Monday, April 13, 2009

Episode II: Pagpapasa

(sa ospital)
(Nag ring ang telepono)
David: Hello?
Esther: Hello sir? Nagpapatawag daw po kayo ng isa sa aming bank tellers?
David: Ha? Ah. Oo, pero naisip ko wag na rin.
Esther: Ah okay po sir. I would just like to inform na meron na po kayong bank account dito po sa-
David: yeah. I have been informed. Salamat nga pala. Sino nga ba to?
Esther: Esther delos Santos po sir. Bank manager po.
David: Ah. Okay. Salamat
Esther: Get well soon po sir.

(Makalipas ang maraming araw. Sa KONVIC Office)
Jerome Manalastas: Sir, meron po tayong bagong recruit na member.
Vic: At sino naman?
Jerome: Bertucio Pinaglabanan po sir.
Vic: Parang narinig ko na ang pangalan nyan ah. Papasukin yan dito.
(pumasok ang isang mukhang inosenteng lalaking naka damit na maluwang)
Vic: Bakit ka nandito?
Bertucio Pinaglabanan: Para po magsilbi sir.
Vic: Hindi ko kailangan ng korning sagot!
Bertucio: Sir, para po sa pamilya ko.
Vic: Bakit? Di ba EHS ka? Wala na ba kayong kayamanan?
Bertucio: Wala po akong parte sa kayamanan ng EHS. Ang binigay nila sa akin, naubos na nuong naoperahan ako.
Vic: HAHAHAHAHAHA... Sinasabi ko na nga ba! Mga mapangaping SAMAHAN! Mga mahilig mang discrimanate! Hahahaha... Yan... Yan ang napapala ng mga mayayabang na yan!!! Hahahaha... Katulad mo! Dapat sayo nabubulok sa hukay kasama ang mga big boss nyo! Hahahahaha... Wahahahahahahaha... Pasalamat ka, mabait ako. At kailangang kailangan ko ng tauhan. Mula ngayon, ikaw si Bert Fighter. Hahahaha... Sige... Lumabas ka na!
(lumabas si Bertucio, nasa labas si Jerome)
Bert: Galit na galit sa EHS yun ah.
Jerome: Inapi kasi yun dati...
(flashback)
(Sa school, 1st year high school pa sila)
Lee: Hoy negro!
Vic: ***o!
Juan: Hahaha, sumasagot ang bakla!
Lee: (nag play mula sa cellphone ng mga videos ni Vic)
(sinunggaban ni Vic si Pedro ngunit biglang sinuntok ni Pedro si Vic. Iniwan nila si Vic na umiiyak.)
(back to present)


(Sa isang science fair)
(Dinala ni Danilo ang kanyang wire sa pagaakalang may mapapasahan siya nito. Hawak nya ito at nabangga nya ang isang lalaking may hawak na loomex wire din at isang bilog na something. Nalaglag nila yung mga dala nila)
Danilo: ay sori.
Cedric Manual: Sori, sori, muntik mo na masira yung Ring of Fire!
Danilo: Sorry talaga. (sabay pulot ng wire at lumayo na)
Danilo: Langhiya. Mawala pa tong wire na to. Wag na nga lang. Uwi na nga lang ako.
(nakita ni Danilo si Leon kasama ang kanyang mga kadete habang nagdidiscuss sa isang weapon)
Leon: Ito ang magiging future weapon natin. Ang babago sa ating lahat, ito ang bagong rifles natin pagdating ng panahon.
Danilo: Ui major!
Leon: O, sige, tingnan nyo muna yan.
Cadets: Sir, yes sir!
Leon: Oh bakit Danilo?
Danilo: Gusto mo ng kapangyarihan?
Leon: Anong kapangyarihan?
Danilo: Kapangyarihan ni Capt. Nguso.
Leon: Nauulol ka na ba? Ano ka si Captain Nguso?
Danilo: Di nga gusto mo ba?
Leon: Di ko kailangan yan, Danilo. Di mo ba nakikita? Mas mababa sa akin si Captain Nguso. Major na ako, Captain lang siya. Isipin mo nga yan. (umalis at bumalik sa mga kadete na tumitingin sa future weapons)
Danilo: Hay nako. Tago ko na nga lang to.
(Sa ibang parte ng Science Fair, nagdidiscuss si Domingo Lee tungkol sa technology ng kanilang bangko)
Domingo Lee: Kahit si Hackass, di kayang i-hack to.
Audience 1: Sino ba yun?
Domingo: Hacker. Hehe. May tanong pa ba?
Leon: Eh kung i-hack ko yan?
Domingo: (p*t*** i*a ang yabang nito ah) Sige. Pag na hack mo, babayaran kita ng 2 Million.
(nagkaroon ng commotion sa paligid. Nabigla si Esther)
Leon: Sige. Bigyan mo ako ng 1 hour.
Domingo: eh kung after 1 hour di mo na hack?
Leon: E di, magaling talaga yan.
Domingo: Pag di mo na hack, babayaran mo kami ng fine na 2 million?
Leon: Wag na.
Domingo: Bakla ka pala eh!
Leon: T*ng i*a, ayokong tinatawag akong bakla eh! (Nangaamba ng suntok)
Domingo: O ano? Hanggang ganyan ka naman eh! Para kang si Vic!
(sinapak ni Leon si Domingo, nagsuntukan sila at napigil sila ng mga tauhan ng mayor)
Tauhan 1: Tigil na yan. Parating na ang mayor.

