Thursday, April 30, 2009

Episode XV: Teamwork

(Sa NBA)
Lee: Ma’am, uuwi na ako, nonood pa ako ng concert ng Journey eh.
Esther: Nice, libre naman.
Amy: Oo nga.
Lee: sige, pagkagaling ko sa bahay.
(lumabas na si Lee at in-on ni Esther ang TV)
Esther: Nood nga muna tayo, kanina pa tawag ng tawag si Col. Cortez eh.
On TV (Jessica): Kasalukuyan pong inaalam ng mga operatiba ang “7th Bomb” na hindi pa sumasabog. 6 na po sa mga bomba ang napigil sa pagsabog. Isang nagngangalang “Padre Damaso” ang sinasabing nagpakalat ng mga bombang ito. Una nang sumabog ang Suarez Tower sa tapat ng Campo Reporma. Sa ngayon, ayaw pa po magbigay ng karagdagang pahayag ni Col. Cortez na namumuno sa kasong ito. Ito po si Jessica Guryon para sa Takti.

(Sa Campo Reporma)
(nag ring ang speaker phone)
David: Hello?
Lee: Lee to. Negative, walang black bag dito.
David: Oh shit.
Leon: Lee, umuwi ka na, change of plans.
David: No. Wag ka umuwi.
Leon: Ha bakit?
David: Lee, bumili ka ng ticket ng journey, icheck mo ang loob ng Batangas Coliseum.
Lee: Sure thing. (binaba ang phone)
Leon: What the-? Anong plano mo?
David: Bigyan mo naman yung tao ng break, give him a break, panoorin mo siya ng concert.
Eugenio: Oh, Leon, gawin mo na plano mo.
Leon: Ang tanong, san tayo kukuha ng pieces of evidence?
David: Iinterrogate nyo yung mga nahuling bombers.
Leon: Sige, ako na.
David: Eugenio, ipakalat ang mga sundalo sa naiisip mong mga lugar na pwedeng paglagyan ng bomba.
Eugenio: Kahit saan pwede ilagay ang bomba.
David: Sige, hintayin mo ang kalalabasan ng imbestigasyon ni Leon.
(after 30 mins)
Leon: Wala na talagang mapiga.
Eugenio: Ano, pasasabugin na natin?
David: Ang hirap kalaban ng Padre Damaso na to. Pinaglalaruan tayo.
Leon: Alam ko na, ipamedia natin, ipakalat natin yung mga lugar na pinaghahanapan natin.
David: Tapos?
Leon: Matatawa si Padre Damaso at di nya mapipigil tumawag at mangasar. Makakapagbigay siya ng clue.
David: Sige.

(Sa labas ng Campo Reporma)
(Maraming tao at media)
Jessica: Major, major, ano na po ang sitwasyon.
Leon: Ah, everything is under control, at meron na kaming mga tauhan na idineploy sa matataong lugar. Ang maipapayo ko lamang sa mga tao na nasa bahay, mag stay na kayo sa mga bahay nyo. Yung iba umuwi na. Dahil delikado kung saan inilagay ang bomba.

(Sa Campo Reporma)
David: Pre, ilang oras ang lumipas ng itransport ang bomba mula Batangas hanggang Maynila?
Eugenio: Matagal. Mga 48 Hours din ang lumipas matapos iwanan ni Cedric ang bomba nang sumabog ang bomba.
David: Pero di maitatravel by water yun. Unless may sariling bangka si Padre Damaso. Pati by air kung may sarili din siyang eroplano. 48 hours, pwede na siya umabot ng Visayas. Shit.
(nag ring ang speaker phone)
David: Hello?
Lee: Hello David? Meron akong nakitang bag, saktong sakto nung tinukoy mo. Pero kasi, nanduon siya sa likod ng amplifier.
David: Shit. Backstage.
Lee: Oo. Tama. Backstage.
David: Hindi naman computer locked ang Batangas Coliseum di ba?
Lee: Hindi. Pero siyempre may security iyon. International band ang nandito eh.
David: Uhm…
Eugenio: Lee!
Lee: Oh?
Eugenio: tingnan mo sa paligid ng backstage kung may mga Cameras.
Lee: Sige, tatawag uli ako. (binaba ang phone)
Leon: Ano na?
David: May nakita nang match.
(nag ring uli ang phone)
Lee: Di ako makadaan, hinaharang ng mga security.
David: Ano yung nireantahan na sound system ng Batangas Coliseum?
Lee: Acosta Sounds and Lights.
David: Good. Madali lang. ASL. Ganito, sabihin mo mula ka sa ASL. Eugenio, do the job.

