Thursday, April 16, 2009

Episode V: Si Mayor Andrew Bistro

(pumunta si David sa Intelligence Division ng Camp Reporma)
David: pwede ko ba malaman ang background ni Mayor Andrew Bistro?
Technician: pwedeng pwede po colonel.
(nag type ang technician at lumabas sa malaking screen ang buong biodata ni Mayor Bistro)
David: Explain mo na nga lang sa akin yan.
Technician: Sir, si Mayor Andrew Bistro, pinanganak noong February 13, 1993, sa-
David: wag na yung kapanganakan. Yung buhay na lang nya bago mag pulitika.
Technician: Well sir, si Mayor Bistro ay isang dating music conductor ng Anonas Boys Choir o mas kilala bilang ABC. Graduate din siya ng Boolean International School for the Music and Arts. Kaklase nya sa isang subject si King Ronaldo Canonizado o mas kilala ngayon bilang Ron Iglesia. Naging mag bestfriends ang dalawa. Tapos si Mayor, kumuha pa siya ng Economics sa Xavier. Pagkagraduate nya ng Xavier, tinigil nya ang pagcoconduct ng ABC at nagtrabaho bilang Economic Consultant ng Homeroom Furniture Inc. Nang magkita uli sila ni Ron dito sa Batangas, inaya siya ni Ron sumali sa NGO na KONVIC. Duon nagbago ang career path ni Mayor. Maliban sa bestfriend nya si Ron at nadadala nya ang pangalan ni Ron kahit saan, sumikat din siya dahil duon sa pagtulong tulong nya. Tumagal siya sa pagiging KONVIC at naisip na tumakbong Vice Mayor ng Nasugbu. Nanalo siya. Tumakbo siyang mayor. Nanalo uli siya. 2nd term na ngayon ni Mayor Bistro. Nung pagkatapos nya manalo sa 2nd term ng pagiging mayor, umalis siya sa pagiging KONVIC. Sabi nya, di daw dapat ipaghalo ang pulitika sa NGO kaya nagquit siya na tinanggap ng lider nilang si Vic. Well, wala siyang asawa pero meron siya dating nililigawan sa NBA, si Amy Marquez.
David: Hmm… siguro meron pa siyang mga kinasamahahang ibang tao na masama. O baka may di siya nabayaran…
Technician: Wala namang nabanggit dito colonel.
David: Sige. Salamat. Ay teka. Pwede mo ba tingnan ang pangalang Domingo Lee?
(nagtype uli ang technician at may lumabas din na biography)
Technician: Sir, may something po na nakakapagtaka sa kanya. Wala namang nabanggit na dati siyang Chinese citizen. Pero wala po siyang records ng kapanganakan, or records ng immigration, records ng pagpapalit ng pangalan or ano pa. Wala siyang educational records. Ang tanging record lang nya ay yung pagtatrabaho nya as IT Specialist ng NBA.
David: Bakit kaya ganun?
Technician: Sir, dalawa lang po ang dahilan ng ganyan eh. Pwede pong di nageexist yung tao, kathang isip lang o kaya gumamit ng ibang pangalan para itago ang identity.
David: If ever na dalhin ko ang kanyang thumbprint, maiiscan kaya dito yun at makikilala siya?
Technician: Opo sir.
David: E pano kung di lumabas?
Technician: Ibig sabihin po, di siya tao.

(Sa resthouse ni Eugenio)
(kinakausap nya sa telepono si Toni)
Eugenio: So ano, tayo na?
Toni: Sige.
Eugenio: Gusto ko pag tayo na, papakasal na tayo.
Toni: Ganun din ang gusto ko, para malaman ko kung sincere ka talaga.
Eugenio: Next week, aalis ako dito ng Batangas. Babalik ako probably, next month.

(sa Camp Reporma)
David: Sir, gumawa na po ako ng team para sa investigation ng nangyari kay Mayor Bistro.
Gen: Di na kailangan.
David: Bakit po sir?
Gen: Mayroon nang umamin nang krimen na yun. Baliw daw. Kaya nya nagawa yun. Nagundergo na siya sa theraphy.
David: Ano pong background ng tao?
Gen: Well, he’s just a nobody. Di siya kilala. Iskwater. Kumbaga wala namang sense din eh. Wala rin siyang pagkatao.
David: Di kaya sir, tau-tauhan lang siya?
Gen: Pwede, pero imbestigasyon ng pulis yun. This time trabaho na nila yun. Di na natin hawak yun.

