(Sa Salvatore Café)
Leon: Bakit mo ba kami inimbitahan dito?
Eugenio: E kasi magpapa-despidida ako sa inyo. Tinanong ko si David, sabi nya dito na lang daw.
David: May kakatagpuin din ako.
Leon: E may kakatagpuin pala to eh. Iwanan na natin.
Eugenio: Kaya nga ako magpapadespidida kasi aalis na ako ng Batangas eh.
Leon: Di ko na siguro aalamin kung bakit.
Eugenio: Isa pa pre.
David: Ano?
Eugenio: Ikakasal na ako!
Leon: O? Ang bilis naman. Haha.
Eugenio: Oo pare, ganun kabilis ang pagibig. Tinamaan agad ang puso ko.
David: O, pare, congrats!
Eugenio: Maiba tayo. Nalaman nyo ba yung tungkol daw sa gunman ni Mayor Bistro?
Leon: Yung baliw?
Eugenio: Oo.
David: bakit?
Eugenio: duda akong yun talaga ang gunman eh.
David: Ako rin eh.
Eugenio: Pre, may tinatago sa atin ang pamahalaan.
(dumating si Domingo)
David: teka lang.
(lumapit si David kay Domingo)
Domingo: pre, di ako lalapit pag nandyan si Major.
David: Di pare, ako nagimbita sayo.
(lumapit na sila sa mesa. Tumingin si Leon kay Domingo)
Eugenio: Pare, may minumungkahi to si Leon eh.
David: teka mga pre, si Domingo Lee, IT Specialist ng NBA.
Leon: Sorry na pre. (nakipagkamay kay Domingo)
Domingo: Ayos lang yun. (nakipagkamay din) sorry din.
Eugenio: E di matutupad na ang minungkahi ni Leon.
David: ano ba yun?
Leon: Isang grupo. Binigyan kasi ako ng ideya ni JR eh. Co-faculty ko sa XES. Sabi nya, mas maganda raw kung merong grupo na mabubuo na lalaban sa krimen, katulad ng EHS.
David: Tapos tingin mo tayo yun?
Leon: Oo. Di mo ba nakikita? Mga sundalo tayo. Nasa batas tayo.
David: Pero sumusunod tayo sa direktiba. Meron pang mas mataas sa atin. Di na natin maibabalik ang nagawa ng EHS noon.
Domingo: Kaya pa.
Eugenio: Paano?
Domingo: Hindi naman inexpect ng EHS na magiging ganoon kalakas ang kanilang samahan eh. Ang una nilang inisip, pagkakaibigan. Isang samahan na mapagsasama-sama ang iba’t ibang personalidad. May mayaman, mahirap, iba-iba. Yun nga lang, nagkaisa sila hanggang huli.
Eugenio: Pero buwag na sila?
Domingo: Kasi 2 sa mga lider ang nawala. Yung isa namatay, yung isa, nawala na. Hindi alam kung anong nangyari. Inisip nalang nila na natunaw na ang bangkay.
Leon: Yun nga. Tama si Domingo. Magkakaibigan tayo. Kaibigan na rin natin si Domingo. Kaya natin to ng sama-sama.
David: Pero mga pare, ang EHS, ginamitan rin nila ng pera ang lahat. Mayayaman ang mga lider nila. Nagkaroon sila ng sariling bayan, sariling barko, lahat.
Domingo: Di naman tayo magtatayo na ng bayan di ba?
Leon: Oo nga naman.
David: Hindi na nga, pero kailangan natin ng pera. Di tayo pwede lumaban against sa pamhalaan.
Eugenio: Kakampi tayo.
David: Pero maraming tiwali sa pamahalaan!
Domingo: Pwede tayong magunderground.
Eugenio: Underground as in sikretong samahan?
Domingo: Oo.
David: Pano kung isipin nila na mga kalaban tayo ng batas?
Leon: E di wag nating hayaang mangyari.
Eugenio: Alam nyo, nakikita ko na maganda. Pero wala na ba tayong tiwala kay Captain Nguso para gawin lahat ng ito?
David: Ako man, duda ako na buhay pa si Captain Nguso ngayon.
Leon: So ano? Pumapayag na kayo?
Eugenio: Oo.
Domingo: oo.
David: Oo.
Leon: Yes! May grupo na tayo. Bakit di natin tawagin ang ating mga sarili na Suldados?
David: Hindi. Kasi si Domingo di naman sundalo eh.
Eugenio: Bakit hindi Katipunero?
Domingo: Parang mapagalsa tayo nun eh.
David: Tingin ko, mas maganda kung Ilustrado.
Eugenio: bakit Ilustrado?
David: Simple. Noong panahon ng mga Kastila sa Pilipinas, ang mga Ilustrado ang mga nakapagaral sa ibang bansa, may mataas na antas ng edukasyon na nagnanais ng pagbabago. Parang repormista.
Leon: Tama. Ilustrado na lang.
Domingo: Bakit di tayo gumawa ng kasulatan? O kasunduan? Na nagtitibay sa atin?
Leon: bakit pa?
Domingo: Kasi ang EHS, meron silang Kasunduan sa Paris II noon.
Eugenio: Sige.
(gumawa siya ng kasulatan at nilagdaan ng lahat)
Eugenio: At para mapagtibay ang ating samahan, (uminom ng kape si Eugenio, minumug at dinura uli sa baso) gawin natin lahat yun.
(ginawa ng lahat)
Eugenio: Ngayon, ipagsama sama nyo dito sa basong ito.
(pinagsama-sama nila at uminom na si Eugenio)
Eugenio: inuman nyo rin.
(ininuman na nila Leon at David. Nagdalawahan si Domingo pero ininom na rin nya)
Eugenio: yun, ang saliva compact. Ngayon. Tayo ang mag ILUSTRADO!
Ilustrado: MABUHAY!
(sa isang malayong kanto)
Drug addict: miss, holdap to.
Jessica Guryon: Manahimik ka. Irereport kita sa article ko!!
Drug Addict: aba! (aambang sasaksakin na ng dumating si Captain Nguso.)
Captain Nguso: Itigil mo yan, crack addict.
Drug Addict: oh!! HIGH NA AKO!!! Nakita ko na si Captain.
CN: High ka na nga. (inangat papalipad ang adik)
Drug Addict: Omigawd! Ang taas na!!!
CN: Ulol. (dumating sila sa police station) Bantayan nyo ang mga kalye. Wag nyo hayaang may mangyaring mga ganito. Buti nagiikot ako.
Police: Sige, pasensya na.
(lumipad uli si Captain Nguso at bumalik kay Jessica)
(pagbalik nya, naroon na ang media)
Jessica: Captain, salamat. Pwede ba kita maging feature ng show ko na Kapitbahay mo, Jessica Guryon?
CN: Why not?
================DYARYONG BUKID=====================
Drug Adik nadala sa pulisya,
Si Captain Nguso ang nagdala!
ang paboritong libro ni Hudas - bob ong
-
kagabi..bumili ako ng libro ni Bob Ong ang paboritong libro ni Hudas.
Nabasa ko na ren naman tong libro na to siguro mga ilang siglo na ang
nakakaraan. Di ...
13 years ago
No comments:
Post a Comment