen. Gustavo, kung sakaling nasabi nya ang tungkol sa kinaroroonan ko, gusto ko itong bawiin. At isang paraan lamang ay magkunwari bilang Gen. Gustavo. Pinagaya ko ang mukha ni Gen. Gustavo at total medyo pareho lang naman kami ng boses, wala nang binago. Pinagaralan ko ang ugali ni Gen. Gustavo at agad kong natutunan. Nung alam kong maniniwala na ang lahat na ako si Gen. Gustavo, lumabas ako at isa isa kayong tinanggal.
David: Anong koneksyon ng pagpapapatay mo sa akin?
Gen: Simple. Nagtatanaw ako ng utang na loob sa pamangkin ko na si Antonio. Tapos ayokong mahulog yung girlfriend ni Antonio na si Amy sayo kaya pinapatay kita.
Lee: You’re trapped.
Padre Damaso: Hindi rin, tayo-tayo lang ang nandito eh.
Eugenio: Kala mo lang yun. Nakikita ka ngayon sa buong Pilipinas. Live na live.
Leon: Teka, so magkasabwat kayo ng Dragons?
Padre Damaso: Hindi.
(pumasok na ang NBI at hinuli si Billy Jean. Nilabas na siya at nagpasalamat sila sa mga Ilustrado.)
NBI Director: Salamat ah..
David: Para sa ikabubuti ng Pilipinas.

(Sa KonVic Office)
BErt: Finally, nakilala rin natin ang man behind the voice.
Jerome: Yeah right. Tara na, malate pa tayo sa flight natin sa Macau.

(Makalipas ang ilang araw)

(Sa NBA)
Esther: Nasaan si Amy?
Marie: Kasama nung boyfriend nya.
Esther: Antonio? Di ba matagal nang patay yun?
Marie: Hindi. SI David.

(Sa Hacienda Holcim)
Leon: Ah, excuse me, si Ma. Angelique Holcim?
Eileen: Wala na siya eh.
Leon: Ha?
Eileen: Nasa LA siya ngayon eh.
Leon: Bobo mo sumagot. WAla lang siya hindi wala na!

(sa Laboratory ni Lee)
Eugenio: Pre, iiwan ko na kayo.
Lee: Ha? Bakit?
Eugenio: Eh kasi, hindi ko naman hangad lahat ng kayamanan sa mundo. Magsasama na uli kami ni Toni.
Lee: Pwede mo naman dalhin ang pera mo.
Eugenio: Hindi na pre. Mas gusto ko manatili bilang isang maliit na entrepreneur.

(Sa bahay ni Danilo)
Danilo: Hay naku, natapos nanaman ang isang season na wala akong ginagawa… Lagi na lang. Samantalang sa akin naka-title to…

Friday, June 26, 2009

Episode LIII: Agent Lloyd

(Sa NBA)
Esther: Marie, may sulat ka mula sa New Zealand.
(binuksan ni Marie ang sulat)
Dear Marie,

Nasa New Zealand na ako nakatira ngayon. May trabaho. Pero walang pamilya. Magsasaka ako dito, farmer, ika nga. Baka di na tayo magkita. Dito na siguro ako tatanda. Love you.

Francisco Cosme./ Frank

(Sa Konvic Office)
Agent: Tandaan nyo, nakasunod sa inyo ang NBI. Huhulihin natin isa-isa ang mga associates ni Padre Damaso. As for the exact location ni Padre Damaso, yun ang aalamin natin sa associates nya.
Bert: Okay.
Jerome: Tumawag na si Padre Damaso. Let’s go.

(sa Warehouse na abandonado)
Padre Damaso: mineet ko kayo lahat dahil isa sa mga associates natin ang nakidnap. Si Antonio Linsangan. Malaking kawalan siya kaya kailangan natin siya i-save. Do all you can.
(natapos ang meeting at isa-isa pinagdadakip ng NBI ang mga associates)

(Sa bahay ni Antonio)
(may dumating na isang lalaki na may dalang pera. Nag ring ang telepono)
Padre Damaso: Andito na ako sa labas.
Man 1: pumasok ka.
(binaba ang telepono at pumasok ang lalaking may dalang bag. Nanginginig pa)
Man: A-ako si Pa-Padre Damaso.
Man 1: Padre Damaso, dinouble cross mo kami.
(binaril ng lalaking naka-itim si Antonio sa ulo.)
Padre Damaso: F****************************CCCCCCCCCCCCKKKKKKKKK!
Man 2: We don’t accept traitors. (binaba ang telepono)

(sa bahay ni Danilo)
(on TV): Isang lalaki po ang nakitang duguan sa kanyang sariling bahay na kinilalang si Antonio Linsangan.
Danilo: Damn. May koneksyon kaya to kay Padre Damaso?

(Sa opisina ni David)
Lady: Sir?
David: Miss bakit?
Lady: Ako po yung bago nyong secretary.
David: wow. Ano nga palang pangalan mo?
Lady: Queenie Santos po.
David: Oh, okay. Sige..
(lumabas ang babae at pumasok si Lee)
Lee: Pre, sinabi ni Antonio na si Billy Jean at Padre Damaso ay iisa. Na-confirm natin na buhay si Billy Jean. Pero saan natin siya sisimulang hanapin?
David: Si Gen. Gustavo, may idea yun for sure.
Lee: So si Gen. Gustavo ang next?\
David: Ngayon na…

(Sa NBI)
Agent: Tinatamad na ako na tanungin yung mga associates ni Padre Damaso. Lahat sila walang nalalaman. Ikaw na nga lang Lloyd.
Lloyd: Sure..

(Sa inquest room)
Lloyd: So associate din kayo ni Padre Damaso?
Bert: Actually hindi kami. Kami nga nagsuplong di ba?
Lloyd: Oo, alam ko yun. Eh sino?
Jerome: Si Vic.
Lloyd: Yung na-assassinate?
Jerome: Yeah.
Lloyd: Shit. Member pala siya ng Unity.
Bert: Pati yung namumuno ngayon ng Pilipinas.
Lloyd: Si Pres. Resto?
Jerome: Oo.
Lloyd: Damn!
Jerome: SO wala kang magagawa?
Lloyd: E hindi nyo naman alam lahat kung nasaan si Padre Damaso eh.

(Sa Campo Reporma)
Soldier: General, may gusto makipagkita sa inyo.
Gen: Papasukin nyo.
David: General!
(pumasok na ang lahat)
Gen: O, David? Asensado ah.
David: Oo nga eh. Kayo rin eh. Halatang tauhan ni Padre Damaso eh..
Gen: Anong tinutukoy mo?
David: Wag ka na magmaang-maangan General. Lahat, kayo ang may pakana.
Gen: Pinaparatangan mo ba ako?
Leon: Hindi naman general, pinapakita lang namin ang kabuktutan mo.
Gen: Haha. Ganun ah. Soldiers! Hulihin ang mga talipandas na to.
Lee: Hindi rin General (nagsuot sila lahat ng mask at nagbato si Lee ng sleeping gas.
(nakatulog lahat sa sleeping gas. Kumalat ito sa aircon duct at nakatulog lahat ng tao sa Campo Reporma)
Lee: Let’s roll!
(kinuha nila si Gen. Gustavo at sinakay sa van. Umalis na ang van)

Thursday, June 25, 2009

Episode LII: New Challenges

(sa Bahay ni Antonio)
Arvin: Sir, magreresign na ako.
Antonio: Bakit?
Arvin: Sasakay na ako ng barko.
Antonio: Sasakay ka ng barko wala ka namang natapos.
Arvin: Meron na po akong trabaho.
Antonio: Ano naman?
Arvin: Seaman po.
Antonio: Pinagloloko mo ako eh. Hindi ka naman tapos eh!
Arvin: Taga-tiktik po ako ng kalawang ng barko.
Antonio: Tapos ipagpapalit mo ang pagseserbisyo sa akin na napakadali lang?
Arvin: Ayoko na dito sir. Malay nyo maging kapitan ako ng barko?
Antonio: Bahala ka sa buhay mo.
(lumabas si Arvin ng bahay at nakarinig si Antonio ng putok ng baril)
Antonio: Arvin? Arvin? Ano nangyayari?
(may 4 lalaking naka-itim ang pumasok ng bahay at tinutukan ng baril si Antonio)
Man 1: Sasama ka sa amin.

(Sa NBI)
(may 2 naka-bonnet ang dumating sa NBI)
Bert: Sir, magrereport po kami sa kinaroroonan ni Padre Damaso.
Agent: Sige, dadalhin ko kayo sa director.
NBI Director: Ano yun?
Agent: Meron silang nalalaman tungkol sa Padre Damaso Case.
Director: Anong nalalaman nyo?
Jerome: Dati po kaming mga tauhan ni Padre Damaso at nais na namin siyang isuplong.
\Director: Alam nyo kung nasaan si Padre Damaso?
Jerome: Hindi po. KAsi sa telepono din po siya nakikipagusap. Pero lagi po siyang nagpapatawag ng meeting kasama ang mga associates nya.
Director: Sige, pagisipan natin ang atakeng gagawin natin.

(Sa isang warehouse)
Man 1: Nasaan si Padre Damaso?
Antonio: Hindi ko kilala yun!
(ni-razor ng isang lalaki ang buhok ni Antonio sa gitna)
Antonio: My HAIR!!!
Man 1: Nasaan?
Antonio: Hindi ko nga kilala yun!!
(kinalbo siya at binugbog. Kinuryente pa)
Antonio: HINDI KO KILALA SI PADRE DAMASO!!!
Man 2: Ulol (kinuryente uli)
Antonio: HINDI TALAGA!!!!
Man 2: Eh bakit meron kang mga phone calls with Padre Damaso?
Antonio: He’s my uncle! He’s not Padre Damaso!!
Man 3: So sino yung tinatawagan mo?
Antonio: SI Billy Jean! Billy Jean Ortega!!
Man 1: Nagsisinungaling tong g**ong to eh! Patay na si Billy Jean eh!!
(kinuryente uli)
Antonio: AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHh!!!!
Man 2: Hindi ka aamin?
Antonio: OO!!! SIYA SI PADRE DAMASO!!!! WAAAAAAAAAAAAA
(tinigil ang pagkuryente)
Man 1: Nasaan siya?
Antonio: Hindi nya sinasabi! Tumatawag lang ako sa kanya.
Man 2: Tawagan mo siya (sabay abot ng cellphone)
Antonio: Hindi ko siya matatawagan dito. Kailangan sa bahay. Specialized yung telepono nya.
Man 1: Dalhin natin to sa bahay. (kinuryente uli)
Antonio: AHHHHH!!!!!

(Sa Hacienda Holcim)
Angelique: Bilyonaryo na si Leon.
Eileen: Pakasal na kayo.
Angelique: Teka, akala ko ba hindi maganda ang kalalabasan?
Eileen: Oo nga.
Angelique: Eh bakit mo ako pinapakasal?
Eileen: Wala lang.

(Sa bahay ni Antonio)
(nag dial ng telepono si Antonio at nag ring ang telepono. Inagaw ng isang lalaki ang telepono)
Padre Damaso: Hello Antonio?
Man 4: Hello Padre Damaso?
Padre DAmaso: Antonio? Anong nangyayari?
Man 4: Ang Antonio nyo ay kidnapped at mamamatay in a short while.
Padre Damaso: Tang- teka. Magkano ba kailangan nyo?
Man 4: 500 Bilyong piso.
Padre Damaso: Imposible naman yan!! Amerika nga walang ganyan eh!
Man 4: O e di mamatay na to!
Padre Damaso: WAG!!! BABAAN NYO MAN LANG!!!
Man 4: Sige. 200,000 pero ikaw mismo maghahatid.
Padre Damaso: Sige. Saan ba?
Man 4: Sa bahay ni Antonio. WAlang kasama o papatayin namin to. Bukas, 4 pm.
Padre Damaso: Sure..

(Sa Konvic Office)
(nag ring ang telepono)
Jerome: Hello?
Padre Damaso: Merong meeting ngayon. Same place.
Jerome: Okay. (binaba ang telepono)
Bert: Let’s get it on!

Wednesday, June 24, 2009

Episode LI: Kura Paroko

(Sa NBA)
Esther: nasaan si Lee?
Amy; nasa Paris silang 4 ngayon.
Esther: Bakit?
Marie: Mayayaman na yung mga yan. Merong iniwan na property sa kanila sa Paris. Lahat ng kayamanan nung Cincinnati ba yun. Tapos may shares sila sa Savage Cosmetics.
Esther: Grabe…

(Sa Konvic Office)
(tumawag si Padre Damaso)
Padre Damaso: Ano yung nababalitaan ko na yung 4 na tinatawag na Ilustrados ay buhay pa at may assets sa Paris?
Jerome: Wala kaming idea dun.
Padre Damaso: ipapa-freeze ko lahat ng kayamanan nila. Damn.
Jerome: Huli na Padre Damaso..
Padre Damaso: Dumbshit! Isa pa… Bakit kasama sa pangalan yung David Cortez? Di ba patay na yan?
Jerome: As I know.
Padre Damaso: Bakit buhay pa? Imposibleng kapangalan lang to?! Magkakaibigan sila!
Jerome: Di ko alam.
Padre Damaso: Sinong gunman?
(kinakabahan sa isang tabi si Bert)
Jerome: SI King ata.
(binagsak ni Padre Damaso ang telepono)

(Sa Studio)
Director: Cut! Mali!
(may dumating na lalaking naka-itim, niratrat nya si King. Patay agad.)
Crew: Sir, patay po si Ron Iglesia!!!

(Sa bahay ni Danilo)
Danilo: Si Padre Damaso ang pinakamalaking threat.
(on TV) Jessica: Sinasabi po ni Anito na kasabwat po sa Dragons ang grupong Ilustrado na pinabulaanan ng Ilustrado. Sabi ng kanilang abogado “Ginagamit lang nya ang Ilustrados para makapanira.”
Danilo: Oo nga naman.
On TV: On other news, Padre Damaso, lumalakas.
Danilo: Puchang Padre Damaso yan.

