Wednesday, April 8, 2009

Episode I: Back at One

(Ilang taon din ang lumipas matapos ang digmaan sa pagitan ng EHS at ng FUCK. Di na rin nagtagal ang EHS. Matapos ang pagkamatay ni Pedro Santiago at ang pagkawala ni Juan Salvador, nabuwag na ang ilan pang natitirang EHS. Hindi na rin alam kung saan sila pumunta ngayon. Si Danilo Montano naman ay isinuko ang kanyang loomex wire. Umayaw na siya at namuhay bilang simpleng mamamayan. Nawala na rin siya sa sirkulasyon. Si Danilo Montano Sr. muli ang may hawak ng loomex wire. Ngunit itinago muna nya ito sa isang baul kung saan naroon din ang mga luma nyang inhalers para sa hika.)


Marie Diana Estevez: Goodmorning sir!
(di nagsalita ang pinakamaitim na miyembro ng grupo, inilagay ang duffel bag sa harap ng teller.)
Marie: This way po sir.
(tinuro ang mga lalaki sa isang cubicle. Isang babae ang nakaupo dito.)
Esther delos Santos: Mr. Gonzaga! Mag-dedeposit pala kayo, di nyo agad sina-
(naputol ang pagsasalita ng isang grupo ng mga naka-itim ding jacket pero naka-bonnet ang nagpaputok ng baril.)
Man in Bonnet 1: HOLDAP TO! WALANG KIKILOS!
Man in Bonnet 2: Pare, ano?
Man in Bonnet 1: Anong ano? Tanga ka ba? ASAN YUNG VAULT? SINONG MANAGER DITO?
Man in Bonnet 3: Miss, wag mo na pindutin ang alarm, sinira na namin yan bago ka pa makapagsumbong.
(pinalo ng isang lalaking naka bonnet si Vic pati ang isang kasama niya. Bagsak ang dalawa. Lalong kinabahan si Esther na nasa tapat lang mismo ng bumagsak na Vic.)
Man in Bonnet 1: Ikaw yung manager? Asan yung vault? **** ***, pasasabugin ko utak nito! (sabay tutok sa bagsak na Vic.)
Esther: Di-dito.
Man in Bonnet 4: walang kikilos!
Man in Bonnet 3: hoy! disarmahan mo na sila!
Man in Bonnet 2: Eh kung samahan mo kaya ako! Kanina pa ako nagtatrabaho eh!
Man in Bonnet 5,6: Labas ang cellphone, mga kung ano ano, kapag kami pa nakakita nyan sasabog utak nyo.
Col. David Cortez: di rin.
Man in Bonnet 3: sino ka ba? Epal ka rin no! (tinutukan ng baril)
Col. David Cortez: Di naman totoo yan eh.
Man in Bonnet 4: Anak ng-
Man in Bonnet 3: Anong gusto mong patunayan?
David: Di totoo baril mo, yun yung gusto kong sabihin. Isa lang yung totoo, yung dala nung kasama nung manager. Kayo, mga laruan lang yan eh.
Man in Bonnet 2: Yabang mo- (tinutok ang baril)
David: Putok mo, wala naman yan eh. (sabay dukot ng baril at pinaputukan sa paa ang isang naka bonnet.)
(Lumabas ang may dalang tunay na baril. Tinutok agad kay David)
Man in Bonnet 1: Psst! Oi, kaw muna sa vault.
David: Mabagal ka. (pinutok ang baril at tinamaan ang kamay, nabitawan nya ang baril. Tumawag na agad ng pulis para rumisponde.)

BALITANG BARYO

ASAN NA SI CAPTAIN NGUSO?

Maj. Leon San Miguel: Wala na talaga si Captain Nguso.
Anito Spain: oo nga eh, paano na ang mundo?
JR Magsalin: di bale sana kung merong mga vigilante na umuubos sa mga yan.
Anito: e mas marami pang masama eh.
Leon: Sana may EHS pa.
Anito: Meron din namang masamang tangka ang EHS eh, balak talaga nila pamunuan ang Pilipinas.
JR: Pero naging maganda ang ekonomiya ng Pilipinas ng pamunuan ito ni Juan Salvador.
Anito: Ewan ko.
Leon: Pero sino naman kayang bubuo ng grupo pa para lang gawin yun, grupo ng mga mayayaman ang EHS eh.
JR: Yun lang. Logic.
Anito: Ha?
JR: Baka pwede gumawa ng alternatives.
Leon: Ewan, sige na, may training pa maya maya eh.
Anito: O sige, matutulog muna ako.
JR: O, Danilo, kanina ka pa tahimik na nakatunganga dyan ah.
Danilo Montano: Ha? Ah-eh, dami ko kasing iniisip, marami kasi pwidi bumagsak eh.
JR: Di talaga mawawala yan.
Danilo: Tingin mo kailangan pa ng mundo si Captain Nguso?
JR: Tingin ko hindi na.
Danilo: Bakit naman?
JR: Wala rin naman siyang kwenta eh. Oo, dati, may sense siya. Yung mga laban nila ni Vitruvius. Pero nung namatay siya, tapos nabuhay uli, wala nang sense eh. MInsan na lang nagpapakita si Captain. Tapos ngayon, wala nanaman.
Danilo: Pero kung babalik siya gugustuhin mo pa?
JR: Di na.
Danilo: Bakit?
JR: Mas maganda kung yung mga lalaban sa kasamaan eh mga tao na lang rin at hindi na sya. Di rin naman siya nakakadulot ng kabutihan na eh.
Danilo: (awts) Ah (hinihika)
JR: Sige na, may klase pa ako eh..