(Sa science fair pa rin, sa Manual's Laboratory)
Cedric: hmmm... Finally, magagawa ko na itong invention ko. Ang ring of fire. Hahaha. Isang stove na di nangangailangan ng electricity, gas o uling. Automatic na nagiinit basta isaksak sa extension for 5 minutes para sa charging. Ikakabit ko na ang last wire. Ang loomex wire.
(Ikinabit ni Cedric ang loomex wire. Hindi nya alam na ito ang loomex wire ni Captain Nguso. Hindi gumana ang Ring of Fire.)
Cedric: Ano ba yan. Ano bang problema dito...
(Binunot ni Cedric ang wire. Kumintab ito. At binasa nya ang nakasulat)

Pull wire to extract power then shout Captain Nguso

(Kuminang ang mga salitang Captain Nguso ng ginto.)
Cedric: Ito na ata ang kapangyarihang sinasabi ko. Hahahahaha...

(sa stage ng Science Fair)
Mayor Andrew Bistro: Well, ginawa ang science fair na ito para sa ikauunlad ng ating bayan. Ang ating goal, maunahan ang Maynila pagdating sa teknolohiya o kahit ang Japan pa!
(isang putok ng baril ang narinig, bumagsak ang mayor. Nagtakbuhan ang mga tao. Kinuha ni Danilo ang wire mula sa kanyang bulsa. Tiningnan, hinatak ang loomex wire at sumigaw siya ng...)
CAPTAIN NGUSO!!!!
(Nagtinginan lahat ng tao kay Danilo habang nakataas ang kanyang kamay na may hawak na loomex. Binaba nya ito at naglakad papalayo. Natawa-tawa ang mga tao sa kanya)

(Sa bahay ni Danilo)
Danilo: Ano ba yan. Kahihiyan naman. Akala ko pa naman... HIndi na ito ang wire ko. Baka ito yung sa baliw na nabangga ko... Pero... O HINDI!!!

No comments:

Cast of Characters

Danilo Montano/ Captain Nguso - ang orihinal na Danilo Montano. Siya pa rin si Captain Nguso. Guro sa isang industrial school.
Maj. Leon San Miguel - commandant ng paaralang pinagsisilbihan ni Danilo Montano. Isa rin siyang sundalo ng Philippine Navy. Miyembro ng samahang Ilustrado.
Col. David Cortez - Taga Philippine Army na kasama ni Leon sa PMA. Isa siya sa mga pinakabatang sundalo ng Army. Miyembro rin ng Ilustrado.
Lt. Col. Eugenio Galvez - kasamahan nila David at Leon sa PMA. Nagsisilbi rin siya sa Navy. Miyembro ng Ilustrado.
Domingo Lee - si Lee Kong King na nagbago ng pagkatao. Di siya nagpakilala bilang Lee Kong King at nagbago ng pangalan bilang Domingo. IT Specialist ng National Bank of Anonas (NBA). Sumama sa samahang Ilustrado.
Lloyd Lopez - NBI Agent. Isa siya sa mga di pinapansin na agent ng NBI dahil hindi magaling.
Jessica Guryon - TV Broadcaster na nais maging presidente ng Pilipinas.
Francisco Cosme - simpleng magsasaka na depositor ng NBA.
Marie Diana Estevez - teller ng NBA.
Amy Marquez - teller rin ng NBA pero sa new accounts.
Esther delos Santos - bank manager ng NBA.
King Ronaldo Canonizado - miyembro ng criminal syndicate na KONVIC. Siya ang laging ginagamit na pang front. Artista siya. Mas kilala bilang Ron Iglesia.
Jerome Manalastas - abogado ng KONVIC. Pangarap maging presidente ng Pilipinas.
Bertucio Pinaglabanan - dating miyembro ng EHS. Pero dahil naghihirap na sila ni Betina, kinakailangan nyang sumideline. Front nya ang pagjajanitor. Siya ang delivery man ng KONVIC.
Vic "AKON" Gonzaga - lider ng KONVIC. Pinagsamang aKON at VIC. Pinapalabas nila na ang kanilang samahang KONVIC ay NGO na tumutulong sa mga mahihirap na nasa probinsya.
Padre Damaso - isang voice over na nilalang na naguutos sa kanyang mga tauhan ng kasamaan. Lider ng samahang "Unity"
The Fox - lider ng samahang Dragons na gumugulo sa katahimikan ng bansa.
Ma. Angelique Holcim - mayamang haciendera sa Batangas. Matalino rin at may koneksyon sa military dahil sa kanyang dating asawa na militar.
Toni Espina - asawa ni Eugenio. Frequent depositor ng NBA.
Lawrence Espinosa - nagtatrabaho sa SSS. May malaking koneksyon sa pamahalaan.
Gen. Justo Gustavo - pinakamataas sa buong Philippine Army.
Cedric Manual - scientist na ang tanging nais ay magkaroon ng di mapapantayang kapangyarihan.
Mayor Andrew Bistro - mayor ng Nasugbu, Batangas.
Eileen Dumayo - mananahi na sinasabing may kapangyarihan makita ang mangyayari at magpabangon ng patay.

AND THE OTHER CHARACTERS ARE TO FOLLOW...