(SA Konvic Office)
Jerome: Damn! Damn! Damn!
Bert: Bakit sir?
Jerome: PAtay na raw si Ron IGlesia, niratrat sa studio habang nagtaping.
Bert: Si Padre Damaso kaya may gawa nito?
Jerome: Hindi imposible. Paano na ang Konvic ngayon? Babagsak tayo nito ng wala sa oras!
Bert: Baka talagang bagsak na ang Konvic. Wag na natin pilitin makabangon pa. Kung pinatay ni Padre Damaso ang lider ng ating samahan, ibig sabihin, hindi na tayo miyembro ng Unity.
Jerome: So idodouble cross na natin si Padre Damaso?
Bert: Bakit hindi? Hinahanap siya ng batas at wala na tayong pera ngayon. Habang tumatagal, lumalaki ang patong sa ulo ni Padre Damaso.
Jerome: Pero ang mahirap maraming sikat na associates si Padre Damaso.
Bert: Yun nga. Pero bakit pa natin poproblemahin yun? Ang kailangan natin ngayon ay pera. Wala na akong pakialam kung ano yung mangyari pagtapos natin siya isuplong..
Jerome: Teka, paano natin isusuplong si Padre Damaso? Laging telepono lang ang komunikasyon natin?
Bert: Kapag nagpameeting uli siya. Makipagugnayan na tayo sa pulisya.
Jerome: Pag-isipan muna natin. Maraming koneksyon si Padre Damaso.

(Sa Paris)
Frenchman: As the lawyer of Cincinnati Group of Companies, I am giving you the full power on the Cincinnati Group of Companies.
David: Pre, mga bilyonaryo na tayo.
(nag-ring ang telepono ni Lee)
Lee: Hello?
Padre Damaso: Hello Domingo Lee, I have a proposition for you.
Lee: Sino to?
Padre Damaso: You can call me “a friend”
Lee: Di ako nakikipagdeal sa mga baklang katulad mo ah.
Padre Damaso: Sakit mo naman magsalita.. It’s about money.
Lee: Pre, ikaw nga kumausap dito.
David: Hello?
Padre Damaso: Hello… Nakikilala ko boses mo ah..
David: Nakikilala nga kita eh..
Padre Damaso: Crisostomo Ibarra!
David: Padre Damaso…
Padre Damaso: Buhay ka pa pala David Cortez. May sa pusa ka talaga.. Hintayin mo lang.
David: Ikaw, Padre Damaso, wag ka na maghintay, malapit ka na…

(Sa NBA)
Esther: Yes. Closing na…
Amy: Marie, kumusta naman kayo nung boyfriend mo?
Marie: Hayaan mo na siya.
Amy: Asus.. Hayaan..
Marie: Pumunta na siya ng New Zealand eh.
Amy: Oh? Pano siya nakapunta dun?
Marie: Ewan… Basta isang araw nagpaalam siya pupunta na raw siyang New Zealand. Thru phone pa yun.

Episode L: Giovanni Cincinnati’s Demise

(Sa Konvic Office)
Padre Damaso: Parang nagtrabaho lang sa atin si Captain Nguso, inalis nya yung Fox, nabawasan ng problema ang bansa, napalitan ang pangulo ng Vice President na tauhan din natin, tapos ngayon, wala nang mangeextort sa ating mga business na Dragons.
Jerome: Sa bagay…

(Sa NBA)
Esther: Bilib na talaga ako kay Captain Nguso.
Marie: Ako rin.
Amy: Pero nasaan na kaya uli sila David Cortez?

(Sa bahay ni Danilo)
(on TV) Jessica: Nakakulong na po si Mayor Andrew Bistro. Sa ngayon po, naging normal uli ang lahat at nawala ang adiksyon ng mga tao sa Fox na sinasabing pagmamayari ng grupong Dragons na ngayo’y nawawala ang leader.
Danilo: Nawawala? Sino kaya ang leader? Niligtas kaya nila Juan at Lee yun?

(Sa Paris)
Giovanni: Ito ang 250 million pesos.
David: Oh, ito na ang lider ng Dragons. Si Anito Chi. Isang intsik.
Giovanni: Makakaalis na kayo.
David: Last request?
Giovanni: Ano?
David: Gusto namin makauwi ng Pilipinas gamit ang Air Cincinnati.
Giovanni: Sige pero ayoko na makarinig muli mula sa inyo.
David: Sure.
(lumabas sila ng office at naglakad)
Lee: anong ginagawa mo? Bakit ka pumayag?
David: Di nyo ba naisip? Hindi naman si The Fox yung binigay natin eh. INtsik yun na di marunong managalog. Mangingisdang intsik. Iniwan ko yung tunay na Anito sa The Colonel’s Shop at pinabantayan. Naisahan natin siya. Gagamitin natin si Anito para makuha lahat ng business ni Giovanni. Kumita pa tayo ng 250 million na parang wawaldasin lang natin.
Lee: So fake yun?
David: Fake yun. Well, kaya nga pinakuha ko sayo ang info ng mga Dragons. Pagkatapos natin sila gamitin, liligpitin din natin.
Leon: F*cking genious!!!

(makalipas ang ilang araw)

Leon: So pano ba yan Anito? Na-save ka namin. Hindi ka napatay ni Cincinnati? Alyas Lawrence?
Anito: O e di salamat. Winasak nyo naman yung pinaghirapan kong gawin.
Leon: Kailangan yun para maipakita na nahuli ka namin. So ngayon, gaganti tayo kay Giovanni. Kukuhanin natin lahat ng business nya.
Anito: no problem…

(Sa Paris)
Man: Mr. Giovanni Cincinnati?
Giovanni: Yes.
(niratrat ng lalaki si Giovanni. Patay agad si Giovanni. Iniwan ng lalaki ang isang folder sa drawer ni Giovanni)

(Sa NBA)
Esther: Good morning sir.
DAnilo: Good morning.
(nakita ni Danilo si Lee sa NBA)
Danilo: Siguro nga masama lang isip ko, siguro talagang sinave naman nila.
Esther: Sir?
Danilo: Wala…

(Sa Hacienda Holcim)
Leon: Ayaw mo ba pa sagutin ang aking pagibig na kumakatok sa pinto ng iyong puso?
Angelique: Korny. O ano Eileen?
Eileen: Shit. Wala akong makita sa future!!
Angelique: Wala ka nang kwenta. Katulad ka ni Francisco Cosme!
Eileen: Ahm… medyo Malabo. Pero parang, di talaga kayo magkakatuluyan…

(Sa The Colonel’s Shop)
(may tumigil na kotse sa tapat nila at isang Frenchman ang lumabas)
Frenchman: Mr. David Cortez?
David: Yeah?
Frenchman: IS Mr. Leon San Miguel, Domingo Lee, and Mr. Eugenio Galvez here?
All: Why?
Frenchman: I am from the French Embassy. Mr. Giovanni Cincinnati passed was murdered. A will was found at his desk saying that you are the people who will inherit all his wealth since all his family members are dead or unreliable.
David: How can we claim it.
Frenchman: Oh, you can always go to our Embassy to claim your identity.
Eugenio: All right thanks.
Anito: Teka, bakit wala pangalan ko? May mali!!
Leon: Walang mali Anito.
(dumating ang mga pulis)
Anito: Anong-
Pulis: Anito Spaniard, you are under arrest for-
Anito: **** *** nyo!! Doinouble cross nyo ako!! Gaganti ako!
David: Paano pa kung ang buong organisasyon ay nasa kulungan na?
Anito: Mamamatay kayong lahat!
(hinuli si Anito at umalis ang police cars)
David: Pano nga ba nawala ang pangalan nya?
Lee: Simple, di ba nanakaw ko ang system nila? Nakita ko ang inencode nung gunman na last will. Nung sinave nya, binura ko yung pangalan ni Anito at yun ang prinint.
David: You’re a genious!!!

Tuesday, June 23, 2009

Episode XLIX: Fall of the Dragons

CN: So bakit di natin sugudin ngayon?
David: Captain, kailangan natin ng planning.
CN: Nakalimutan nyo bang immortal ako?
Leon: Captain, please, natulungan ka namin ngayon. Nalocate namin yung hinahanap mong control ng Fox.
CN: Okay, so gusto nyo wasakin ko yung mainframe tapos aalis na ako?
Lee: Tama. Tahimik.
CN: Pero yung taong nakatira dun? For sure kasabwat yun?
Eugenio: Hindi natin alam.
CN: Bakit di natin dalhin sa pulisya?
David: No. Kami na kakausap.
CN: Sige, mamayang gabi.

(kinagabihan)

(Sa bahay ni Anito)
Lee: May code pa pala.
CN: Ako nang bahala.
Lee: Basta wag maingay ah?
CN: Sure.
(tiningnan ni Captain ang combination. Nagbukas agad ang pinto)
Lee: Wow.
(pumasok na sila at bumaba)
CN: Finally, masisira ko na ang sumira sa buong mundo.
David: Captain, aakyat lang kami, sisiguruhing walang maingay.
CN: Sure.
(umakyat si David, Eugenio at Leon. Naiwan si Lee at Captain Nguso. Bago umakyat si David bumulong siya kay Lee)
David: Nakuha mo yung files ng Dragons?
Lee: Oo.
David: Good work (umakyat na si David)

CN: Alam mo, parang kilala kita eh.
Lee: O?
CN: Oo, saka yung David ba yun.
Lee: Bakit?
CN: Kung di ako nagkakamali, ikaw si… Lee Kong King?
Lee: Pano mo nasabi?
CN: KAsi that time, nagkalaban pa tayo and in the end, naging magkakampi rin .
Lee: Hay naku..
(pinasabog ni Captain Nguso ang mga super computers. Nasira ang wiring at nagkasira sira..)
Lee: Wasak na…
CN: Pero baka sumabog yung bahay.. Dapat i-safety natin yung tao sa taas.
Lee: Nasafety na nila David yun.
CN: Good.
Lee: Salamat Captain Nguso.
CN: For the good. Umalis ka na, baka sumabog ang buong bahay..

(meanwhile, ito ang mga kaganapan habang sinisira ni Captain Nguso ang mga computers)

David: Got the spray?
Leon: Yeah.
Eugenio: Masks oh!
(sinuot nila ang gas mask at binombahan ang bahay ng sleeping aerosol)
David: Tulog na tulog na.
Eugenio: Ito na yung body bag.
David: May butas yan ah.
Eugenio: Meron!
(nilagay na nila si Anito sa loob ng body bag.)
Leon: So saan na tayo?
David: Malamang lalabas ng bahay, bago pa makita ni Captain Nguso.
Leon: Tapos?
David: tapos magpapasundo sa Air Cincinnati kasama si Lee tapos lilipad na tayo papuntang Paris dala itong leader ng Dragons na alyas The Fox.

(lumabas na sila Captain Nguso at Lee)
Captain Nguso: Till we meet again, Lee Kong King!
(lumipad na papalayo si Captain Nguso)
Lee: Got the bag?
Leon: Yeah. Got the information?
Lee: Yeah.
Leon: Good.
(sumakay na sila ng puting kotse papuntang Paranaque)

(Sa airstrip)
(naroon na ang Air Cincinnati. Pumasok sila sa loob ng eroplano dala si Anito na nakatali na. Nagulat sila ng nakita nila si Giovanni Cincinnati)

Giovanni: Nakuha nyo si The Fox?
David: Parang nanghuli lang kami ng isda.
Giovanni: So magkano ang hihingin nyo sa akin?
Leon; Anong magkano?
Giovanni: Nahuli nyo si Anito.
Lee: Kaya nga, ang business na usapan? Yung magiging partner mo kami?
Giovanni: Ah, forget about it. So, name your price.
Eugenio: Teka, di naman pwede yun!
Giovanni: Wala o aalis kayong may pera?
David: SIge, isang bilyon.
Giovanni: Nagpapatawa ka ba? Haha
David: O sige, kahit 500 million.
Giovanni: 250 million?
David: Sige.
Lee: Pero-
David: Sige, go kami. 250 million. Pero gusto namin kami maghahatid kay Anito.
Giovanni: Sure, sa Paris ko na ibibigay ang pera.
David: Deal.

Episode XLVIII: Underground Canal

(Sa labas ng Dragon Noodle Center)
David: Ready?
Lee: Ready.
Eugenio at Leon: Ready!
David: Fire!
(nagbukas ang pintuan ng Dragon Noodle Center at hindi nagalarm)
Eugenio: Okay, maghiwa-hiwalay tayo. Communicate na lang kung may nakita kayong kakaiba.
David, Leon at Lee: Copy!

(Sa bahay ni Danilo)
DAnilo: Meron pa pala akong kalaban, ang Unity. Teka, hindi kaya sa Fox yung jet na pinadala?

(Sa kitchen ng Dragon Noodle Center)
Leon: Ano to, oven? (binuksan ni Leon ang isang malaking oven. Kasya ang tao sa oven. Pumasok siya sa loob ng oven at nakita na hindi ito oven. Pinunasan nya ang surfaces ng “oven” at nakita ang isang combination code at knob)
Leon: Ilustrados, nakita ko na yung way.

(after ilang minutes dumating ang Ilustrados)
Lee: San?
Leon: Lee, kailangan mo muna i-crack ang code nito.
Lee: Madali lang to.
(nilabas ang laptop at nagtype)
Lee: 17532059305038508905832.
Leon: Pucha, ang haba ng combination paano nila nakabisado yan?
Lee: Joke. 3 numbers lang ang code, 369. Kapag titingnan mo, FOX.
David: Oo nga noh. (tinype ang code at nagbukas ang knob. Lumantad sa kanila ang isang canal na may mga maliliit na ilaw)
Eugenio: Ito na siguro yung way.
(pumasok na sila sa loob ng tunnel)

(ang tunnel ay parang underground tunnel na may railroad. Naglakad sila ng konti at nakita ang parking ng mga carts. Sumakay sila sa isang cart at pinaandar ito. Sobrang mabilis ang cart. Nagdire-diretso ito hanggang umabot sila sa isang tila nakasaradong gate. Automatic na tumigil ang cart. Bumaba na sila ng cart.)
Leon: Ito na ata.
(binuksan nila ang gate at pagpasok nila ay napakaraming super computers ang tumambad sa kanila.)
Leon: Bakit di natin tawagin si Captain Nguso para sumira nito?
David: Good idea. Tawagan natin sila Marie.
Lee: Walang signal. Akyat muna tayo.
(umakyat sila ng hagdanan at isang pinto ang tumambad sa kanila. Binuksan nila ang pinto at nakapasok sila sa isang closet. Binuksan nila ang closet o ang wardrobe at nakalabas sila sa isang kwarto na may natutulog na matanda.
Leon: Teka, co-faculty ko dati to ah! Si Anito to eh!!!
Lee: Labas tayo magusap…
(lumabas sila ng kwarto at napunta sa sala. Nakita nila ang isang kwarto ng Fox. Lumabas pa sila hanggang nakalabas na sila ng bahay)
Leon: Teka, nasa Pilipinas na tayo eh!! Ito yung bahay ni Anito!
David: EH bakit andaming tambak na libro ng Statistics, World Economy at Communication Skills?
Leon: Eh kasi ititinda ata yun.. Teka. NAsa pinas na tayo! Ibig sabihin…
Lee: Mali tayo?
Leon: Pwedeng tama tayo.
Eugenio: BAkit?
Leon: Nakita nyo ba yung isang kwarto dun sa underground ni Anito? What if siya yung pinaka-leader? Tapos yung mga associates nya from other countries saka iba’t ibang lugar pumupunta ng Dragon Noodle Center para makapunta sa conference area nila?
David: Teka di ba meron na sila sa iba’t ibang parts ng Asia?
Leon: Pwedeng mga branches lang nila yun. Pero yung pinakameeting place ng Dragons ay dito sa underground ni Anito.
David: Pano natin makokontak si Captain Nguso?
Leon:Yun lang…
Lee: Palipas muna tayo ng gabi sa NBA.
David: Di ka makakapasok, gabi. Dun na lang sa bahay ni Eugenio.
Eugenio: Malayo pa yun dito. Dun na lang sa Colonel’s Shop.
David: Oo nga no.