(Sa KONVIC Office)
Media: Sir, kamusta na po kayo matapos ang hold-up scene na naganap sa NBA?
Vic Gonzaga: ayos naman. Medyo masaya ako ng malungkot sa pangyayari.
Media: Bakit po sir?
Vic: Malungkot kasi siyempre di masawata ang mga yan. Masaya una dahil di naman natuloy ang hold-up though nakatakas ang mga holdaper matapos nilang paluin ng baril si Col. Saka isa pa, mapapatunayan na hindi KONVIC ang dahilan ng mga holdapan dito.

(Sa Ospital)
Gen. Justo Gustavo: Oh, kamusta na David?
David: Okay lang po sir.
Gen: You did right. Nahuli yung dalawang pinaputukan mo sa paa. Di pa nahuhuli yung lider eh.
David: ah...
Gen: Nagpapasalamat nga pala sayo ang National Bank of Anonas. Binigyan ka na nila ng account sa kanila.
David: ah...
Gen: o sige, di muna kita guguluhin. Iiwanan na muna kita.
David: May media po ba sa labas?
Gen: Meron.
David: Papapasukin ko po yung isa.
Gen: Bakit pa?
David: Hindi mahuhuli ng pulisya yan. Gusto ko media ang makaalam.
Gen: Sure. Sige.
David: Saka isa sa mga teller din po ng NBA.
Gen: Wala sila dito.
David: Tatawag na lang po ako sir.
Gen: Sige, ako na bahala. Teka, bakit pati yung teller?
David: May itatanong lang po ako sir.

No comments:

Cast of Characters

Danilo Montano/ Captain Nguso - ang orihinal na Danilo Montano. Siya pa rin si Captain Nguso. Guro sa isang industrial school.
Maj. Leon San Miguel - commandant ng paaralang pinagsisilbihan ni Danilo Montano. Isa rin siyang sundalo ng Philippine Navy. Miyembro ng samahang Ilustrado.
Col. David Cortez - Taga Philippine Army na kasama ni Leon sa PMA. Isa siya sa mga pinakabatang sundalo ng Army. Miyembro rin ng Ilustrado.
Lt. Col. Eugenio Galvez - kasamahan nila David at Leon sa PMA. Nagsisilbi rin siya sa Navy. Miyembro ng Ilustrado.
Domingo Lee - si Lee Kong King na nagbago ng pagkatao. Di siya nagpakilala bilang Lee Kong King at nagbago ng pangalan bilang Domingo. IT Specialist ng National Bank of Anonas (NBA). Sumama sa samahang Ilustrado.
Lloyd Lopez - NBI Agent. Isa siya sa mga di pinapansin na agent ng NBI dahil hindi magaling.
Jessica Guryon - TV Broadcaster na nais maging presidente ng Pilipinas.
Francisco Cosme - simpleng magsasaka na depositor ng NBA.
Marie Diana Estevez - teller ng NBA.
Amy Marquez - teller rin ng NBA pero sa new accounts.
Esther delos Santos - bank manager ng NBA.
King Ronaldo Canonizado - miyembro ng criminal syndicate na KONVIC. Siya ang laging ginagamit na pang front. Artista siya. Mas kilala bilang Ron Iglesia.
Jerome Manalastas - abogado ng KONVIC. Pangarap maging presidente ng Pilipinas.
Bertucio Pinaglabanan - dating miyembro ng EHS. Pero dahil naghihirap na sila ni Betina, kinakailangan nyang sumideline. Front nya ang pagjajanitor. Siya ang delivery man ng KONVIC.
Vic "AKON" Gonzaga - lider ng KONVIC. Pinagsamang aKON at VIC. Pinapalabas nila na ang kanilang samahang KONVIC ay NGO na tumutulong sa mga mahihirap na nasa probinsya.
Padre Damaso - isang voice over na nilalang na naguutos sa kanyang mga tauhan ng kasamaan. Lider ng samahang "Unity"
The Fox - lider ng samahang Dragons na gumugulo sa katahimikan ng bansa.
Ma. Angelique Holcim - mayamang haciendera sa Batangas. Matalino rin at may koneksyon sa military dahil sa kanyang dating asawa na militar.
Toni Espina - asawa ni Eugenio. Frequent depositor ng NBA.
Lawrence Espinosa - nagtatrabaho sa SSS. May malaking koneksyon sa pamahalaan.
Gen. Justo Gustavo - pinakamataas sa buong Philippine Army.
Cedric Manual - scientist na ang tanging nais ay magkaroon ng di mapapantayang kapangyarihan.
Mayor Andrew Bistro - mayor ng Nasugbu, Batangas.
Eileen Dumayo - mananahi na sinasabing may kapangyarihan makita ang mangyayari at magpabangon ng patay.

AND THE OTHER CHARACTERS ARE TO FOLLOW...