Wednesday, April 22, 2009

Episode IX: Mga Katotohanang Mabubunyag

(Salvatore Café)
Eugenio: Hindi pa rin ma-indentify kung sino yung nasa radio eh.
David: Pati nga yung mga boss ng holdaper di pa nakikilala eh.
Leon: Buti sa school namin wala namang problema.
David: Alam ko meron tayong kasamahan dito na dapat umamin ng kanyang pagkatao eh.
Domingo: Oo na. Sige. Aamin na ako.
Eugenio: teka, ano to?
Domingo: Hindi Domingo Lee ang tunay kong pangalan. Ako si Lee Kong King, member ng LHS.
Leon: Pre, wag mo nga kami lokohin. Matanda na yun kung saka-sakali!
Domingo: Di ako nanloloko. Ako si Lee Kong King. Di ko rin alam noon bakit di ako tumatanda. Hindi tumatanda mukha ko pati katawan at pagkatao ko. Tapos nabasa ko sa isang magazine na sinulat ni Elizabeth Savage na nagkaroon ng error sa kanyang ginawang “Gwapo Krema”. Na sinuman ang ma-applyan nito ay hindi tatanda o mamatay sa katandaan. Nagkataon na sumabog ang barkong sinasakyan namin, nagkaroon ang lahat ng EHS ng Gwapo Krema. Kaya siguro ganito pa rin ako.
David: Ibig sabihin yung mga natitira pang buhay ngayon tulad nila Juan Salvador, ganun din?
Domingo: Kung buhay pa si Juan. Pero oo, lahat. Basta’t may Gwapo Krema.
Leon: Wow. Makakabili pa ba nun?
Domingo: Binago na ni Elizabeth Savage ang mixture. Wala na ang ganun.
David: Pero teka, ang nakakapagtaka wala kang records sa pamahalaan ng Pilipinas.
Domingo: Dinelete ko. Wala ring thumbmarks na makakapagidentify ng pagkatao ko. Binago ko lahat. Ginagawa ko pa lang yung pineke kong biography. Ang biography ni Domingo Lee.

(Sa Campo Reporma)
Technician: General, hindi nyo paniniwalaan ang pagkatao nung inisketch.
Gen: Bakit?
Technician: Sir, lumalabas na si Bertucio Pinaglabanan ang driver. Though walang death certificate dito si Bertucio Pinaglabanan, ang edad ni Bertucio ngayon ay mga 81 yrs. Old. Ngunit ang dinescribe nila ay around 29 yrs. Old lang.
Gen: Niloloko ako ng mga yun ah.
David: General, hindi ka niloko ng mga holdaper.
Gen: Colonel, pano mo naman nasabi yun?
David: Nalaman ko na eternal ang pagkabata ng lahat ng EHS. Ito ang magazine ni Savage.
Gen: Sino naman yun?
David: Si Elizabeth Savage, gumawa ng Gwapo Krema na siya sumabog sa mga EHS.
Gen: Sige, sige, babasahin ko muna to. (umalis ang general)

(sa bahay ni Danilo)
JR: Happy birthday Danny!
Danilo: Danilo na lang. Hehe.
JM: Happy birthday Danilo.
JR: Ilang taon ka na ba?
Danilo: Ako? Ah.. eh… 50.
JR: Parang di ka pa sigurado ah.
Danilo: (malamang, dapat nga 1500 yrs old na ako eh) Oh, kain lang kayo.
(naglakad-lakad si Anito at nakita ang wire ni Danilo)
Anito: wire? Bakit naman magtatago si Danilo ng wire?
Danilo: Ah… Anito, dito ka, dito ang pagkain.
Anito: Ha? Ah.. eh… oo, sige, inaantok pa kasi ako eh. Hehehe…

(Sa Damaso Manor)
man on radio (Padre Damaso): Ano nasundan nyo ba ang mga ginagawa ni Col. Cortez?
Man in black: Yes sir.
Padre Damaso: Buweno, itigil nyo na ang pagsunod. Wala na tayong mapapala sa kanya. Hindi ko pa siya ipapapatay…

No comments:

Cast of Characters

Danilo Montano/ Captain Nguso - ang orihinal na Danilo Montano. Siya pa rin si Captain Nguso. Guro sa isang industrial school.
Maj. Leon San Miguel - commandant ng paaralang pinagsisilbihan ni Danilo Montano. Isa rin siyang sundalo ng Philippine Navy. Miyembro ng samahang Ilustrado.
Col. David Cortez - Taga Philippine Army na kasama ni Leon sa PMA. Isa siya sa mga pinakabatang sundalo ng Army. Miyembro rin ng Ilustrado.
Lt. Col. Eugenio Galvez - kasamahan nila David at Leon sa PMA. Nagsisilbi rin siya sa Navy. Miyembro ng Ilustrado.
Domingo Lee - si Lee Kong King na nagbago ng pagkatao. Di siya nagpakilala bilang Lee Kong King at nagbago ng pangalan bilang Domingo. IT Specialist ng National Bank of Anonas (NBA). Sumama sa samahang Ilustrado.
Lloyd Lopez - NBI Agent. Isa siya sa mga di pinapansin na agent ng NBI dahil hindi magaling.
Jessica Guryon - TV Broadcaster na nais maging presidente ng Pilipinas.
Francisco Cosme - simpleng magsasaka na depositor ng NBA.
Marie Diana Estevez - teller ng NBA.
Amy Marquez - teller rin ng NBA pero sa new accounts.
Esther delos Santos - bank manager ng NBA.
King Ronaldo Canonizado - miyembro ng criminal syndicate na KONVIC. Siya ang laging ginagamit na pang front. Artista siya. Mas kilala bilang Ron Iglesia.
Jerome Manalastas - abogado ng KONVIC. Pangarap maging presidente ng Pilipinas.
Bertucio Pinaglabanan - dating miyembro ng EHS. Pero dahil naghihirap na sila ni Betina, kinakailangan nyang sumideline. Front nya ang pagjajanitor. Siya ang delivery man ng KONVIC.
Vic "AKON" Gonzaga - lider ng KONVIC. Pinagsamang aKON at VIC. Pinapalabas nila na ang kanilang samahang KONVIC ay NGO na tumutulong sa mga mahihirap na nasa probinsya.
Padre Damaso - isang voice over na nilalang na naguutos sa kanyang mga tauhan ng kasamaan. Lider ng samahang "Unity"
The Fox - lider ng samahang Dragons na gumugulo sa katahimikan ng bansa.
Ma. Angelique Holcim - mayamang haciendera sa Batangas. Matalino rin at may koneksyon sa military dahil sa kanyang dating asawa na militar.
Toni Espina - asawa ni Eugenio. Frequent depositor ng NBA.
Lawrence Espinosa - nagtatrabaho sa SSS. May malaking koneksyon sa pamahalaan.
Gen. Justo Gustavo - pinakamataas sa buong Philippine Army.
Cedric Manual - scientist na ang tanging nais ay magkaroon ng di mapapantayang kapangyarihan.
Mayor Andrew Bistro - mayor ng Nasugbu, Batangas.
Eileen Dumayo - mananahi na sinasabing may kapangyarihan makita ang mangyayari at magpabangon ng patay.

AND THE OTHER CHARACTERS ARE TO FOLLOW...