(Sa NBA)
Marie: sabi nya kung may problema, kontakin lang siya.
David: Paano?
Marie: Wala siyang sinabi.
Leon: Marie, kayo pa ni Cosme?
David: Mamaya na nga yan. SO kailangan pa natin gumawa ng masama para malaman nya.
Captain Nguso: Hindi na. Naibalik na ang aking future-telling powers.
Marie: Parang yung kay Eileen…
CN: Eileen?
David: Wala yun Captain. Pwede ka ba namin makausap?
CN: No problem.

Sunday, June 21, 2009

Episode XLVII: Flying Electrical Current

(Sa National Bank of Anonas)
(dumating ang mga lalaking naka-red at black na jacket)
Man: asan na?
Marie: Ito na po.
Captain Nguso: Hep hep…
Amy: Captain Nguso?
Man: Merong naliligaw galing costume party
(nagtawanan ang mga kasama nya)
CN: Costume party pala ah.
(kinuryente nya isa isa na may lakas na 110V, nangisay sila sa sahig at nilabas sila ni Captain Nguso sa kalye)
CN: I’m back! (lumipad uli)

(Sa Malacanang)
Sekretarya: Mr. President, gusto po makipagkita ni Captain Nguso.
Andrew: Ayoko!
Sekretarya: Sir, ayaw po magpapasok sa kwarto ni Mr. President eh.
CN: Life can’t wait. (tinulak ni Captain Nguso ang pinto ng opisina ng presidente. Tumakbo papalayo ang sekretarya at nagtawag ng security.)
(nawala ang presidente sa kwarto. Maya maya pinaputukan ng baril si Captain)
*bang* Andrew: Makikipaglaro ka pa ah.
CN: Hindi ako nakikipaglaro! (namatay lahat ng ilaw sa buong Malacanang. Nawalan ng kuryente)
Andrew: Shit! DI ko pa nasasave yung laro ko!
CN: Aha! Sinasabi ko na nga ba! Ang Fox na yan ang may dahilan!
(tinira ni CN ng laser ang kwarto ng Fox at sumabog ito. Nagalarm ang buong Malacanang. Lumabas din ang mga sprinkler.)
Soldier: Security! Put your hands above your head where I can see them!
CN: Ulol! Gusto mo ba magumon ang bansa natin sa Fox?!
Security: Hindi lang ako nagiisa.
(dumating lahat ng mga tao na adik na sa Fox. Mga 100,000 na tao ang sumugod kay Captain)
CN: I can’t hurt innocent people!
(lumipad si Captain papuntang factory ng Fox)

(Sa SF, USA)
David: Hindi doon eh.
Lee: What if mali lahat ng impormasyon natin?
Leon: Pwedeng hindi.
Lee: Pano mo naman nasabi?
Leon: What if may underground yung Dragon Noodle Center?
David: Pwede.
Lee: Balikan natin mamayang gabi.

(Sa Fox Factory)
Worker: Wala kaming alam. Inutusan lang kami.
CN: Sinong mayari nito?
Worker: Hindi rin namin alam. Nawawala na rin yung boss namin.
CN: Shit. Nasaan yung control nito?
Worker: Wala dito, factory lang to. BAka nasa bahay ng may-ari.
CN: Lumabas kayong lahat!
(walang lumabas, lahat nakatingin kay Captain. Winasak ni Captain ang isa sa mga makina. Nagtakbuhan yung mga tao papalabas. Pinasabog nya ang buong factory at lumipad siya papalayo)

(habang nasa ere si Captain Nguso isang jet fighter ang humarap sa kanya at tinira siya ng guided missile. Hinabol siya ng missile ngunit nakatakas siya at nalaglag ang missile sa factory ng Fox na nasusunog)

CN: Ano yun?
Jet Fighter: Ako si Pilot Manual. This is Jet Fighter PDU-123, inuutusan kitang bumaba!
CN: Ulol!
(nag short circuit ang electrical ng eroplano. Nasira ang eroplano at bumagsak ito. Sumabog ang eroplano)
CN: Hahahaha!!!
Padre Damaso: SHIT!

(Sa NBA)
Marie: Wag muna tayo lumabas lahat dito. Delikado sa mga kalye ngayon. Sumusugod lahat ng tagasunod ng Fox.
Esther: Ano nang nangyayari sa Pilipinas?!?!
Amy : Grabe, sinira na ng Fox pati utak ng presidente ng Pilipinas.
Marie: State of Emergency na!

(Sa bahay ni Danilo)
Danilo: Damn… SAan ko mahahanap itong headquarters ng Fox Games?! Hindi ko naman pwedeng patayin yung mga tao?! O diyos ko…

(Sa Hacienda Holcim)
Angelique: Anong nangyari?
Eileen: Isang jet fighter po ang bumagsak sa sakahan.
Angelique: Damn! San nanaman galing yan jet na yan?!
Eileen: Hindi ko po alam. Wala akong makita sa future!!!

(Sa NBA)
(nag ring ang telepono)
Amy: Hello?
David: Hello? Ano nang nangyayari?
Amy: Sa NBA?
David: Yep.
Amy: State of Emergency na sa Pilipinas.
David: BAkit?
Amy: KAsi yung mga adik sa Fox, sinusugod nila si Captain Nguso, pati pala presidente ng Pilipinas adik na rin.
David: Sabi na masama talaga yung Fox na yan eh. Sige sige salamat. Amerika na kami.
Amy: Teka, sino ba to?
David: SI David.

Saturday, June 20, 2009

Episode XLVI: The Legend Continues

David: Bakit, kilala mo sila?
Eugenio: Once pumunta ako sa office ni Gen. Gustavo. Meron siyang hawak na folder na may label na “Unity”. Akala ko isang operation yun. Kasi nung pagdating ko tinago nya agad.
Leon: What if member siya ng Unity kaya tinigil nya ang investigation tungkol kay Padre Damaso. Tsk… Sabi na eh.
David: Tapos what if sinet-up tayo sa pagkakatanggal natin? Saka sa train yard?
Eugenio: Hindi imposible. Kung tauhan siya ni Padre Damaso.
David: So all this time member siya ng Unity?
Eugenio: Pwedeng hindi. Pwedeng ngayon ngayon lang. Kasi di ba yung mga tinanim na bomba ni Padre Damaso? Cooperative siya nun eh.
Leon: baka nalason lang ni Padre Damaso yung utak nya.

(Sa NBI)
NBI Director: WAlang ginagawa ang National Defense, ayaw magcomment ng president natin. So ano pang magagawa natin? Alangan namang hayaan lang natin?
Agent: Hindi tayo pwede sir basta manghimasok.
Director: Yun nga eh. SUmugod ang Unity. Ngayon naman merong mga narereport na nangeextort ng business. Shit country.
(sa labas ng conference room)
Lloyd: Nangeextort? Sino naman yun?!

(Sa XES Faculty)
Anito: Uwi na ako Danilo, wala namang estudyante eh.
Danilo: Bakit kaya walang pumapasok? Ano nang nangyayari sa Pilipinas? Presidente nawawala, puro banta na ng terorismo. TApos yung edukasyon ganito pa.
Anito: Baka kasi masyado nang delikado para lumabas. Wala nang pumapasok sa Senado at KOngreso eh.
Danilo: Eh parang ganito rin yun eh. Yung mga pinaglalaban nila, di naman maaaprubahan. Hindi na natin alam yung nangyayari sa presidente.
Anito: Ah.. Bahala na. Sige, uwi na ako, mag Fox pa ako eh.
Danilo: Hindi kaya Fox ang may dahilan ng lahat ng to?!
Anito: Laro lang yun, bakit mo sisisihin..
(lumabas na at umuwi na si Anito)
Danilo: Ano na bang nangyayari sa Pilipinas?! Pati sa ibang bansa, maraming nagugumon sa Fox na yan. Kailangan na ba ako ng Pilipinas? O ng buong mundo?
(naglakad lakad si Danilo at nakapulot ng papel)
Danilo: Teka… Kung titingnan ko to… Teka… Shit! Ito yung mechanism ng Fox ah! Paano mapupunta sa Batangas to eh ang Factory ay nasa Maynila? Hmmm… O diyos ko… Kinakailangan pa ba talaga ng mundo si Captain Nguso?
(nilabas ni DAnilo ang wire nya)
Danilo: Ayoko na maging Captain Nguso, pagod na ako. Pero…
(biglang may pumasok sa faculty)
Lloyd: Pero ano? Ano bang pumipigil sayo Danilo?
DAnilo: Teka, sino ka?
Lloyd: Ako si Agent Lloyd. A.k.a. Bond, pwede ring Nalnu.
Danilo: Teka, anong tinutukoy mo?
Lloyd: Danilo Montano ka di ba?
Danilo: Oo, bakit?
Lloyd: Hindi mo ba nakikita ang nangyayari sa paligid? Magulo na. Walang hustisya. Parang empyerno na ang Pilipinas. Hindi natin alam ang dahilan.
Danilo: Dahil sa Fox?
Lloyd: Pwede, pwede ring dahil sa Unity. Dumadagdag pa ang international crime organization na Dragons. Lahat nasa Pilipinas na.
Danilo: Teka, bakit mo ba sa akin sinasabi yan? Teacher ako dito. Hindi superhero.
Lloyd: Sir.. Kahit magkunwari ka pa, narinig ko ang pagmomonologo mo. Ikaw si Captain Nguso.
Danilo: Ano bang sinasabi mo?
(biglang inagaw ni Lloyd ang wire ni Danilo.)
Danilo: Akin na yan!
Lloyd: I believe, dito galling ang kapangyarihan mo?
(tiningnan ni Lloyd ang wire, kuminang ang mga katagang Pull wire to release power)
Lloyd: Pull wire to release power.
(hinatak ni Lloyd ang loomex. Nagbukas ito)
Danilo: Wag mong gagawin yan… Nawawala ka na sa sarili mo..
(nararamdaman ni Lloyd na may dumadaloy na kapangyarihan sa kanya.)
Lloyd: Ano to, kakaibang feeling.. O anong gagawin ko ngayon Danilo Montano?
Danilo: Wala naman yan eh.
Lloyd: Ahhh…. Ano to… may kurye-kuryente…
(inagaw ni Danilo ang wire at sinara)
Lloyd: Ano… Captain Nguso?
Danilo: WAla lang tong wire na to. May sentimental value lang siya sa akin.
Lloyd: Umamin ka na Danilo Montano na ikaw si Captain Nguso. Bibigyan kita ng 2 option. Ipagkakalat ko na ikaw si Captain Nguso o ako lang ang makakaalam?
Danilo: Pagkalat mo, di naman totoo eh.
Lloyd: It’s your choice Captain.
(lumabas na si Lloyd ng faculty)

(Sa Manual’s Laboratory)
Cedric: Hello?
Padre Damaso: Nagawa mo na ba?
Cedric: Ginagawa pa lang. Relax. Mahirap to.
Padre Damaso: Bilis bilisan mo. Ayoko yung nabibitin ako ah.

(Sa Chinatown, San Francisco)
David: Here we are, birth place of the Dragons.
(nasa tapat sila ng isang restaurant na ang pangalan ay Dragon Noodle Center)

Friday, June 19, 2009

Episode XLV: Ang Pagpapakila ng Unity

(Sa Konvic Office)
King: May taping ako ngayon eh.
Jerome: Wait ka lang. Meron tayong hinihintay na tawag.
(nag ring ang telepono)
Jerome: Hello?
Padre Damaso: You ready?
Jerome: Yes.
Padre Damaso. Meron tayong change of place. Chevron Batangas Highway.
Jerome: Sige Padre Damaso.
(binaba na ang telepono)
Jerome: Tara na.

(Sa NBA)
(dumating ang isang kotse at lumabas si Jerome at si Ron)
Esther: Ui, di ba si Ron Iglesia yun?
Marie: Yung bida sa Kiroro?
Amy: Ano ba istorya nun?
Marie: Tungkol yun sa lalaking negro na naligaw sa Maynila dahil sa paniniwala na ang isa sa mga diyos nila ay nasa Maynila.
Amy: Uhm-
Jerome: Miss, ako si Atty. Jerome Manalastas. Andito kami para withdrawhin lahat ng pera ni Vic Gonzaga.
Esther: Sir, P50 na lang po ang natitira sa account ni Mr. Gonzaga.
Jerome: Sh*t! Pano nangyari yun?
King: Di ko alam.
Jerome: Anyways, bigyan nyo na lang ako ng bank statement regarding sa account ni Vic Gonzaga.
Marie: Sure sir.

(Sa Paris)
David: Dineliver na ba yung baril?
Leon: Oo. Isang kahon. Andyan na rin yung ating sasakyan.
David: Good. Lee, wala bang update sa Dragons?
Lee: Wala. Tahimik sila ngayon. Hindi natin alam kung business as usual. Pero may unusual na nangyayari sa Pilipinas. Hindi pa raw pumapasok yung IT specialist natin, kakalaro ng Fox.
Eugenio: Nakakaadik ata ang Fox na yan eh.
David: Wag na natin imbestigahan yan. Anyways, babyahe na tayo ngayon papuntang USA. Babalikan natin yung area na sinilangan ng Dragons.
Leon: Good idea. Pero pano ang sasakyan at ang mga baril?
David: Well yung sasakyan, for sure di natin madadala. Yung mga baril, madadala yan. Eroplano ni Giovanni ang sasakyan natin. Maipupuslit yan. Hindi rin tayo lalanding sa LAX. Sa isang private air strip tayo susunduin. Doon tayo magbabyahe papuntang safe house natin sa San Francisco, sa Kings.
Eugenio: Let’s get it on!

