(Sa NBA)
Police: Lumabas na kayo dyan, you are surrounded.
(lumapag si Captain Nguso, lumapit si Francisco)
Francisco: Captain, inaasahan kita.
CN: E di ikaw mag-captain nguso.
Francisco: Kung pwede lang. Just this time.
CN: Di eh. Magsasaka ka lang, ako faculty.
Francisco: Ha?
CN: Wala. Sige na. (naglakad papuntang pintuan ng bangko)
CN: HOY! Mga holdaper, kung sinuman kayo, pakawalan nyo ang teller na hinostage nyo!
Holdaper: meron kaming mga demands!
Police: Captain, teka, pakinggan natin ang demands nila.
CN: Ako nang bahala. HOY KAYO! Kapal ng mukha nyo, wala kayong karapatang humingi ng demands!
Holdaper: E di sasabog ang utak ng babaeng ito!
CN: Ulol ka pag ginawa mo yan. (binuksan ang pinto ng bangko. Merong 6 na holdaper sa loob isa may hawak na hostage.)
Holdaper 1: Ano Captain Nguso? Laos ka na talaga. Wala ka nang magagawa para matigil pa ang holdapan na ito. Sumunod ka na lang sa demands namin.
CN: Ulol.
(pinagbabaril nila si Captain Nguso pero walang nangyari)
Holdaper 2: sir, wala.
Holdaper 1: Sige, papatayin ko na lang ang babaeng ito dahil di nakontrol ng mga pulis itong Captain Nguso na ito.
(biglang pumasok si Francisco)
Francisco: WAG!
(binaril ng holdaper)
Holdaper 3: Eextra ka pa eh.
CN: Itigil na natin to. ELECTRIC SHOCK!
(sumabog ang electric wirings ng buong bangko. Nabitawan ng hostage taker si Marie, tumakbo si Marie papalabas)
Holdaper 1: TAKAS NA!!!
Holdaper 5: Backdoor!
CN: Uh, (lumabas at tumakbo ng backdoor)
(paglabas ng mga holdaper, naroon ang team ni Col. Cortez.)
David: Nowhere to run. Dakpin na yang mga yan.
(dinakip ng mga sundalo ang mga holdaper at natapos ang holdapan)
David: Captain, I’m so proud of you.
CN: I’m so proud of you too. (pumunta sa media at nagpapicture)
(Sa Campo Reporma)
David: Dala ko na ang thumbprint ni Domingo Lee.
Technician: Scan ko na po. (after ilang segundo) Sir, may nag match po.
David: Sino?
Technician: Holy- sir, di nyo paniniwalaan.
David: Sino nga?
Technician: Sir, blankong identity po ang nakalagay.Wala po sir pangalan. Pero naka-hyper link kay Domingo Lee.
David: Sino nga kaya ang Lee na yan at nasurpass nya ang systems ng pamahalaan…
(Sa Campo Reporma pa rin)
Gen: Ano di talaga kayo magsasalita?
Holdaper 1: Hindi talaga!
Soldier 1: Sir, tumawag na po ang ospital, okay na po ang kalagayan ni Francisco Cosme, daplis lang po ang inabot nya sa may ulo.
Gen: Sige. Kayo, alam nyo ba ang kodigo ni Hammurabi?
Holdaper 2: Ano namang pakialam namin dun?
Gen: Ikaw bumaril di ba?
Holdaper 3: Oo!
(pinaputukan ang holdaper at bumagsak sa kinauupuan)
Gen: Hindi yan patay, pinadaplis ko lang yung bala. Pero sigurado wasak ang tenga nyan. Ano, gusto nyo subukan?
Holdaper 6: HINDI NA PO!! Wala po kaming ideya talaga!
Gen: Sige, ikwento nyo.
Holdaper 1: Di po namin talaga alam. Galing kaming Maynila. Tapos tinanong kami kung gusto namin ng trabaho. Sumama kami. Binigyan kaming baril. Pinasakay kami sa isang truck. Di naman kalakihang truck tapos pagbukas ng truck, ayun, nandito na kami sa bangko. Sinabi sa amin na holdapin namin ang bangko dahil bank holiday. Naka-hostage ang pamilya namin.
Gen: Sino ang nagtanong sa inyo kung gusto nyo ng trabaho?
Holdaper 1: Di po namin siya kilala. Naka itim po siya na polo at shades, grupo sila, di ko sila kilala talaga.
Gen: Walang nakakakilala sa kanya?
Holdaper 1: Magkakasama po kami.
Gen: Di mo ba siya makilala? Maidescribe?
Holdaper 1: Hindi po, pero yung naghatid sa amin na nag drive ng truck maidedescribe ko po.
( sa Maynila)
man on radio (Eugenio): SHOOT TO KILL. That’s an order.
Soldier: Yes sir! Go go go go!
Soldier 2: Sir, negative, wala pong tao. Isang radio lang po yung nandito.
Soldier: Ha? E kanina may nagsalita eh.
Radio (Padre Damaso): It’s me. Naenjoy nyo ba? HAHAHAHAHAHAHAHAHA
ang paboritong libro ni Hudas - bob ong
-
kagabi..bumili ako ng libro ni Bob Ong ang paboritong libro ni Hudas.
Nabasa ko na ren naman tong libro na to siguro mga ilang siglo na ang
nakakaraan. Di ...
13 years ago
No comments:
Post a Comment