Thursday, April 23, 2009

Episode X: Mga Kaguluhan sa Maynila

(sa Telepono)
Eugenio: Sige, love you.
Toni: Love you too. (binaba ang telepono)
(nag-ring muli ang telepono)
man on phone: Lt. Col. Eugenio Galvez?
Eugenio: Speaking.
Man on phone: good. Magbibigay lang ako sayo ng warning tinyente koronel.
Eugenio: Ibaba ko na to, walang sense ang mga sinasabi mo.
Man on phone: Mamayang 1300 HRS, 5 lugar ang pasasabugin ko ng sabay sabay. Pero di ko ibibigay sayo ang idea. Gusto ko gamitin mo ang intelligence unit mo. Mamaya-maya magpapasabog ako ng isang lugar para ipakita sayo na seryoso ako.
Eugenio: Ano bang gusto mo?
Man on phone: Simple lang. Gusto kong magpasabog. Hindi ba halata? (binaba ang telepono)
Eugenio: Shit, prank callers.
(nakarinig ng malakas na pagsabog)
Eugenio: HOLY- Shiiiiiiit. Ano yung sumabog?
Soldier 1: Sir, sumabog po yung katapat nating abandoned building.
(nag-ring uli ang telepono)
Man on phone: see? I’m serious. Meron ka pang 6 hours para pagisipan ang 5 lugar na ito. Tandaan mo, sabay sabay ito.
Eugenio: PIECE OF- (binaba ng kausap ang telepono) SHIT! All units, we are on red alert!

(Sa Campo Reporma)
Gen: Col. Cortez, merong current scene ngayon sa Maynila. 5 lugar ang ineexpect na pasasabugin at 1300 HRS. Ipapadala ko kayo duon at ang buong 6th Infantry Batallion.
David: Sir yes sir!
Gen: Carry on!

(sa XES Faculty)
JR: Major, may tawag ka.
Leon: Hello?
Eugenio: Major San Miguel, kailangan mo pumunta ng Maynila, may terrorism na nangyayari.
Leon: Sino to?
Eugenio: Si Lt. Col. Eugenio Galvez.
Leon: Oh pare, seryoso ka.
Eugenio: Call me, Lt. Col. (binaba ang telepono)
Leon: Need to take a chopper… JR, Anito alis lang ako.
JR: Sige.
(paglabas ni Leon nakasalubong nya si Danilo)
Danilo: Major, nagmamadali ka?
Leon: Oo, red alert sa Maynila.
Danilo: Oh hot damn.

(Sa NBA)
Esther: Lee, dapat gumawa ka ng mas high tech security dito sa bangko natin. Palagi na lang tayong pinapasok ng mga masasamang loob.
Domingo: Yes ma’am.
(pumasok ang isang babaeng mukhang donya sa loob ng bangko at may kasamang 2 tauhan)
Esther: yes ma’am how may I help you?
Babae: Magdedeposito ako.
Esther: May existing account na po ba kayo?
Babae: wala pa.
Esther: Paki-fill up na lang po ang form. Ano po bang pangalan nyo?
Babae: Angelique Holcim.
Esther: Owner po ng Hacienda Holcim?
Angelique: Certainly.
Amy: Ma’am dito po ang new accounts.

(Sa Camp John Hey, Manila)
(pumasok si David at tumayo ang mga tao sa loob ng room, pinaupo uli ito ni David)
David: Ako si Col. David Cortez. Ako ang in-charge sa investigation nitong terorismo at pagbabanta na naganap ngayon sa Maynila.
Eugenio: Pero ako ang tinawagan.
David: even if, Lt. Col. Galvez. Mas mataas ako sayo. Ako ang nilagay dito para alamin at pigilan ang tangkang pagpapasabog ng mga lugar. Wala pa bang leads?
Soldier: Wala pa po sir.
David: Well, Lt. Col, since ikaw ang nakatanggap ng call, kayo ang nasa intelligence ngayon. Paparating ang isa pang officer na si Maj. San Miguel. Siya at ang kanyang team ang ilalagay natin sa investigation division sa naganap na pagsabog sa Suarez Building sa tapat.
Leon: Sir yes sir!
David: Andyan ka na pala. Sa natira, tayo ang magiikot at maglalagay ng checkpoints sa bawat lugar.
Everyone: Sir yes sir!
David: Carry on!
(naglabasan ang mga sundalo at natira si David sa loob ng room, pumasok ang isang lalaking naka tuxedo)
Lalaki: I am Agent Nalnu.
David: Sino ka?
Lloyd: Lloyd Lopez po from NBI. Yung Nalnu po is my alias.
David: Eh anong ginagawa mo dito?
Lloyd: Pinadala po ako ng NBI para imbestigahan ang kasong ito.
David: Ikaw lang ba?
Lloyd: Ako lang po kasi yung walang ginagawa sa agency.
David: Okay, sige, alamin mo na. Go.