(Sa NBI)
NBI Director: Agents, ngayon ngayon lang, nakita ang bangkay ng sekretarya ni Pres. Bistro sa Paliparan. Meron itong isang tama sa ulo na agad nyang ikinamatay. Hindi natin alam kung paano ito nangyari samantalang wala naman sa Cavite ang tirahan ng sekretarya. Besides, kapag pumapasok ito, meron itong escort palagi.
Lloyd: So sa Malacanang binaril?
Director: Estupido ka ba? Sinong magdadala ng baril sa Malacanang eh bahay ng presidente yun?
Lloyd: Pano kung si Pres. Bistro yung pumatay? Matagal na siyang di lumalabas ng room, mga meetings na hindi sinisipot. Yung mga batas, di pa naaprubahan. Bumabagsak na ang GDP natin wala pang ginagawa si Pres. Bistro!
Director: Gumagana nanaman ang pagkamonggoloid mo eh. Lloyd, YOU ARE OUT OF THE CASE!

(Sa Chevron)
Jerome: Bert, nakita mo na yung kotse?
Bert: Di pa sir eh.
Jerome: Shit naman, CR nga muna ako.
(bago pa man lumabas si Jerome ng kotse, sumabog ang Chevron)
Jerome: Shit!!
Bert: What the-?
(nag ring cellphone ni Jerome)
Jerome: Hello? Sumabog yung Chevron.
Padre Damaso: Hindi lang yan ang sumabog. Marami pa. Lahat kayong associates ko ay pinapunta ko sa mga lugar na pasasabugin ko. Chinecheck ko lang kung buhay ka pa. Wala pa namang patay so far.
Jerome: Teka, ano ba gusto mong mangyari?
Padre Damaso: Sumikat tayo.
Jerome: Sa ganito? Nanira ka lang eh, gumastos ka pa.
Padre Damaso: Hindi ako gumastos. Maliit na spark lang, sasabog ang mga gasoline station.
Jerome: Teka, bakit gasoline station?
Padre Damaso: Meron tayong sariling gas station. Ang Kura Paroko Gas.
Jerome: Kahit naman pasabugin mo ang mga ito, di na malulugi ang mga yan eh.
Padre Damaso: Wala akong pakialam. (binaba ang telepono)
Bert: Sir, narinig ko po sa radio ang boses ni Padre Damaso. Nagpainterview po siya at nagbanta.
Jerome: Unity?
Bert: Opo sir. Nabanggit nya ang Unity.
Jerome: Shit.

(Sa eroplano)
Eugenio: Sinong tumawag?
David: SI Marie.
Leon: Bakit daw?
David: Umabot na sa Pilipinas ang Dragons.
Lee: O? Pano mo nalaman?
David: Kasi pati ang business natin na The Colonel’s Shop at NBA, hinihingian ng protection money.
Leon: Kailangan talaga natin masugpo ang mga yan.
David: Meron pa.
Leon: Ano?
David: Meron daw bagong nagpapakilalang grupo ngayon. Sila ang may pakana ng 15 na pagsabog ng gas stations sa Manila. Pinangungunahan ni Padre Damaso.
Lee: O?
David: Oo. Unity ang pangalan ng grupo.
Eugenio: Unity?!?!

Episode XLIV: Corrupted Minds

Angelique: Kung gusto mong umuwi, pagkatapos ko.
Lee; pre, ano ba?
Leon: Angelique, love you.
Giovanni: So ano Mrs. Holcim?
Angelique: I Quit.
Giovanni: Okay. Ralph! Ihatid mo na siya sa Pilipinas.
Extra: Si, monsieur.

(sa XES Faculty)
Danilo: Shit. Ako na lang pumapasok sa school ah. Wala buong faculty, kakaunting estudyante. Ano na bang nangyayari?? Pupuntahan ko nga muna sa bahay si JR.

(Sa Malacanang)
Secretary: Mr. president?
(ang presidente ay naglalaro sa Fox)
Secretary: Sir, meron po kayong kailangan pirmahan!
Andrew: Mamaya na.
Secretary: Sir, punong puno na ang mesa nyo.
Andrew: Mamaya na sabi di ba? (sabay putok ng baril sa sekretarya. Patay agad ang sekretarya.)

(Sa NBA)
Amy: Nasaan si Marie?
Esther: Naka-leave, ka-date nya si Francisco eh.
Amy: Hay naku, buti pa si Marie, nahanap na nya yung kanyang only one.
Esther: Maiba tayo. Napapansin mo ba yung balita sa TV ngayon?
Amy: Puro Fox?
Esther: Oo. Parang kahit saang channel yan na yung dinidiscuss.

(Sa Paris)
Lee: So nakakalap pa ako ng impormasyon tungkol dito sa Dragons na to. Pinapamunuan sila ng isang alyas “Es Fox” o sa English, The Fox. Itong The Fox na ito ang founder ng nasabing samahan. Naitatag ito noon pang 1981. So 30 years nang nakakaraan ng itatag ito. Exact date ng pagkakatatag is November 1, 1981. Sa Friday, mag 30 years na sila. Nakakapagtaka na sa loob ng 30 years, napalawak nila ng ganito ang kapangyarihan ng Dra-
Leon: Mas masarap magtrabaho pag andito yung taong minamahal mo.
Lee: Pwede ba Leon, kung ayaw mo making, umuwi ka na! Nagdidiscuss ako dito eh.
Leon: Eh kung-
Eugenio: Wag ka na sumagot.
David: Pre, kung di mo kayang making, umalis ka muna. Isang malakas na organized crime ang kakalabanin natin dito.
Eugenio: Teka may tanong ako. May koneksyon ba yung larong Fox kay The Fox at sa Dragons?
Lee: Chineck ko rin yan. Lumalabas na wala.
David: Pero hindi natin alam ang identity ni The Fox.
Lee: So pwede?
David: Bakit hindi.

(Sa bahay ni JR)
JR: WOHOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!
Danilo: JR! Bakit di ka na pumapasok sa school?!
JR: Paki-alam mo bang bisaya ka!?!?!
Danilo: JR, anong nangyayari sayo!
(Lumabas si JR ng Fox na may dalang patalim)
JR: Isa kang Lihat!! Kalaban ka!! Kalaban ka ni The Fox!! Dapat sayo pinapatay!!
(sinnugod ni JR si Danilo at nakalabas si Danilo ng bahay. Hindi na siya hinabol ni JR)
Danilo: Shit.. Anong nangyayari sa mundo…

(Sa Hacienda Holcim)
Marie: Mahal mo ba ako?
Francisco: Mahal na mahal.
(biglang dumating si Angelique at agad siyang sinalubong ni Eileen)
Angelique: Eileen, si Francisco?
Eileen: Ayun po, nakikipaglandian.
Angelique: HA?!?!
(piinuntahan agad ni Angelique ang garden at nakita si Francisco at Marie na naguusap)
Angelique: Walang hiyang magsasaka ka, ginawa mo pang motel tong bahay ko!
Francisco: Ma’am, hindi po.
Angelique: Anong hindi? Mula ngayon, tatanggalin na kita sa serbisyon! Hindi ka na karapat dapat magtrabaho sa aking hacienda!
Francisco: Ma’am pano naman ang aking mga kapatid at magulang?
Angelique: Wala akong pakialam, lumayas kayo ngayon din sa aking sakahan!

(Sa Paris)
David: Bibigyan mo ba kami ng baril kung sakaling humingi kami?
Giovanni: Lahat, transport, pera, lahat ng kailangan nyo. Masugpo nyo lang ang Dragons at mapatigil ito kakapressure sa atin
Lee: Kailangan ko ng isang laboratoryo na may 3 computers.
Giovanni: Sure, pagagawan natin.
David; And, siguro, kailangan natin magbago ng kaunti ng mukha at identity?
Eugenio: Oo nga naman.

Episode XLIII: The Dragons

(Sa Malacanang)
Andrew: Sorry Padre Damaso, hindi ako pwede umayon sa gusto mo.
Padre Damaso: Kung yan ang iniisip mo, bahala ka.
(binaba na ni Andrew ang telepono)
Andrew: So General, ano yung gusto mong itanong sa akin?
Gen: Itatanong ko lamang sana kung sino ang bagong may-ari ng National Bank of Anonas. As you know, isa ako sa mga depositor dun. At alam ko na kayo rin naman.
Andrew: Ah, well, 4 na yung mayari nun eh. Yung may-ari ng computer shop at military supplies na The Colonel’s Shop.
Gen: Mr. President, maari ko bang malaman bakit nyo nilipat sa kanila ang pagmamay-ari?
Andrew: Ah, haha… Nakipagdeal kasi sa akin si Antonio Linsangan. Parang nagkatuwaan lang. Sinabi nya na kapag nanalo ako bigyan ko raw siya ng posisyon sa gobyerno. Kung hindi naman daw, eh ibigay ko sa 4 na ito ang business.
Gen: Ah, so yun yung pinakita mong letter kaya Antonio?
Andrew: Yep.
Gen: Salamat Mr. President.
Andrew: Surely General.

(Sa bahay ni Antonio)
Arvin: Sir, may tawag po kayo.
(kinuha ni Antonio ang telepono)
Antonio: Oh anong tinitingin tingin mong negro ka? Alis na!
Arvin: Sensya na sir.
Antonio: Hello?
On phone: Estupido ka pala eh! Nakipagdeal ka kay Pres. Bistro!
Antonio: Uncle! Ako? Makikipagdeal? Di ko nga kilala yang Andrew na yan eh!
On phone: Gago ka, nakipagdeal ka na lang, kumpanya pa yung pinangdeal mo. O ngayon, pwede mo na siguro bawiin. Panalo na siya eh.
Antonio: Kung totoo yun, baka hindi na rin. Kung gusto nyo kayo na bumawi.
ON phone: Ungas mo talaga!

(Sa Paris)
Eugenio: Oh?
David: Yun yung balita sa akin ni Esther eh.
Eugenio: Sakit sa iyo nun Leon.
Leon: Bakit?
Eugenio: Si Marie na raw saka yung magsasakang si Francisco!
Leon: What the- yun magsasakang yun? Ipagpapalit nya sa aking retired Major?!
Lee: Pre, correction, relieved major. Di ka pa retired.
Leon: Oh, whatever. Shit.
Lee: Noon ko pa naman napapansin na may something doon sa magsasakang si Cosme at kay Marie eh.
(dumating si Angelique)
Leon: Sige mga pre.
(umalis si Leon at sumama kay Angelique)
Eugenio: Pucha, babaero talaga.

(Sa Konvic Office)
King: Kuha mo nga ako tubig.
Bert: Bakit ako susunod sayo?
King: Ako ang bagong lider ninyo.
Bert: Ulol ka pala eh. Pantay pantay lang tayo ngayon.
King: Mayabang ka ah! Anong gusto mong palabasin ah?!
Bert: Si Boss Vic lang ang boss dito wala nang iba!
Jerome: tama na nga yan. Mga pari, di tayo pwede mag-away away. Siyanga pala, mamayang hapon tatawag si Padre Damaso.
(nag ring ang telepono)
Jerome: Hello?
Padre Damaso: Atty. Jerome Manalastas?
Jerome: Speaking.
Padre Damaso: Good. Gusto ko makausap si Ron Iglesia.
(iniabot ni Jerome ang telepono kay King)
King: Hello?
Padre Damaso: Hello. Ron, meron akong commercial na ipapagawa sayo.

(Sa Paris)
Giovanni: Andito kayo ngayon sa aking opisina dahil meron akong ipaparesearch sa inyo. Ito ay ang mahigpit na kalaban ng Cincinnati sa negosyo. Ang The Dragons Triad. So sinong nakakaalam tungkol sa Triad na ito?
(walang nagtaas ng kamay)
Giovanni: Good. So ipapaliwanag natin mula sa simula. Ang The Dragons Triad ay actually hindi negosyo. Hindi rin sila investors. Isa silang sindikato, isang grupo ng mga criminal. Itong Dragons Triad ay sinasabing nagsimula sa Chinatown ng San Francisco, USA. Arms dealer, loan sharking, drug dealers, illegal gambling at assassination ang pangunahing mga ginagawa ng Dragons. Dati dun lang sila sa San Francisco. Then nagexpand sila sa New York at iba pang states ng Amerika. Well, hinaharass nila ang mga business owners para magbigay ng protection money sa kanila. Ang di magbigay, pinapatay, sinusunog ang business o nagsasara ang business.
Lee: Wait. Meron ba silang koneksyon sa gobyerno?
Giovanni: Hindi natin alam. Hindi nga natin alam ang leader ng Dragons. Well, to continue, umabot ang Dragons sa Asia at sa Europe. Umabot sa Paris. Isa ang Cincinnati Group of Companies sa mga nagbibigay sa kanila ng milyong milyong salapi bilang protection money. Nakuha nyo ba?
All: Yes.
Giovanni: Good. Now, gamit ang mga pinagaralan nyo sa schooling. Kahit mahirap, you need to fight these scumbags.
Leon: Fight as in bugbugan?
Giovanni: Hindi. Kailangan hindi na nila singilin ang Cincinnati Group of Companies ng protection money. Hayaan nyo na ang business. Ang mahalaga, walang sinisingil sa atin.
David: Tuwing kalian at paano ba ang koleksyon nila?
Giovanni: Merong naka-motor na lalaki, iba-iba ang kulay ng damit. Random ang pagsingil. Walang exact date. Tatawag nalang siya na kailangan nang ibaba ang pera.
Angelique: Excuse me, Pwede na ba ako bumalik ng Pilipinas?
Giovanni at Leon: Ha?! Bakit?!?!
Angelique: Ayoko madamay sa ganitong mga gulo.
Leon: E di ako na rin!

Episode XLII: Fox Addiction

(Sa Manila)
Man 1: Grabe na talaga ang pagkagumon ng anak ko sa Fox na yan.
JR: Eh kasi nakakaenjoy naman talaga eh.
Man 1: Sabagay. Pero kahit mahal halos lahat ng tao nakakapaglaro na ng Fox.
JR: E may mga fox centers na rin kasi eh. Parang kompyteran. Tapos P10 lang per hour enjoy ka pa sa laro.
Man 1: Discounted na ngayon no?
JR: Oo. Abot kaya na nga eh. P17,000 na lang. Yung nagbayad ng P70,000 may refund pa kaya yung iba bumili pa ng maraming units at nagbusiness na lang.