(sa NBA)
Danilo: Makuha ko na nga sweldo ko para may pangkain na ako.
(pumasok ang isang magsasaka sa bangko)
Amy: o, Marie. Ikaw na bahala.
Marie: Goodafternoon po sir.
Francisco Cosme: Goodafternoon din. Magdedeposito sana ako.
Marie: Sure thing po sir. Deposit slip nyo po?
(inabot ni Francisco ang deposit slip. Nakatingin pa rin siya sa mukha ni Marie)
Marie: Sir? May problema po ba?
Francisco: Ha? Ah.. eh.. wala naman. Sige. Salamat.
(umalis na si Francisco at lumabas ng bangko)
Esther: Pagpasensyahan mo na Marie, kinikilig nanaman yun.
Amy: Parang si Marie hindi.
Marie: Manahimik ka nga Amy.
Danilo: Depositor dito yun?
Marie: Ay opo sir. Ano po sa inyo?
Danilo: Withdraw lang.
Marie: Slip po?
(inabot ni Danilo ang withdraw slip)
Danilo: Ano ba yung taong yun?
Marie: Magsasaka po siya sa Hacienda Holcim. Pero Madalas po siya nandito. Wala po kasi siyang pamilya, walang kamag anak na padadalhan ng pera. Kumbaga nagiisa na raw siya sa buhay. Kaya kung may sweldo o konting ipon, dinedeposit na po nya dito.
Danilo: Mabait ba yun?
Marie: Mabait po sir. Magalang pa.
Danilo: hmmm….

(siya na kaya ang susunod na Captain???)

No comments:

Cast of Characters

Danilo Montano/ Captain Nguso - ang orihinal na Danilo Montano. Siya pa rin si Captain Nguso. Guro sa isang industrial school.
Maj. Leon San Miguel - commandant ng paaralang pinagsisilbihan ni Danilo Montano. Isa rin siyang sundalo ng Philippine Navy. Miyembro ng samahang Ilustrado.
Col. David Cortez - Taga Philippine Army na kasama ni Leon sa PMA. Isa siya sa mga pinakabatang sundalo ng Army. Miyembro rin ng Ilustrado.
Lt. Col. Eugenio Galvez - kasamahan nila David at Leon sa PMA. Nagsisilbi rin siya sa Navy. Miyembro ng Ilustrado.
Domingo Lee - si Lee Kong King na nagbago ng pagkatao. Di siya nagpakilala bilang Lee Kong King at nagbago ng pangalan bilang Domingo. IT Specialist ng National Bank of Anonas (NBA). Sumama sa samahang Ilustrado.
Lloyd Lopez - NBI Agent. Isa siya sa mga di pinapansin na agent ng NBI dahil hindi magaling.
Jessica Guryon - TV Broadcaster na nais maging presidente ng Pilipinas.
Francisco Cosme - simpleng magsasaka na depositor ng NBA.
Marie Diana Estevez - teller ng NBA.
Amy Marquez - teller rin ng NBA pero sa new accounts.
Esther delos Santos - bank manager ng NBA.
King Ronaldo Canonizado - miyembro ng criminal syndicate na KONVIC. Siya ang laging ginagamit na pang front. Artista siya. Mas kilala bilang Ron Iglesia.
Jerome Manalastas - abogado ng KONVIC. Pangarap maging presidente ng Pilipinas.
Bertucio Pinaglabanan - dating miyembro ng EHS. Pero dahil naghihirap na sila ni Betina, kinakailangan nyang sumideline. Front nya ang pagjajanitor. Siya ang delivery man ng KONVIC.
Vic "AKON" Gonzaga - lider ng KONVIC. Pinagsamang aKON at VIC. Pinapalabas nila na ang kanilang samahang KONVIC ay NGO na tumutulong sa mga mahihirap na nasa probinsya.
Padre Damaso - isang voice over na nilalang na naguutos sa kanyang mga tauhan ng kasamaan. Lider ng samahang "Unity"
The Fox - lider ng samahang Dragons na gumugulo sa katahimikan ng bansa.
Ma. Angelique Holcim - mayamang haciendera sa Batangas. Matalino rin at may koneksyon sa military dahil sa kanyang dating asawa na militar.
Toni Espina - asawa ni Eugenio. Frequent depositor ng NBA.
Lawrence Espinosa - nagtatrabaho sa SSS. May malaking koneksyon sa pamahalaan.
Gen. Justo Gustavo - pinakamataas sa buong Philippine Army.
Cedric Manual - scientist na ang tanging nais ay magkaroon ng di mapapantayang kapangyarihan.
Mayor Andrew Bistro - mayor ng Nasugbu, Batangas.
Eileen Dumayo - mananahi na sinasabing may kapangyarihan makita ang mangyayari at magpabangon ng patay.

AND THE OTHER CHARACTERS ARE TO FOLLOW...