Tuesday, April 14, 2009

Episode III: Ikalawang Pagkikita

(sa Manual's Laboratory)
Cedric: Piece of rubbish. Ibabalik ko nga ito sa junk shop na pinagbilhan ko.

(Sa faculty ng Xavier Entrepreneurial School)
JR: Oh, Danilo, nagmamadali ka ata?
Danilo: Oo, may pupuntahan lang ako eh.
JR: Ah. Okay.
(pagalis ni Danilo)
JR: Goodmorning Ani!
Anito: Morning din. Umalis na si Danilo?
JR: Oo.
Anito: Nabalitaan mo yung nangyari sa Science Fair kahapon?
JR: Yung pagkabaril Kay Mayor?
Anito: Maliban dun. Di ba may sumigaw ng Captain Nguso?
JR: Oo nga raw.
Anito: Tingin ko si Danilo yun eh.
JR: Bakit?
(pinakita ang dyaryo na may picture ni Danilo na may caption na "alleged Captain Nguso")
JR: Yung bisayang yun si Captain?
Anito: Pwede
JR: Hay naku Anito, bagong gising ka lang kaya kung ano anong nasasabi mo.
Anito: Seryoso ako.
JR: Antok ka lang.
Anito: (hmmm... kailangan malaman ko kung si Danilo nga si Captain... tapos... hmmm...)

(Sa National Bank of Anonas)
Marie: Bakit mo ba naisip makipagtagisan dun kay major?
Domingo: Eh ang yabang eh.
Marie: Pero major pa rin yun. E kung iparatrat nun bahay mo?
Domingo: Iiyak ka?
Marie: Manahimik ka nga dyan Lee!
Domingo: (omigawd. Alam kaya nya na ako si Lee Kong King?!) Bakit nga pala Lee na tawag mo ngayon?
Marie: Mas maikli eh kaysa Domingo pa.
Esther: O kayo? Bakit kayo nagkukwentuhan lang?
Domingo: Breaktime naman po di ba?
Esther: Maskina. Dapat alerto kayo. E kung maholdap nanaman tayo?
Domingo: Sige po.
(umalis na si Esther)
Marie: Sige na. Meron nang kliyente eh.
(tumingin sa labas si Domingo)
Domingo: Oo nga no. Yung magsasaka? Hahahahahaha
Marie: Bakit ba ang yabang mo talaga.
Domingo: Di ah!

( Sa Junk Shop)
Cedric: Hoy!
Jack Kuh Lin: Bakit?
Cedric: Di naman gumagana tong wire na to eh!!
Jack: Gana lahat akin benta! Tingin nga kung anong problema.
(tiningnan ni Jack ang wire. Kuminang ang katagang Pull wire to release power)
Jack: (huh? Wire ni Captain? Hahahahaha...) Sige. Ako bigay uli sayo bago wire. Pero ikaw ingat wag sira. Ako benta sayo IPOD Touch galing China. Ikaw gusto?
Cedric: Sige. Basta pwede manood ng porn.
Jack: Oo. Pwede. Kahit ikaw video sarili mo gawa porn.
Cedric: Magkano naman?
Jack: uhm, dahil ako awa sayo kasi sira wire bigay ko, ako bigay sayo ipod 2000 lang.
Cedric: Original ba yan?
Jack: Oo. Ito original. Ito imported din. From China.
Cedric: Wow. Mura lang. Bilhin ko na. Saka akin na rin ang wire na pamalit.
(umalis si Cedric)
Jack: After a millenium. Hahahaha. Nakuha ko rin ang loomex wire na to. Maybe this time, magagamit ko na siya...
Danilo: Ah, excuse me po, bibili sana ako ng yero. Nilipad kasi bubong namin eh.
Jack: Ah yero? Ako meron. Teka, ako hanap.
(umalis si Jack at naiwan ang loomex wire sa may counter ng junk shop)
Danilo: Holy- Ito ang wire! Haha... (pinalitan ni Danilo ang wire ng loomex na nakuha nya mula kay Cedric)
Jack: Ito. Ito yero. 150 lang.
Danilo: Sige. Salamat.
(kinuha ni Jack ang loomex na nasa counter at umalis)

(Sa Campo Reporma, Batangas)
Leon: Oh pare!
Lt. Col. Eugenio Galvez: Oi! Long time no see!
Leon: asensado na ah. Tinyente koronel. Naks. Saan ka ba nakadestino?
Eugenio: Maynila pare. Dun ako nagoopisina.
Leon: Mayaman na mayaman na ang dating ah. Ano yan (pabulong) kurakot?
Eugenio: Pare naman. Di ako ganyan! Hahaha. Si Alanus lang yung ginaganyan ko. Hahaha. Yung kaklase natin dati. Alam mo kung ano siya ngayon?
Leon: Ano na?
Eugenio: Pare, big time na. Last time na nagkita kami inalok pa ako ng babae.
Leon: WOW PARE! Sana magkita kami. O, may negosyo ka ba?
Eugenio: Oo, dun nga galing ang pera eh.
Leon: Ano naman?
Eugenio: parlor pare.
Leon: (nagulat) Par-parlor?
Eugenio: Oo pare, yung sikat na parlor? Galvez Beauty Parlor and Salon.
Leon: Ah... Hehe... Ah.. Eh.. Napadalaw ka?
Eugenio: Oo nga, napadalaw nga lang ako. Kwento ka naman ng mga pangyayari dito sa Batangas!