(Sa Paris)
Leon:Nakakatamad naman yung schooling. Kung wala lang si Angelique, pucha umuwi na ako ng Maynila eh.
Eugenio: Eh bakit di ka pa umuwi?
Leon: E andito nga si Angelique eh!
Eugenio: Andun naman sila Marie sa Maynila.
Leon: Oo nga noh.
(dumating bigla si Giovanni)
David: Mr. Cincinnati, tingin ko kilala kita.
Giovanni: Halika dito.
(lumapit si David)
Giovanni: (pabulong) wag ka na lang maingay.
David: Ikaw si Lawrence Espinosa di ba?
Giovanni: Haha. Nakuha mo rin. Walang nakakakilala ng tunay kong pagkatao.
David: Teka, nakakalito, sino ka ba talaga? Lawrence na nagtatrabaho sa SSS o Giovanni?
Giovanni: Ako talaga si Giovanni. Yung Lawrence, ginamit ko lang yun para magkaroon ako ng contacts sa Pilipinas. And nun ngang nakasabay kita sa eroplano, naipacheck ko gamit ang tissue na nalaglag mo na hindi ikaw si Alex Garcia. Ikaw si David Cortez. Yung colonel na tinanggal sa Army.
David: So nung kinupkop mo ako sa bahay at binigyan ng mga babae, alam mo na hindi ako si Alex Garcia?
Giovanni: Tama. Kilala na kita nun. Kaya hindi na kita pinilit ng dumating si Gen. Gustavo.

(Sa Malacanang)
Andrew: Secretary!
Sec: Yes Mr. President?
Andrew: Ikuha mo ako ng Fox. Ikaw nang bahala sa laro, basta may tungkol sa spy at maaksyon.
Sec: Sige po sir.
(paglabas ng sekretarya dumating si Gen. Gustavo)
Andrew: O, General Gustavo? Bakit?
Gen: Ah, wala naman. Meron lang sana akong gustong itanong sa iyo.
Andrew: Tungkol saan ba yun?
(nag-ring ang telepono ni Andrew)
Gen: Sagutin nyo po muna Mr. President.
Andrew: Hello?
Padre Damaso: Hello, Mr. Andrew Bistro?
Andrew: Yes? Sino to? Paano to nakadirekta sa linya mo?
Padre Damaso: Well simple lang Mr. Bistro, napapalibutan ako ng mga hackers sa aking paligid. Magagaling na hackers. A, siyanga pala, ako nga pala si Padre Damaso.
Andrew: You stupid terrorist.
Padre Damaso: Meron akong business proposition para sa inyo Mr. President.

(Sa XES Faculty)
JR: Nasaan si JM?
Danilo: Wala di pumasok.
JR: Bakit daw?
Danilo: May sakit.
JR: Parang araw-araw may sakit si JM ah.
Danilo: Baka nagdodota.
JR: Ilang taon nang laos ang dota. Baka naglalaro ng Fox.
Danilo: Sobra namang kaadikan yan para mag absent ang isang tao.
JR: Ewan, eh si Anito?
Danilo: Absent din.
JR; Wag mong sabihing nag Fox din?
Danilo: Tulog lang yun.
JR: Pwede.. Grabe naadik na ang mga tao sa Fox.
Danilo: Kaso paano kung mahack ang fox at makontrol ang utak ng mga tao?
JR: Mga iniisip mo kaimposiblehan eh.
Danilo: What if lang naman eh.
JR: Hay naku. Sige, may klase na ako.

(Sa Paris)
Lee: Mga pre, alam nyo ang bagong kinalolokohan sa MAynila ngayon?
David: Ano?
Lee: Fox! Laro yun na parang simulation.
Eugenio: Astig!
Lee: Di lang yan, ieexport pa sa buong mundo. Sisikat nanaman ang pangalan ng Pilipinas!

Episode XLI: New President

Reporter: Dead on the spot po si Pres. Vic Gonzaga. Base po sa binagong saligang batas, ang susunod po sa kanya ang bagong president. At ang susunod pong president ay si Mayor Andrew Bistro.

(Sa City Hall)
Andrew: Hello?
On phone: Hello, tapos na.
Andrew: Good. Deposited na yung pera.
On Phone: nice doing business with you.

(Sa Konvic Office)
King: Shit!!!
(nag ring ang telepono)
Jerome: Hello?
Padre Damaso: Sino ang magpapatuloy ng inyong opisina?
King: Ako na lang!
Jerome: Si Ron sir.
Padre Damaso:Sige. PAtay na si Vic. Ano pang silbi nyo? Natawagan nyo na ba yung Paris?
Jerome: Di pa po kasi nakapanumpa si Vic.
Padre Damaso: Hay naku. Mga walang silbi
(binaba ang telepono)

(Sa NBA)
Marie: Oh my gosh.
Francisco: Tama ang prediction mo Eileen.
Eileen: Sabi sa inyo eh. Hindi sa lahat ng bagay nagaapply ang kasabihan ni J. Diendo. I CAN SEE THE FUTURE.
Esther: Anong nakikita mo ngayon?
Eileen: Wala pa.

(Sa Cincinnati Air)
David: Brutal ng pagkamatay.
Stewardess: Sir and ma’am, please fasten your seatbelts. Malapit na po tayo dumating sa PIA.

(Sa XES Faculty)
Anito: Buti naman, ayoko ring presidente si Vic eh.
JR: Ako rin, mas gusto ko si Mayor.
Danilo: Pero sino kayang may gawa nito?
JR: Ano pang silbi para malaman mo?
Danilo: MAsama ba magtanong?
JR: T*** *** yabang mo magtanong ah!!
Danilo: E mas mayabang ka! (sabay dukot ng wire sa bulsa)
JR: Ano?
Anito: Tama na yan! Ano yang nilabas mo Danilo?
Danilo: HA? Ah-eh.. Wala. (binulsa uli ang wire)

(Makalipas ang ilang araw)

(Sa Malacanang)
Secretary: Mr. President? Pinapatawag nyo raw ako?
Andrew: Oo. Tara, doon tayo sa kwarto.

(Sa Paris)
Leon: Para tayong lovers in Paris.
Angelique: Shut up.
Lawyer: Andito na tayo.
(tumigil ang puting limousine sa tapat ng isang malaking building na may initials na GC)
Lawyer: Hinihintay kayo ni Mr. Cincinnati sa 15th Floor para magsimula ang inyong schooling.

(On TV)
Jessica: Laganap na po talaga ang adiksyon ng mga tao sa Fox na gawa ng Fox Games. Sinasabi pong nakakasama ito sa mga gumagamit na pinasinungalingan naman ng Fox International.
Anito: Hay naku, kahit anong gawin nyo, gawa na yung laro.

(Sa Paris)
Giovanni: Magandang araw sa inyo.
Eugenio: Teka, hindi naman ikaw yung nakausap namin sa limousine ah!
Giovanni: Hindi ako yun. Yung nakausap nyo ay si Giovanni Cincinnati VI. Ako ang tunay na may ari ng Cincinnati group of companies. Ako si Giovanni Cincinnati XV.
Angelique: Buti di kayo nagkakalituhan.
Giovanni: Siyempre hindi.
Lee: teka, bakit di ka French man?
Giovanni: Nice question. Well, ang tatay ko si Giovanni Cincinnati XIV ang nagpamana sa aking lahat ng ito. Ang pamilyang Cincinnati nuong unang panahon ay nagtatanim lamang ng Cinnamon Tree sa France. Hindi kami mayamang pamilya. Nakikipagtrade at kung ano ano. Merchant at Farmer ang mga ninuno namin. Ang pinakaninuno si Giovanni Cincinnati ay nagkaroon ng 3 anak. Ang panganay, si Giovanni Cincinnati II, ang pangalawa, si Giovanni Cincinnati III at ang huli si Imelda Cincinnati. Well nanatiling farmer at naging tagapagmana ng farm si Cincinnati II. Si Imelda nakapagasawa ng taga Mexico. Lumipat na siya doon. Si Cincinnati III di siya kuntento sa pagiging farmer kaya pumunta siya ng Paris para maging newspaper boy. Siyempre di ka makakapagaral ng ganun. Pero nakapagipon siya. Ang maganda lang, napangasawa ni Cincinnati III ang isa sa mga dinedeliveran nya ng dyaryo. Si Elizabeth Savage. Mayaman sila Savage pero tanggap ng pamilya si Cincinnati III. Una kasi wala namang nanliligaw sa kanilang nagiisang anak. Siyempre si Cincinnati naman gusto lang umunlad ang buhay. Pinagtiisan nya yung kapangitan.Well alam naman nating lahat na si Elizabeth Savage na buhay pa hanggang ngayon ang pinakasikat na beauty specialist at pinakasikat na beauty products, ang Savage Cosmetics. Lola namin siya. Nagkaanak sila ng 11. Lahat lalaki. Lahat pinangalanan ng Giovanni Cincinnati. Nagkaroon ng IV,V,VI,VII and so on hanggang XIV, ang aking ama. So ngayon, itong aking ama ay nakapangasawa ng mayaman sa Nigeria. Isa sa mga prinsesa ng Nigeria at pinanganak ako. Nagiisang anak. Pero as you all know, namatay ang buong Cincinnati. Ang natira ay si Elizabeth, si VI, VII at yung ama ko, si XIV. Si VII, nakulong, si VI, nagumon sa droga. Yung ama ko na lang yung natirang matino kaya pinamana sa kanya lahat ng kayamanan. At ngayong patay na ang aking ama, nasa akin lahat.

Episode XL: Assassinated President

On Phone:3 milyon.
Andrew: Sige.
On phone: Mag deposito ka ng downpayment na kalahating milyon.
Andrew: Paano ako makakasiguro na hindi nyo itatakbo?
On Phone: Sigurista ka ah.. Sige. Kung di ka naman magbayad, ikaw yung itutumba namin eh.
(binaba na ang telepono)
Vice: Pasalamat ka binago ang saligang batas.
Andrew: BAkit?
Vice: Kung di pa binago, hindi ikaw ang magiging president. Ang vice president. E dhil binago, ikaw.

(Sa bahay ni Anito)
JR: Wow. Talagang isang kwarto ang Fox mo ah.
Anito: Siyempre. Para feel na feel mo talaga ang paglalaro.
Dencio: Mauna na ako.
JR: Sige.
Danilo: Magkano bili mo sa fox na yan?
Anito: Ha? Ah eh- mabibili mo to ng 70,000. Kumpleto pati installation.
JR: Kaya nga pinagiipunan ko pa talaga eh.
Danilo: Mahal. Di ko kayang bilhin yan.
Anito: Kaya mo.
Danilo: WAla naman akong ganong kalaking salapi eh.
Anito: Ibigay mo sa akin ang wire mo at ibibigay ko to sayo.
Danilo: HA???
(naglingunan lahat kay Danilo)
Anito: May problema ba?
Danilo: A-anong wire ang tinutukoy mo?
Anito: Wire? Naguusap kami tungkol sa fox eh.
JR: Kulang ka lang sa tulog Danilo.

(Sa Quirino Gradstand)
Reporter: Live po from Quirino Grandstand. In a short while po darating na ang manunumpang bagong presidente ng Pilipinas, si Pres. Vic Gonzaga.

(Sa Konvic Office)
Vic: Jerome, pagkatapos ko manumpa, tawagan mo ang Philippine Embassy sa Paris at wag papasukin yung 4 na taong binanggit ni Padre Damaso.
Jerome: Yes sir.
Bert: Asan na po ba sila?
Jerome: Stop over muna sila kani-kanina lang sa USA.

(Sa NBA)
Esther: Andyan nanaman si Cosme.
Francisco: Hi Marie!
Amy: Francisco, sino yung kasama mong babae?
Francisco: Siya si Eileen Dumayo.
Eileen: Girlfriend nya bakit?
Amy: HA?!?!
Francisco: Kapal naman ng mukha mo! Wag kayo maniwala, katiwala to ni Mam Angelique. Baliw lang to.
Eileen: Bakit ka di ka umamin?
Francisco: (inaambaan ng suntok) T*** ***! Tumigil ka na ah!
Esther: Ang sweet naman.
Eileen: Yun din naman ang magaganap eh!
Francisco: T-
Eileen: O sige, wag kayo maniwala. Mababaril ngayon si Vic Gonzaga.
Marie: Ha?

(Sa JFK International Airport)
David: May TV naman sa eroplano no?
Eugenio: Mamaya na tayo sumakay doon. Panoorin muna natin yung live na panunumpa ng bago nating preisdente.
David: Duda ako sa taong to eh.
Lee: Ako rin. Tingin ko may conspiracy to kay Padre Damaso.
Eugenio: Bakit?
Lee: Feel ko lang.
David: Pero tingnan mo ah. Landslide victory. Ang taas ng lamang nya kay Mayor Bistro. Samantalang kung sa popularity, mas mataas si Mayor Bistro.
Eugenio: Asan nga pala si Leon?
Lee: Ayun, kasama si Angelique.
Eugenio: Hayaan na natin. Kung makuha nya si Angelique at maging business partner natin, mas lalaki ang makukuha nating pera. Bale lahat ng kayamanan ni Giovanni Cincinnati, mapupunta sa atin

(Sa Quirino Grandstand)
Reporter: Live na live po. IN a short while, darating na po dito- at nandyan na po ang convoy ni Pres. Vic Gonzaga. Meron pong naunang 2 naka motorsiklong pulis, 2 Patrol, ang limousine, 2 uli sa likod na patrol. At ayan, lumabas na po si Vic- teka, asan si Mr. President? Ayun. Di po kasi siya makita sa dilim. Naka spotlight na po siya.
(naglakad na si Vic sa stage. Kaunti lang ang taga hanga ni Vic. WAlang tao sa stage for security reasons. Pinababa lahat ng tao. Pag akyat ni Vic nasira ang stage at nalaglag siya.)
Reporter: Nasira po ang stage! Nasira po ang stage! Nalaglag po si Pres. Gonzaga.
(nalaglag si Vic sa pinakababa. Puno ng pako at mga matutulis na bagay ang ilalim ng stage. Nasaksak si Vic sa mga iyon. Tumagos pa ito sa kanyang katawan. Duguan siya. Dumating ang medics at agad siya hinatak mula sa mga tusok tusok na bagay)

Episode XXXIX: Bagong Laro

Lee: Eileen Dumayo? Nakakakita ng future?
David: Teka, kilala mo ba yun? Di ba yun yung pinakulong ni Mayor Bistro dahil sa pagiging accessory to the crime ng pag aassasinate sa kanya?
Angelique: Tama, pinalaya ko siya at ginawa kong opisyal kong manghuhula.
David: O ano Lee, kilala mo ba yun?
Lee: Oo. Kaklase ko yan eh. Mula grade 2 hanggang 4th year high school ako.
Leon: Ayiee….
David: Teka, di ba kayo nagtataka?
Eugenio: (pabulong) Oo nga noh, ilang years na nageexist si Lee sa mundo, e di ibig sabihin may Gwapo Krema din si Eileen?
Lee: Pwedeng wala pero may demonyo siya.
David: Ha?
Lee: Nakikita nya ang future di ba?
Eugenio: Oo.
Lee: What if nabuhay siyang matagal dahil isa siya sa mga tauhan ni Vitruvirus?
Eugenio: Ha? Sino naman yun?
David: Kung nagbabasa kayo ng Captain Nguso history, siya yung mortal na kalaban ni Captain Nguso. NApatay siya nila Pedro at Juan.
Lee: At nawala si Juan tapos si Pedro, namatay rin.

