Thursday, April 23, 2009

Episode XI: Unang Matinding Misyon

Eugenio: Col. Cortez, yung boses po na kausap ko sa phone at boses nung nasa radio ng iraid namin ang isang warehouse ay iisa.
David: It means iisa lang ang may kagagawan ng lahat ng kaguluhan nito?
Leon: Maj. San Miguel reporting for duty sir!
David: Oh, ano yun?
Leon: Sir, ang ginamit po nilang bomba ay C4.1, isang rare na uri ng bomba na nakita ko sa exhibit sa Batangas.
David: At sino ang nagexhibit nito?
Leon: Ang sira-ulong si Cedric Manual.
David: Ang mad-scientist? Ibig sabihin may connection ang terorista dito. Tawagan ang Batangas Police at ipadakip agad ang Cedric na yan.
Leon: Sir, yes sir!

(Sa Batangas)
Cedric: Bakit nyo ako hinuhuli?
Police: Di po namin kayo hinuhuli, iniimbitihan po namin kayo.
Cedric: Saan?
Police: Ah, eh, sa Science Fair.
Cedric: O? saan? Takbo na tayo!
(tumakbo silang lahat patungo sa police station)
Cedric: Eh wala namang fair dito ah.
Police: Isang tanong, isang sagot. Sino ang pinagbentahan mo ng C4.1?
Cedric: Isa lang yun eh. Di ko kilala sa pangalan.
Police: Paano naganap ang trade?
Cedric: May tumawag po sa akin. Inalok ako ng malaking halaga kapalit ang pagpoprodyus ko ng 7 pirasong C4.1 bombs. Dumating ang pera sa bank account ko at ginawa ko ang mga bomba. Sinabi nila na iwanan ko ang bomba malapit sa Batangas Coliseum. Yun yung mga panahon na nagkakaroon ng holdapan sa NBA.
Police: So wala ka nang ibang idea tungkol sa kanila? Natanggap mo ba ang pera.
Cedric: Oo, natanggap ko ang pera. Saka pano ko sila makikilala eh hanggang boses lang ang usapan namin???
(naririnig nila David ang usapan sa Maynila)
David: It means, nilito nila ang tao. Habang nagaganap ang holdapan sa bangko, nangyayari na ang pagkuha nila sa mga bomba. Matalino itong taong to ah.
(nag ring ang telepono)
David: Hello?
Gen: Hello Col?
David: General. Bakit?
Gen: Ano nang status?
David: Red Alert pa rin po ang alert status. May mga units na po na nakadeploy para magkaroon ng checkpoint sa iba’t ibang lugar lalo na sa mga matatao. Meron din pong mga nagiimbestiga.
Gen: walang leads?
David: Negative po sir. Maliban lang sa pagkakapareho ng boses.
Gen: Sige, inaasahan kita, colonel.
Eugenio: May pinagtataka ako col.
David: Ano yun?
Eugenio: 7 ang inorder na bomba. 5 ang pasasabugin. 1 ang sumabog na. Nasaan yung isa pang bomba?
David: yun ang ipaalam mo sa mga tauhan mo.
Eugenio: Sir yes sir!
(lumabas si Eugenio at pumasok si Lloyd)
David: Lloyd, any leads?
Lloyd: Wala po sir.
David: Eh anong ginagawa mo dito?
Lloyd: titimpla lang ng kape, pahinga muna.
David: what the-? Di ka pa nga nagtatrabaho pahinga na!!!
Lloyd: Sorry sir. (lumabas)

(Sa NBA)
Marie: Darating daw si Mayor Bistro dito?
Domingo: Oo nga raw eh.
Marie: Nice Amy.
Amy: Manahimik ka nga dyan Marie.
Esther: May boyfriend na yan. Wag nyo na guluhin.
Marie: Pero alam mo, parang may something din doon sa colonel eh.
Esther: Ano?
Marie: Bukod sa gwapo siya, may something siya kay Marie.
Domingo: Andyan na si Mayor Bistro.
(pumasok ang mayor, maraming media ang sumunod)
Andrew: No comment please, no comment.
(hinarang ng mga hawi boys ang mga tao at media)
Marie: Magdedeposit po ba kayo mayor?
Andrew: Hindi. Nandito ako para kausapin ang bank manager nyo.
Esther: Ano po iyon mayor?
Andrew: Miss, meron bang account dito sa Vic Gonzaga?
Esther: Sir, I’m afraid masyadong discreet ang tinatanong nyo, pinangangalagaan po namin ang bank secrecy.
Andrew: Ow, sorry miss?
Esther: Esther delos Santos po.
Andrew: Miss delos Santos. Sige, I’ll go to my second reason bakit ako nandito. Gusto ko i-resign nyo si Amy Marquez dito.
Esther: Sir?
Andrew: Hindi na safe ang National Bank of Anonas para magtrabaho pa siya dito. She is worthy to be my secretary.
Amy: Ano?
Andrew: Come on. It’s an offer.
(nag-ring ang telepono)
Marie: Sorry po. Hello?
David: Hello? Si Col. Cortez to, gusto ko sana makausap si Domingo Lee.
Marie: For a while colonel.
(dumating si Lee)
Lee: Hello?
David: Hello, pre, andyan ba si Amy?
Lee: Oo, bakit?
David: Pwede ko ba siya makausap?
Lee: Bakit? Hindi eh. Kausap nya si Mayor.
David: Mayor Andrew Bistro? Shit. Sige.
Lee: Bakit? May problema ba? Magtatapat ka na ba?
David: Hindi. May sasabihin lang ako. Sige na. Bye. (binaba ang telepono)