No comments:

Cast of Characters

Danilo Montano/ Captain Nguso - ang orihinal na Danilo Montano. Siya pa rin si Captain Nguso. Guro sa isang industrial school.
Maj. Leon San Miguel - commandant ng paaralang pinagsisilbihan ni Danilo Montano. Isa rin siyang sundalo ng Philippine Navy. Miyembro ng samahang Ilustrado.
Col. David Cortez - Taga Philippine Army na kasama ni Leon sa PMA. Isa siya sa mga pinakabatang sundalo ng Army. Miyembro rin ng Ilustrado.
Lt. Col. Eugenio Galvez - kasamahan nila David at Leon sa PMA. Nagsisilbi rin siya sa Navy. Miyembro ng Ilustrado.
Domingo Lee - si Lee Kong King na nagbago ng pagkatao. Di siya nagpakilala bilang Lee Kong King at nagbago ng pangalan bilang Domingo. IT Specialist ng National Bank of Anonas (NBA). Sumama sa samahang Ilustrado.
Lloyd Lopez - NBI Agent. Isa siya sa mga di pinapansin na agent ng NBI dahil hindi magaling.
Jessica Guryon - TV Broadcaster na nais maging presidente ng Pilipinas.
Francisco Cosme - simpleng magsasaka na depositor ng NBA.
Marie Diana Estevez - teller ng NBA.
Amy Marquez - teller rin ng NBA pero sa new accounts.
Esther delos Santos - bank manager ng NBA.
King Ronaldo Canonizado - miyembro ng criminal syndicate na KONVIC. Siya ang laging ginagamit na pang front. Artista siya. Mas kilala bilang Ron Iglesia.
Jerome Manalastas - abogado ng KONVIC. Pangarap maging presidente ng Pilipinas.
Bertucio Pinaglabanan - dating miyembro ng EHS. Pero dahil naghihirap na sila ni Betina, kinakailangan nyang sumideline. Front nya ang pagjajanitor. Siya ang delivery man ng KONVIC.
Vic "AKON" Gonzaga - lider ng KONVIC. Pinagsamang aKON at VIC. Pinapalabas nila na ang kanilang samahang KONVIC ay NGO na tumutulong sa mga mahihirap na nasa probinsya.
Padre Damaso - isang voice over na nilalang na naguutos sa kanyang mga tauhan ng kasamaan. Lider ng samahang "Unity"
The Fox - lider ng samahang Dragons na gumugulo sa katahimikan ng bansa.
Ma. Angelique Holcim - mayamang haciendera sa Batangas. Matalino rin at may koneksyon sa military dahil sa kanyang dating asawa na militar.
Toni Espina - asawa ni Eugenio. Frequent depositor ng NBA.
Lawrence Espinosa - nagtatrabaho sa SSS. May malaking koneksyon sa pamahalaan.
Gen. Justo Gustavo - pinakamataas sa buong Philippine Army.
Cedric Manual - scientist na ang tanging nais ay magkaroon ng di mapapantayang kapangyarihan.
Mayor Andrew Bistro - mayor ng Nasugbu, Batangas.
Eileen Dumayo - mananahi na sinasabing may kapangyarihan makita ang mangyayari at magpabangon ng patay.

AND THE OTHER CHARACTERS ARE TO FOLLOW...