(Sa NBA)
Francisco: Dahil ikaw ang tagapamahala nitong NBA ngayon, lagi na ako pupunta dito para lang makita ka.
Amy: Korni naman.
Eileen: Ah ganun… (biglang sumingit sa usapan) Hindi kayo magkakatuluyan, nakikita ko.
Francisco: Eileen, pwede ba, manahimik ka muna.
Eileen: Sinasabi ko lang ang katotohanan.

(Sa bahay ni Antonio)
Antonio: Anong tinitingin tingin mo diyan? Hack mo na yung NBA! Magtrabaho ka naman!
Ark: Sori boss.
(tumawag sa telepono si Antonio)
Man on phone: Hello?
Antonio: Hello uncle?
Man on phone: O ano yun?
Antonio: Hindi ko na hawak ang National Bank of Anonas. Linsangan Eggs na lang. Palugi na rin eh.
Man on phone: Anak ng- Ano nangyari??
Antonio: Merong nagpanggap na ako at binigay ang aking ari-arian kanila Leon.
Man on phone: Maj. San Miguel?
Antonio: Opo.
Man on phone: Baka sila nga lang may pakana nito eh.

(Sa Mall)
Salesman: Ipinapakita po namin, ang pinakabagong developer ng laro, Ang Fox Games Inc. Kung inyo pong napapansin, meron po tayong nirenatahan na isang area sa mall. Isang kwarto po ito kung saan, magiging interactive ang inyong paglalaro. Kayo po mismo ang nasa game.
Man: What do you mean?
Salesman: Kayo po ang nagkokontrol. Simulation po ang mangyayari. Kung saan, utak nyo lang ang gagana. Masasaktan kayo kung maatake kayo.
Man: O? Astigin yun ah.
Salesman: Oo. Talagang nandun kayo sa laro. Nasasaktan at nakakaramdam ng galak.
Man: E ano naming tawag diyan?
Salesman: Fox.
Man: Fox?
Salesman: Yes sir. May mga sarili kaming laro depende sa inyong gusto.

(Sa Konvic Office)
King: Nice Mr. President. Next week itatransport na kayo pati mga gamit nyo papuntang Malacanang.
Vic: hehe. O King, kaw muna bahala dito sa Konvic Office ah. Di ko na maaasikaso to. Marami pa akong dapat nakawin.
(nag-ring ang telepono)
Bert: Hello?
Padre Damaso: Si Padre Damaso to.
Vic: Hello?
Padre Damaso: Akon, tawagan mo ngayon ang Paris International Airport. Harangin mo ang pagdating ng Cincinnati Air. Ipadeport mo sa Pilipinas si Leon San Miguel, David Cortez, Eugenio Galvez at Domingo Lee. Presidente ka ng Pilipinas, kaya mo na yan.
Vic: Sure.

(Sa XES Faculty)
Anito: Alam nyo na ba yung bagong laro?
JR: Ah yung Fox?
Anito: Oo.
Dencio: Nagiipon nga lang ako eh.. Pag may sapat na akong pera, bibili na rin ako, free installation na eh.
Anito: Ako meron na sa bahay.
JR: O talaga?
Dencio: Patesting naman!
Anito: Sure. Bukas ang aking bahay.
Danilo: Ano bang laro yun?
JR: DI mo alam?
Dencio: Pagpasensyahan mo na.
JR: Sus! Si Anito nga mas matanda sa kanya meron eh!
Danilo: Ano bang klaseng laro yan ha? Makakapag pailaw ka ba ng fluorescent lamp dyan?

(Sa City Hall)
(tumawag si Andrew sa telepono)
Andrew: Hello? Di ba nagaassassinate kayo?
On phone: Sino nagrefer sa inyo?
Andrew: Si Uncle Sam.
ON phone: Yes, sino ba papaassassinate nyo?
Andrew: Si Vic.
ON phone: Gonzaga? Yung newly elected president?
Andrew: yep.
On phone: mahal yun.
Andrew: Magkano?

Wednesday, June 10, 2009

Episode XXXVIII: Election Results

David: Marie, sige na. Naka roaming naman yung sim ko, pwede mo ako balitaan.
Marie: Sige. Ingat kayo ah.
Leon: Sige Marie, love you.
Eugenio: Tara na, walang signal si Toni sa Quezon.
(sumakay na sila ng taxi at pumunta ng airport)

(Sa Airport)
Leon: Ma. Angelique Holcim?
Angelique: Ow, Mr. San Miguel, what a coincidence.
Leon: San ba byahe mo?
David: Pre, alam mo naman ang pupuntahan no?
Leon: Oo.
Lee: una na tayo.
Angelique: sa Paris, France.
Leon: Dun din kami eh!
Angelique: Ah.
Leon: Ano bang eroplanong sasakyan mo?
Angelique: Private plane eh.
Leon: O? Mayaman ka talaga.
Angelique: Hindi sa akin. Ano naman gagawin nyo sa France?
Leon: Schooling.
Angelique: O? Teka, sino nagpapunta sa inyo.
Leon: SI Giovanni Cincinnati.
Angelique: What the-? Yun din- teka ano sasakyan nyo?
Leon: Air Cincinnati.
Angelique: What the-? Sabay tayo?
Leon: O? YES!

Lee: Basta nakasulat lang mayaman si Giovanni Cincinnati
David: Tapos bakit pa siya magpapaschooling?
Lee: Clueless.

(Sa bahay ni Jessica)
Jessica: Makapagbukas nga ng TV
(on TV): Narito na po ang election results. Dahil nga po sa computerized ang results eh, mabilis po itong na-compute. So ito po, lalabas po sa screen nyo.

Name Votes
Vic “Akon” Gonzaga 69,843,234
Andrew Bistro 14,999,999
Jessica Guryon 2

Jessica: Wow naman! Ako lang bumoto sa sarili ko at isang mabait na tao.

(Sa Konvic Office)
Vic: YEHEY!!
Bert: Congrats Boss Vic!!!
Jerome: Yes! Presidente na siya ng Pilipinas!!
King: Mabuhay!
(nag ring ang telepono)
Vic: Hello?
Padre Damaso: Congratulations, Akon.

(Sa City Hall)
Andrew: Dinouble cross ako ng siraulong Antonio na yan.
(tumawag sa NBA)
(on phone) Arvin: Hello, National Bank of Anonas
Andrew: Nasaan si Antonio Linsangan, ako si Mayor Bistro.
Arvin: teka lang.
Antonio: Hello?
Andrew: T*** *** mong traydor ka. (sabay bagsak ng telepono)

(sa NBA)
Antonio: Di ata si Mayor yun eh. Sira ulo.
(may dumating na mga tauhan ng mayor sa NBA)
Tauhan: Pinadala kami dito ng mayor ng Nasugbu, Batangas. Hawak namin ang ejectment letter na galing mismo kay Mr. Antonio Linsangan na binibigay nya ang kanyang mga ari-arian sa 4 na taong nagngangalang Domingo Lee, Leon Jean San Miguel, David Cortez at Eugenio Galvez. Sa mismong araw na ito ay kailangan nilang umalis dahil sa araw na ito ay pagmamay-ari na ito ng 4 na nabanggit. Kung ayaw nya umalis kasama ng kanyang mga tauhan ay mapipilitan kaming hulihin at ipakulong si Mr. Linsangan kasama ang mga tauhan nya. Sa ngayon, nasa France ang mga may-ari at ang sinabing mamamahala muna sa ngayon ay ang kanilang katiwala na si Marie Diana Estevez.
Antonio: This Is shit.
Tauhan: Hulihin yan!
Antonio: Oo na, aalis na kami.

(Sa Air Cincinnati)
David: Kaya mo yan Marie. Tawagan mo si Esther at si Amy, patrabahuhin mo agad kinabukasan. Meron na rin kaming tinawagan na temporary IT specialist.
(binaba na ni David ang telepono)
David: Pre, gumana yung hoax ni Lee!
Eugenio: Oh yeah!! You’re the man!
Lee: Ayos, nakaganti na tayo.
David: Isa pang balita.
Eugenio: Ano?
David: Si Vic Gonzaga na ang bagong pangulo ng Pilipinas.
Eugenio: What the-? Yung negrong yun?
Angelique: Nakita na yun ng tauhan ko.
Leon: Tauhan mo? Sino?
Angelique: Eileen, yung nakakakita ng future.
Lee: Eileen?
David: Bakit, kilala mo siya?

Monday, June 8, 2009

Episode XXXVII: Eleksyon

Andrew: Sige. Isulat mo dito yung mga associates ni Domingo Lee.
(sinulat ni Lee sa papel)
Andrew: Ayan. Pirmahan mo to na nagsasabi na binibigay mo ang NBA sa kanila.
Lee: Teka, pano kung ibigay mo kahit manalo ka?
Andrew: Haha. Wala kang tiwala ah. Sige ito, pirmado ko na ito ng posisyon mo sa gobyerno.
Lee: Ambassador, wow. Sige. (sabay pirma)
(lumabas na si Lee at sinalubong siya ni Leon sa labas ng City Hall. Inalis ni Lee ang maskara nya.)
Leon: Bakit ganun deal mo? Pano kung manalo si Andrew? E di naging amabassador naman si Antonio?
Lee: Bakit mo pinoproblema yan? E hawak ko yung promotion paper nya saka sakali?
Leon: Madali lang naman gumawa nyan eh, e di gagawa uli siya.
Lee: Hindi nya gagawin yun. Makakalimutan na nya lahat ng tumulong sa kanya. Besides, pag tawag nya ng NBA, walang may alam ng deal namin, so maisip ni Andrew na wag na lang ilagay sa pwesto si Antonio.
Leon: You’re a genious!
Lee: Kala ko pa naman magaling si Mayor, may masama din pala siyang tangka.

(Sa bahay ni Jessica)
Jessica: Lord, sana naman manalo ako. Tingin ko kasi walang boboto sa akin eh.

(Sa The Colonel’s Shop)
(may dumating na puting kotse at bumaba ang abogado ni Giovanni at nilapitan si Marie)
Lawyer: Miss, sila Mr. Cortez?
Marie: (Cortez? Teka, di ba sabi niya, ang pakilala nya dapat eh Alex Garcia?)
(lumabas si David)
David: Yes?
Marie: Sir?
David: Marie, ako na bahala dito.
Lawyer: Ito na po yung inyong ID. Walang plane ticket dahil private plane ang sasakyan nyo. Air Cincinnati yung pangalan nung eroplano.
David: Teka, pwedeng bumoto muna kami? Kasi eleksyon ngayon sa amin eh.
Lawyer: Basta sir this day kayo lilipad.
David: Sure.
Lawyer: Sige sir.
(umalis ang abugado at sumakay ng kotse, umandar ang kotse.)
Marie: Kala ko ba Alex Garcia?
David: Yes. Sa ibang tao. Business associate tong kausap namin.
Marie: Eh pano kung ma-track kayo nyan?
David: Hindi na Marie. 3 tao ang nakakita na patay na ako.
Marie: Sana nga.
David: Saka pupunta kami ng France, matagal tagal yun. Makaklimutan nila na nagexist pa si Col. David Cortez.

(Sa Manila Voting Precint 123)
Leon: Tapos na ako bumoto.
Lee: Tara uwi na tayo.
David: Marie, tara na.
Eugenio: Binoto ko talaga si Guryon.
Leon; Ayie…..
Marie: Teka, si Amy yun di ba?
David: oo nga no.

(Sa Batangas Voting Precint 234)
(lumapit si Eileen kay Ark)
Eileen: Hi.
Ark: Hi.
Eileen: May hinihintay ka ba?
Ark: Oo, hinihintay ko yung kaibigan ko eh.
Eileen: Ako rin meron eh.
Ark: Ah.
Eileen: di mo ba tatanungin kung sino?
Ark: Sino?
Eileen: Pag-ibig ang hinihintay ko.
(natahimik si Ark at halos matawa tawa)
Eileen: Alam mo gwapo ka.
Ark: (Sh*T! for the first time may pumuri sa akin!! Aasawahin ko na to! Tatanda akong walang nagkakagusto sa akin.)
Man: Pre!
(napalingon si Eileen at si Ark sa lalaki.)
Ark: O, sige, miss, mauna na kami.
Eileen: Teka, ito nga pala number ko. (sabay abot ng papel na may sulat)
Ark: Sige,
Lalaki: Pre, may nakilala ka, pakilala mo naman ako.
Ark: Ah, sige, miss, si Nicolo. Kaibigan ko, ako si Ark. Ikaw si?
Eileen: Eileen. (sabay kindat kay Nicolo at lumakad papalayo)

Saturday, June 6, 2009

Episode XXXVI: Ballot Switching

(Sa The Colonel’s Shop)
David: Wala tayong kapera pera pagdating natin sa France.
Lee: All expenses paid naman di ba?
Leon: Oo nga.
David: Pero mas maganda pa rin na may pera tayong sarili.
Eugenio: Ano kayang naisip ng Giovanni na yun at biglang pinili tayo para maging business associate?
David: Baka mamamatay na siya at kailangan ng tagapagmana.
Lee: Hindi. Baka marami tayo, pagpipilian pa nya.
Leon: Tara, nakawan na lang natin ang NBA.
David: Para namang napaka-dali mag set up ng heist.
Eugenio: I cancel muna natin yung pagnanakaw natin sa NBA.
Lee: Teka, di ba bukas eleksyon?
David: Oo nga pala no. Eh pano yan? Aalis tayo bukas?
Eugenio: Baka pwede naman makiusap tayo.
Leon: Sus. Sino naman sa tingin nyo ang karapat dapat na iboto pa.
David: Tingin ko si Mayor Bistro.
Lee: Ako rin, napaunlad nya ang Nasugbu eh.
Eugenio: Ako baka si Jessica.
Leon: Ayiee…

(Sa NBA)
Antonio: Ah, employees, bago magbukas ang bangko natin, nais kong ipakilala sa inyo ang isa sa mga magiging co-employees nyo, si Arvin Tatsulok.
Arvin: Hi.
Antonio: Isa siyang former military man, former marine engineer, former Apo Hiking Society member, former bank teller, former macho dancer, former gay entertainer, former impersonator-
(natigil sa pagsasalita si Antonio ng binulungan siya ni Arvin)
Antonio: Ayun. Sige, get back to work!
(umalis na si Antonio at hinabol siya ni Arvin)
Antonio: Si Amy Marquez, ipahanap mo, kailangan makita mo siya.
Arvin: Yun lang sir?
Antonio: Kung may lalaking umaligid, paslangin mo.

