Sunday, April 26, 2009

Episode XII: Isang Pagkakamali

(Sa Maynila)
David: Wala namang kwenta yung sinabi nung witness. Lalaking naka-itim. P****g i**, ilan bang milyong tao ang may itim na damit?
Lloyd: Relax colonel, mahuhuli rin yan.
David: Pinadala ka ba ng NBI para magpa-relax?
Lloyd: Sorry sir. (lumabas uli)
Leon: Col, wala na kaming makuhang leads, wala rin daw nakikita na suspicious sa mga checkpoint areas natin.
David: Kailangan natin ng matibay na leads. 3 oras na lang ang natitira.

(sa IM Towers, Makati)
(lumilipad lipad si Captain Nguso ng may namataan siyang 5 lalaking naka-itim ang nasa rooftop at tila may inaayos. Bumaba siya at nilapitan ang mga ito)
Lalaki 1: Pagkapindot ng main switch, *click* boom! Sabog na to!
Lalaki 2: Pero pano kung magupit tong duplex wire dito?
Lalaki 3: Ayun lang, mauunang magiging abo tong building na to.
CN: Anong abo?
Lalaki 1: Captain Nguso!
(nagbugbugan ang 5 laban kay captain Nguso. Natalo ang 4 at nakatakbo ang isa malapit sa bomba)
Lalaki 5: Sige Captain. Lumapit ka, pasasabugin ko ito.
CN: Sino bang mamamatay? Di naman ako mamamatay. Ikaw rin.
Lalaki 5: ULOL (pinutok ang baril kay CN)
(Nagulat si Captain Nguso sa pagputok ng baril sa kanya. Nakuryente nya ang tao, di sinasadyang nagupit ng tao ang duplex wire sa bomba. Nag countdown ang bomba ng 5 segundo. Tinakbo ni Captain Nguso ang bomba at ibinaba sa kalye. Sumabog ang bomba. Walang naapektuhang tao. Nawasak ang kalye, nagkabasag basag ang mga buildings. Ibinaba ni Captain Nguso ang 5 tao sa kalye at itinali sa poste. Nagkagulo ang buong lugar)

( Sa Camp John Hey)
(nag ring ang telepono)
David: Hello?
Makati Police: Hello, Makati Police to, isang unknown bomb po ang sumabog sa Makati Ave. po, tapat ng IM Tower.
David: Sige pupunta na kami dyan. Salamat. Agent Lloyd, Maj. San Miguel, tara na, Lt. Col. Galvez, ikaw muna bahala dito.

(Sa tapat ng IM Tower)
David: Salamat talaga sayo Captain Nguso, kung hindi dahil sayo, almost 300 tao ang mamatay. Sige, Maj. San Miguel, ipasok na ang mga taong ito para iinquest.
CN: Walang anuman Colonel. Trabaho ko ang panatilihin ang katahimikan ng mundo.
David: Isang malaking lead ang iniwan nyo.
CN: Ano bang nangyayari?
David: Meron kasing nag threat kanina kay Lt. Col. Galvez na magpapasabog ng 5 lugar ng sabay sabay mamayang 1 pm. Wala kaming idea kung sino ang mga suspect.
CN: Ganun ba? Sige, tutulong ako.
David: Salamat talaga Captain Nguso.

(Camp John Hey)

