Monday, April 27, 2009

Episode XIV: Deduction Show

(Sa Campo Reporma)
David: Team, mineeting ko ang mga leader ng bawat unit na ginawa ko para sa imbestigasyon ng kasong ito. Hindi natin alam kung kailan sasabog ang “7th Bomb”. Walang clue kailan ito sasabog. Pero isa lang ang sigurado natin, si Padre Damaso rin ang may gawa. Ngayon, bago natin alamin kung sino si Padre Damaso, kailangan alamin muna natin nasaan ang 7th Bomb. Any clues Lt. Col.?
Eugenio: Negative sir.
Leon: Sir, may possibility na tinatakot na lang tayo ni Padre Damaso.
David: May possibility na ganun, let us not take chances. First na pwede nyang paglagyan, siguro itong base natin. Ang Campo Reporma. Yun lang ang naisip natin. Sa dami ng lugar sa Pilipinas. Agent Lloyd? Any ideas?
Lloyd: Wala eh.
David: WTF? Di ba special agent ka?
Lloyd: Oo nga, pero di naman nila ako ginagamit na special agent eh.
David: Well ngayon gamitin mo ang deduction skills mo!
Lloyd: Okay, so meron tayong 7 bomba na itininda, sumabog ang 6 may isang natira. 7 deducted by 6 equals 1. 1!! Tama! 1! Isa na lang ang bomba!
David: Hay naku. Mr. Lopez, you are out of the case.
Lloyd: Pero pinadala ako dito ng NBI.
David: Out.
(lumabas si Lloyd ng kwarto)
David: Balik tayo sa topic. Kailangan natin dito ng matinding isipan…
Eugenio: Tatlo na lang tayo, pwede siguro na tawagin nalang kitang pre.
David: Oo nga no. Sige. Tayo tayo lang naman.
Leon: Teka mga pre. Bakit di natin tawagan si Lee?
Eugenio: Para ano?
Leon: Para tingnan tanungin si Cedric ng kulay ng bag na pinaglagyan nya. Malakas ang kutob ko na nandun pa rin yun sa lugar na pinagiwanan.
David: Oo nga no. Eugenio, tawagan mo si hepe sa Batangas. Itanong kay Cedric ang kulay ng bag na pinaglagyan.
Eugenio: Right away sir.

(Sa NBA)
Esther: Sayang din yung opportunity na maging secretary
Marie: Oo nga, di ba pangarap mo pa man din yun?
Amy: Di ah. Pangarap ko mag nurse.
Esther: Pero anlaking pera nung inoffer ni Mayor.
(nag-ring ang telepono ni Lee)
Amy: Nasan ba si Lee? Nag ring na itong telepono nya.
Marie: Sabi nya bibili lang siya ng makakain.
Amy: Sagutin ko na nga lang. Hello?
On phone (david): Hello? Lee?
Amy: Ah, hindi to si Lee. Lumabas siya, si Amy to.
David: (What the-? Bakit si Amy ang sumagot sa cellphone ni Lee?) Ah, may tatanong lang kasi ako.
Amy: Sino ba ito?
David: Si David. (binaba na ang telepono)
Marie: Sino daw Amy?
Amy: David daw.
Esther: David.. David… Ah… si Col. Cortez yan.

(Sa Campo Reporma)
David: (t**g i***g lee yan. Tinalo ako.)
Leon: Oh, ano na?
David: Wala si Lee eh.
Leon: Natahimik ka?
David: Wala, may iniisip lang ako.
(pumasok si Eugenio)
Eugenio: Kulay itim daw yung bag na yun. Tapos yung bag may tatak na “BIKE”. Kulay puti yung tatak, tapos malaki. Sports bag siya.
David: Bakit di nalang kaya natin ipahanap sa pulis at hindi na kay Lee?
Leon: Wag. Kung sakaling naka surveillance si Padre Damaso sa pinaka-huling bombang nilagay nya, makikita nya agad ito.
David: E di mas maganda na makita nya nang maipamukha natin na tanga siya.
Leon: Hindi yun eh. Mas maganda yung tipong magugulat siya. Yung parang akala nya uli may fireworks. Parang yung ginawa natin. Saka if ever nakita nya na may mga pulis na pumasok ng Batangas Coliseum, magtataka si Padre Damaso. Baka pasabugin na lang nya ito bigla.
Eugenio: Yeah, he’s got the point.
David: E di pagbihisin natin si hepe ng civilian, pupunta siya ng hindi naka-uniform.
Leon: Eh ang mahirap nga, di tayo sigurado kung nasa Batangas Coliseum nga. Here’s the plan. Papupuntahin muna natin dun si Lee. Pagdating ni Lee at positive, magkakaroon tayo ng mga decoys. Magpapadala tayo ng mga units sa iba’t ibang lugar kunwari para akala ni Padre Damaso nagkamali tayo. Pero siyempre malayo sa Coliseum. Kung negative naman, eh di pagdikit-dikitin uli natin ang clues.
Eugenio: You’re a GENIOUS!
Leon: Kokontakin ko na si Lee.
On Phone (Lee): Yo?
Leon: Leon to. Meron kaming papakiusap sayo. Uwian nyo na di ba? Punta ka ng Batangas Coliseum. Oi, Eugenio, kaw na nga dito.
Eugenio: Yo Lee!
Lee: o?
Eugenio: Pumunta ka ng Batangas Coliseum. Malapit sa water tank sa labas ng Batangas Coliseum, tingnan mo ang itim na sports bag na may puting sulat na BIKE. Pag nakita mo, tawagan mo kami.
Lee: Military service ba to?
Eugenio: Oo.
Lee: No. Ayoko.
Eugenio: Lee, ano bang mission natin? Peace di ba?
Lee: Eh ano bang nangyayari?
Eugenio: Just do it. (binaba ang phone) Hintay tayo.