(Sa Konvic Office)
Vic: Dumating na ba yung kulay black na armored van?
Bert: Sir hindi pa po.
Vic: Yung may nakasulat na Kura Paroko Security Agency?
Bert: Wala pa po- Teka, ayan, may itim na truck na paparating. Hindi armored van.
(pumasok ang isang lalaki na naka-itim na coat at itim na pantaloon)
Man: Kayo po si Mr. Vic Gonzaga?
Vic: Ako nga.
Man: Paki-pirmahan na lang po sir.
Vic: teka, pwede i-check?
Man: Pwedeng pwede sir.
(lumabas si Bert at si Vic at ang lalaki at binuksan ng lalaki ang likod ng van. Tumambad sa kanila ang napakaraming ballot boxes.)
Vic: Pano kung hindi pangalan ko ang nakasulat dyan?
Man: Di ko po alam sir, pinadeliver lang sa akin yan.
Vic: Padre Damaso?
Man: Yes sir.
Vic: Sige. (pinirmahan ang papel)
(maya maya pa dumating ang isang itim na motorsiklo at umangkas ang lalaki, humarurot ang motor at umalis na)
(lumabas si Jerome dala ang telepono)
Jerome: Boss, si Padre Damaso.
Vic: Hello?
Padre Damaso: Ayan. Trabaho nyo na na ihatid ang truck na yan sa Main Voting Precint.
Vic: Kami na bahala nun.
(ibaba na sana ni Padre Damaso ng inagaw ni Jerome ang telepono)
Jerome: Teka Padre.
Padre Damaso: Ano yun?
Jerome: Bukas, computerized na ang eleksyon. Wala nang silbi tong mga balotang to.
Padre Damaso: Ay naku… San mo nalaman?
Jerome: Sa TV, kanina lang. Sa news.
Padre Damaso: Ah sige, kami na bahala dyan.
Vic: Padre Damaso, inaasahan ko yan ah.

(Sa City Hall)
Utusan: Mayor, andito na po ang pinapatawag nyo.
(pumasok ang isang lalaki sa loob ng opisina)
Andrew: Ikaw ang pinaka-magaling na hacker sa buong mundo?
Lee: Hindi ako. Pero hawak ko ito
Andrew: Sino ka? At sino yun?
Lee: Ako si Antonio Linsangan, may-ari ng National Bank of Anonas, at ang tauhang tinutukoy ko? Si Arkansas Akoy. MAs kilala bilang NOD.
Andrew: Si NOD 32? Yung antivirus?
Lee: Hindi siya anti-virus mayor. Pero dahil hacker siya, hinack nya ang Norton at gumawa ng branch nito at pinangalan sa sarili nya.
Andrew: Magaling nga. So magkano naman ang hihingin mong kabayaran kung manalo ako?
Lee: Posisyon sa gobyerno, mayor.
Andrew: Eh kung dinouble cross mo ako at natalo ako?
Lee: Ibigay mo ang National Bank of Anonas kay Domingo Lee at sa kanyang mga kasamahan sa business ng Colonel’s Shop.
Andrew: Teka, bakit naman yun ang naisip mo?
Lee: Kasi mortal ko siyang kaaway. Ibig sabihin lang nun, ginagarantiya ko sayo na di kita bibiguin.

Episode XXXV: Business Opportunity

(sa Hacienda Holcim)
Angelique: Pasensya na at pinaghintay kita.
Antonio: Ah, wala yun.
Angelique: Bakit mo nga pala ako hinahanap?
Antonio: Ah, kasi meron akong business proposition for you.
Angelique: At ano naman yun?
Antonio: I will offer you a stock in the National Bank of Anonas.
Angelique: Talaga. Sige, teka lang.
(lumapit si Angelique kay Eileen)
Angelique: Ano?
Eileen: Wag. Malulugi ang NBA.
Angelique: Salamat.
(bumalik siya kay Antonio)
Angelique: Pasensya na ginoo pero hindi ko tinatanggap ang iyong alok.
Antonio: Maari pang magbago ang isip mo, hindi kita pinagmamadali.

(sa Linsangan Eggs)
Lee: Bakit di ka na lang mag resign dito?
Esther: Gusto ko nga eh. Kaso wala naman akong malilipatan.
Lee: Dun, sa aming shop.
Esther: sige. Pero 1 month pa ang effectivity sakaling magpapasa ako ng resignation letter.
Lee: Hihintayin ka namin.
(dumating ang sasakyan ni Antonio at lumabas si Antonio)
Antonio: At ano naman ang ginagawa ng walang kwentang IT specialist sa aking itlugan??
Lee: Walang kwenta? Haha.
(umalis na si Lee)

(Makalipas ang ilang araw)

(Sa The Colonel’s Shop)
Lee: Papatunayan ko sa Antonio na yan kung sinong walang kwenta.
David: Relax pare.
Leon: Teka, mag heist ba tayo at nanakawan ang NBA?
Lee: Gusto mo?
Leon: Ayoko.
David: Bakit? Wala na dun yung accounts natin.
Eugenio: Ako rin ayoko.
Lee: Okay.
Leon; Eh ano, ipaprank lang natin sila? Sayang naman sa effort, ni wala tayong kikitain.
Eugenio: Eh bakit hindi na lang natin i-hack yung account ni Antonio Linsangan? Tutal kaduda-duda ang pinanggalingan ng pera nya?
David: Tama.
Leon: Tapos gagamitin natin?
Eugenio: SIyempre.
Lee: Mga pre.
Eugenio: Ano yun?
Lee: Alam ko na kung saan galing ang pera ni Antonio
David: O? Saan?
Lee: Base dito, sa kanyang bank statement, nagdeposito siya ng P1 Billion sa NBA.
Leon: What the-? Saan naman galing yun?
Lee: Hindi ko alam. Pero mukhang imposible ma-hack ang mismong mainframe ng NBA. Hindi lang si Ark ang gumawa nito.
David: So hindi natin mananakawan ang NBA?
Lee: As of now, hindi.
Eugenio: So paano mo nakita yung deposit ni Antonio?
Lee: Makikita ko yun kasi naka hook pa sa akin yung kanilang bank statements. Yun yung hindi nila nasecure.

(Sa NBA)
Ark: Sir, may nagflash po sa screen ko na merong nagbabalak pumasok sa ating systems.
Antonio: Saan galing?
Ark: Manila sir.
Antonio: Nasa radar?
Ark: Yes sir.
Antonio: Good.

(after ilang days may dumating na dalawang itim na kotse sa The Colonel’s Shop at lumabas ang isang lalaki)

Man: Miss, sinong may ari nito?
Marie: Bakit po sir?
Man: Kasi pinadala ako dito ng BIR.
Marie: Tatawagin ko na lang po sir yung isa sa mga CEO namin.
Man: Sure.
(maya maya pa lumabas si David)
David: Ano yun?
(nagsalita ang radyo na hawak ng lalaki)
Man: Okay sir. Nevermind. (bumalik siya ng kotse at umalis ang kotse.)
(maya maya may dumating na limousine na puti at dalawang puting kotse. Lumabas ang isang lalaking naka coat and tie sa limousine at pumunta sa shop)
David: Ano yun?
Man: Ako ang abogado ni Giovanni Cincinnati. Isang French investor. Nais nyang makausap ang may-ari ng kumpanyang ito?
David: teka lang ah.
(pumasok si David at maya maya ay lumabas na silang 4)
Man: Sir, kung pwede ay pumasok kayo sa loob ng limousine.
(naglakad sila at pumasok sa loob. Nagbukas ang maliit na bintana na humahati sa limousine. Naroon ang isang matanda na may cane at mukhang mayaman, katabi na nya ang kanyang abugado. Naka puti siya.)
Giovanni: Je veux faire un marché avec vous, mais vous avez besoin de se mettre d'accord en premier.
Man: Gusto raw nya gumawa ng deal pero dapat daw ay pumayag kayo sa kagustuhan nya.
Leon: Ano bang kagustuhan nya?
Man: Quelles sont vos conditions?
Giovanni: Que vous serez prêt à aller en France, tous frais payés et d'assister à une bonne scolarisation en France.
Man: Dapat daw pumayag kayo magaral sa France.
David: Yun lang?
Lee: Oo! Payag kami!
David: Wala bang kailangang pera?
Man: Existe-t-il pas le paiement exigé?
Giovanni: Je vais y penser quand ils ont terminé leur scolarité
Man: Tapusin nyo raw muna pagaaral nyo.
David: Ano mga pre?
Leon, Lee, Eugenio: Payag kami.
David: Okay, agreed.
Man: monsieur, ils ont convenu
Giovanni: bien. Mon avocat va revenir demain pour vous orienter sur ce qu'il faut faire, peut-être demain, vous pouvez immédiatement passer à la France
Man: Bukas, babalik ako.

Epsiode XXXIV: Pagpapatibay

David: Ay, hindi na talaga pre, pasensya na ah. Sige na, uuwi na talaga ako.
Lawrence: Papahatid na kita kay- kanino mo gusto?
David: Kay Annie na lang.

(sa The Colonel’s Shop)
Eugenio: Pre, ang laki ng kita natin.
Leon: Oo nga eh. Pwede na tayong magtayo ng restaurant.
Lee: Ano namang pangalan nung restaurant?
Leon: The Military Man Restaurant.
Eugenio: Sige yun na lang.
Lee: Tara, punta muna tayo sa bahay ko, kain muna tayo.
Eugenio: Marie, aalis lang kami ah. Kaw muna bahala dito.
(nag ring ang telepono)
Marie: Hello?
(on phone) Amy: Hello Marie.
Marie: Ui, Amy! Kamusta na? Ngayon ka lang napatawag ah.
Amy: Oo nga eh. Meron akong bagong trabaho ngayon, sa BPP. Bangko din pero universal bank siya.
Marie: Aba asensado ah.
Amy: Ikaw kamusta ka?
Marie: Tindera.
Amy: Tindera?
Marie: Pero yung sweldo ko naman doble sa kinikita ko noon!
Amy: O? San ka ba nagtitinda? At ng madalaw naman kita.
Marie: Sa shop nila Lee. Marami na silang naipundar. Meron na silang 3 branches ng The Colonel’s Shop, yung computer shop, tapos meron silang The Colonel’s Choice na tindahan ng military goods, tapos ngayon, balak nanaman nila magtayo ng restaurant.
Amy: Ang galing naman. Sino sino ba?
Marie: Si Major, si Galvez saka si lee.
Amy: Ah, o sige na, kasi tapos na breaktime namin.
Marie: Sige, sige, bye bye.
(binaba na ni Amy ang phone at binaba na rin ni Marie ng biglang nag ring ito.)
Marie: Hello?
David: Marie? Ikaw ba to?
Marie: Yes sir. Sir- Col. Cortez?
David: Marie??? Ikaw talaga yan?
Marie: Colonel Cortez?
David: Shhh… Wag ka maingay. Magkita naman tayo. Nasa Manila ako ngayon. Jolly Ant, Sta. Mesa.
Marie: Pero kasi- meron akong binabantayan eh..
David: Sige pupuntahan kita dyan. San ba yan?

(Sa Damaso Conference Room)
Padre Damaso (on TV): Andito uli kayo ngayon dahil ipapakilala ko ang pinakabagong weapon na hawak ng organisasyong Unity. Meron tayong Liquid Nuclear na tinatawag. Itong liquid nuclear ay kulay Cola. Black. Parehong-pareho sa kulay ng cola. Ang pinagkaiba lang ay hindi siya naiinom. It’s a bomb. Pero dahil nga sa kulay nya, ay di siya mahahalata. Kayang sumira ng 3 soccerfields ang isang 200ml ng Liquid Nuclear. Meron tayo ngayong 2 barrels ng Liquid Nuclear. Darating ang 3 pang barrels next month. Sa Pilipinas lang ito ginawa. Kung sino ang gumawa nito, hindi ko sasabihin. Siya nga pala, nawala na ang isang tinik sa ating samahan, si David Cortez. Ang kanyang team ay wala na rin sa military. Wala na silang kapangyarihan. Ngayon, wala na tayong problema. At siyempre naman, eleksyon na ngayon. Sino ang dapat nating iboto?
Unity: Si Vic “Akon” Gonzaga.
Padre Damaso: Right. Sige, dismissed.
(naiwan ang isang lalaki sa loob ng kwarto at nagbukas na ang ilaw)
Padre Damaso: Good job, Gen. Gustavo.
Gen: Ako naman ang consiglierie nyo ngayon di ba?
Padre Damaso: Oo naman.

(Sa The Colonel’s Shop)
Marie: Colonel, buhay ka pa pala..
David: O, bakit naman maluha luha ka na. Buhay pa ako, pero hindi pwedeng malaman nila na buhay pa ako. Saka wag mo na akong tawaging Colonel.
Marie: Eh ano na po?
David: Hmmm… Alex. Call me Alex, ako si Alex Garcia, salesman ng Cambio Cars.
Marie: Okay, Alex, ano ba nangyari?
David: Mahabang kwento eh. Maunlad na pala sila ngayon, o kamusta? Nakakabalik ka pa ng Batangas?
Marie: Hindi na nga eh.
David: E di namiss mo na yung si Cosme ba yun?
(di sumagot si Marie)
David: sabi na eh.
(dumating sila Lee)
Eugenio: David?
David: Shhh! Tara, dun tayo sa loob ng opisina. Marie, maiwan ka muna namin.