Lloyd: Major, ayaw talaga magsalita.
Leon: Hindi ka ba marunong magpa-amin ng tao? Like torture.
Lloyd: Di ako nangtotorture ng ibang tao, sarili ko lang tinotorture ko.
Leon: (ulol pala to eh)
Lloyd: Ano pano to?
(pinaputukan ni Leon isa isa ang paa ng mga taong nakaitim)
Leon: Wala pa rin magsasalita?
(kinuryente sila)
Man 1: Magsasalita na ako!
Man 3: psst! Wag!
(binaril ni Leon ang lalaki, bagsak ang lalaki)
Leon: Di pa rin kayo magsasalita?!?!
Man 1: Magsasalita na akO!!!!
Leon: Go!
Man 1: Wala kaming idea sa mukha ng pinagtatrabahuhan namin. Kumukuha kami ng utos mula sa isang taong nagsasalita sa radyo. Ang pangalan nya ay “Padre Damaso” Di namin siya kilala. Inutusan nya kaming magtanim ng bomba sa iba’t ibang locations.
Leon: Saan ang mga locations?
Man 1: Hindi ko po alam, isa-isa kaming pinatawag per team.
Man 4: Ako, alam ko.
Leon: saan?
Man 4: F**k me first.
(kinuryente ang ****)
Man 4: ITO NA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Leon: SAAN???
Man 4: Isa sa IM Tower, isa sa Lenten Tower sa Paranaque, isa sa St. Mary’s Chapel sa Muntinlupa, ang isa sa University of Katipunan, at ang panghuli sa Jollyburat Mendiola.
Leon: Good. Sabihin agad kay David.
Lloyd: Nice. Galing.
Leon: Sabihin mo na!

No comments:

Cast of Characters

Danilo Montano/ Captain Nguso - ang orihinal na Danilo Montano. Siya pa rin si Captain Nguso. Guro sa isang industrial school.
Maj. Leon San Miguel - commandant ng paaralang pinagsisilbihan ni Danilo Montano. Isa rin siyang sundalo ng Philippine Navy. Miyembro ng samahang Ilustrado.
Col. David Cortez - Taga Philippine Army na kasama ni Leon sa PMA. Isa siya sa mga pinakabatang sundalo ng Army. Miyembro rin ng Ilustrado.
Lt. Col. Eugenio Galvez - kasamahan nila David at Leon sa PMA. Nagsisilbi rin siya sa Navy. Miyembro ng Ilustrado.
Domingo Lee - si Lee Kong King na nagbago ng pagkatao. Di siya nagpakilala bilang Lee Kong King at nagbago ng pangalan bilang Domingo. IT Specialist ng National Bank of Anonas (NBA). Sumama sa samahang Ilustrado.
Lloyd Lopez - NBI Agent. Isa siya sa mga di pinapansin na agent ng NBI dahil hindi magaling.
Jessica Guryon - TV Broadcaster na nais maging presidente ng Pilipinas.
Francisco Cosme - simpleng magsasaka na depositor ng NBA.
Marie Diana Estevez - teller ng NBA.
Amy Marquez - teller rin ng NBA pero sa new accounts.
Esther delos Santos - bank manager ng NBA.
King Ronaldo Canonizado - miyembro ng criminal syndicate na KONVIC. Siya ang laging ginagamit na pang front. Artista siya. Mas kilala bilang Ron Iglesia.
Jerome Manalastas - abogado ng KONVIC. Pangarap maging presidente ng Pilipinas.
Bertucio Pinaglabanan - dating miyembro ng EHS. Pero dahil naghihirap na sila ni Betina, kinakailangan nyang sumideline. Front nya ang pagjajanitor. Siya ang delivery man ng KONVIC.
Vic "AKON" Gonzaga - lider ng KONVIC. Pinagsamang aKON at VIC. Pinapalabas nila na ang kanilang samahang KONVIC ay NGO na tumutulong sa mga mahihirap na nasa probinsya.
Padre Damaso - isang voice over na nilalang na naguutos sa kanyang mga tauhan ng kasamaan. Lider ng samahang "Unity"
The Fox - lider ng samahang Dragons na gumugulo sa katahimikan ng bansa.
Ma. Angelique Holcim - mayamang haciendera sa Batangas. Matalino rin at may koneksyon sa military dahil sa kanyang dating asawa na militar.
Toni Espina - asawa ni Eugenio. Frequent depositor ng NBA.
Lawrence Espinosa - nagtatrabaho sa SSS. May malaking koneksyon sa pamahalaan.
Gen. Justo Gustavo - pinakamataas sa buong Philippine Army.
Cedric Manual - scientist na ang tanging nais ay magkaroon ng di mapapantayang kapangyarihan.
Mayor Andrew Bistro - mayor ng Nasugbu, Batangas.
Eileen Dumayo - mananahi na sinasabing may kapangyarihan makita ang mangyayari at magpabangon ng patay.

AND THE OTHER CHARACTERS ARE TO FOLLOW...