No comments:

Cast of Characters

Danilo Montano/ Captain Nguso - ang orihinal na Danilo Montano. Siya pa rin si Captain Nguso. Guro sa isang industrial school.
Maj. Leon San Miguel - commandant ng paaralang pinagsisilbihan ni Danilo Montano. Isa rin siyang sundalo ng Philippine Navy. Miyembro ng samahang Ilustrado.
Col. David Cortez - Taga Philippine Army na kasama ni Leon sa PMA. Isa siya sa mga pinakabatang sundalo ng Army. Miyembro rin ng Ilustrado.
Lt. Col. Eugenio Galvez - kasamahan nila David at Leon sa PMA. Nagsisilbi rin siya sa Navy. Miyembro ng Ilustrado.
Domingo Lee - si Lee Kong King na nagbago ng pagkatao. Di siya nagpakilala bilang Lee Kong King at nagbago ng pangalan bilang Domingo. IT Specialist ng National Bank of Anonas (NBA). Sumama sa samahang Ilustrado.
Lloyd Lopez - NBI Agent. Isa siya sa mga di pinapansin na agent ng NBI dahil hindi magaling.
Jessica Guryon - TV Broadcaster na nais maging presidente ng Pilipinas.
Francisco Cosme - simpleng magsasaka na depositor ng NBA.
Marie Diana Estevez - teller ng NBA.
Amy Marquez - teller rin ng NBA pero sa new accounts.
Esther delos Santos - bank manager ng NBA.
King Ronaldo Canonizado - miyembro ng criminal syndicate na KONVIC. Siya ang laging ginagamit na pang front. Artista siya. Mas kilala bilang Ron Iglesia.
Jerome Manalastas - abogado ng KONVIC. Pangarap maging presidente ng Pilipinas.
Bertucio Pinaglabanan - dating miyembro ng EHS. Pero dahil naghihirap na sila ni Betina, kinakailangan nyang sumideline. Front nya ang pagjajanitor. Siya ang delivery man ng KONVIC.
Vic "AKON" Gonzaga - lider ng KONVIC. Pinagsamang aKON at VIC. Pinapalabas nila na ang kanilang samahang KONVIC ay NGO na tumutulong sa mga mahihirap na nasa probinsya.
Padre Damaso - isang voice over na nilalang na naguutos sa kanyang mga tauhan ng kasamaan. Lider ng samahang "Unity"
The Fox - lider ng samahang Dragons na gumugulo sa katahimikan ng bansa.
Ma. Angelique Holcim - mayamang haciendera sa Batangas. Matalino rin at may koneksyon sa military dahil sa kanyang dating asawa na militar.
Toni Espina - asawa ni Eugenio. Frequent depositor ng NBA.
Lawrence Espinosa - nagtatrabaho sa SSS. May malaking koneksyon sa pamahalaan.
Gen. Justo Gustavo - pinakamataas sa buong Philippine Army.
Cedric Manual - scientist na ang tanging nais ay magkaroon ng di mapapantayang kapangyarihan.
Mayor Andrew Bistro - mayor ng Nasugbu, Batangas.
Eileen Dumayo - mananahi na sinasabing may kapangyarihan makita ang mangyayari at magpabangon ng patay.

AND THE OTHER CHARACTERS ARE TO FOLLOW...