(sa loob ng opisina)
David: Buhay ako. Ako si Alex, okay? Alex Garcia.
Eugenio: Okay. Maraming nangyari ngayon.
David: So we have to take our revenge.
Lee: Oo nga.
Leon: Kailangan natin ng pera ngayon di ba?
Eugenio: Oo.
David: So, first target natin is yung National Bank of Anonas. Pero hindi pa rin tayo titigil sa pag-alam kung sino si Padre Damaso.
Leon: Teka, bakit natin titirahin ang NBA?
David: Simple. Kasi epal yung may-ari dun.
Leon: Teka pare, baka naman pansariling interes mo lang yan?
Lee: Sang-ayon ako.
David: Hindi natin nanakawin ang National Bank of Anonas, kokontrolin natin ayon sa gusto natin at papatunayan nating mas magaling tayo.

Episode XXXIII: The Colonel’s Fate

(Sa Mt. Maculot)
(lumabas ang may-ari ng bahay at nakita si David na nakahandusay, duguan.)
Lawrence: Jane! Annie! Tulungan nyo ako dito.
(dumating ang dalawang katulong at tinulungan si Lawrence buhatin si David papuntang guest room. Naiwan si Annie sa loob)
Lawrence: Ikaw na bahala dyan, pero wag na wag mong “gagalawin” ah.
Annie: Opo sir.
(sinara na ni Lawrence ang pinto)
Annie: Ang gwapo naman nito. Kaso madugo.
(nilinis lang ni Annie ang dugo pero di na nya pinalitan ng damit si David. Lumabas na siya ng kwarto)

(Sa NBA)
Marie: Ako na lang rin nagiisa dito. Si Amy, nag break na sila ni Antonio.
(on phone) Esther: E nasaan si Amy ngayon?
Marie: Pumunta munang Maynila.
Esther: hirap nga ng trabaho ko dito eh, may quota.
(dumating sa NBA sila Eugenio, Leon at Lee at ang bodyguard ni Eugenio)
Marie: Teka lang ah, andito sila Major at Lt. Col. At si Lee.
Leon: Hi.
Eugenio: Naghahanap kami ng assistant sa aming business.
Lee: Alam naming mas malaki ang sinusweldo mo dito, pero mas makakaramdam ka ng belongingness sa aming computer store.
Marie: Sige po sir. Magfile na ako ng resignation effective today.
Leon: Good, iwiwithdraw ko na rin pala yung lahat ng aking pera.
Eugenio: At yung akin na din.
Lee: Pati yung akin.
(lumabas na sila kasama si Marie at sumakay sa kotse)
(pumasok ng NBA si Antonio)
Antonio: Si Marie? Mag reresign? WALA NA AKONG TAUHAN DITO!!!

(Sa KonVic Office)
Vic: Good work, Bert.
(tumawag si Padre Damaso)
Vic: Hello, Padre Damaso.
Padre Damaso: Good job Akon, makukuha mo ang suporta ko sa eleksyon.
Vic: Inaasahan ko yan Padre Damaso. Malinis ang trabaho namin.
Padre Damaso: Oo naman, Akon. Siya nga pala. Ipapaalala ko lang sayo yung general meeting ng Unity next month.
Vic: Sige Padre Damaso.
Padre Damaso: Sino nang consiglierie mo ngayon?
Vic: Si Atty. Manalastas na.
Padre Damaso: Hindi na si Ron?
Vic: Hindi pwede, undercover agent ko siya eh.

(Sa Mt. Maculot)
Lawrence: Nagising ka na pala.
David: Lawrence?
Lawrence: Naalala mo pa pala ako. Pinaayos ko na yung “S” deficiency ko. P1 million ang teraphy pero tingnan mo naman, effective di ba?
David: Sayo tong bahay na to?
Lawrence: Nakakapagtaka ba? Ikaw ang mas nakakapagtaka, nasa labas ka ng bahay ko, duguan, walang malay pero walang sugat.
David: Ah… Haha. Kasi mahabang kwento yun. Tapos akala nila patay na ako.
Lawrence: Di ba salesman ka ng Cambio Cars?
David: Ako nga.
Lawrence: Kailangan ko ng explanation kung bakit ka duguan.
David: Hindi yan dugo. Nag paintball kasi kami. Then ayun pala, niligaw na ako nung friend ko, nagkalasingan kasi eh.
Lawrence: Ah. Kaya pala. Gusto mo ng babae?
David: Ha?
Lawrence: Babae. For a night.
David: Ah, hindi, salamat na lang. Wala rin akong pera eh.
Lawrence: Libre.
David: O?

(Sa XES Faculty)
JR: Absent pa rin si Anito?
Danilo: Oo.
JR: Hay naku. Napakatamad talaga.
Danilo: Buhay pa kaya si Col. Cortez?
JR: Duda ako.
Danilo: Bakit naman?
JR: Sa pangyayaring yun? Mabubuhay pa si Col. Cortez?
(pumasok si Anito sa loob ng faculty, tila puyat.)
Danilo: (pabulong) yung hinahanap mo.
JR: O, Anito, tagal mong absent ah.
Anito: May tinapos pa kasi ako.
JR: Tinapos?
(tulog na si Anito sa mesa nya)

(after many weeks)

David: Lawrence, salamat talaga.
Lawrence: Sige, walang anuman. Alam ko namang bago ka sa lugar na to at nasa Maynila pa yung bahay mo, nagkataon namang di na ako pumupunta ng Maynila.
David: Sige, babalik na ako sa bahay ko.
Lawrence: Teka, hindi mo ba hihintayin ang bisita ko?
David: Sino ba?
Lawrence: Si Mayor Andrew Bistro, dadalaw dito ngayon.
David: O talaga? May malaki ka talagang koneksyon sa pamahalaan ah.
Lawrence: Siyempre naman, ako pa. Konting bribe lang yan sa simula, sa huli, ikaw rin magtatamasa nung mga pinang bribe mo. Parang investment.
David: Di na talaga pre. Babalik na ako ng Maynila.
Lawrence: Ah, sige. Darating din dito si Gen. Justo Gustavo, baka gusto mo alukin ng kotse?

Tuesday, June 2, 2009

Episode XXXII: Campaign Period

(Sa Mt. Maculot)
Bert: Hoy, gising.
David: Buhay ako?
Bert: Wag kang tatayo. Mag patay-patayan ka. Kilala na kita. Namukhaan kita at di kita pwedeng patayin.
David: Anong ibig mong sabihin.
Bert: Basta. Mag patay patayan ka lang dyan.
David: Pano kung maubusan ako ng dugo?
Bert: Hindi ka mauubusan ng dugo. Binaril kita ng Bloody Bullets. Yung mga bala na hindi pulbura ang laman, kundi fake blood. So wala ka talagang tama. PEro manghihina ka sa bugbog. Wag ka muna magpakita sa mga tao. Magtago ka muna, tulad ng ginawa mo dati.
David: Anong sinasabi mong ginawa ko dati? Sino ka ba?
Bert: Ako si Bertucio Pinaglabanan, nakalimutan mo na ako. Basta, tulungan mo ako. Wag kang magpapakita. Wag ka munang lalabas, kung gusto mo lumabas, magbago ka ng mukha, pangalan. Basta, dapat wala na. Dapat patay na si Col. David Cortez.
David: Sige, bert, salamat.
Bert: Walang anuman, Juan Salvador.
(umalis na si Bert at pumunta sa van)
Man 1: Tagal mo namang kinausap yung bangkay.
Bert: Nilagyan ko ng muriatic acid para madaling matunaw. E di walang bakas.
Man 2: Galing mo. Tara na, baba na tayo bago pa tayo mahuli.

(Sa Salvatore Café)
Leon: Ako nga eh, nagpasa daw ako ng retirement letter, hindi naman.
Eugenio: Corrupt pala si General.
Lee: Napaano na kaya si David?
Leon: Pre, we have to accept, he’s dead.
Eugenio: Pwedeng hindi.
Leon: Imposible.
Lee: Saan na tayo ngayon?
Leon: Magtayo na lang kaya tayo ng sarili nating computer store?
Eugenio: Ako may mga parlor na, pero bakit hindi di ba.
Lee: Ipangalan nalang natin kay David.
Eugenio: Kahit hindi na. Kahit memorabilia na lang sa kanya.
Lee: The Colonel’s Shop.
Leon: Oo nga no. Tapos katabi nun nagtitinda ng military uniform at mga gamit.
Eugenio: Tama.
Lee: Pero di talaga ako titigil sa paghahanap kay David.
Eugenio: Baka matulad ka nyan sa paghahanap kay Juan. Wala ring napala.

(Sa Quirino Grandstand)
Host: Ang una po nating kandidato para sa pagkapangulo, si Mayor Andrew Bistro! Ang mayor ng pinakamaunlad at sinasabing best City sa buong Asia, ang Nasugbu, Batangas.
Andrew: Ah, salamat. Sa mga kababayan ko sa Batangas, magandang araw sa inyo. Simple lang naman ang pangarap ko sa buhay eh. Yung nagawa ko sa Nasugbu, e sana magawa ko rin dito sa buong Pilipinas.
Host: Salamat, mayor, mamaya pong hapon, ang meeting de avance nila so ngayon, parang pagpapakilala pa lang po. Ang ikalawang kalahok, ang pinaka pinagkakatiwalaang broadcaster, si Jessica Guryon!
Jessica: Salamat. Alam nyo, noon pa, lider na ako. Ako ang corps staff 1 ng batch namin. Kaya pag binoto nyo ako, tiyakin ninyong tama ang ispeling para walang technicality!
Host: Salamat, Ms. Guryon. Ang isa pa pong kalahok, ang philanthropist at lider ng grupong Konvic, si Mr. Vic Gonzaga!
Vic: Boto nyo ako, walang diskriminasyong magaganap!!
Host: Well, sila lang pong 3 ang maglalaban laban. Si Mayor Bistro po mula sa Partido Himig. Si Ms. Guryon mula sa Partido Food for All at si G. Gonzaga naman ay mula sa Partido Makatao. Mamaya po natin itutuloy ang meeting de avance.

(Sa NBA)
Antonio: O bakit parang problemado ka?
Amy: Wala.
Antonio: baka naman dahil sa patay na si David Cortez?
(di na sumagot si Amy)
Antonio: Hay naku Amy, ayaw mo nun? Walang makakagulo sa atin.
Amy: Alam mo Antonio, di ko alam bakit grabe na lang yung galit mo sa tao. Wala naman siyang ginagawa sayo.
Antonio: Anong wala?
Amy: Antonio, ayoko na sayo. Buti pa mag cool off muna tayo.
Antonio: Ano?
Amy: Ayoko na.

(Sa Hacienda Holcim)
Angelique: Anong nakikita mo ngayon?
Eileen: wala naman.
Angelique: Sige, meron pa akong pupuntahan sa Maynila eh.
(umalis na si Angelique)
Francisco: May nakikita ka bang mangyayari sa aming dalawa ni Marie?
Eileen: May gusto ka sa bank teller na yun?
Francisco: Matagal na, kaya nga ako nag open ng account sa NBA eh. Para lagi ko siyang nakikita.
Eileen: Maganda ang nakikita ko.
Francisco: Ano yun?
Eileen: Magkakatuluyan kayo.

(sa Mt. Maculot)
(sa gitna ng bundok ay may isang malaking bahay ang nakatayo, nahiga si David sa gate nito at nakatulog)

Cast of Characters

Danilo Montano/ Captain Nguso - ang orihinal na Danilo Montano. Siya pa rin si Captain Nguso. Guro sa isang industrial school.
Maj. Leon San Miguel - commandant ng paaralang pinagsisilbihan ni Danilo Montano. Isa rin siyang sundalo ng Philippine Navy. Miyembro ng samahang Ilustrado.
Col. David Cortez - Taga Philippine Army na kasama ni Leon sa PMA. Isa siya sa mga pinakabatang sundalo ng Army. Miyembro rin ng Ilustrado.
Lt. Col. Eugenio Galvez - kasamahan nila David at Leon sa PMA. Nagsisilbi rin siya sa Navy. Miyembro ng Ilustrado.
Domingo Lee - si Lee Kong King na nagbago ng pagkatao. Di siya nagpakilala bilang Lee Kong King at nagbago ng pangalan bilang Domingo. IT Specialist ng National Bank of Anonas (NBA). Sumama sa samahang Ilustrado.
Lloyd Lopez - NBI Agent. Isa siya sa mga di pinapansin na agent ng NBI dahil hindi magaling.
Jessica Guryon - TV Broadcaster na nais maging presidente ng Pilipinas.
Francisco Cosme - simpleng magsasaka na depositor ng NBA.
Marie Diana Estevez - teller ng NBA.
Amy Marquez - teller rin ng NBA pero sa new accounts.
Esther delos Santos - bank manager ng NBA.
King Ronaldo Canonizado - miyembro ng criminal syndicate na KONVIC. Siya ang laging ginagamit na pang front. Artista siya. Mas kilala bilang Ron Iglesia.
Jerome Manalastas - abogado ng KONVIC. Pangarap maging presidente ng Pilipinas.
Bertucio Pinaglabanan - dating miyembro ng EHS. Pero dahil naghihirap na sila ni Betina, kinakailangan nyang sumideline. Front nya ang pagjajanitor. Siya ang delivery man ng KONVIC.
Vic "AKON" Gonzaga - lider ng KONVIC. Pinagsamang aKON at VIC. Pinapalabas nila na ang kanilang samahang KONVIC ay NGO na tumutulong sa mga mahihirap na nasa probinsya.
Padre Damaso - isang voice over na nilalang na naguutos sa kanyang mga tauhan ng kasamaan. Lider ng samahang "Unity"
The Fox - lider ng samahang Dragons na gumugulo sa katahimikan ng bansa.
Ma. Angelique Holcim - mayamang haciendera sa Batangas. Matalino rin at may koneksyon sa military dahil sa kanyang dating asawa na militar.
Toni Espina - asawa ni Eugenio. Frequent depositor ng NBA.
Lawrence Espinosa - nagtatrabaho sa SSS. May malaking koneksyon sa pamahalaan.
Gen. Justo Gustavo - pinakamataas sa buong Philippine Army.
Cedric Manual - scientist na ang tanging nais ay magkaroon ng di mapapantayang kapangyarihan.
Mayor Andrew Bistro - mayor ng Nasugbu, Batangas.
Eileen Dumayo - mananahi na sinasabing may kapangyarihan makita ang mangyayari at magpabangon ng patay.

AND THE OTHER CHARACTERS ARE TO FOLLOW...