(Sa Batangas Coliseum)
Security: O, bawal po sir.
Lee: Mula ako sa Acosta Sounds ang Lights, nagkatrouble daw kasi sa amplifier eh.
Security: Wala pong sinabi sa akin na may darating na taga ASL. Excuse me ah. (hinawakan ang headphone) Hello sir? Ah okay. Sige, sabi ni hepe, nahuli lang siya ng pagsabi.

No comments:

Cast of Characters

Danilo Montano/ Captain Nguso - ang orihinal na Danilo Montano. Siya pa rin si Captain Nguso. Guro sa isang industrial school.
Maj. Leon San Miguel - commandant ng paaralang pinagsisilbihan ni Danilo Montano. Isa rin siyang sundalo ng Philippine Navy. Miyembro ng samahang Ilustrado.
Col. David Cortez - Taga Philippine Army na kasama ni Leon sa PMA. Isa siya sa mga pinakabatang sundalo ng Army. Miyembro rin ng Ilustrado.
Lt. Col. Eugenio Galvez - kasamahan nila David at Leon sa PMA. Nagsisilbi rin siya sa Navy. Miyembro ng Ilustrado.
Domingo Lee - si Lee Kong King na nagbago ng pagkatao. Di siya nagpakilala bilang Lee Kong King at nagbago ng pangalan bilang Domingo. IT Specialist ng National Bank of Anonas (NBA). Sumama sa samahang Ilustrado.
Lloyd Lopez - NBI Agent. Isa siya sa mga di pinapansin na agent ng NBI dahil hindi magaling.
Jessica Guryon - TV Broadcaster na nais maging presidente ng Pilipinas.
Francisco Cosme - simpleng magsasaka na depositor ng NBA.
Marie Diana Estevez - teller ng NBA.
Amy Marquez - teller rin ng NBA pero sa new accounts.
Esther delos Santos - bank manager ng NBA.
King Ronaldo Canonizado - miyembro ng criminal syndicate na KONVIC. Siya ang laging ginagamit na pang front. Artista siya. Mas kilala bilang Ron Iglesia.
Jerome Manalastas - abogado ng KONVIC. Pangarap maging presidente ng Pilipinas.
Bertucio Pinaglabanan - dating miyembro ng EHS. Pero dahil naghihirap na sila ni Betina, kinakailangan nyang sumideline. Front nya ang pagjajanitor. Siya ang delivery man ng KONVIC.
Vic "AKON" Gonzaga - lider ng KONVIC. Pinagsamang aKON at VIC. Pinapalabas nila na ang kanilang samahang KONVIC ay NGO na tumutulong sa mga mahihirap na nasa probinsya.
Padre Damaso - isang voice over na nilalang na naguutos sa kanyang mga tauhan ng kasamaan. Lider ng samahang "Unity"
The Fox - lider ng samahang Dragons na gumugulo sa katahimikan ng bansa.
Ma. Angelique Holcim - mayamang haciendera sa Batangas. Matalino rin at may koneksyon sa military dahil sa kanyang dating asawa na militar.
Toni Espina - asawa ni Eugenio. Frequent depositor ng NBA.
Lawrence Espinosa - nagtatrabaho sa SSS. May malaking koneksyon sa pamahalaan.
Gen. Justo Gustavo - pinakamataas sa buong Philippine Army.
Cedric Manual - scientist na ang tanging nais ay magkaroon ng di mapapantayang kapangyarihan.
Mayor Andrew Bistro - mayor ng Nasugbu, Batangas.
Eileen Dumayo - mananahi na sinasabing may kapangyarihan makita ang mangyayari at magpabangon ng patay.

AND THE OTHER CHARACTERS ARE TO FOLLOW...