(Sa Campo Reporma pa rin. Pero sa opisina)
Gen: Col. Cortez, kailangan maimbestigahan ng AFP kung sino ang bumaril sa mayor natin. Hindi naman patay ang mayor. Buhay pa siya. Pero kritikal ang kalagayan nya ngayon. 1 shot below the heart. Buti di tinamaan ang puso. Kailangan, bumuo ka ng team. Yung team na hindi malalaman na mula sa army. Ayokong makaabala sa imbestigasyon ng pulisya.
David: Sir, yes sir!
(lumabas siya ng opisina at naglakad papalabas)
Eugenio: Oh David!
David: Ui, Galvez. ano na?
Eugenio: Tinyente Koronel pare.
David: Ah ganun. Pre, Col. Cortez.
Eugenio: Ah. Sir. Hehe.
Leon: Nice. Para tayong nagreunion nito ah.
Eugenio: Oo nga eh. Haha. Kwento naman kayo.
David: Wala akong kukwento eh. Pupunta ako ng NBA.
Leon: Sasabay na ako. Magwithdraw din ako ngayon eh.
David: Sige.
Eugenio: Oh, e di sumakay na kayo sa kotse ko tapos sa byahe, dun na tayo magkwentuhan.
David: Sige. Tama, nice idea.

(sa medyo malayong lugar)
man in black: sir, umalis na po si Colonel. Kasama po nya ang 2 ring sundalo. Mukhang magkakakilala po sila.
man on radio: sundan mo. Pero be sure, di ka mahuhuli.
Man in black: roger that.

No comments:

Cast of Characters

Danilo Montano/ Captain Nguso - ang orihinal na Danilo Montano. Siya pa rin si Captain Nguso. Guro sa isang industrial school.
Maj. Leon San Miguel - commandant ng paaralang pinagsisilbihan ni Danilo Montano. Isa rin siyang sundalo ng Philippine Navy. Miyembro ng samahang Ilustrado.
Col. David Cortez - Taga Philippine Army na kasama ni Leon sa PMA. Isa siya sa mga pinakabatang sundalo ng Army. Miyembro rin ng Ilustrado.
Lt. Col. Eugenio Galvez - kasamahan nila David at Leon sa PMA. Nagsisilbi rin siya sa Navy. Miyembro ng Ilustrado.
Domingo Lee - si Lee Kong King na nagbago ng pagkatao. Di siya nagpakilala bilang Lee Kong King at nagbago ng pangalan bilang Domingo. IT Specialist ng National Bank of Anonas (NBA). Sumama sa samahang Ilustrado.
Lloyd Lopez - NBI Agent. Isa siya sa mga di pinapansin na agent ng NBI dahil hindi magaling.
Jessica Guryon - TV Broadcaster na nais maging presidente ng Pilipinas.
Francisco Cosme - simpleng magsasaka na depositor ng NBA.
Marie Diana Estevez - teller ng NBA.
Amy Marquez - teller rin ng NBA pero sa new accounts.
Esther delos Santos - bank manager ng NBA.
King Ronaldo Canonizado - miyembro ng criminal syndicate na KONVIC. Siya ang laging ginagamit na pang front. Artista siya. Mas kilala bilang Ron Iglesia.
Jerome Manalastas - abogado ng KONVIC. Pangarap maging presidente ng Pilipinas.
Bertucio Pinaglabanan - dating miyembro ng EHS. Pero dahil naghihirap na sila ni Betina, kinakailangan nyang sumideline. Front nya ang pagjajanitor. Siya ang delivery man ng KONVIC.
Vic "AKON" Gonzaga - lider ng KONVIC. Pinagsamang aKON at VIC. Pinapalabas nila na ang kanilang samahang KONVIC ay NGO na tumutulong sa mga mahihirap na nasa probinsya.
Padre Damaso - isang voice over na nilalang na naguutos sa kanyang mga tauhan ng kasamaan. Lider ng samahang "Unity"
The Fox - lider ng samahang Dragons na gumugulo sa katahimikan ng bansa.
Ma. Angelique Holcim - mayamang haciendera sa Batangas. Matalino rin at may koneksyon sa military dahil sa kanyang dating asawa na militar.
Toni Espina - asawa ni Eugenio. Frequent depositor ng NBA.
Lawrence Espinosa - nagtatrabaho sa SSS. May malaking koneksyon sa pamahalaan.
Gen. Justo Gustavo - pinakamataas sa buong Philippine Army.
Cedric Manual - scientist na ang tanging nais ay magkaroon ng di mapapantayang kapangyarihan.
Mayor Andrew Bistro - mayor ng Nasugbu, Batangas.
Eileen Dumayo - mananahi na sinasabing may kapangyarihan makita ang mangyayari at magpabangon ng patay.

AND THE OTHER CHARACTERS ARE TO FOLLOW...