(sa Camp John Hey)
Eugenio: Sir, gusto po kayo makausap ng hepe po ng Batangas Police.
David: Put him on the line. Hello?
Hepe: Hello. Si P/Supt. Julio Alanus to, ito ba si Col. Cortez?
David: Alanus? Oh my god, pare, coincidence. Si David to!
Hepe: Ui, David! Musta-
David: bakit ka napatawag?
Hepe: Meron kaming witness na hawak ngayon tungkol sa “Voiced-man” na yan.
David: Sige, gusto namin makausap.
Hepe: Si Antonio Linsangan. Teka, tawagin ko lang.

1 comment:

mgrozman said...

Batangas has so many wonderfull view. you should try mabini or
padre garcia in batangas.

Cast of Characters

Danilo Montano/ Captain Nguso - ang orihinal na Danilo Montano. Siya pa rin si Captain Nguso. Guro sa isang industrial school.
Maj. Leon San Miguel - commandant ng paaralang pinagsisilbihan ni Danilo Montano. Isa rin siyang sundalo ng Philippine Navy. Miyembro ng samahang Ilustrado.
Col. David Cortez - Taga Philippine Army na kasama ni Leon sa PMA. Isa siya sa mga pinakabatang sundalo ng Army. Miyembro rin ng Ilustrado.
Lt. Col. Eugenio Galvez - kasamahan nila David at Leon sa PMA. Nagsisilbi rin siya sa Navy. Miyembro ng Ilustrado.
Domingo Lee - si Lee Kong King na nagbago ng pagkatao. Di siya nagpakilala bilang Lee Kong King at nagbago ng pangalan bilang Domingo. IT Specialist ng National Bank of Anonas (NBA). Sumama sa samahang Ilustrado.
Lloyd Lopez - NBI Agent. Isa siya sa mga di pinapansin na agent ng NBI dahil hindi magaling.
Jessica Guryon - TV Broadcaster na nais maging presidente ng Pilipinas.
Francisco Cosme - simpleng magsasaka na depositor ng NBA.
Marie Diana Estevez - teller ng NBA.
Amy Marquez - teller rin ng NBA pero sa new accounts.
Esther delos Santos - bank manager ng NBA.
King Ronaldo Canonizado - miyembro ng criminal syndicate na KONVIC. Siya ang laging ginagamit na pang front. Artista siya. Mas kilala bilang Ron Iglesia.
Jerome Manalastas - abogado ng KONVIC. Pangarap maging presidente ng Pilipinas.
Bertucio Pinaglabanan - dating miyembro ng EHS. Pero dahil naghihirap na sila ni Betina, kinakailangan nyang sumideline. Front nya ang pagjajanitor. Siya ang delivery man ng KONVIC.
Vic "AKON" Gonzaga - lider ng KONVIC. Pinagsamang aKON at VIC. Pinapalabas nila na ang kanilang samahang KONVIC ay NGO na tumutulong sa mga mahihirap na nasa probinsya.
Padre Damaso - isang voice over na nilalang na naguutos sa kanyang mga tauhan ng kasamaan. Lider ng samahang "Unity"
The Fox - lider ng samahang Dragons na gumugulo sa katahimikan ng bansa.
Ma. Angelique Holcim - mayamang haciendera sa Batangas. Matalino rin at may koneksyon sa military dahil sa kanyang dating asawa na militar.
Toni Espina - asawa ni Eugenio. Frequent depositor ng NBA.
Lawrence Espinosa - nagtatrabaho sa SSS. May malaking koneksyon sa pamahalaan.
Gen. Justo Gustavo - pinakamataas sa buong Philippine Army.
Cedric Manual - scientist na ang tanging nais ay magkaroon ng di mapapantayang kapangyarihan.
Mayor Andrew Bistro - mayor ng Nasugbu, Batangas.
Eileen Dumayo - mananahi na sinasabing may kapangyarihan makita ang mangyayari at magpabangon ng patay.

AND THE OTHER CHARACTERS ARE TO FOLLOW...